“Ay oo nga pala, Nurie! Kailan pala gaganapin ang initiation ni Erix? Gusto ko sanang um-attend,” tanong ni Ynggrid na nagpabalik kay Nurie mula sa malalim na pag-iisip.
“He’s still in his rut, so we will be postponing his initiation to next week. Kaya mahuhuli ang initiation ng pack namin na inaprubahan naman ng committee,” sagot ni Nurie.
Si Sabina naman ang natuwa sa sinabing iyong ni Nurie. “So you can come and watch my pack’s initiation, Nurie!” she happily exclaimed.
“Ah so gano’n, Sabina? Si Nurie lang ang iimbitahan mong um-attend? Kalimutan na gano’n?” nakataas ang kilay kay Sabina na singit ni Ynggrid.
Malakas na iningusan naman ni Sabina si Ynggrid. “Kahit naman imbitahan kita, hindi ka pa rin papupuntahin ni tito, ’di ba?” At pinagtaasan rin ni Sabina ang kaibigan.
“Grr! Atribida ka! Hindi pa nga eh, inuusog mo kaagad! Gigil mo rin ako eh,” anas ni Ynggrid at hindi na pinansin ang kaibigan.
Napapalo na lang sa ulo si Nurie dahil sa laging pagbabangayan ng dalawa. At para tuluyan na ring matigil sa pagbabangayan ang mga ito ay sumingit na siya.
“I’ll remember that, Sabina. Pero itatanong ko muna kina mama kung papayagan nila ako. Baka kasi isama nila ako sa Eagle-Eyed Pack para manood ng initiation rites ni Arnoux.”
Sabay-sabay na nahinto ang magkakaibigan. Natigilan si Nurie samantalang napatingin sa kanya sina Sabina at Ynggrid. Pero agad ring natauhan si Nurie na muling ipinagpatuloy ang ginagawang paglalatag ng mga gagamitin niya para sa susunod na subject.
“What did you say, Nurie? You mean, iyong Arnoux na sinasabi mong future mate mo ay kabilang sa Eagle-Eyed Pack? At hindi lang basta kabilang dahil talagang ang susunod pang alpha!” Ynggrid exasperatedly exclaimed.
Nanlalaki naman ang mga matang agad na tinakpan ni Nurie ang matabil na bibig ng kaibigan at napatingin sa paligid. May ilang mga kaklaseng nagtatakang nakatingin sa kanila, at ang iba nama’y mabilis na nagbawi ng tingin.
“What the fudge, Ynggrid? You’re so loud!” Parang nanggigigil na pinandilatan ng tingin ni Nurie si Ynggrid, habang nakatakip pa rin ang kamay sa bibig ng kaibigan.
Mabilis na itinaas ni Ynggrid ang kanyang kamay na naka-peace sign. Mahinang natawa naman si Sabina kaya pareho niyang pinandilatan ang mga ito at kalmadong napasandal sa upuan. Tapos na kasi siyang mag-ayos.
“Kailan mo nalaman ang tungkol sa pack ng future mate mo, Nurie? This is the first time we had heard you mentioned a pack,” kuryosong tanong ni Sabina na hindi na itinuloy ang ginagawa at nakatingin na lang sa kanya.
“I do have the same expression when I just learned about it from papa a while ago. After nila akong sabihan tungkol sa pag-move ng initiation ng pack next week, they told me about their visit to Eagle-Eyed Pack. Inaya nila ako, and I was about to decline when they said that maybe it was time for me to meet my fiance and be there on his initiation. Kung nakita niyo lang siguro ang nakakatawang mukha ko noon, you would tease for years because of that,” mahabang kuwento ni Nurie na sinabayan niya pa ng mabagal na pag-iling.
Tinawanan agad siya ni Ynggrid. “Na-curious tuloy ako bigla. Parang gusto kong makita,” pang-aasar niya pa.
Inirapan lang ni Nurie ang kaibigan na alam niyang binibiro lang siya. Nagpatuloy na lang si Nurie sa pagkukuwento.
“I asked papa and mama, para masigurong tama ako ng pagkakarinig, pero na-disappoint lang ako ng tumango ulit sila. Nang tinanong ko kung bakit hindi nila agad sa ’kin sinabi, they said they thought they already told me about it,” Nurie ended with a bitter smile.
Pabagsak siyang napahiga sa lamesa habang nakaunan sa mga kamay. Ito rin talaga ang dahilan kung bakit parang wala talaga siya sa mood sa araw na ito. Para kasing nalaman niya ang isang napakalaking rebelasyon na mas nagpagulat pa sa kanya kumpara sa gulat niya noong nalaman niyang mayroon na siya future mate.
“Oh my gosh, Nurie! All this time! Bakit nga ba hindi natin kaagad naisip iyon?” hindi makapaniwalang untag ni Sabina. “Paano nga namang magkakaroon ng ibang Arnoux maliban sa alphang iyon!” dagdag pa niya na muling nagpaalala sa problemang pilit na kinakalimutan ni Nurie.
Wala sa sariling naipikit na lang ni Nurie ang mga mata. Katulad ng tanong na iyon ni Sabina ay muling naitanong iyon ni Nurie sa sarili. Bakit nga naman naisip niya na mayroong ibang Arnoux sa school.
Katulad nga ng sinabi ni Nurie, wala siyang kaide-ideya kung saang pack galing ang mate niyang si Arnoux. At maliban sa pangalang iyon ay wala na ring alam pa si Nurie tungkol sa future mate niyang iyon.
Noong una, natatakot si Nurie kaya hindi siya nagtatanong sa mga magulang tungkol sa mate niya. Natatakot kasi siya na baka mauwi ang pagiging curious niya sa lalaki sa interest na mapupuntang attraction. Hanggang sa hindi na niya mapigilan ang sariling magtanong nang magtanong ng tungkol kay Arnoux mula sa kanyang mga magulang.
She knew where that would end, and that was a very big no to Nurie. Dahil ayaw niyang sa simpleng curiosity niya ay mauwi sa love na ang tanging kababagsakan lang ay pain at heartbreak.
And now that she had an idea of who her mate is, wala sa sariling napatango si Nurie. She nodded because she knew she had made the correct decision. Because knowing Arnoux Kaze Yaeger, that Alpha Arnoux, Nurie really made the right decision.
“No way! Nurie! Bakit naman ang malas mo?” natatawang tukso sa kanya ni Ynggrid na tinutusok-tusok pa siya sa kanyang tagiliran.
Naiinis na pinalo ni Nurie ang kamay ng kaibigan at napaayos ng pagkakaupo. Isang masamang tingin ang ipinukol niya sa kaibigan bago napairap at muling napaub-ob sa lamesa.
“I’m really unlucky,” naiiyak na sambit niya.
Natatawang dinamayan naman siya ng mga kaibigan na hindi na siya pinagtatanong pa. Alam din naman ng mga ito ang malaking problema ngayon na dinadala ni Nurie. At tanging ang kanilang pilit na simpatya na lang ang maiaambag nila sa kaibigan.
Kahit ang pagdating ng kanilang guro para sa susunod na asignatura ay hindi na nabigyang pansin pa ni Nurie. Muli na naman kasi siyang nalubog sa kaiisip tungkol sa mga nalaman niya. Kung hindi lang siguro pinaalala sa kanya ni Ynggrid ang tungkol sa natuklasan niya ay hindi siguro siya magkakaganoon.
Kanina kasing pagpunta niya sa school at mula pa noong marinig niya ang tungkol sa pagiging anak ng current alpha ng Eagle-Eyed Pack ang Arnoux na siyang future mate niya ay tuluyan na nga siyang nilamon ng mga isipin niya.
Kahit kailan kasi ay hindi niya naisip na maaaring ang Arnoux na pakakasalan niya ay ang Arnoux rin na kinamumuhian niya.
Sikat kasi sa school si Arnoux ng Eagle-Eyed Pack. Isa na rin siguro sa dahilan kung bakit sikat siya ay dahil mismo sa pack na kinabibilangan niya. Dumagdag na lang ang ibang katangian niya.
Sa buong Heathersthorn City kasi ay mayroong pitong naglalakihang pack ang nangunguna. Nangunguna na ang pack na pinanggalingan ni Mr. Augery na Night Shadow Pack. Sumunod naman ay ang Eagle-Eyed Pack na pinakamalaking pack sa buong city. Pangatlo ay ang pack nina Sabina, ang Golden Ridge Pack na hindi nalalayo ang laki at lakas sa Eagle-Eyed Pack. Sumunod naman ang Embris pack nina Nurie na katulad ng Night Shadow Pack ay maliit lang kumpara sa mga nabanggit sa taas ang bilang ng mga miyembro.
At panghuli naman ang Moonlight Catcher Pack na sinasabi ring isa ring legendary pack na nabuo bago pa man maubos ang pure blooded wolves. Pero hindi katulad ng Night Shadow Pack kung saan karamihan ng bilang nila ay may halong pure blood, tanging ang pamilya Bartelle at Solace na lang ang natitirang may halong pure blood sa kanila.
At mula sa limang pack na nabanggit, apat na naglalakihan at malalakas na pack mula doon ay nabuo ang grupong A4. A4 dahil sa binubuo sila ng apat na alpha at mga susunod na pack leader ng kani-kanilang pack. Since si Nurie lang naman ang anak ng pack leader nila ay hindi kasama ang Embris Pack sa apat na iyon.
Maliban sa pagiging susunod na pack leader ng apat na miyembro ng A4 ay talaga namang hindi maitatanggi ang kahanga-hangang katangian ng apat. They were all dominating alphas who were not only domineering in names but with looks and characters too.
At isa na sa apat na iyon ay si Arnoux Kaze Yaeger, ang future mate nga ni Nurie. What makes Nurie disappointed and saddened after knowing that her mate is the same Arnoux of A4 is the same reason that these groups of alphas are famous for.
Between the four alpha, si Arnoux kasi ang pinaka-leader sa apat. Not in a way of strength and power, but with dominance and arrogance.
Hindi naman kasi sumikat ang A4 dahil sa mga nabanggit na katangian kanina. Nakilala silang apat dahil sa kung paano nila ipakita ang pagiging dominante nila bilang mga alpha-dom. And Arnoux, as the most dominant, arrogant, antipathetic, egotistic, and chauvinist of the other three.
Kilala siya na mababa ang tingin sa mga babae, lalo na sa mga omega. He saw omegas as filthy creatures who leeched alphas like him for a living. Na para bang mabubuhay lang ang mga omega kapag may alpha silang maaakit.
Because Arnoux is very opposed to omegas and everything about omegas. Parang mga plague kung layuan niya ang mga omega, and even if he never showed his disgust in front of an omega, anyone with discerning eyes could read it from his eyes. Hindi man niya harap-harapang itaboy ang mga omega na lumalapit sa kanya, makikita pa rin sa paraan kung paano niya tingnan ang mga ito na nandidiri siya sa mga omega.
The reason why Nurie hates the man the most. How the man showed hate and disgust towards the omegas and how he looked down on their race.
Unang kita niya pa lang kay Arnoux, kahit pa nga hindi naman siya iyong pinahiya ng lalaki sa harap ng maraming tao, agad na nakaramdam si Nurie ng matinding poot para sa lalaki. That’s why she had never wanted to meet him or anything. Dahil alam niyang hindi niya mapipigilan ang sariling atakihin ang lalaki sa oras na siya na mismo ang tamaan ng mga matang iyon.
“And now, how unfortunate . . .” Nurie whispered while playing with her pen with her fingers.
Hindi alam ni Nurie na ang bulong niyang iyon ay narinig ng dalawang kaibigan sa magkabilang tabi. Sabay itong napatingin sa kanya ng may pag-aalala. Seeing that they both looked at Nurie, Sabina and Ynggrid looked at each other before sighing together and staring straight at the board again, listening to the teacher.
“DYNAMICS. Anyone who has an idea about secondary gender dynamics?” bungad na tanong ni Teacher Mandy.
Katatapos lang ng class introduction kung saan isa-isang nagpakilala ang mga estudyante at ngayon nga ay nagsimula na rin ang klase. Wala kasi kahapon ng orientation si Teacher Mandy kaya naman ngayon lang nagpakilala ang Senior A class sa subject na ito. Para namang nagmamadali at may hinahabol si Teacher Mandy dahil matapos magpakilala ng huling estudyante ay maiksi lang din siyang nagpakilala bilang teacher sa Dynamics na subject.
Ito na rin ang huling subject nila para sa araw na ito. Kaya naman para maiwasan ang antok at pagod mula sa halos kalahating araw na pasok ay ginamit na energizer ni Teacher Mandy ang delayed nilang class introduction. Syempre, hindi lang naman niya ni-require na magpakilala lang ang mga ito. Para maiba ay pinatayo niya sa harapan ang tatlong estudyanteng mag-seatmates para ipakilala ang isa’t isa. Mukha namang helpful dahil halatang nag-enjoy naman ang mga ito.
Naghintay ng ilang segundo si Teacher Mandy at nang wala talagang nagtaas ng kamay ay tumalikod na siya at muling hinarap ang presentation niya.
“Since we only have half an hour for discussion, then I will just go and introduce to you all what secondary gender dynamics is. Since I have no idea what lesson or topic I will finish in this meeting, I won’t accept any questions for now. Serve them at our next meeting as a review na rin before we continue where we had finished.”
Pagkapindot ni Teacher Mandy ng controller, ang kaninang title slide na naka-flash ay napalitan ng susunod na slide. Kung saan isang maiksing paliwanag lang tungkol sa dynamics ang nakalagay.
“Since our subject is about the dynamics of the second gender, let’s define what is dynamics first. So dynamics is about the body changes and how it grows and develops. That’s a generalised description. But if we’re gonna talk about the dynamics of secondary genders, then dynamics could be summarised into one word. In secondary gender, we have dynamics in a form of hormones that are different from other creatures. And these hormones can be transmitted into different forms such as our instincts. They say that instincts control our dynamics or our hormones. But in truth, it was really our dynamics who controlled our instincts. Everything about us, shifters, from our instincts, to our heats and ruts, it was controlled by our dynamics. Even our minds could be controlled by these dynamics.”
At dahil nakaharap na sa kanila si Teacher Mandy, kitang-kita tuloy ng lahat ang mapait na ngiti sa kanyang mga labi. Mabilis na napaiwas ito ng tingin at nagpatuloy.
“Although that was a harsh and saddening truth, it is a fact we cannot reject, just like how we cannot refuse the person that we are fatefully mated to. Anyway, as I was saying, that’s how powerful our dynamics are. So never try to control it and reject the feeling once you feel it. Although it was harsh to be controlled like that, actually, feeling all those types of dynamic effects is quite satisfying. And I could tell that you will feel what I was saying soon now that you’re all senior students.”
Muling humarap si Teacher Mandy sa kanyang mga estudyante. Isa-isa niya itong tiningnan bago nakangiting nagtawag ng dalawang estudyante mula sa first row at pinatayo. Isang babae mula sa unang table at isang lalaki naman mula sa pangatlong table ang agad na tumayo.
“Mr. Gunner is an alpha-dom, right? While Ms. Cannery is an omega-sub,” Teacher Mandy asked the two standing students, who nodded together.
“Thank you, you two. Please take your seats again. I just had this hobby of mine na bigla-bigla na lang manghuhula ng kanilang secondary sub-characters. Anyway, the reason why I did that is because the first and the most important dynamics that you should know is your sub-characters and their traits. We only have two sub-characters and that was already explained in your orientation. Now, what I will discuss with you today is the deeper explanation of these sub-characteristics.” At muling hinarap ni Teacher Mandy ang presentation.
“One of the dynamics of -subs and -doms are based on their strength and dominance. Just like Mr. Augery describe it on the orientation, -doms have the desire to dominate a weaker gender. While -subs were prone to submission but not to just any -dom or anyone. Same as the doms, they wanted to dominate but their domination will be different according to the person they wanted to dominate. Here, each dynamic or hormone will react differently only when the person they are facing is their mate. So if a -dom alpha wants to dominate, the effect will differ. If the alpha wanted to dominate another alpha, they will release a strong sense of danger which is their way of showing dominance over the same gender. This was called Glare, in which the alpha-dom showed his presence with intensity like glaring but not literally needed to glare at everyone. This glare will also be felt by other genders and sub-characters but the effect will be greater and different to those who had a -sub sub-characteristics. Because if an alpha-dom or any -dom who aren’t mated yet and tried releasing their glare to -subs, it was like they are looking for some -subs to play and dominate. That is why glares are prohibited to used in public areas. There’s a rule and law about that but we will not discussed about it yet.”
“These glares are only one of the other dynamics that are played by those sub-characteristics with each other. A little information about its history, the dynamics of pure blooded wolves before is not very far from our secondary dynamics. Only in the sense of its meaning, since dynamics should be an intimate connection towards a mated couple. But for the pure blooded wolves, these dynamics had no specific terms, just like the glare. Before, glares for pure blooded wolves were in a type of pheromones showing dominance. They would release different types of pheromones which had one effect and that is to show domination. This will also be explained to you by your Instincts teacher. I hope you won’t tell Teacher Ran about it,” pagbibiro ni Teacher Mandy na nagpatawa naman sa lahat.
“To summarise what I said, glare, which is one of the -dom dynamics, is a type of showing strength and power to other -dom while it is an intimate act when it comes to -subs. Glare if used with -subs or any s*xual partner will be called a command. And commands are just like their literal meaning, but should only speak with their partners. Aside from glare, there are other dynamics of sub-characteristics that can only be done privately with their mates or partners. Such as plays and the other commands. And that is what we will discuss more.”
And the class discussion continued until the very last seconds of the allotted time. Thirty minutes is too short for discussing the whole topic, pero sapat na ang kalahating oras na iyon para madagdagan ang kaalaman ng mga estudyante tungkol sa secondary dynamics. Pagod man dahil sa sunod-sunod na mga klase ay napuno naman ng panibagong kaalaman ang lahat hanggang sa pag-uwi nila sa kani-kanilang bahay.