Puro kalansing ng mga kubyertos na tumatama sa babasaging plato ang maririnig sa loob ng hapagkainan ng pamilya Yaeger. Alas sais pa lang ng umaga pero nakaupo na ang buong pamilya sa harap ng lamesa habang isa-isang inihahanda ng mga katulong ang kakainin nila. Samantalang nakaupo lang ang tatlo sa kani-kanilang upuan, naghihintay na matapos ang mga ito.
Maagang almusal iyon kumpara sa madalas na oras ng kain nila sa umaga. Pero kahit na ganoon ay makikita pa rin ang sigla sa kanilang mga mata lalo na ng magsimula na silang sumandok ng pagkain sa mga plato nila.
“Ahm, excuse me po, Mr. Yaeger?”
Seryoso ang mukhang napaangat ng tingin si Rhyan Yaeger, ang ama sa pamilya at tumatayong pinuno ng Eagle-Eyed Pack nila. Bumaba ang tingin niya sa hawak na telepono ng katulong.
“Gusto raw po kayong makausap ni Mr. Agassi ng Embris Pack, sir,” magalang na paliwanag ng katulong kahit pa nga hindi pa nito naririnig na magsaluta ang amo.
Tanging pagkunot ng noo ang ginawa ni Rhyan bago tuluyang ibinaba ang hawak na kubyertos. Pagkatapos ay iniabot naman sa kanya ng katulong ang hawak na telepono bago tahimik na umatras.
“Azure,” ang malalim na boses ni Rhyan na bungad niya pagkatapat ng telepono sa tainga niya.
“Rhyan. Pasensya na kung bigla akong napatawag sa ‘yo ng gan’to kaaga. I hope hindi ako naka-istorbo,” tinig naman ni Azure mula sa kabilang linya.
“Not at all. Kasisimula pa lang din naming mag-almusal. Bakit ka nga pala napatawag ng maaga? Are you on your way here?”
Napakunot lalo ang noo ni Rhyan ng marinig ang malakas na buntonghininga ng kaibigan. Sa mga oras na iyon ay alam niya ng may problema ito. Kilala niya ang kaibigan, hindi ito ang tipong tatawag sa kanya ng ganito kaaga para lang buntonghiningahan siya.
“I’m sorry, Rhyan. Pero mukhang hindi na kami matutuloy ng punta r’yan,” namamaos na wika ni Azure.
Hindi man nakikita ni Rhyan ang mukha ng kaibigan pero sa boses pa lang nito ay halata nang problemado nga ito. Mukhang pagod din ito dahil sa pamamaos ng boses. Hindi niya nga lang alam kung dahil ba sa kasisigaw o ano.
“Why, what happened?” tanong ni Rhyan ng mapansing walang balak magsalita ng kaibigan.
“It’s about Nurie.”
“What about Nurie?”
Sa tanong na iyon ni Rhyan ay napaangat ng tingin sa kanya ang asawa at Luna na si Sarielle. Hindi man ito nagsalita o nagtanong pero sa tingin pa lang niya ay nagtataka na ito sa kung ano ba ang pinag-uusapan ng dalawa.
“Kahapon, nagpaalam siyang pupunta ng mall. Hindi na siya nagpasama kay Maia dahil siya ang pinag-ayos namin sa mga dadalhin namin sa pagpunta r’yan. Pero alas otso na’y hindi pa rin siya nakakauwi. Ilang beses namin siyang tinawagan pero walang sumasagot hanggang sa tuluyan na siyang hindi makontak. Alas onse na ng gabi ng tumawag siya pero isang police inspector sa sentro ang sumagot. Doon nila sinabing nakita nila ang mga gamit at pinamili ni Nurie sa parking lot ng Narusen Mall bandang alas tres ng hapon.”
“Ano? H’wag mong sabihing na kinidnap si Nurie!” gulat na bulalas ni Rhyan.
Hindi naman makapaniwalang nakatingin si Sarielle sa asawa. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Nawalan ng ganang ipagpatuloy pa ang pagkain kaya naman ibinaba nito ang hawak na kubyertos sa lamesa habang naghihintay na matapos ang pag-uusap ng dalawa para makapagtanong na ito sa kung ano ang nangyayari.
“Iyon na nga ang tingin ng mga inspektor. Ang sabi ng mga inspektor, tanghali pa ng makuha si Nurie. Nalaman nilang kinuha si Nurie dahil sa naiwang amoy ng sleeping bomb. Gabi na nila kami nasabihan dahil inuna nila ang inspeksyon dahil sa kakaibang supplements na laman ng sleeping bomb na ginamit ng mga dumukot kay Nurie. Maaari daw na magkaugnay ang kaso sa balitang k*dnapping sa Metropolitant at Huaxia.”
Napahilot tuloy si Rhyan sa kanyang sintido. Hindi niya magawang iproseso ang mga balita sa kanya ng kaibigan. Iyon pa nga lang na tungkol sa pagkawala ng anak nito ay sakit na sa ulo, ang malaman pa ang tungkol sa mga posibilidad na kumuha kay Nurie ay parang bigla na lang nagdulot sa kanya ng migraine.
“Maybe that’s why the police inspector did not call you as soon as possible. Kung totong may relasyon ito sa nangyaring kidnapan sa kabilang syudad, mukhang maging ang committee ay kailangang makialam sa kasong ito, Azure,” seryosong saad ni Rhyan sa kaibigan.
Muling napabuntonghininga si Azure at hindi itinanggi ang sinabi ni Rhyan. “Natawagan ko na ang buong committee. Kaya rin kita natawagan ngayon ay para sabihan ka na hindi mo na kailangang pumunta. Alam ng committee na busy ka sa initiation ni Arnoux. Babalitaan na lang kita pagkatapos.”
“Pero Azure—”
“Just let me handle this, Rhyan. Since it’s also related to my daughter, I will do my best to investigate. Sa ngayon ay mas mabuting mabantayan mo ang proseso ng initiation ng anak mo. I don’t want to bother you—”
This time, it was Rhyan who cut off his friend’s words. “You know, you’re my friend, Azure. Ang ganitong mga bagay ay hindi abala sa akin.”
“Yes, yes, I know that. Pero importanteng araw para sa anak mo ang linggong ito. Hindi naman ako makapapayag na masira namin iyon dahil lang sa kapabayaan ko. So please don’t bother with this case anymore. Pangako, babalitaan kita sa lahat, kaya naman wala kang dapat ipag-alala.”
Mapait na natawa naman si Rhyan ng mapansing siya pa ang nagawang i-cheer up ng kaibigan samantalang ito naman ang nawawala ang anak. Naiiling na napahawak na lang siya sa kamay ng asawa na nag-aalalang nakatingin sa kanya.
“Fine, you win, you b*stard. Make sure to inform me with everything. Every detail, got it? Naghihitay rin si Sari.”
Napangiti na rin kahit paano si Rhyan ng marinig ang mahinang tawa ng kaibigan. Kahit kailan talaga ay napakapositibo lagi ng kaibigan niyang si Azure. Kahit yata anong problema ang kaharapin nito ay hindi ito kakikitaan ng pagod o pagsuko.
“Okay, that’s all. Nga pala, papunta na r’yan si Maia. Tell Sari to take care of her for me. Hindi ko magagawang asikasuhin si Maia habang nag-iimbestiga.”
“Got it, I will tell her. Ipahahanda ko na rin ang guest room para sa kanya,” nakangiting tango naman ni Rhyan.
“Then, I’m sorry in advance for the bother. Ayo’ko lang na magmukmok siya sa bahay habang wala ako. At least with Sari there, she would have other things in mind. I need to go now, Rhyan. Nandito na ang ibang committee. Always bring your phone with you so I can update you every time.”
“Got it. Kami na ang bahala kay Maia. I will wait for your update, Azure. And please take care, brother,” medyo nag-aalalang paalala ni Rhyan.
Malakas na natawa naman si Azure mula sa kabilang linya. “Ako pa ba? Sige na, although I missed you calling me brother like before, pero kanina pa talaga ako tinatawag ni Augery.”
Hindi na nakapagpaalam pa si Rhyan dahil tuluyan ng pinutol ni Azure ang tawag. Malakas na napabuntonghininga na lang siya sabay baba ng telepono. Mabilis na lumapit ulit ang katulong para kuhanin ang telepono mula sa lamesa nila at ibalik sa pinagkuhanan nito.
“Rhyan, what happened? Totoo bang na-k*dnapped si Nurie?” ang tanong ni Sarielle na hindi na talaga mapigilan ang pananahimik.
Parang bumalik naman ang panan*kit ng ulo ni Rhyan kaya muli siyang napasapo doon. “Unfortunately, yes. At mukhang hindi lang bastang kaso ng k*dnapping ang nangyari.”
“What? Oh my precious Nurie! Anong ibig mong sabihin?” singhap ni Sarielle kaya mabilis siyang inalalayan ni Rhyan ng parang matutumba pa ito sa kinauupuan.
“Let’s think positive. Sa ngayon ay mas mabuting hindi mo muna malaman ang tungkol sa nangyari dahil papunta ngayon dito si Maia. Iniwan siya sa atin ni Azure and I think, it’ll be your job to take care of her,” masuyong wika ni Rhyan sa asawa na agad namang kumalma sa narinig.
“Poor Mia. Don’t worry, ako na ang bahala sa kanya. Anong oras ba raw ang dating niya? So I could make preparations before she comes.”
Hindi naman tuloy malaman ni Rhyan kung matatawa ba siya o ano. Ang bilis talagang magbago ng emosyon ng asawa. Kanina ay nag-aalala lang ito, pero ngayon ay hindi maitatanggi ang pagkasabik nito sa pagdating ng malapit na kaibigan.
“Okay, we can do that later. Sa ngayon ay tapusin na muna natin ang pagkain. But I will tell the maids to prepare the guest room. Isang oras ay paparating na rin si Maia. kailangan pa nating maghanda para sa first phase ng initiation.”
Sabay na napalingon ang mag-asawa ng marinig ang pagkakatulak ng upuan. Doon lang nila naalala ang anak na kanina pa tahimik na kumakain. Nagtaka ang mga ito dahil nakita nilang nakatayo na ito.
“Where are you going, Arnoux?” tanong ni Rhyan sa anak.
“I’m done eating. I need to train now to k*ll the time before the opening ceremony,” seryosong tinig naman ni Arnoux na ibinaba na ang table napkin sa lamesa pagkatapos magpunas.
Parehong napatingin ang mag-asawa sa plato ng anak at nakita nga nila na tapos itong kumain dahil sa ilang tirang sinangag at ketchup sa plato. Pag-angat nila ulit ng tingin ay naglalakad na si Arnoux papalabas ng dining table.
Tatawagin pa sana ni Sarielle ang anak pero pinigilan na ito ng asawa. “Let’s just eat so we can also do our things.”
Paglabas naman ni Arnoux ng dining nila ay dumiretso siya sa sofa ng living room kung saan iniwan niya ang bag na dadalhin niya papunta sa pagti-training-an niya. Nang makalapit ay inilabas niya ang selpon at pinatay ang tumutunog na music.
Inalis naman niya ang suot na ear pods sa magkabilang tainga at itinago sa lagayan noon bago itinapon sa loob ng crossbody bag. Maliban sa earpods ay may laman din itong pamalit na damit, tumbler na may tubig, tatlong pares ng bimpo, at ang kanyang wallet.
Isinukbit niya iyon tsaka naglakad papalabas ng kanilang bahay habang kinakalikot ang sariling selpon. Dahil nga sa iyon ang araw ng kanyang pagtanggap, marami-rami ring ang mga ka-pack niya ang maagang nagising para tumulong sa paghahanda para sa importanteng okasyon na iyon.
Ilan sa mga ito ay nakangiting binabati si Arnoux at nagbibigay ng kani-kanyang pagbati para sa matagumpay niyang pagtanggap. Kahit pa nga ang ilan sa mga ito ay hindi naman binibigyang pansin ni Arnoux.
Mabuti na lang. Bilang miyembro ng kaparehong pack, sanay na ang mga taga-Eagle-Eyed pack sa ganoong ugali ng susunod nilang pinuno. At hindi porke’t hinahayaan lang nila na tratuhin ng ganoon ay ibig sabihin lang ay masama na ang tingin nila sa anak ng kasalukuyang pinuno.
It was just because they knew Arnoux since he was young. Kaya naman maliban sa mga magulang ni Arnoux ay halos kilala na nila si Arnoux. At kahit arogante itong kumilos at minsan nga ay maging sa pananalita, alam nila na may mabuti pa rin itong puso sa loob.
“Arnoux!”
Mabilis na napahinto si Arnoux ng marinig ang pagtawag na iyon sa kanyang pangalan. Sa halos ilang tao rin ang tumawag sa kanya ay noon lang siya huminto para salubungin ang mga ito.
Isang grupo ng mga lalaking kabataan na katulad ni Arnoux ay may dugong alpha ang nakangiting papalapit kay Arnoux. Binubuo ng limang kalalakihan ang grupo na batay pa lang sa mga ngiti ng mga ito ay kilala sila at malapit kay Arnoux para hintuan din ng huli.
“Dante,” seryosong tawag ni Arnoux sa lalaking nasa pinakasentro.
Nakapamulsang huminto ang mga ito sa harapan ni Arnoux samantalang ang lalaking tinawag naman na Dante ay tuluyang lumapit kay Arnoux at umakbay sa kaibigan. Halos sa isang daang alpha na katulad ni Arnoux sa pack nila ay tanging si Dante lang ang masasabi ni Arnoux na malapit sa kanya.
Kaya naman ang apat pa nitong mga kaibigan ay pinagkakatiwalaan din ni Arnoux. Dahil doon ay nahihinuha na ng lahat na sa oras na makuha ni Arnoux ang posisyon bilang susunod na pack leader ay panigurado na rin ang posisyon ni Dante at ng apat bilang mga kanang kamay ni Arnoux.
“Saan ang punta mo, Boss?” tanong ng isang lalaki na kanina ay katabi ni Dante.
Napatingin naman sa nagsalita si Arnoux bago sumagot. “Training ground.”
“Eh? H’wag mo sabihing magpa-practice ka pa rin ngayon Arnoux? Hindi ba puwedeng magpahinga ka na muna ngayon habang hinihintay ang opening ceremony? Mamayang tanghali na iyon ‘di ba?” nagtatakang tanong naman ni Dante na inalis na ang pagkakaakbay kay Arnoux.
“I just can’t stay still and do nothing while waiting,” sagot ni Arnoux.
“Heh, iba talaga si bossing Arnoux! Parang gusto ko na rin tuloy sumamang mag-train. Kung hindi lang dahil sa kasalukuyang inaayos ang training ground ngayon para sa first phase ng initiation rites ni bossing eh,” singit naman ng isa pang lalaki sa grupo.
Napakunot naman ang noo ni Arnoux na agad napansin ni Dante. Bago pa man makapagtanong si Arnoux ay nasagot na agad siya ni Dante na natuto ng basahin ang bawat ekspresyon at kilos ni Arnoux.
“Pinagbabawalan kasi ngayon ang sinumang pumunta sa training ground dahil nga sa ginagawang pag-ayos. Pero huwag kang mag-alala, Arnoux. Exempted ka naman yata sa mga pinagbabawalan,” nakangising tapik-tapik pa ang balikat na saad ni Dante.
Hindi naman na sumagot pa si Arnoux at nakatingin lang sa mga kaibigan. Hindi naman dahil sa ang pangalan lang ni Dante ang naaalala ni Arnoux kaya ito lang ang madalas niyang tawagin. Sadyang mas nagtitiwala lang siya kay Dante kaya naman ito lang ang madalas niyang kausapin.
Isa pa, maliban sa kanya at sa ilan pang mula sa kilalang clan na nasa pack nila, tanging si Dante lang na mula lang sa isang ordinaryong pamilya ang nabigyan ng tsansa para mag-aral kasama niya sa Noble Crest Academy. Isang estudyante lang kasi ang maaaring bigyan ng libreng scholarship ng school na recommended naman ng isang kilalang pamilya.
“Sige na bossing Arnoux, hindi ka na namin iistorbohin. May pupuntahan din kasi kami dahil sa utos ng ilang elders,” sabi ng parang isang poste sa tangkad pero payat na lalaki.
“Utos?” tanong ni Arnoux na ibinaling ang nagtatanong na tingin kay Dante.
Napakamot naman sa batok si Dante. “Sa totoo lang niyan Arnoux ay utos iyon mismo ni Alpha Rhyan. Kami kasi ang naatasang sumundo sa pamilya mula sa Embris Pack na dadalo ng initiation mo. Ang sabi pa sa amin ni Alpha Rhyan kahapon na idiretso ang mga ito sa bahay ninyo dahil sa importanteng mga bisita ang mga ito. Pero ngayon-ngayon lang ay tumawag ang pinuno na kailangan muna naming pumunta sa inyo dahil may sasabihin ito tungkol sa task namin.”
Bigla namang naalala ni Arnoux ang narinig niya kanina sa usapan ng mga magulang. Kahit naman kasi naka-full volume ang music niya ay naririnig pa rin niya ang usapan ng mga ito.
“Tsk,” malakas na asik ni Arnoux. “Then go ahead. I will also leave,” seryosong dagdag nni Arnoux at hindi na hinintay pa ang pagsagot ng mga kasama.
Tumalikod siya at nagsimula na ulit tahakin ang daang kanina pa niya nilalakaran. Naiwang nagtataka naman ang mga ito na nagkatinginan pa sa isa’t isa. Samantalang napapakamot na lang si Dante dahil alam niya ang dahilan sa biglang inakto ng kaibigan.
Hindi niya kasi sinabi kay Arnoux na alam niyang pamilya ng future mate ni Arnoux ang susunduin nila. Iyon kasi ang mismong sinabi sa kanya ng pinuno nilang si Rhyan ng ipatawag siya nito kahapon para sa magiging task ng grupo nila sa unang araw ng initiation.
Naiiling na naglakad na lang ulit si Dante sa mga kaibigan at inakbayan ang dalawa rito. “Ang mabuti pa ay bilisan na lang natin ang pagpunta sa pinuno dahil kanina pa tayo noon hinihintay,” saad ni Dante sa mga ito na agad namang napatango.
Habang naglalakad ang mga ito papunta sa kabilang direksyon ay napatingin ulit si Dante sa likod para tingnan ang kaibigan na tanging likod na lang ang natatanawan niya. Pero agad rin siyang napaharap ulit sa mga kaibigan ng tawagin siya ng mga ito dahil nahuhuli na siya.
On the other hand, si Arnoux naman ay hindi na natanggal ang pagkakakunot ng noo habang naglalakad papunta sa destinasyon. Hindi naman sa hindi niya naiintindihan ang ginawa ng kanyang ama pero sadyang wala lang siyang pakialam.
Arnoux knew about his so-called fixed mate. Alam niya rin ang tungkol sa pack na kinabibilangan nito, at sa pagiging nag-iisang anak na omega ng Embris pack nito. Pero kahit ganoon ay kailan ma’y hindi niya pa nakita ang mukha ng nasabing mate. At wala rin naman siyang balak na alamin pa ang tungkol rito.
It’s not that Arnoux hates his future mate. The thought that he was fixed to an omega is enough to make Arnoux hate them, even if it was a different person from a different pack. What he hated the most were those weak and fragile omegas whose only worth was to give birth to a perfect child.
Alam niyang para sa katulad niyang alpha-dom, perfect lang ang ipares siya sa isang omega dom na pina-rare kumpara sa sub. Dahil iyon sa mas malaking posibilidad na mas magandang genes ng offspring ang mabubuo sa pagitan ng dalawang gender. Kaya halos lahat ng alpha ay naghahangad ng sarili nilang omega dom.
Unfortunately, an omega dom is also rare. Kaya naman iilan lang ang masuwerteng gaya ni Arnoux na bata pa man ay nakatali na sa isang rare omega.
But for Arnoux, it was only a bother. Dahil para sa kanya, hindi niya kailangan ang isang omega, dom pa man o sub. He hates omegas to the core, and only his omega mother is an exception. And maybe also those omegas who’re already marked.
But all in all, omega is no good. Para kay Arnoux ay abala lang ang mga ito sa kanya. Dahil nga sa natural weakness and fragility of an omega, they would naturally be protected. At iyon ang hindi matanggap ni Arnoux.
Mula ng mamulat si Arnoux sa nakaraan kung saan wala pang secondary gender, mababa na talaga ang naging tingin ni Arnoux sa mga omega. From their history up to the current era, omegas will always be omegas.
Hindi kailangan ni Arnoux ng extra baggage. Kung noon nga ay mababa na ang tingin sa mga omega na nagiging luna, ngayon, para kay Arnoux ay wala iyong pinagbago. He wanted a Luna who was strong and did not need to be protected. Gusto niya ng sariling luna na kayang ipaglaban ang sarili, at hindi magpapadala sa dynamics.
And from what he knows of omegas, they are the opposite of those. Omegas are weak, fragile, and treasured. Not because of their uniqueness, but only because they could give birth to perfect genes. At hindi kailangan ni Arnoux ang isang birthing tool, but a partner that he could relied on.
Hindi rin niya gusto ang isang omega dahil sa kahinaan nito pagdating sa pag-kontrol ng kanilang dynamics. As an alpha, Arnoux never liked the fact of his secondary gender. He hated the fact that there was a possibility of being controlled by these dynamics. At iyon ang pinakaayaw niya, ang kinokontrol ng dynamics nagpapahina sa kanya bilang isang alpha. Because, for him, this secondary gender and its dynamics are what ruined the purpose of being a werewolf.
Marahil sa kaadikan ni Arnoux na magbasa tungkol sa history, tuluyan na ring nasira sa kanya ang pagiging shifter niya. He wished he lived in that era where only pure blooded wolves existed. And if they were given a chance, he wanted to return their current society back to what it was supposed to be, with those abominable secondary gender and its dynamics.
Gustuhin man niyang sisihin ang buong ABO committee pero alam niyang hindi ito ang may kasalanan kung ‘di ang mga ninuno nila. And what can he blame the dead for? Kaya naman kinimkim na lang niya sa sarili ang mga hinaing at ibinuntong ang sisi sa mga omega.
From what he heard, it was because of these supposed-to-be birthing tools' fault that the werewolf society tended to cease completely. Dahil sa simpleng tungkulin na nga lang nila na magbigay ng anak ay hindi pa nila nagampanan kaya naman naimbento ang committee at tuluyan na ngang nasira ang hierarchy ng mga wolves.
And so, that’s one part of the reason why Arnoux hated omegas to the point of ignoring his future mate. It’s a pity for his so-called-mate that she’s an omega, so he really couldn’t like her and accept her. Maybe if she were an alpha or a beta, Arnoux might as well accept her.