Iyon ang unang beses na napuno ng tao ang parteng iyon ng teritoryo nila. Sa nakalipas na labing-walong taon ay ngayon na lang ulit dinumog ang training ground na ito ng Eagle-Eyed Pack. Hindi lang mga miyembro ng pack ang kasalukuyang naroon dahil may ilang mga dayo rin mula sa ibang pack ang nakaupo ngayon sa mga kagagawa lang na stands.
Katulad iyon sa isang sports complex kung saan ilang hanay ng mga bleachers stands ang nakahanay pa-arch. Kung susumahin ay mga nasa mahigit tatlong daan din ang bilang ng mga upuan. Sapat na iyon para sa lahat ng miyembro ng Eagle-Eyed Pack at isama pa ang ilang mga bisita sa ibang lugar para lang manood.
Sa pinakagitna ng mga hanay ng bleachers ay may nakatayong isang man made arch platform na nagmistulang isang open balcony, kung saan naman nakapuwesto ang mga elders ng pangkat na siya ring magbibigay ng mga puntos para sa resulta ng mangyayaring first phase.
Sa ibaba naman noon ay ang upuan ng mga mahahalagang guests na mula pa sa ibang pack at inimbitahan mismo ng pinuno ng pack para manood. Ngayon nga ay kasalukuyang naroon ang pinuno ng pangkat na si Rhyan at kausap ang ilang guests na pinaunlakan ang imbitasyon niya para dumalo sa mahalagang okasyon na iyon ng kanilang pack.
“I didn’t know that you would be attending our pack’s initiation rites on your own, Mr. Morrissey. Paano naman ang initiation ng pack ninyo?” tanong ni Rhyan sa halos kasing edad na lalaki na nakasuot ng pormal na suits.
The said man, who was called Mr. Morrissey, had a kind smile on his lips. “I won’t slip this chance to see a good seed. At dahil wala naman akong anak na lalaki ay naisipan ko na lang na bumisita sa ilang naglalakihang pack para maghanap ng prospect bilang tagapagmana ko. Since your pack is the nearest, dito na kami dumiretso. I hope you wouldn’t mind that, Mr. Yaeger.”
Makahulugang nginitian pa ni Mr. Morrissey si Rhyan na agad namang nawala ang pagkakangiti niya. Pero dahil isang bisita ang lalaki ay hindi na lang siya nagsalita pa.
Dahil mukhang sinadya naman ng lalaki na maging halata sa kanyang mga salita ang gusto nitong ipahayag ay talagang hindi natuwa si Rhyan sa narinig. Kung hindi lang dahil sa okasyon ay baka pinaalis na ni Rhyan ang lalaki.
“Then I wish you to find someone from my humble pack who will fit for your daughter, Mr. Morrissey.”
Maliit na nginitian ni Rhyan si Mr. Morrissey at bago pa man nito mahila papalapit ang ipinagmamalaking anak na babae para siguro ipakilala at ipagyabang sa kanya ay inunahan na niya ito.
“Then I will go to the platform now to start the ceremony. I hope you enjoy your time before you leave for the other pack villages, Mr. Morrissey.”
Hindi na hinintay pa ni Rhyan na makapagsalita si Mr. Morrissey at malamig na tinalukuran ito. Dahil katapat naman noon ang hagdan paakyat sa platform ay doon na ang diretso ni Rhyan. Hindi na siya nag-abalang kausapin pa ang ibang bisita dahil tuluyan na siyang nawalan ng gana pagkatapos makaharap si Mr. Morrissey.
Mabuti na lang at kaagad ring nawala ang pagkakakunot ng noo niya ng makita ang nakangiting asawa habang kausap ang kaibigan nitong si Maia na asawa naman ng kaibigan niyang si Azure. Nakaupo kasi ang mga ito kasama ang dalawang elders na siyang naka-toka para magbigay puntos sa unang phase ngayon.
Bago pa man siya tuluyang makalapit kay Sarielle at Maia ay nauna na siyang napansin ng asawa. Nakangiti itong tumayo para salubungin siya samantalang napatayo na rin si Maia habang may maliit na ngiti.
“Shall we start? Nabati mo na ba lahat ng mga guests? May oras pa naman bago magsimula?” May pagtataka sa mukha ni Sarielle habang nakatingin sa asawa.
Katulad ng sinabi niya ay may halos kalahating minuto ba bago ang itinakda nilang oras na simula ng opening ceremony. Laking tuwa nila nang malaman nila na marami ang nagbalik ng invitation letters na ipinadala nila mula sa iba’t ibang pack para panoorin ang sakdal ng pagtanggap ng kanilang anak.
As a parents and the head family of their pack, isang karangalan iyon at patunay na kinikilala ng mga ito ang pagtapak ng kanyang anak bilang susunod na pinuno ng kanilang pangkat. Kaya naman talagang pinaghandaan nila ang opening ceremony na ito.
Pero ng maalala ni Rhyan ang ibinungad sa kanya ng mismong pinuno ng Saironess Pack, at kung ano ang iminumungkahi ng mga salita nito ay agad na nawala ang malawak na pagkakangiti niya.
Ipinulupot niya ang braso sa baywang ng asawa at hinarap ang dalawang elders na kasama nila sa platform na iyon. Napatayo rin kasi ang mga ito bilang pagpapakita ng paggalang sa pagdating ng kanilang pinuno.
“Begin with the ritual of grace,” seryosong utos ni Rhyan na kaagad namang sinunod ng dalawang elders.
Matapos noon ay hinayaan na ni Rhyan ang mga ito para simulan ang opening ceremony. Inaya niyang muling umupo ang dalawang luna na kasama niya. Limang upuan ang nakahilero sa mala-balkonaheng platform na iyon.
Dapat noon ay anim na upuan ang nakahanda doon. Dalawang mataas na upuan sa pinakagitna kung saan nakaupo ang pinuno at ang kanyang luna. Ang dalawang upuan naman na nasa kanan ay ang dalawang upuan para sa elders na nakatoka.
Ang dalawang upuan naman na nasa kaliwang banda ay dapat para sa future mate ng kalahok at isang representative ng pamilya nito. Pero dahil nga sa nangyari sa Embris pack, tanging si Maia lamang ang nakadalo bilang kinatawan ng kanilang pamilya.
“Ano bang nangyari at parang wala ka bigla sa mood, Rhyan?” mahinang tanong ni Sarielle sa asawa.
Hindi man nito ipahalata ay alam niyang mayroon itong naengkwentro na hindi maganda o kaya’y hindi nito nagustuhan. Kilala niya si Rhyan na maiksi ang pasensya at iritable. Mabilis itong mainis o magalit at hindi nito iyon itatago. Kaya alam niyang kasalukuyang nagpipigil lang ito ngayon dahil sa ayaw nitong masira ang selebrasyon ng kanilang anak.
Malakas na napabuntonghininga na lang si Rhyan. “It doesn’t matter. I lost my cool for a while there, but I can manage.”
Hindi naman sumagot si Sarielle at nag-aalalang napatingin sa kanyang asawa. And to soothe his wife, Rhyan smiled while holding her hands below the table.
“Don’t worry anymore. I will tell you what happened once the ceremony ended and the first phase started.”
This made Sarielle, who was still worried and curious, calm down. She finally nodded her head and then looked at them below.
Sa ibaba nila at sa harapan naman ng mga nakaupong audience ay may mga nakahandang gamit para sa gagawing ritwal. Pagkatapos magsalita ng dalawang elders, sa wakas ay nakalabas na rin at nagpakita ang bida sa araw na iyon.
Arnoux, with his serious face like always, walked into the middle. Suot ang ordinaryo at plain white shirt, samantalang isang ordinaryong pants naman ang kanyang pang-ibaba. Nakayapak din siya, at tanging ang suot nitong kulay puting fur cape kung saan gawa sa balahibo ng puting fox na pinagpasa-pasahan na ng iba’t ibang pinuno ng kanilang clan ang kakaiba sa suot niya.
Nakapatong naman sa dalawang kamay niya ang isang nakatuping puting tela kung saan maingat niyang ibinabalanse sa mga kamay para hindi ito tangayin ng hangin. Magaan kasi ang tela na animo’y isang tinuping papel lang ito.
Habang naglalakad naman si Arnoux ay tahimik na pinanood siya ng lahat. Bawat hakbang ng kanyang walang sapin na mga paa ay siyang paglapit niya sa gitna kung saan naghihintay sa kanya ang mga gamit na kakailanganin niya para sa seremonyas na iyon.
Hindi rin naman nagtagal ay narating rin sa wakas ni Arnoux ang sentro at huminto sa tapat ng isang stick na gawa sa metal. Nakatusok ito sa lupa at mas mahaba pa sa kanya. Marahang kinuha ni Arnoux ang tela na nasa kamay niya at maingat na binuklat iyon.
Pagkabuklat niya ng tela ay mas lumapit siya lalo sa nakatayong patpat ng metal. May nakahanda doon dalawang maliit na hoops kung saan maaaring ikabit ni Arnoux ang hawak na tela. Nagmistula iyon watawat na ibinabandera pagkatapos niyang ikabit iyon sa metal stick.
After that, Arnoux unceremoniously took the stick from the ground and held it on the other edge. Sunod na nilapitan niya ay ang parihabang palanggana kung saan may lamang tubig. Pero hindi iyon isang simpleng tubig lang dahil naglalaman iyon ng kakaibang gas kung saan ang anumang bagay na mabuhusan noon at itapat sa apoy ay hindi masusunog pero magliliyab.
Dahan-dahan na inilusob ni Arnoux ang kabilang dulo ng stick doon sa gas kung nasaan nakasabit ang tela. Ibinabag niya iyon sa ilalim ng gas hanggang sa masiguro niyang basa na ang bawat sulok ng tela tsaka niya iniangat.
Pinatuluan niya ng ilang sandali ang tela bago naman naglakad papunta sa malaking bonfire. Kahit may ilang metrong layo si Arnoux mula sa nagbabagang apoy ay nararamdaman niya pa rin ang init na nagmumula roon.
Pagkalapit ni Arrnoux ay tumayo lang muna siya ng ilang minuto sa harap noon bago mabilis na iwinasiwas ang hawak na stick hanggang sa manatili ang kabilang dulo noon sa gitna ng apoy.
Agad na nagliyab ang tela pero katulad sa epektong dala ng gas sa tela ay hindi iyon nasunog. Kung titingnan mula sa malayo ay parang simpleng nagliliyab lang ang tela, pero kung malapit ka ay mapapansin na mula sa pinakadulo ng tela ay unti-unting natutuyo ito mula sa pagkabasa sa gas.
Mabilis na binawi ni Arnoux mula sa apoy ang dulong iyon ng stick bago pa tuluyang masunog talaga ang tela. Nang maialis ang tela sa apoy ay makikitang nawala ang pagliliyab ng apoy sa bandang natuyuan ng gas.
Pataas iyon ng pataas hanggang sa tuluyang mapuksa na ang apoy na nasa tela. Ang dating plain white na tela ay nagkaroon ng imahe na para bang ibinurda iyon sa tela. Isang itim ibon kung saan ang maganda nitong pakpak ay nakabuka na para bang may balak itong lumipad. Pamilyar iyon sa lahat lalo na sa mga taga-Eagle-eyed pack dahil ang imahe ng ibon na iyon ay ang simbolo at insignia ng kanilang pangkat.
Sa buong durasyon na iyon ng ritwal ay walang naging pagbabago sa ekspresyon ni Arnoux. Kahit pa nga ng maitusok niya ang hawak na stick na may insignia ng kanilang pack sa nakahandang stand sa starting line ng unang phase ay nanatiling walang ekspresyon ang mababakas sa kanyang mukha.
Napatayo ang lahat at sabay-sabay na napapalakpak. Ang ilang taga-Eagle-Eyed pack ay nagawa pang humiyaw kaya naman ang kaninang hindi mahulugan ng karayom sa tahimik ay agad na umingay.
“Ngayon ay maaari na nating simulan ang prosesyon ng pagtanggap!” malakas na anunsyo ni Rhyan habang nakatingin sa kinatatayuan ng anak.
Muling tumahimik ang lahat habang napaayos naman ng tayo si Arnoux. Dahil nakatalikod siya mula sa mga ito ay hindi niya nakikita kung kailan ba kakalabitin ang bar*l bilang signal sa simula ng unang yugto.
Kahit ganoon ay nanatili ang pagiging kalmado ni Arnoux habang hinahanda niya ang kanyang mga paa para sa gagawin niyang pagtakbo. Iyon kasi ang test sa kanya para sa first phase ng initiation.
Hindi na nakapag-isip pa ng malalim si Arnoux ng marinig niya ang malakas na putok ng b*ril. Walang pagdadalawang-isip na nagsimula si Arnoux sa kanyang pagtakbo, following the trail of the terrain. prepared for him in this phase.
Since the first part of this test is to test his agility in his human form, as the next pack leader, agility shouldn’t be applied only in his wolf form. Dapat, kahit na nakaanyong tao sila ay naroon pa rin ang bilis at liksi nilang kumilos.
Kahit pa nga massakit sa paa ang bawak pag-apak na ginagawa ni Arnoux ay hindi siya nagpatinag at pinanatili ang kanyang bilis at liksi. Hindi niya rin ininda ang mga nagtataasang talahib na sumusugat sa mga balat niya. Nakaka-ilang minuto pa lang ang lumilipas pero nagawa na agad niyang marating ang gitnang bahagi ng terrain. At saktong makalipas ng kalahating oras ay mukhang makararating na siya sa second part ng test.
Kaya naman kahit malayo pa lang ay nakikita na ni Arnoux ang malinis at walang kadamo-damong parte ng terrain. Senyales na kailangan na niyang maghanda para sa susunod na test.
Patalon na lumabas si Arnoux mula sa damuhan. Kasabay ng pagtalon niya ay ang mabilisan niya ring pag-shift sa kanyang wolf form. Agad na kumalat sa ere ang nagkapunit-punit niyang damit, samantalang nagawa pang hubarin ni Arnoux ang kapa sa kanyang leeg.
The moment that Arnoux landed, he was already on his paws as he leapt once again like a breeze. Kung kanina ay para siyang naka-motor sa bilis ng takbo niya, ngayong nasa katauhan siya bilang isang wolf ay mas naging mabilis ang pagtakbo niya.
Pero hindi katulad kanina ay mas naging mahirap ang terrain na tinahak niya. Sa unang parte ng terrain ay puro nagtataasang mga puno ang kinaharap niya. Parang naglalaro lang sa isang archade na mabilis ang ginawa niyang pagliko-liko mula sa mga punong haharangan sa dinaraanan niya.
Ni hindi niya na kailangang magpreno o kaya naman ay bagalan ang kanyang pagtakbo para lang ilagan ang naglalakihang mga puno. Mabuti na lang at makalipas lang ng ilang minuto ay nakalabas na rin siya sa bandang iyon ng terrain.
Imbes na prumeno naman si Arnoux ng makita niya ang malaking puddle ng putik na alam niyang hindi lang simpleng putik ay mas binilisan ni Arnoux ang pagtakbo. Isang mataas na talon ang ginawa niya para hakbangan ang malaking lusak ng putik na iyon.
Kung nasa katawang-tao lang ng mga oras na iyon si Arnoux ay baka nagkaroon ng ng malaking ngisi sa mukha niya ng tingnan niya lusak ng putik na para bang inaasar niya ang pagiging walang kwento noon.
Since he couldn’t, he just snorted, but was soon cut off when he heard a swishing sound coming at him. By reflex, Arnoux once again turned into his human form as he held onto the big branch above him.
Ginamit niya iyon at pinuwersa ang katawan para maiwasan ang papalapit na patalim. Kung hindi lang dahil sa ginawa niyang iyon ay baka nadaplisan na siya ng patalim na iyon. Hindi pa man siya nakahihinga ng maluwag ng sunod-sunod na patalim ang lumipad patungo sa banda niya.
So, releasing his hold on the branch, Arnoux shifted back to his wolf form as he landed safely on the ground. Arnoux growled, when he was rained with arrows this time. Parang lasing na paliko-liko tuloy ang naging pagtakbo ni Arnoux.
Ang kaninang bilis niya ay tuluyang bumagal dahil sa mga pagsubok na humahadlang sa kanya. This frustrates Arnoux, who wanted to reach the finish line faster than the fastest record in the history of their pack.
Ayon sa records mula sa mga naunang alpha na naging pinuno ng pack nila bago pa man mangyari ang pagkakaroon ng secondary gender ay ganoon na ang kinagisnang ritwal ng pack nila sa tuwing mamimili ng ihihirang na susunod na alpha.
At ang pinakamabilis na naitala noon ay ang dating alpha na nagsalba ng kanilang pack pagkatapos ng malawakang giyera noon. It was only one and a half hours from the starting point to the finish line.
Ilang beses ng nasabihan si Arnoux ng mga magulang na hindi niya kailangang talunin ang record na iyon, at lalong hindi niya kakayanin. Pero hindi nagpatinag si Arnoux. Kahit alam niyang mahihirapan talaga siya lalo na sa huling parte ng test. But having that goal in mind, Arnoux became more determined to break that record.
Mula sa pag-ulan ng mga pana, hanggang sa pag-ulan ng mga patibong sa dinaraanan niya ay walang nakapigil kay Arnoux. Kahit pa nga pawisan na at ilang daplis na rin at sugat ang namamanhid sa katawan niya ay hindi tumigil si Arnoux at hindi rin binagalan ang mga takbo at talon niya.
It looks like some witch would cast him a spell where he turns into a wolf then back to his human form just to jump, leap, and hold on long enough to evade an attack or a pit.
This made everyone who was watching him from the LED screen prepare to watch him from the front. Mula iyon sa mga kuha ng kamera na nakasabit sa ilang parte ng mga puno. Kaya naman bawat galaw ni Arnoux ay kitang-kita nila.
“This brat. Ilang beses ko ng sinabing hindi niya kailangang seryosohin ang record na iyon! Dahil hindi naman sineryoso ng mga nakaraang pinuno ang ganitong seremonyas. And for a pure-blood like them, this record is really as easy as pie to break. Pero sa tulad nating shifters, we’re no longer pure with pure strength, power, and agility like we supposed to be,” angil ni Rhyan.
Ang mga kamay niya na nakapatong sa kanyang tuhod ay naikuyumos niya habang ang mga noo ay kunot na kunot, halos magdikit na ang dalawang dulo ng kilay. May galit at pag-aalala sa kanyang mga mata habang pinapanood ang footage ng anak na walang habas kung lusparin ang katawan.
Nag-aalala ring pinanood ni Sarielle ang kanyang anak pero hindi siya nagsalita. Nanatili lang ang mga mata niya sa screen at hindi inaalis ang tingin sa imahe ng anak. Seeing her friends worried, Maia held Sarielle’s hands and gently pinched them to help her ease her mind.
Napabilang naman si Arnoux sa isip niya kung ilang oras na ba ang lumipas mula ng magsimula siya. Nakikita na niya ang dulo ng gubat at ang kaninang patag na daanan na tinakbuhan niya papasok ng gubat. Pero hindi nagpakampante si Arnoux.
He knew that the test on his reflex was not done yet. Hanggang sa tuluyan na siyang makalabas ng gubat ay hindi binaba ni Arnoux ang pagkaalisto niya. Kaya ng bigla na lang siyang sinugod ng ilang miyembro ng pangkat ay mabilis na nakaiwas si Arnoux.
He couldn't transform yet into human form since what he needed to do was to finish the race in his wolf form. Hindi naman kasi siya required na labanan ang mga sumusugod. All he needed to prove was how agile and fast his reflexes were when escaping dangerous missions so he could return intact and share the important information he took on a mission.
That’s the real essence of this test.
Hindi nagtagal ay nakabalik rin sa finish line si Arnoux. Pagkaapak na pagkaapak niya sa finish line ay agad na napatingin siya sa naka-display na orasan at kahit na halos maubusan na ng hininga sa sobrang hingal ay malawak siyang napangiti. Unfortunately, he was in his wolf form, so no one saw how handsome he would be with that smile.