The Hunt

3081 Words
Ngayon ay ang ikalawang araw ng pagtanggap at iyon rin ang araw ng ikalawang yugto ng pagsubok. Kumpara sa unang araw, mas kaunti na lang ang natitirang manonood sa araw na ito. Maliban sa mga taga-Eagle-Eyed pack ay iilang elders na lang mula sa ilang karatig na pangkat ang natitira para manood. Lahat ay nakaupo na at naghihintay na lang sa hudyat para sa simula ng second phase. Katulad sa lokasyon ng unang test, gaganapin din sa loob ng kagubatan ikalawang phase. Pero this time, sa mas masukal na parte na ng kagubatan ang kailangan suungin ni Arnoux. Katahimikan agad ang namayani ng makita ng lahat ang pagtayo ng pinuno ng Eagle-Eyed pack na si Rhyan mula sa kinauupuan. Ang lahat ay nakatingin sa kanya, naghihintay sa susunod niyang sasabihin. “Ngayon ay ang ikalawang araw ng pagtanggap at ang araw din para sa ikalawang pagsubok. Mula sa unang pagsubok tungkol sa pagsukat sa bilis at liksi, ngayon naman ay susubukin natin ang galing ng susunod na pinuno pagdating sa pangangaso.” Kahit pa nga walang gamit na amplifier or microphone, nagawa pa ring umabot ang malalim na boses na iyon ng pinuno sa buong manonood. “Hunting is already our nature since the old era of pure-blooded wolves. It’s their way of living. It is not only a test of strength and power, but also a test of courage and mind. We are the symbol of predators. Kahit pa nga sa ilang siglo na ang nakalipas, at ilang era na ang dumating, mananatili pa rin sa atin ang pagiging maninila. Kaya naman naging tradisyon na sa atin ang pangangaso lalo na para sa mga susunod na pinuno. At kahit na hindi na tayo katulad noon na umaasa sa pangangaso para makakain at mabuhay, hindi natin maiaalis ang nakagawiang ito. Kaya naman para sa ikalawang pagsubok ay pangangaso ang gagawin nating pangalawang batayan kung nararapat ba sa susunod na pinuno ang kanyang puwesto.” Malakas na hiyawan lalo na mula sa pangkat ang namayani sa lugar. Hinintay ni Rhyan na humupa ang excitement ng lahat habang nakatingin sa nakatayong anak na nasa sentro ng lahat. “Sa pagsubok na ito ay hindi lang lakas ang kailangan. Pinagsamang bilis at liksi, pati na ang talas ng iyong pandama ay susubukin. There are plenty of lists of objects you could prey on inside the forest. And each will have different points. The smallest had the smallest points while the biggest will earn you the most points. Tandaan, you have to properly access everything before tracking your prey. Mayroon ka lang isang beses at dapat, sa isang beses na iyon ay naibigay mo na ang lahat. You will only have the whole afternoon before dawn. Once dawn comes and you’re not back yet, we will give you the points that you deserve for slacking off.” Medyo napakunot ng noo si Arnoux sa narinig pero agad din bumalik sa dati ang ekspresyon niya. Nakatingala lang siyang nakatingin sa ama, seryosong pinakikinggan ang mga pangaral nito at babala sa kanya. “Now on your marks. The moment I fire this gün, the countdown will start.” Katulad ng sinabi ni Rhyan ay pumunta na nga sa puwesto niya si Arnoux. Sa kaparehong starting line sa kanyang first test ay muling tumayo roon si Arnoux para doon hintayin ang hudyat. With a sigh, Rhyan pulled the trigger, issuing a loud bang. And Arnoux decided to carry on this test on his wolf form like how their ancestors take when hunting preys. Mabilis na nawala mula sa kinatatayuan si Arnoux at tanging ang damit na lang ang natitira. Kampante siya ngayon dahil hindi tulad sa unang phase, walang camera na nakasunod o nanonood sa bawat kilos niya. Since they believe that hunting is a sacred thing. Walang sinuman ang gustong pinagmamatyagan habang nangangaso. At hindi rin makakapayag si Arnoux na sundan siya ng camera kahit pa nga payagan iyon ng ama. He believed that the essence of hunting would be lost once it was recorded. Mas gugustuhin na lang ni Arnoux na bumaba sa puwesto bilang susunod na pinuno kaysa ang sirain ang tanging kaugnayan niya sa kanyang mga ninuno. Hindi nagtagal ay nakapasok na rin si Arnoux sa gubat. Tumakbo pa siya papunta sa gitnang bahagi ng kagubatan bago unti-unting binagalan ang pagtakbo hanggang sa parang asong ipinapasyal ng amo ay malayang naglakad si Arnoux in all his four paws. The trees in the deeper part of the forest are much denser and taller than those at the forest's entrance. Halos magsilbing bubong na nga ang mga naglalaguang dahon ng mga puno. Kung hindi lang dahil sa mataas na sikat ng araw ay baka hindi na makapasok ang sinag ng araw sa loob ng gubat. Kampanteng naglakad si Arnoux. He was confident not only because he knew his strength but also because the place was his second playground. Kaya naman kabisado na niya ang parteng iyon ng kagubatan. Madalas siyang nagagawi rito magmula ng matuto siyang mag-shift. Ito na ang nagsilbing training grounds niya kung saan nagagawa niya ring kumilos na parang isang pure-blood. Dahil nga sa gusto niya talaga ang maging isang pure-blooded wolf, sa lugar na ito niya madalas sanayin ang sarili sa ganoong gawi. So this test is like his normal game for him. Isama pa na mayroon siyang anim na oras para gawin ang pagsubok, hindi agad nagmadali si Arnoux na maghanap ng kanyang prey. Malaki ang gubat na iyon at kahit ilang taon na niyang nililibot ang kagubatang iyon ay hindi pa rin niya napupuntahan ang bawat sulok ng gubat. Since this forest is like a border between the nearest city. Nasa border kasi ng Heathersthorn City ang kanilang pack village. Sa kabilang banda ng gubat ay ang border naman ng katabing siyudad, ang City of Huaxia. Ang isa sa pinakamalaking siyudad ng mga shifter at kumpara sa Heathersthorn nila ay mas maraming pure-blood ang natitira sa kanila. Malaki ang forest na ito, dahil nagsisilbi itong border ng Heathersthorn City sa mga nakapalibot na siyudad sa kanila. Kumbaga, napapalibutan ng forest na ito ang buong Heathersthorn City. Ito rin ang nagsisilbing protective barrier nila laban sa mga balak silang looban. Dahil sa taglamig ngayon ang Huaxia ay palamig din ng palamig ang simoy ng hangin kapag sumuong pa si Arnoux papunta sa gitnang bahagi ng kagubatan. And as a shifter who is used to tropical weather, the snow is very dangerous for Arnoux. Kaya hindi na niya sinubukan pa ang mas sumuong sa mas malalim na parteng iyon ng kagubatan. But that won’t stop Arnoux from his plan of wandering around. Ang dapat sanang seryosong pagsubok ay parang naging simpleng laro na lang para kay Arnoux. “Three hours. After that, I will start hunting. Sa ngayon, let’s visit the part of the forest bordering the neighboring pack besides ours.” At katulad ng sinabi ni Arnoux sa sarili ay nagsimula siyang maglakad papunta sa kabilang banda ng forest. Baka rin makahanap siya ng mas malaking prey sa bandang iyon. While prancing like a stroll in a park, Arnoux would look here and there. Kahit pa nga hindi niya pa siniseryoso ang test ay hindi naman ibinaba ni Arnoux ang pagkaalerto niya. He’s idle but still vigilant and alert like a predator. Nang marating niya ang kabilang banda ng kagubatan ay huminto muna siya at nagpahinga. He stopped on a tree with a variety of star apple fruit. Dahil sa kinalakihan na niya ang kagubatan ay alam niya rin ang iba’t ibang amoy at uri ng mga puno ng prutas na tumutubo sa loob ng kagubatan. Kung hindi lang dahil sa magkaibang weather minsan ng kanilang Heathersthorn City at ang kalapit na Huaxia City ay baka pati ang bandang iyon ng kagubatan ay napasok na rin ni Arnoux. Ang kaninang malaking kulay itim na werewolf ay mabilis na naging isang hubad na tao. Arnoux did not care about his n*kedness being shown as he knew that aside from him, there was no one around the area. Dahil hindi naman kalakihan ang puno ng kaimito, hindi na nagpakahirap si Arnoux na akyatin iyon. Like a monkey, Arnoux jumped over and tightly held onto one of the big branches of the tree. Nagpalambitin ang hubad niyang katawan hanggang sa dulo ng sanga kung saan may hinog na bunga na siyang maaabot. It was a shiny dark purple, the same as the color of an eggplant. Kasinglaki ang bunga na iyon ng bilog ng isang malaking platito. Dahil hindi niya pa abot ang prutas ay tinantya muna niya ang layo. At ng masiguro ang tamang tyempo ay patalon niyang inabot iyon kasabay ng pagbitiw niya sa pagkakahawak sa sanga. Kalmadong bumagsak siya sa lupa samantalang sa kamay niya ay naroon ang bunga ng kayumitong hinahangad. He walked over and found a better tree with a big branch to sit on, and there he ate the fruit with relish. Ganoon ang ginawa ni Arnoux habang inuubos ang tatlong oras na palugit sa sarili. He would climb trees, eat fruits, and walk around the area in all his n*ked glory or in all his four paws. Finally, after eating a different variety of fruits, Arnoux’s three-hour-leisure-time ended. Now it’s time for seriousness to complete his task. At dahil nasa kabilang parte na rin naman siya ng kalapit na pack ay doon na siya magsisimulang mang-hunting. While he walk back to their border side, Arnoux started looking for his prey to represent to his pack. He shifted back into his wolf form and used his snout to find some trace of any living thing besides him. His big eyes squinted as he could smell fruity scents aside from the scents of small prey. Ilang maliliit na hayop na rin ang naamoy niya pero hindi niya iyon pinansin. Ang maliit na hayop katulad ng kuneho at wild chicken ay masyadong mababa ang puntos. Pasok pa ang malaking sawa, pero sa lagay niya’y wala pa siyang nasasagap na amoy ng isang sawa, kaya naman patuloy lang siya sa paghahanap. Hindi na namalayan ni Arnoux na malapit na siyang makabalik sa side ng pack nila pero wala pa rin talaga siyang nahahanap na biktima. He was about to change place when he suddenly felt a danger behind him. Sa isang mabilis na lingon ay agad na napigilan ni Arnoux ang isang malaking jaguar na dapat sana ay lalapa sa kanya. Mabilis na nagkapalit sila ng sitwasyon ng jaguar sapagkat ito ang siyang bumagsak sa lupa imbes na si Arnoux. “You’re quite bold, little cat. Akala ko’y mahihirapan akong maghanap, but here you are, serving your own,” Arnoux said in his mind before growling at the prey beneath him. This is his own way of telling the big cat before him that he’s the dominant king compare to it. Na mukhang naintindihan naman ng malaking pusa. At bilang sagot ay isang malakas na ungol naman ang pinakawalan nito sa kanya. It showed how long and possibly how sharp those fangs and teeth are. Pero imbes na matakot ay pinakita rin ni Arnoux ang nagtutulisan niyang pangil at mga ngipin. Maging ang dalawang paa niyang nagtugulak sa leeg ng jaguar ay lumabas ang matutulis niyang kuko. A pained growl escape the feline’s big mouth as it struggled under him. Arnoux wanted a clean prey that he will brought back for the offering ceremony to the Moon Goddess he needed to finish after this hunt. Kaya naman sinibukan ni Arnoux na huwag sugatan ang huli niya lalo pa nga at medyo gusto niya ang balat nito. Using the soft pads on his front right paw, Arnoux hit the jaguar on the weakest part of it’s neck. Sa lakas at bigat noon ay sapat na para manghina ito. Nang hindi na ito makapalag pa ay sunod na ginawa ni Arnoux ay gamitin ang dalawang malaking paa niya para baliin ang leeg ng kawawang jaguar. And that k*lled the jaguar in a swift and clean way. Seeing the prey not moving anymore, Arnoux scoffed before retracting his fangs leaving his short teeth. Kagat ang lupaypay na leeg ng jaguar ay nagpatuloy na sa paglalakad si Arnoux pabalik. Sapat na sa kanya ang ilang oras na paglalaro at ngayon ngang may hawak na siyang iaalay ay gusto na lang niyang bumalik. Dahil sa may kalakihan din talaga ang nahuli niyang jaguar, medyo nahirapan si Arnoux na bitbitin ito. Mas malaki pa rin naman siya kaysa rito, pero malaki pa rin iyon kumpara sa madalas na naliligaw na jaguar sa bandang iyon. Kung hindi lang dahil sa hindi niya makakayang bitbitin ang jaguar bilang tao, baka kanina pa siya nagpalit. Unfortunately, all he could was to drag the dead body in his big mouth. Arnoux’s raven furred ear flickered when he suddenly heard a rustling sound from a distance. Dahil sa ilang taong pag-train ni Arnoux sa gubat na iyon ay na-enhance na rin ang pandinig niya. Kaya naman kumpara sa normal na hearing range ng isang shifter, masasabing ang pandinig ni Arnoux ay maihahalintulad na sa isang ordinary pure-blood. The sound was a distinct sound of leaves. Kung huhulaan ay masasabi ni Arnoux na nasa bungad lang ng gubat ang pinagmulan ng tunog na iyon. Saglit lang iyon, at hindi ganoon kalakasan. Pero dahil hindi na rin naman siya kalayuan sa bungad at sa mas malakas na pandinig ni Arnoux ay hindi malabong hindi niya iyon marinig. Sadyang mahina lang talaga ang tunog. For a wolf, Arnoux is as curious as a feline like the thing in his big mouth. Kaya naman para hindi matakot ang sinuman o anumang naroon ay mabilis na nag-shift si Arnoux sa katawang-tao niya. Siniguro niya munang tahimik niyang nailapag sa lupa ang bitbit niyang jaguar. And with a careful steps, Arnoux walk towards the place according to his instincts. Hindi niya alam kung shifter ba iyon o naligaw na hayop, but because of curiosity, Arnoux did not stop walking and come to the place where he heard the sound. Kung hayop man iyon, wala namang masama kung dalawang prey ang maiuuwi niya. Kung shifter naman ay aalis na lang siya ng hindi nito napapansin. Sa pag-aakalang ang mga prutas sa paligid ang naaamoy niya, hindi binigyang pansin ni Arnoux ang kakaiba at nakahahalinang amoy na biglang tumama sa ilong niya. At first, the reason for Arnoux's going on that way is to know who or what the sound came from. But as soon as he subconsciously smelt the intoxicating smell of a fruity and citrus smell, Arnoux's reason slowly crumbled. The scent is a mixture of the smell of a mild peach and an apple scent. A contrasting smell of sourness and the taste of sweetness. The same smell as the scent of a cotton fruit. Which was actually the favorite fruit of Arnoux above all the fruit-bearing trees in the forest. Dahil hindi naman ganoon kalakas ang amoy, binalewala lang iyon ni Arnoux sa pag-aakalang dala lang iyon ng hangin mula mga punong nadaraanan niya. Pero habang palapit siya nang palapit sa pinagmumulan ng amoy ay unti-unti na ngang napapansin ni Arnoux ang kakaibang nangyayari sa kanya. From the simple smell of a cotton fruit, the scent became more intense that it caused some numbing feeling in his nerves and dazzling effect in his mind. Na para bang bigla na lang nagkaroon ng malfunction ang nervous system niya. The intense smell attacks every nerve in Arnoux. Maliban sa hindi niya na makontrol ang katawan niya, he could also feel the difference that was happening in his dynamics. “F*ck!” Arnoux cursed internally as he tightly clenched his fists. A fluttering occurred inside his tummy and his body started warming. Naka ilang beses na rin siyang napalunok ng laway habang nilalabanan ang tuluyang pagkawala niya ng kontrol sa kanyang katawan. Dahil doon ay ilang mahihinang animalistic growl ang lumabas sa bibig niya. Kahit pa nga ito ang unang beses niyang maramdaman ang ganitong pakiramdam, sigurado si Arnoux kung ano ang ibig sabihin ng lahat ng pagbabago sa kanyang katawan. From the sudden uncontrolled feelings, that fluttering in the stomach, and the slowly losing of sanity, lahat iyon ay alam ni Arnoux ang pinaka-dahilan. Because of Arnoux's fighting control over his mind from his instincts, he did not realize that he was slowly reaching the place where the cause of all his current suffering was. Hanggang sa tuluyan na nga niyang narating ang bungad ng kagubatan. Kasabay noon ay ang mas malakas na amoy ng pheromone na unti-unting tumutunaw sa katinuan ni Arnoux. A complete growl that came from his wolf inside escaped his mouth. Arnoux opened his subconsciously closed eyes and what welcomed him was a very tempting scene of a young lady in patient clothes, lying on the ground while leaning her petite body on the big trunk of a mahogany tree. Nakaupo ito patagilid kung saan ang mga paa niya ay parang naka-letrang 'M'. At dahil sa maikling hem ng puting bestida ay kitang-kita ang makinis at bahagya pang namumula-mula dahil sa kaputiang binti at legs ng babae. Another soft growl was heard as Arnoux’s eyes moved upward, seeing the enticing face of the lady. Ang namumula rin nitong mukha na para bang nasa loob ito ng sauna dahil nagdagdag lang ang pamumulang iyon sa nakakaakit niyang ganda. Those small and reddish lips, which were slightly parted both from panting and those low moans that were like an answer to every growl from Arnoux. Nakailang beses na yatang napalunok si Arnoux ng laway hanggang sa wala na siyang malunok pa dahil sa pagkatuyo ng kanyang lalamunan. The lady’s face is really bewitching and ethereal. Isama pa ang kakaibang kulay ng buhok nito na parang kumikinang na silver dahil siguro sa sinag ng palubog na araw. Arnoux couldn’t move, and he was like a starstruck fool, standing there and silently watching the beauty from afar. Gusto niyang kabisaduhin ang mukhang iyon kahit pa nga halos masugatan na niya ang sarili dahil sa pagpipigil na lapitan ang babae. The sane Arnoux, who would never do or act like a hungry wolf as he currently is, was completely disintegrated like water and nowhere to be seen. At ng magbukas ang mga asul na matang iyon at tumama sa mga mata ni Arnoux ay tuluyan na ngang naputol ang pisi ni Arnoux. In a flash, Arnoux disappeared and then reappeared in front of the lady who was harshly being pinned to the tree. “Mate!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD