Instincts

2340 Words
“Good morning, senior A,” ang nakangiting bungad sa kanila ni Teacher Ran pagkapasok na pagkapasok niya pa lang ng classroom. “Good morning, ’Cher,” nakatayo at sabay-sabay na bati ng class A. Isang guwapong ngiti ang iginawad ni Teacher Ran sa mga estudyante kaya naman kanya-kanyang nagsipag-upuan ang mga estudyante. Nagpatuloy lang si Teacher Ran sa paglalakad hanggang sa marating na rin niya sa wakas ang kanyang table at doon inilagay ang isang tablet at ang case ng laptop. Tahimik na pinanood siya ng mga estudyante habang ina-assemble niya ang laptop pa-connect sa classroom projector. “Do we have an absentee today, Ms. Class President?” biglang tanong ni Teacher Ran habang hinihintay na tuluyang magbukas ang kanyang laptop. Maingat na napatayo si Sabina mula sa kanyang kinauupuan. “Wala po, ’Cher. Iyong mga present kahapon ay present pa rin po ngayon. Hindi lang po ako sure iyong sa mga classmates namin na excuse dahil sa paghahanda para sa darating na initiation rites,” magalang na sagot niya sa guro. Napatango-tango naman si Teacher Ran at naglakad palabas ng podium. Dala-dala ang controller ng projector na nakakonekta na sa laptop at ang tablet, naglakad papunta sa harapan si Teacher Ran. Doon tuluyang nakita ng lahat ang kabuuan ni Ran. Siya ay dalawampu’t anim na taong gulang, at halos apat na taon na ring guro ng Noble Crest Academy. Hindi naman siya ang pinakabatang guro sa paaralan pero dahil siya lang ang nag-iisang alpha na namasukan bilang isang guro ay naging tanyag ang pangalan niya sa buong academy. Bilang miyembro ng ABO Committee, siya ang naging paboritong Secondary Gender Instincts subject ng mga senior students sa nakalipas na apat na taon. Maliban kasi sa pagiging alpha niya at ang hindi maitatangging pagiging magandang lalaki ni Teacher Ran ay magaling talaga siyang guro sa subject na napili. Marahil dahil na rin sa pagtatrabaho niya sa ABO Committee kaya naman marami talaga siyang alam at naituturo tungkol sa instincts sa kanyang mga estudyante. Aside from that, he was really a fun and good teacher. Making him one of the most favorite teachers around the Noble Crest Academy. “Good. Then we can now start our lesson. Sapat na siguro ang buong araw na pahinga ninyo kahapon,” Teacher Ran jokingly said, pertaining to yesterday’s free time of the students because of the school orientation and class orientations. Sabay-sabay na napatawa ang lahat habang ang ilan ay sumagot pa ng pabiro. Muling nginitian ni Teacher Ran ang mga estudyante bago napahinto sa dulo ng platform. “Okay, let’s get serious, senior A. Kung nakinig talaga kayo sa senior orientation kahapon, can anyone share their ideas, kahit iyong basic lang, about instincts?” Wala namang nangahas na manguna. Hindi nga lang sigurado kung dahil ba sa ayaw nilang mag-share o sadyang wala lang talaga silang mai-share. “Ano ’yan, nagkakahiyaan lang o wala talaga kayong mai-share?” pagbibiro ulit ni Teacher Ran bago napabuntonghininga. “Fine, let’s change the question. What is your first impression when you hear the word, instincts? And please answer me, class. Kung hindi, mag-walk-out talaga ako kapag walang nagparticipate,” pagbabanta niyang dagdag kahit pa nga halata sa mukha at tono niya ang pagbibiro. Mukhang nakaramdam naman ng awa ang iba kaya may ilan ding nagtaas ng kamay para sumagot. Pasimpleng napatingin si Teacher Ran sa hawak na tablet bago nagbigkas ng isang pangalan. “Lee.” Kalmadong napatayo ang isang babae na nasa pangatlo sa kaliwa ng pangalawang row. Mayroon siyang itim na buhok, at itim na mga mata. Dahil sa nakangiti ay mas lalong lumiit ang singkit niyang mga mata. “According to what I know about instincts, ’Cher, is that it is a natural behavior that stimulates uncontrolled reactions between two opposite genders without involving reasons.” Ran nodded his head in acknowledgement. “Exactly. You can take your seat now, Ms. Lee.” As she was told, the female student, Lee, took her seat. Tumalikod naman si Teacher Ran at pasimpleng itinutok ang controller sa projector dahilan para bumukas iyon. Naglakad siya papunta sa isang tabi para hindi niya maharangan ang presentation. “Did you know that before the new era came, kung saan wala pang secondary genders, ABO, at iba pa. The era where there were only those legendary pure blooded werewolves exists. Instincts are not that hard to control. Pure blooded werewolves were known for the control of the wolf within them, and instincts which is the number one enemy of us, shifters, is only as easy as pie for them. Their ruts and estrus could only last for three days without their mates, and will only last for half a day with their mates. Can anyone tell me about the time span that heats and ruts lasted for us, shifters?” Napasilip ulit si Teacher Ran sa hawak na tablet. “Hudson,” tawag ni Teacher Ran sa lalaking estudyante na naalala niyang nagtaas ng kamay kanina. Nabigla man dahil sa pagtawag sa kanya ng guro kahit pa nga hindi naman na siya nagtaas ng kamay ay napatayo pa rin ang lalaking tinawag na nakaupo sa last row. “’Cher, as far as I remember, for ruts, it would last a whole week with or without their mates. Hindi po ako sigurado sa heats, pero ang pagkakaintindi ko po ay pareho lang din iyon sa ruts, tama po ba, ’Cher?” hindi siguradong sagot ni Hudson. Nag-angat ng tingin si Teacher Ran mula sa kanyang tablet at ginawaran ng isang ngiti si Hudson. “That’s right. Although, not exactly right. But I would explain the rest of that later on, when we are done with the brief summary of the history.” Pagkatapos ay muling tumalikod si Teacher Ran at humarap ulit sa projection ng kanyang presentation sa board. Ang kaninang naka-flash na slide na may kahulugan ng 'instinct' ay napalitan ng sumunod na slide. “As I was saying, katulad nga ng sinabi ko, ang instinct noon ay hindi mahirap kontrolin. Even if the person was under their rut or estrus, they could still think clearly and rationally. They would never attack anyone out of their wolf instinct because the wolves before had a strong mind. Nawawala lang sila sa katinuan, dahil sa mate bond, which is what we call 'pair' now. Just a brief recap of yesterday’s orientation. Aggasi, kindly share with us what you have remembered about the difference between a mate and a pair.” Hearing her last name being called, the hand that was holding a pen and was taking down notes, stopped. Nurie, who was very serious about listening, finally looked up from her notebook. Dahan-dahan siyang tumayo at napatingin sa guro bago sumagot. “Mates are either forced or fake connections created between opposite genders, while a pair is a sacred fate that connects two individuals according to the goddess’ will,” walang prenong sagot ni Nurie. Bakas sa mukha ni Teacher Ran, maging ng mga kaibigan at kaklase ang gulat habang nakatingin kay Nurie na nanatiling nakatayo, naghihintay sa senyas ng guro bago maupo. Si Teacher Ran ang unang naka-move on sa gulat na dala ng sagot ni Nurie. Amusement and curiosity flashed in his hazel brown eyes as he stared at Nurie. “You seem to have a different view about mates, Miss Aggasi. I can’t say that you’re wrong because it’s your own judgement, but honestly speaking, it piqued my interest. I’m quite curious about the reason behind your answer. But I respect my students’ privacy and freedom, so I won’t ask you anything about it. You can take your seat now, Miss Aggasi,” nakangiting saad ni Teacher Ran. Nurie slightly furrowed her brows before hesitatingly taking her seat. Dahil hindi niya maaaring itanong sa mga katabing kaibigan ang tungkol sa dahilan kung bakit ganoon ang naging reaksyon ng guro kaya kinimkim na lang ni Nurie sa sarili ang tungkol doon. Itatanong na lang niya sa mga kaibigan kapag natapos na ang klase nila. Nagpatuloy naman sa pag-discuss si Teacher Ran kaya nakalimutan na ng karamihan ang tungkol sa sagot ni Nurie. Mukhang hindi naman nagsisinungaling ang mga dating seniors dahil katulad ng mga komento nila tungkol kay Teacher Ran at sa kung gaano siya kakaiba sa ibang mga guro ay nasaksihan din iyong ng batch nina Nurie. Both the teacher and his students were so into the discussion that they didn’t realize it the time. Ang dapat sanang discussion tungkol sa history at pinagmulan ng instincts hanggang sa mga uri nito ay hanggang sa pinagmulan lang ng instincts ang natalakay nila sa loob ng dalawa’t kalahating oras. Kung hindi pa siguro tumunog ang bell, indikasyon na tapos na ang oras para sa subject na iyon ay baka magtuloy-tuloy na nga ang diskusyon. “I guess we will continue the discussion at our next meeting. On Friday, I will just summarize what we discussed today with the addition of the topic we haven’t finished. today. Then we will focus on the different categories of instincts. So, I'll see you all on Friday. Class dismissed.” Nakangiting kinawayan ni Teacher Ran ang buong klase bago naglakad papalabas ng classroom. Masayang kinawayan din naman pabalik ng mga estudyante ang papaalis na guro habang inaayos nila ang mga gamit para sa susunod na subject. “Pakilinis naman po ng whiteboard sa mga nasa unahan!” ang malakas na sigaw ni Sabina. Isa sa mga kaklaseng lalaki ang sumunod at binura ang mga nakasulat sa whiteboard. Nang makita iyon ay muling napaupo si Sabina sa kanyang upuan at napaharap kay Nurie na pinagigitnaan nila ni Ynggrid. Sabay nilang tinitigan si Nurie na tahimik lang na inihahanda ang mga gamit para sa susunod na subject. “Oh bakit gan’yan kayo makatingin?” tanong ni Nurie sa mga kaibigan ng hindi nag-aangat ng tingin. Ynggrid snorted. Pero hindi siya nagsalita at pinagpatuloy lang din ang ginagawang pag-aayos ng mga gamit. It was Sabina who asked the question while also preparing her notebook, book, and pen. “H’wag ka ngang magkunwaring hindi mo alam kung bakit ka namin tinitingnan d’yan. Diretsahan na ’to, Nurie. Anong mayroon sa sagot mo kanina kay sir, hah?” diretsahang tanong ni Sabina na bahagya pang nilingunan ang kaibigan. At dahil tapos na siyang mag-ayos ay pinaglaruan na lang ni Nurie ang hawak na ballpen sa kamay. Siya naman ang napatingin kay Sabina. “I’m not because I really don’t know why you're looking at me. Kung tungkol naman sa sagot ko kay ’Cher Ford, I don’t think I said anything wrong. It was an opinionated answer, so there’s no right or wrong with my answer. So, bakit ganoon na lang ang reaksyon niyo sa sagot ko?” balik na tanong ni Nurie. “Pfft. Patawa ka rin ano, Nurie?” natatawang singit ni Ynggrid. Seryosong nilingon ni Nurie ang isa pang kaibigan bago seryoso ring sumagot. “I’m serious, Ynggrid.” That left Ynggrid dumbfounded. Si Sabina naman tuloy ang natawa dahil sa reaksyon ni Ynggrid. “And we’re serious too, Nurie. Na-intriga kasi kami sa sagot mo kay sir. And we’re talking about your opinionated definition of mates. Based on experience ba ’yan?” tumataas-taas pa ang kilay na tanong ni Sabina. “That’s right! Pero hindi naman siguro based on experience since hindi pa nga nakikita ni Nurie ang mate kunno niya. Baka based on futuristic experience!” Parang humaba naman ang kamay ni Sabina at agad niyang sinampulan ng kotong si Ynggrid. Nasaktan man si Ynggrid pero napanguso na lang siya habang hinihimas ang natamaang noo. “Don’t mind her, Nurie. Inggit lang ’yang si Ynggrid palibhasa hindi inaprubahan ni tito ang request niyang maging mate si Erix,” pagpapalubag-loob ni Sabina kay Nurie at parang batang dinilaan pa si Ynggrid. “Heh! Kala mo naman! Ikaw nga ilang beses ng tinanggihan ni Nurie! Deserve! Hmp!” balik ni Ynggrid na ayaw magpatalo. Tahimik na natawa namang pinanood ni Nurie ang pangbabara ng mga kaibigan sa isa’t isa. Medyo nakaramdam din naman siya ng pagka-touch dahil nga sa halatang sinusubukan lang ng dalawa ang i-cheer up siya, kahit na hindi naman kailangan. Hindi naman kasi talaga siya affected sa biro ni Ynggrid kanina. O kahit na ang maging topic ang tungkol sa pagkakaroon niya ng fixed mate na hindi niya makita personally. Pero wala siyang sinisisi, not her parents, her mate, or anyone. Sarili niya lang naman ang dapat niyang sisihin. Not even her so-called illness, hindi niya sinisi. It was her decision to hide, it was her who was afraid. Siya itong duwag. Kaya wala siyang karapatang sisihin ang sinuman. It was all her fault. Ironically speaking, it was she who dreamt of a mate the same as her father. Pero natatakot siya na baka walang magtagal sa kanya dahil sa karamdamang hanggang ngayon ay hindi pa rin matukoy. For the past thirteen years since she was diagnosed with an acute illness resulting from her numbness about or unfeeling of secondary instincts, Nurie has never felt like she was an ordinary person. Sa labing tatlong taon na iyon ay dala-dala na niya ang pangalawa niyang katauhan kung saan ibang-iba sa kung ano talaga siya. Kasabay noon ang takot. Afraid of being separated from everyone, afraid of being left out, afraid of getting rejected. Kaya naman kahit na maaga pa lang ay nabigyan na agad siya ng sariling mate ay kailanma’y hindi siya nagkalakas ng loob na harapin sa personal ang kanyang mate. Kung hindi lang yata dahil sa mga magulang ay baka noon pa man ay tinanggihan na siya ng kanyang mate. Pinagtatakahan na lang ni Nurie kung bakit sa loob ng mahigit sampung taon nilang pagiging mate ni Arnoux, walang pag-uusap o kahit saglit na sulyap man lang sa isa’t isa ay hindi pa rin pinuputol ng lalaki ang sapilitang ugnayan nilang dalawa. Iyon na lang ang tanging pinanghahawakan ni Nurie, ang hindi pagputol ng lalaki sa natitirang pisi ng pag-asa ni Nurie na balang-araw ay mararanasan din ni Nurie ang inaasam niyang ordinaryong buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD