Kalalabas lang ni Nurie mula sa sasakyan ng kanyang ama nang biglang tumakbo papalapit sa kanya ang dalawang kaibigan. Mukhang mas nauna itong pumasok ngayon kaysa sa kanya.
“Good morning, Uncle Azure!” sabay na bati pa ng dalawa sa nakasilip na ulo ng tatay ni Nurie mula sa bintana ng kotse.
“Good morning, Ynggrid, Sabina. Kayo na muna ang bahala sa prinsesa ko,” nakangiting bati rin ni Azure sa dalawa.
“Aye, aye, sir!” nakangising sagot ni Sabina na nakasaludo pa.
Natatawang napailing na lang si Azure at muling nilingon ang tahimik niyang anak. He smiled at Nurie before starting the car's ignition.
“I'll go ahead. Have fun, young ones!”
Pinanood naman ng tatlo ang pag-alis ng sasakyan. Saka lang sila kumilos nang hindi na nila matanaw ang kotse. Sabay-sabay na nagsipagtalikod ang mga ito at nagsimulang maglakad papasok ng school.
“Uncle really doted on you, Nurie. Kahit na malapit ka na sa legal age mo ay parating baby pa rin ang turing sa ‘yo ni Uncle Azure,” may pagbibirong saad ni Sabina kay Nurie na pinagigitnaan nila ni Ynggrid.
“Palibhasa inggit ka lang. Hindi ka kasi bini-baby sa inyo dahil hindi ka naman daw mukhang baby,” pang-aasar naman ni Ynggrid kay Sabina.
Todo pigil tuloy si Nurie na matawa dahil nga sa naglalakad pa sila papunta sa room nila. Kung kahapon kasi ay opening at orientation pa lang, ngayon naman ang simula talaga ng pasok. At dahil maaga pa naman bago magsimula ang klase ay marami pa rin ang nakatambay sa bawat hallway at bench.
Although Nurie doesn't want to agree to the things that were circulating in the school about the people who knew her, she also never denies it.
Dahil sa pinalilibutan siya ng ‘dalawang alpha’, most of the people who don’t know her also think that she's also an alpha. At dahil sa kung paano siya umakto sa harap ng iba, kahit mas maliit siya kumpara sa mga alpha sa school, ay walang nagtanong at naglinaw niyon sa kanya.
And as if Nurie would be the type of person who would clear that understanding on her own. Unfortunately for everyone, Nurie is a monotonous type of person. At hindi rin siya ’yong tipong magkukusang makipag-usap sa iba.
All in all, Nurie was deemed as the cold alpha in the school by most of the people outside their pack. Fortunately, iilan na lang ang nag-aaral sa school na mula sa pack ni Nurie at bawat miyembro ng pack nila ay loyal sa pack. Kaya naman hindi na rin nalinaw pa sa lahat ang totoong gender ni Nurie. Marahil dahil sa wala silang pakialam, o dahil sa gusto rin nilang protektahan ang lihim ng pack.
“Let’s go to the canteen first. I didn’t eat breakfast. Ito kasing si Ynggrid ay dinaanan agad ako sa bahay. Natatarantang naligo tuloy ako agad at hindi na nakapag-almusal pa,” reklamo ni Sabina sabay hila sa kamay ng dalawa niyang kaibigan.
Papunta na kasi sila sa kung nasaan man ang room nila, pero dahil sa madadaanan pa nila ang hallway papuntang canteen ay lumiko sila roon, dahil sa paghila ni Sabina sa dalawa.
“Nanisi ka pa. Ang sabihin mo lang ay late ka na namang nakatulog kagabi kaya late ka ring nagising. We already talked about going to school early, right?” nakataas naman ang isang kilay na tanong ni Ynggrid kay Sabina, pero hindi naman binawi ang kamay mula sa paghila ng kaibigan.
These two are the only friends and best friends of Nurie in school. Dahil na rin siguro sa impluwensya ng mga kaibigan ni Nurie kaya nagkaroon siya ng titulo bilang isa sa mga alpha-she-wolf. Katulad kasi ni Nurie ay kilalang mga alpha ang dalawa niyang kaibigan. Kaya naman kilala silang magkakaibigan bilang the “Alpha She-wolf Trio”.
But unknowingly to everyone, katulad ni Nurie ay hindi lahat sila ay alpha. If Nurie were to just name their group, then she would name it the “ABO She-wolf Trio”. Since they were supposed to be composed of three alpha groups, they were actually composed of an alpha, a beta, and an omega. Unlike Nurie who was unconsciously labeled as an alpha because of her characteristics and mannerisms that correspond to an alpha, her friend Ynggrid is different.
Ynggrid Stroud is a beta-dom friend of Nurie who aims to be an alpha. Hindi katulad ni Sabina at Nurie, nagmula lang si Ynggrid sa isang maliit na pack, kung saan ang ama ni Ynggrid ang namumuno. Although the pack is small compared with Nurie’s and Sabina’s, unti-unti na rin namang gumagawa ng pangalan ang pack nila.
Gumagawa kasi ngayon ng pangalan ang ama ni Ynggrid sa buong Heathersthorn City. Ang ama ni Ynggrid na nakilala dahil sa isang pack ng rogue wolves ang sumugod sa pack nila, na tinalo ng pack nila kahit pa maliit lang sila, dahil sa pamumuno ng ama ni Ynggrid.
Because of this, Ynggrid looked up to her father very much. Para sa kanya, ang papa na niya ang pinakamatapang sa lahat. And so Ynggrid wanted to be her father, someone who could lead their pack bravely. Which made Ynggrid want to be an alpha like her father. Unfortunately, she grew up like her mother, a beta.
At dahil katulad ni Nurie ay nag-iisang anak lang din si Ynggrid, ipinagpatuloy na ni Ynggrid ang pagpapanggap bilang isang alpha. Dahil sa pagiging beta-dom niya, hindi siya nahirapan magpanggap bilang isang alpha. Dahil ang mga beta kasi ay hindi naaapektuhan ng kahit anong pheromones, depende kung napakalakas niyon.
And because of these facts, pretending as an alpha is easy for Ynggrid. At ngayon ngang pa-graduate na sila ay hindi pa rin nalalaman ng lahat ang tungkol sa pagiging beta talaga ni Ynggrid, katulad lang din ng pagiging alpha sa harap ng mga tao ni Nurie.
“What do you want to eat, Nurie?” malambing na tanong ni Sabina kay Nurie, na agad na napangiwi.
“Stop it, Sabina. It's making all my hair stand up, jeez!” nakangiwing reklamo ni Nurie habang nakahaplos sa mga balikat niya, para lang mapatunayan na kinikilabutan talaga siya.
Napatawa lang naman si Sabina sa tinuran sa kanya ni Nurie, halatang nasanay na sa reaksyon ng kaibigan sa tuwing bibiruin niya ito nang ganoon. “What? I am just being a sweet friend here, who thinks about her friends first before herself. Kung ano na naman ang iniisip mo,” nakangising akbay pa ni Sabina.
Napapairap na lang si Nurie at pilit na inalis ang pagkakaakbay sa kanya ni Sabina. Mabuti na lang at kusa na ring inalis ni Sabina ang mabigat nitong braso mula sa balikat ni Nurie.
“Uy, h’wag mo na ngang pagtripan ’yang si Nurie! Ako ang manlilibre, kaya bilisan mo na riyan at i-order mo na kung ano man ang gusto mo!” singit naman ni Ynggrid sabay tulak kay Sabina.
“Yeah, yeah, heto na. What a stingy friend,” nakataas pa sa ere ang mga kamay na naglakad na papunta sa counter.
Iyon naman si Sabina Morata, ang tanging alpha talaga sa kanilang tatlo. Katulad ni Nurie ay mula rin sa malaking pack si Sabina. Pero hindi naman siya mula sa pamilya ng pack leader nila. But still, isa pa rin si Sabina sa pagpipilian bilang susunod na pinuno ng pack nila.
Maaga kasing namatay ang Luna ng pack nila at hindi na sila nabigyan pa ng anak. Dahil doon, naisipan na lang ng pinuno nila na pumili mula sa dalawang alpha na anak ng dalawang kaibigan nito. At isa na nga roon si Sabina na nag-iisang alpha'ng anak ng mga magulang niya.
Being an alpha, Sabina grew an increasing hate towards male alphas. Dahil na rin siguro sa mababang tingin sa kanya ng ilang mga ka-pack nila na hindi niya magagawang maging pinuno ng pack, kaya naman galit si Sabina sa sino mang bumababa ang tingin sa mga she-wolf katulad niya. Para kay Sabina, kaya ring gawin ng mga she-wolf ang kayang gawin ng mga lalaki.
Hindi na sila tulad ng nakasanayan noon ng mga pure-blooded wolf, kung saan lalaki lang ang p’wedeng maging alpha. Dahil sa pagbabago ng kanilang sistema ay kahit na sinong alpha, she-wolf alpha man o hindi ay may karapatang maging pinuno ng isang pack. Kaya naman naniniwala si Sabina na p’wedeng maging alpha lead ang katulad niyang she-wolf alpha. Mas naniniwala nga siya na mas magaling mamuno ang isang she-wolf kumpara sa mga lalaki. At hindi lang si Sabina, kung ‘di maging sina Nurie at Ynggrid ay naniniwala roon.
And that belief made Sabina, Nurie, and Ynggrid meet each other, and they became friends. Lahat sila kasi ay may pinaglalaban bilang mga she-wolf. And having the same belief and goal, it made them become closer to each other.
Hindi rin naman nagtagal ay dumating na rin si Sabina sa kanila. Nagtaka sina Nurie at Ynggrid nang makita ang nakabusangot na mukha ni Sabina habang hawak-hawak na ang burger.
“Oh, ’bat ’yan lang ang in-order mo? Ano ’yan, diet?” nakataas ang kilay na tanong ni Ynggrid nang makabalik na si Sabina sa kanila.
Hindi naman sumagot si Sabina at napairap lang bago kumagat sa burger na binili niya. “Halika na,” biglang seryosong aya sa kanila ni Sabina.
Nagtatakang nagkatinginan pa si Nurie at Ynggrid dahil sa biglaang inakto ni Sabina. Tahimik na sumunod na lang silang dalawa sa kaibigan.
Naiwan kasi si Nurie at Ynggrid sa labas ng canteen at si Sabina lang ang pumasok sa loob para kumuha ng kakainin niya. Kaya naman hindi tuloy malaman ni Nurie at Ynggrid kung ano ang dahilan nang biglaang pagbabago ng mood ng kaibigan. Gustuhin man ni Nurie na magtanong ay ipinagkibit-balikat na lang niya iyon at hindi na nagtanong. Sigurado naman siyang ang kaibigan na ang kusang magsasabi kung malaking problema ang nangyari. At dahil mukhang wala namang balak na magsalita si Sabina ay sa tingin ni Nurie’y hindi naman iyon malaking problema.
“Nga pala, Nurie. I heard about Erix. Is he okay?” biglang tanong ni Sabina kay Nurie.
Maliit na napangiti naman si Nurie kay Sabina sa narinig. She threw the things about Sabina behind her head, and she gently nodded at her friend. “Papa said that he's okay now. Kasama naman niya ang ilang elders, kaya okay lang ang lahat,” sagot pa niya.
Ang halatang walang kaalam-alam na si Ynggrid ay gulat na napatingin kay Nurie nang makita ang pagtango niya. “Bakit? Ano’ng nangyari kay Erix?” Ynggrid asked with a worried look.
Hindi naman maiwasang makaramdam ng pagka-proud si Nurie sa sarili. This friend of hers, who had an animosity towards alphas, aside from their alpha fathers, has an exemption with Erix. Maliban kasi sa pagkabilib nila sa mga ama nila, ay mayroon din silang malaking paghanga kay Erix, which is why Erix is exempted from the two’s hatred of alphas. And since she's close to Erix, it really made Nurie proud.
“Erix suddenly had his rut,” maiksing sagot lang naman ni Nurie habang diretso lang ang tingin sa nilalakaran.
Mahinang napasinghap naman si Ynggrid. At doon na nga nagsunod-sunod ang tanong ni Ynggrid kay Nurie tungkol kay Erix. Wala namang magawa si Nurie kung ‘di ang sumagot. Kahit pa nga nakarating na sila sa loob ng classroom, ay hindi pa rin natigil sa katatanong si Ynggrid. Mula kay Erix, ay napunta na sa kung saan pa ang tanong nito. Kung hindi pa yata nagsimula ang klase ay hindi pa sila titigilan ng kakatanong ni Ynggrid.
“Pero alam mo, Nurie. Kung ako sa 'yo. mas pipiliin ko na lang si Erix bilang chosen mate ko, kaysa doon sa Arnoux na sinasabi mo. At least, we know that Erix would be a better alpha for you, lalo na nga at alam niya ang tungkol sa sakit mo.” biglang komento ni Sabina na nagpahinto kay Nurie sa paglalakad.
Pero isang segundo lang dahil nagpatuloy ulit siya sa paglalakad habang napapailing sa sinabi ng kaibigan. “Erix was like a brother to me. Kaya imposible 'yang sinasabi niyo. At tsaka kahit naman hindi ako matanggap ni Arnoux bilang mate, wala naman siyang choice kung 'di ang tanggapin ako. Aba, s'werte na nga niya sa 'kin eh,” Nurie said, the confidence in her voice is as high as her head pointed to the sky.
Sabay na natawa sina Ynggrid at Sabina sas tinuran ng kaibigan. Bilib talaga sila sa kung gaano kataas ang confidence ng kaibigan sa sarili. Ibang-iba sa mga katulad nitong omega. Kaya mahal na mahal nila ang kaibigan eh.
“Then sa akin na lang si Erix. Hintayin mo, Nurie. Magpapadala na lang ang Dad ko ng sulat sa Eagle-Eyed Pack niyo na nagsasabing kapalit ng cooperation ng Eagle-Eyed at River Ash Pack, ay ang pagiging chosen mate namin ni Erix.” Nurie looked at her friend, incredulously. Malakas na natawa naman si Sabina.
Sa huli ay inilingan na lang niya ito at hindi na nagsalita. “Sige lang. Support na lang ang maibibigay namin sa 'yo kaibigan.” wika naman ni Sabina na tinapik-tapik pa ang balikat ni Ynggrid.