Naalimpungatan na napamulat ng mga mata niya si Nurie. Hindi agad nagproseso sa kanya ang nangyayari o kung nasaan siya dahil mas nangingibabaw ang panan*kit ng ulo niya na para bang binabarena ang utak niya sa sakit.
Nanlalanta rin ang katawan niya na para siyang lalagnatin dahil sa bigat ng pakiramdam niya. Dahil sa medyo wala pa siya sa wisyo ay inakala niya lang na nilalagnat nga siya at nasa loob lang ng sariling kama. She forced herself to sit on the bed with her eyes still closed.
“Mama?” namamaos ang boses na tawag niya.
Dahil nakararamdam din siya ng matinding init ay pabalang niyang itinapon sa tabi ang kumot niya tsaka kumilos para tuluyang bumangon sa kama. At ang malakas na pagkalansing ng mabigat na kadena ang siyang pumukaw sa ulirat ni Nurie.
Parang isang mabilis na pagbabalik-tanaw ng nangyari bago siya mawalan ng malay ang naganap sa loob ng utak ni Nurie. Mas lalo lang n’yon pinalala ang pagkirot ng kanyang ulo. And when everything was clear again, Nurie immediately looked around in vigilance.
Ipinalibot niya ang tingin sa paligid. It was an ordinary room, like those cliched rooms used by the k*dnappers in those cliched alpha-omega romance movies that Nurie had watched. Maliban sa kamang kinahihigaan ni Nurie ay wala ng ibang gamit pa ang naroon.
According to the enclosed type of the room, masasabi ni Nurie na ipinasadya talaga ang ganitong kulungan para sa mga omega na katulad niya. At mukhang nahihinuha na rin niya kung ano ba ang pakay ng mga ito sa kanya.
Naituro na rin kasi sa kanya noon ng mga magulang niya ang tungkol sa mga common na ipinagbabawal sa mga omega. Kasama na doon ang mga listahan ng mga delikadong lugar para sa mga omega.
And one of them is this enclosed room and space. Ayon sa turo ng kanyang ina, ginagamit ang ganitong lugar para sa mga omega na nasa kasagsagan ng kanilang heat. Para sa isang mate-less na omega, malaking tulong ang kulob na lugar na iyon para tulungan sila sa pagpapalipas ng kanilang heat cycle.
Pero para sa katulad niyang omega na hindi pa naman dapat dadatnan ng heat cycle ay hindi na agad maganda ang ipinakakahulugan noon. Especially if the person who locked her in this room is someone who looks evil and with evil intentions. She’s really in danger now.
But Nurie did not panic yet. She knew herself more than anyone else if she’s going in heat or not. Dahil nga kailan man ay hindi pa niya naranasan ang bagay na iyon. At sigurado siya na hindi rin siya mauuwi sa kanyang heat ngayon.
Hindi tuloy alam ni Nurie kung ipagpapasalamat niya ba ang tungkol sa “karamdaman” niya. Siguro sa sitwasyon niya ngayon ay lubos siyang nagpapasalamat. Walang kasiguraduhan na hindi siya gagamitan ng mga kumuha sa kanya ng iba’t ibang pheromone bombs, lalo na kung malaman ng mga ito na hindi siya tinatablan ng kahit anong pheromones.
As an omega, it was their natural instinct to react to the pheromones of anyone who was more dominant than them. Mapa-kapwa omega man, beta, lalo na ang mga alpha, basta mas submissive ang pheromone class ay otomatik na sa kanila ang mag-submit sa mas nakalalakas.
Omegas are deemed the lowest class in the shifter hierarchy. Kahit pa maps-dom sila ay mababa pa rin sila kumpara sa mga beta at alpha. Unfortunately for her, Nurie is part of the lowest class.
Pero hindi tulad ng mga kauri niya ay iba si Nurie sa mga omega. Hindi pa rin alam kung sakit ba iyon o ano, pero hindi kailan man naapektuhan si Nurie ng kahit anong pheromones.
She could not smell them, could not feel them, and could not be influenced by them, either through instincts or by the whole omega dynamics. Kahit ang mga normal na nararamdaman ng mga katulad niyang omega, such as the heat cycle, pheromone imbalance, ay hindi pa niya naranasan despite her already in her legal age. Na parang isang normal shifter lang si Nurie katulad ng mga pure-blooded wolves noon.
Alam ni Nurie sa sarili na hindi siya pure-blood at isang shifter katulad ng kanyang mga magulang. Alam niya rin na mayroon siyang secondary instincts at dynamics. Sadyang hindi lang ito active katulad ng karamihan. Na para bang isa iyong dormant na bulkan, o kaya’s isang kaban ng kayamanan na kailangan pa ng trigger o susi para mabuksan. Well, that’s according to Doctor Agnes, who was also the personal doctor of Nurie.
Ngayon, ang kinatatakot na lang ni Nurie ay baka mangyari ang hinuha noon sa kanya ni Doctor Agnes. Na baka kapag hindi talaga tinalaban ng kahit anong pheromone si Nurie ay gamitan na siya ng mga ito ng heat booster.
Ang sabi kasi noon ni Doctor Agnes, malalaman lang nila na isa nga talagang normal na omega si Nurie kapag nakaramdam siya ng normal heat kahit pa nga through boosters iyon. In that way, they can also record every detail of Nurie’s cycle. From the smell of her pheromone, her pheromone class, her regular heat cycle, and how strong an alpha and his pheromone are to trigger Nurie’s dynamics.
Na kaagad at matinding tinutulan ng mga magulang ni Nurie.
Boosters, at that time, were already banned in the city. Kahit anong booster man ‘yan, para sa heat ng mga she-wolf, rut ng mga kalalakihan, o kaya naman sa pheromone control ay ipinagbabawal na sa buong Heathersthorn. Maliban na lang siguro sa antibodies o kaya vaccines.
Hindi rin naman nila masisisi si Doctor Agnes kung magawa nitong i-suggest ang tungkol doon. Kahit mga magulang ni Nurie ay nauunawaan na para rin sa ikabubuti ni Nurie ang pakay ni Doctor Agnes.
Pero dahil sa walang kasiguraduhan ang eksperimentong iyon, hindi pumayag ang mga ito. Takot din kasi sila na baka sa oras na maging ang boosters ay hindi umepekto kay Nurie ay maapektuhan din noon si Nurie.
Mapait na natawa na lang si Nurie. Mukha kasing ang bagay na matinding tinutulan ng mga magulang ay mangyayari na sa kanya ngayon. At ang kinatatakutan ng mga ito na pagkakaroon ng trauma ay mangyayari na nga.
Ipinagdarasal na lang ni Nurie sa Moon Goddess na totoo nga ang karamdaman ni Nurie. Na kahit boosters ay hindi siya tatablan.
Kabadong napahiga ulit si Nurie sa kama ng marinig niya ang pagbubukas ng bakal na pintuan ng kulungan niya. Hindi siya sigurado kung bakit pero wala sa sariling nagpanggap ulit siyang walang malay habang pinakikiramdaman ang pagpasok ng sinuman.
“Luh p’re, tulog pa rin. Sigurado ka bang dose oras lang ang epekto ng pampatulog na ginamit n’yo? Eh bakit wala pa ring kakilos-kilos ‘to?” a croaky male voice said.
Malakas na napaingos naman ang kasama nitong lalaki. “Aba malay ko r’yan. Isang klase lang naman ang nadampot ko bago kami umalis kasi nga naubos na iyong mga limang oras lang. At ang sabi naman doon ay dose oras lang ang epekto noon. Baka natuluyan na ‘yan kaya hindi na magising.”
Isang daing ang umalingawngaw sa loob. “Tanga! Eh ‘di mas p*tay ka n’yan kay boss kapag nagkagano’n! Ang mabuti pa ay lumabas ka ulit doon at kumuha ng malamig na tubig. Kung hindi ito kusang magising, eh ‘di gisingin natin.”
“Tss. Oo na, makautos naman parang pinapakain mo ‘ko ah?”
“Kung hindi ka kikilos ay talagang iyon ang kalalabasan mo kapag nalaman ni boss na natuluyan mo ‘to!”
“T*ngina oo na nga eh! Maitusok ko lang ito ay susunod na ako sa ‘yo. Tss.”
Nurie’s body tensed after hearing that. Lalo pa nga ng maramdaman niya ang paglapit sa kanya ng lalaki. Gusto niyang pumalag ng hawakan siya nito sa braso pero dahil alam niya wala pa rin siyang takas ay nanatili siya sa pagtutulog-tulugan.
So it was too late when she felt a slight pain on her shoulder blade, like it was pierced by a familiar injection. Naramdaman na lang ni Nurie ang mainit na pagdaloy ng kung anong likido sa loob ng katawan niya.
“Okay na ‘to. Bantayan mo na lang at baka biglang magising. Kukuha lang ako ng malamig na tubig.”
Hindi na nagsalita pa ang lalaki at hinayaang makaalis ang kasama. Pinakinggan naman ni Nurie ang pag-alis nito samantalang pinakiramdaman niya ang lalaking naiwan kasama niya.
Pagpasok pa lang ng dalawa ay nag-isip na kaagad si Nurie kung paano tatakas. Mas tumindi lang ang kagustuhan niya matapos siyang injection-an ng mga ito ng kung ano mang likido. Kung iisa-isahin ni Nurie ang posibilidad na nilalaman nito ay mas sigurado siyang heat booster nga ang laman noon.
Naalala kasi ni Nurie ang nangyaring laban niya sa parking ng mall bago siya tuluyan makuha ng mga k*dnappers niya. Sa pagkakaalam niya ay sinubukan siyang gamitan ng coercion gamit ang kanilang alpha pheromones at hindi siya tinablahan.
Maaaring nai-report na nila ang tungkol doon kaya naman para makasiguro ay diretsong booster na ang itinurok sa kanya. Kung hindi lang dahil sa kadena sa kanyang paa ay baka sinubukan na niyang pumalag kanina.
Pero ngayong isa na lang ang kakalabanin niya, sigurado si Nurie na kaya niya ito. She just wished that the key to the chain on her feet was with this man. Kung hindi man, eh ‘di hintayin niya na lang din ang pagbalik ng isang lalaki.
Just like what Nurie predicted, the remaining man curiously walks towards her. Naghintay si Nurie na tuluyang makalapit sa kanya ang lalaki. At nang maaabot na niya ito ay buong pwersa niyang ginawaran ng sipa ang lalaki.
Agad na nagmulat ng mga mata si Nurie at nilundagan ang lalaki na natigilan dahil sa bigla niyang pagsipa. Dahil paanan niya lang naman ang nakakadena, nagawang kumilos ni Nurie ng maigi.
She punched the man hard on his jaw, then to his stomach, before kneeing the man on his precious part with her hundred percent force. Wala pang dalawang minuto ay tumumba agad ang lalaki na nawalan na ng malay dahil sa sakit.
Mabilis na nilapitan ito ni Nurie at kinapkapan. Hinanap niya ang susi sa katawan nito na hindi naman niya ikinabigo. Unfortunately, there were a bunch of keys and before she could find the right one, the man from before came.
Malayo pa man ito ay naramdaman na ni Nurie ang pagdating nito. With her more than normal senses, maging ang pakiramdam ni Nurie ay mas mataas sa normal na shifter. Maihahalintulad iyon sa mga pure-blood noon. She guessed it was a good effect that was brought on by her special illness.
Itinabi niya muna ang walang malay na lalaki sa gilid para hindi agad ito mapansin tsaka siya nagtago rin sa gilid ng pinto. Sa oras na pumasok ang lalaki ay agad niya itong aambahan ng malakas na hataw sa batok.
With that clear plan, it was undoubtedly a perfect one. Hindi rin nagtagal ay dalawa na ang lalaking walang malay sa loob ng lungga ni Nurie. Agad niyang isinara ang pinto at bumalik sa kama niiya para ipagpatuloy ang paghahanap niya sa susi.
Mabuti na lang at hindi rin nagtagal ay nahanap niya ang susi at napalaya ang sarili. She did not hesitate to stealthily leave her room and the whole place. Ipinagpapasalamat na lang ni Nurie ang ginawang paghila sa kanya ni Erix sa tuwing tini-train ito ng kanyang ama.
Once Nurie got out of the whole place, she immediately ran back into the forest. Pamilyar sa kanya ang itsura ng gubat dahil alam niyang iyon ang boundary na nakapalibot sa buong Heathersthorn.
Actually, alam niyang nasa loob ng gubat ang hideout na pinanggalingan niya. Kung hindi iyon nasa sentro ng kagubatan at maaaring nasa kabilang banda na iyon ng boundary kung saan mas malapit na sa Huaxia na siyang kalapit siyudad nila.
But she knew that on this day, Huaxia should be in the winter season. Pero summer na summer pa rin ang lugar. Kung hindi iyon katulad sa unang hinuha niya, maaaring nasa ibang parte na sila ng boundary na mas malayo sa pack village niya.
Lakad-takbo ang ginawa ni Nurie. Paliko-liko rin siya ng daan para mailigaw o maitago ang dinaanan niya in case man na habulin siya ng mga kumuha sa kanya. Pero habang tumatagal ay nararamdaman ni Nurie ang unti-unting pagbabago sa kanyang katawan.
The feverish feeling she had a while ago increased to the point that Nurie was blushing all over her face. Ang nag-iinit niyang katawan ay mas lalong nagdala sa kanya ng kahirapan hindi lang sa paglalakad o sa paghinga niya. It caused her discomfort, like her body became more sensitive and itchy.
Bawat dahon at sanga na dumadampi sa katawan niya ay nagdadala sa kanya ng kilabot na nauuwi sa pangangati na hindi niya maintindihan. Nanlalabo na rin ang namamasa niyang mga mata. Kung hindi lang dahil sa malakas niyang pakiramdam ay baka kanina pa siya natumba.
Nurie was already panting heavily. Nanginginig na rin ang katawan niya. Pero dahil nakikinita na niya ang bungad ng kakahuyan ay pinilit niya ang sariling makalabas doon. Baka sakaling may makasalubong siya at matulungan.
“Almost... I’m almost t-there—”
Nanghihinang napasandal si Nurie sa malaking puno ng akasya. She will be out of the woods in just a few steps. Pero tuluyan ng bumigay ang nanlalambot niyang mga paa. Dahan-dahan siyang napadausdos pasalampak sa lupa habang nakasandal ang likod niay sa malaking puno.
“So hot... uncomfortable...” mahihinang daing niya habang nakapikit.
She felt hopeless. Naroon ang saya dahil nakatakas siya, at ang saya dahil nalaman niyang normal talaga siyang omega. Pero hindi niya magawang tuluyang magsaya dahil sa kalagayan niya.
She did not know who would find her first. Her abductors or a p*rverted molest*r. Either of the two, it only means bad things for Nurie.