Kabanata 2

1297 Words
"READY ka na ba, Sir Travis?" tanong ni Agent Lapuz kay Travis na natataranta sa kanilang opisina. "Bro, sabihin mo nga, may galit ka ba sa akin?" panunuya niyang tanong dito. Nagkamot siya ng batok at minasahe ang balikat ng kaibigan. "Bagay naman sa iyo e. At isa pa hindi makakabawas sa kaguwapuhan mo iyon, sir," anito na natatawa sabay hawak sa peke niyang birth certificate. "Tsk!" mahinang mura niya dahil nakikita niya kung gaano kasagwa ang pangalan niya na ginawa nito. "Heto nga pala ulit ang birth certificate mo, sir. Pati na ang mga personal fake ID's mo nandito na. May ibinigay din pa lang sasakyan si Sir Yohan para sa iyo, makikita mo raw sa garahe nitong building natin." Inilapag nito iyon sa lamesa niya. "Tsk, alam ko na, iyong owner na naman na binangga mo noon e, lumang-luma na iyon a." Reklamo niya rito. Humagalpak ito ng tawa habang nakasandal sa pader. "Alam mo naman si Sir Yohan napakasentimental," sagot nito na tinalikuran siya para tunguhin ang sarili nitong working table. "Kapag pumunta rito si Vicky sabihin mo na lang lahat ng mga alibi ko. At isa pa huwag na huwag kang madudulas dahil mapapatay kita." Nagtaas siya ng dalawang kamay. "Areglado, Sir Gaspar este Travis." Sumaludo pa ito sa kaniya habang nagpipigil sa pagtawa. Binalingan niya itong muli. "Kapag pala dumating rito si Russel at tinanong ako, sabihin mo nasa mission. Tayong dalawa lang ang nakakaalam nitong mission ko, Lapuz, at kapag nadulas ka... simulan mo nang sulatin ang resignation letter mo dahil panigurado akong doon ka babagsak." Tumawa si Agent Lapuz sa kaniyang biro. "Sige na, sir, ako na bahala rito, alam ko naman na si Vicky lang ang kahinaan mo." "Loko!" Inihagis niya ang folder sa kaibigan na mabilis naman nitong iniwasan. Muli niyang tinignan ang kaniyang pangalan. Gaspar Baltazar ang kaniyang pekeng pangalan. Kulang na lamang ang pangalan ni Melchor para maging three kings na ang pangalan niya. UNANG araw ni Travis sa trabaho bilang bodyguard ni Amanda Silva. Kasalukuyan siyang nasa sala ng mansion ng dalaga na may tatlong palapag. Malawak ang bakuran at ang garahe ng kotse nito ay may iba't ibang klase ng sasakyan at tiyak siyang mamahalin ang mga iyon. Ang garden ay napapalibutan ng mga iba't ibang klase ng bulaklak, may apat na hilera ng tanim na sunflower. Naalala tuloy niya si Vicky, mahilig ito sa mga panananim lalo na ang bulaklak na sunflower. Bigla tuloy niyang namiss ang future wife niya. Habang hinihintay niya si Amanda na bumaba ay pasimple niyang tinitignan ang buong paligid. Inoobserbahan niyang mabuti ang lahat ng bawat sulok ng bahay ng dalagang anak ni Gilbert Silva. Napansin niya ang CCTV kanina sa labas ng bahay nito. Wala itong katulong at ipinagtataka niya iyon, wala rin itong kasamang iba sa bahay nito maliban sa kanilang apat na bodyguard nito. At ang isa pang pinagtataka niya ay kung bakit puro lalaki ang bodyguards nito at pare-parehong black leather jacket at nakasuot ng shades ang mga ito katulad niya. Nagawan ng paraan ni Lapuz na magkaroon siya ng background bilang isang magaling na bodyguard. Naiinis siya kay Lapuz dahil ipinangalan nito sa kaniya ang pangalan ng dalawang hari. Pababa na si Amanda mula sa hagdan nang lingunin niya ito. Nakasuot ito ng fitted red dress na hanggang puwetan lamang ang haba may slit sa kaliwang hita at nakasuot ng two inch na pointed heels sandals. Napatulala siya sa kaniyang nakita, isang seksing nilalang ang nasa harapan niya. Ngisinisihan siya nito. "Shall we?" untag nito sa kaniya. Napalunok siya at mabilis itong sinundan. Napailing siya, mapapatay siya ni Vicky kapag nalaman nito na ganito ngayon ang trabaho niya. Nagsinungaling siya rito at nakakatiyak siya na world war 10 ang mangyayari kapag nabuko siya nito. Inalalayan niya itong pumasok sa loob ng kotse. At sa paghakbang nito para pumasok ay nakita niya ang hita nito na naka-expose sa kaniyang harapan. Gusto na yata niyang mag-resign sa trabaho niya. Ang tatlong bodyguards naman ay nagtungo sa kaniya-kaniyang sasakyan ng mga ito. "Mister Baltazar, right?" untag nito sa kaniya. "Okay ka lang ba, hindi mo ba kabisado ang pupuntahan natin?" tanong muli nito. " Nasabi naman siguro sa iyo ni Juancho ang lahat." Tukoy nito sa kasamahan niyang bodyguard na nagbigay sa akin ng schedules nito sa araw na ito. Iniwas niya ang tingin dito. "I'm sorry, ma'am." Ibinuwelta niya ang sasakyan palabas ng gate. Pupunta sila sa Fierro Mall para bisitahin nito ang mga boutiques nito roon. At bibisitahin din nito si Don Gibert Silva, makikita na niya ng harapan ang taong pumaslang sa kaniyang mga magulang. NASA Fierro Mall sina Vicky at Suzi para bumili ng mga gagamitin nila sa eskuwelahan. May mga bisita kasing darating mula sa ibang department na school kaya gustong ipabago ni Principal Luther ang design ng principal's office para raw gumanda ito. Ala una ng hapon sila tumungo ni Suzi para mamili, at mamayang hapon na nila iyon kakailanganin. Habang namimili sila ng mga decorations ay may isang babaeng maarte ang nakabangga niya. Nakasuot ito fitted red dress na sobrang iksi at halos lumuwa na ang hinaharap ng babae sa suot nito. "s**t! Hindi ka ba tumitingin sa dinaraanan mo? Naturingan ka pa man din teacher!" bulyaw nito sa kaniya na itinulak pa siya. Pinagtitinginan siya ng mga kapwa niya teachers at mga saleslady ng mall. Napahiya siya sa inasta ng babae sa kaniyang harapan. Gusto niya itong sugurin pero nanatili siyang kalmado. Nilapitan siya ni Suzi na sumenyas na huwag na itong patulan. Nakalayo ang babae sa kanila habang nangigigil siya sa galit. Kung palamunin kaya niya ito ng buong lesson plan. Akala naman ng babaeng iyon artista, tsk, isumbong kaya niya ito kay Travis nang maipakulong niya. "Hoy, babaeng loka-loka, kumalma ka, gusto mo yatang ma-stress ng bongga. Anyway, tumawag sa akin si Shine, nagpapasabi na doon daw tayo magmeryenda sa kanila dahil si preggy nagpapabili ng ice cream." "Hindi pa ba siya manganganak? Ang laki na ng tiyan niya a. Buti sinabi mo bakla, may ipapapirma nga pala ako kay Russel tungkol sa hacienda. Iyong mag-asawa na iyon, yumayaman pero never tayong kinalimutan." Siniko siya nito. "As in, sinabi mo pa, pero alam mo mabuti pa iyong mga tao na hindi natin kadugo no, natutulungan tayo kaysa sa mga taong kadugo natin ni hindi man lang tayo malingon." Pagdradrama ni Suzi. "Sus, naalala mo na naman iyong Tito mo na 'tsaka ka lamang kilala kapag may event sa bahay nila." Tinawanan niya ito. "Mismo." Nagtaas ito ng kilay. "Hayaan mo na tutal sabi nga ni Pastor Guiam, huwag mo silang gantihan hayaan mo silang magsisisi sa mga kasalanan nilang ginawa nila sa iyo." "Amen!" malakas na sabi nito na nagtaas pa ng isang kamay. Binatukan niya ito. "Seryoso ako, Suzi." "Halika na nga." Nauna itong naglakad. Binitbit niya ang basket na pinaglalagyan niya ng mga pinamili nila. Palabas na sila ng national book store nang biglang may isang lalaking pamilyar siyang nakita. May bitbit itong paperbags habang nakasunod sa babaeng nakabanggaan niya kanina. "Bakla si Travis ba 'yon?" taka niyang tanong habang itinuturo ang kinaroroonan ng mga ito. Naka-black long leather coat ang lalaki at naka-black shades. Nakamaong pants din ito at black leather shoes. Ganoon ang porma ni Travis at ganoon din ang kilos ng kasintahan niya. Halos humaba ang leeg niya sa paghabol ng tingin sa lalaki. "Nasa Manila si Travis may mission hindi ba? Teka nga Vicky, lahat ba ng ganiyang pormahan masasabi mo na si Travis na agad? Loka ka." Inirapan siya nito at nagpatiunang naglakad. Ibinaling na lamang niya rito ang tingin. "Kunsabagay... halika na nga. Ano nga pa lang flavor ang ice cream na ipinabili ni Shine?" pag-iiba niya ng tanong habang sinusundan si Suzi na pakembot-kembot sa kaniyang harapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD