DUDE

3070 Words
  CHAPTER 2 Hindi ko alam kung paano ako nakababa sa mga matatarik na lampas sa taas kong bangin ngunit natagpuan ko ang sarili kong parang tinatalon-talon ko lang na hindi ko na inisip kung mabalian ba ako ng buto sa aking ginagawa. Ang alam ko lang ay kailangan ko siyang iligtas. Ngunit hindi ko alam kung paano. Nang nasa baba na ako ay hindi ko rin alam kung kailangan ko talagang lumusong sa tubig dahil hindi rin naman ako marunong lumangoy at imbes na mailigtas ko siya sa kamatayan ay baka sabay pa kaming mamatay.                 "Hoyyyyyyyyyyyyyy! Asan ka na! Hoyyyyyyyyyyyyy!" sigaw ko na para bang naririnig niya ako sa tubig. "Saklolooooooooooooooooooooo! Tulungan niyooooo kamiiiiiiiiiiiiii! Malakas kong paghingi ng tulong. Habang nagsisigaw ako ay mabilis akong lumusong sa tubig ngunit nang nasa dibdib ko na ang tubig ay nakaramdam ako ng takot.                 "Saklolooooooooooooooooooooo!"                 Walang kahit ano akong maramdaman na ingay sa paligid na maaring tutulong sa akin.                 Ngunit paano siya. Anong gagawin ko!?                 Hindi kaya ng konsensiya kong pabayaan siya na wala akong ginagawa. Kaya kahit hanggang dibdib ko na ang tubig ay humakbang parin ako palapit sa kaniyang kinabagsakan niya ngunit parang biglang nagiging lumalim na iyon at hindi na abot ng aking mga paa. Sumisinghap na ako. Nagsimula na rin akong nakakainom ng tubig. Hindi na ako makasigaw para makahingi pa ng tulong. Buhay ko na ang parang ipinaglalaban ko. Lahat ng puwede kong gawin para manatili lang ako sa ibabaw ng tubig ay ginawa ko na ngunit parang unti-unti akong nilalamon ng tubig. Mas marami na akong naiinom na tubig. Hindi na rin ako makahinga. Tuluyan na akong nalulunod. Buhay ko na noon ang aking inililigtas. Ngunit bago ako tuluyang lumubog ay nakita ko siyang nakatago sa gilid na halos matakpan ng mga nagtatayugang d**o. Ilang saglit lang ay naramdaman ko na ang bisig niyang nakapaikot sa aking baywang. Suminghap ako ng hangin, napakahalaga ng kahit katiting na oxygen lang habang inilalangoy niya ako sa mababaw na bahagi ng sapa. At nang binuhat niya ako para ipahiga sa may damuhan ay tinuluy-tuloy ko na at pinanindigan ko na ang aking pag-iinarte. Naisip kong gantihan na rin siya dahil sa ginawa niyang pagkukunwariang nalunod kahit marunong din naman pala siyang lumangoy. Sumisid lang naman pala siya at mabilis na pinagtaguan ako. Hindi madali sa aking ibuwis ko ang buhay ko para lang sana iligtas siya.                 Naramdaman kong inilagay niya ang hintuturo niya sa aking ilong. Siguro pinapakiramdaman niya kung humihinga pa ako. Mabilis kong itinigil ang paghinga kahit pa natatawa na ako.                 "Hoy!!!" tinatapik-tapik niya ang aking pisngi ngunit desidido talaga akong artehan siya.                 Naririnig ko ang kaniyang mga buntong hininga at alam kong ninenerbiyos siya dahil sa kaniyang sinasabi.                 "Paano ba 'to? Anong gagawin ko? Uyy ano ba? Magsalita ka naman! Huminga ka!"                 Inilapit niya ang kaniyang tainga sa aking ilong, naninigurado siguro kung hindi na nga talaga ako humihinga pa. Nang maramdaman niyang walang hangin ang lumalabas sa aking ilong ay inilagay niya ang kaniyang palad sa aking dibdib at ipinihit niya iyon ng tatlong beses. Ilang sandali pa ay tinakpan niya ang ilong ko at nararamdaman kong ibinaba ng isang kamay niya ang aking baba para bumuka ang aking bibig. Ilang sandali pa'y naramdaman ko na ang kaniyang malambot na labi sa aking labi, amoy ko na ang kanyang mabango at mainit na hininga. Napakalakas ng kabog ng aking dibdib. Iyon ang unang pagkakataong nadampihan ang labi ng bibig ng lalaki. Naramdaman kong binugahan niya ako ng hangin niya. Huli na nang gusto ko nang itigil ang pagkukunwari ko dahil kahit papaano iba na yung dadampi ang labi ng  isang lalaki sa akin! Napakabata ko pa para halikan ng kung sinu-sino lang. Gusto kong mandiri pero hindi ko alam kung bakit nagbigay sa aking ng kakaibang sensasyon ang pagdampi ng kaniyang labi sa aking labi. “Huminga ka bata! Please! Huwag kang mamatay!" paulit-ulit niyang sinabi. Nang naramdaman kong muli niya akong i-mouth to mouth ay itinulak ko na siya. “Uyy ano ‘yan! Anong ginagawa mo sa’kin!”                 "Yun, nagising ka rin. Akala ko mamamatay ka na kanina e.”                 Umupo ako. Itinali ko ang mahaba kong buhok.                 “Babae ka pala?”                 “Oo bakit?”                 “Akala ko kasi lalaki ka e.”                 “Oh ano naman kung babae ako? May problema ka ba sa aming mga babae?”                 “Tingnan mong kataray ne’to. Hindi ka man lang ba marunong munang magpasalamat.”                 “Ako? Magpapasalamat sa’yo? Bakit ako magpapasalamat e hinalikan mo na nga ako? Ikaw pa nga ang may atraso sa akin e.”                 “Hinalikan? Hoy hindi halik yun ah. Iniligtas ko ang buhay mo hindi ko intension na halikan ka.” “Idinampi mo ang labi ko sa labi mo, tingin mo hindi pa halik iyon?” Inirapan niya ako. “Tumayo ka na nga lang diyan nang makauwi na tayo. Pinagluluko mo lang ako!"                 "Natakot kang patay na ako no? Ha Ha ha!" pang-aasar ko.                 "E, ikaw bakit hindi ka nagreklamo nang idinampi ko ang labi ko sa labi mo? Ginusto mo rin no? Crush mo ako, hindi ba?” balik pang-aasar niya. Hindi ako nakasagot. Parang sa unang pagkakataon napahiya ako sa sarili ko. Ngunit mabilis akong naka-recover.                 “Hindi kaya. Yuck ako magka-crush sa’yo. Mas marami pang gwapo sa Manila kaysa sa’yo no.”                 “Hindi raw.  May pa-yuck yuck ka pang nalalaman. Sinisilipan mo nga ako, tapos sasabihin mong hindi?” "Ikaw kaya yung ninerbiyos kanina, ayaw mo akong mamatay kasi gusto mo ako!" pang-aasar ko. Sanay ako sa ganoong asaran dahil sanay ako makaipag-biruan sa mga kalaro kong mga lalaki sa Manila.                 "Sige pagtawanan mo ako. Bakit, nakakatawa bang ginawa mo? Tinakot mo kaya ako." pinulot niya ang kaniyang damit at isinuot niya iyon.                 "Sino kaya sa atin ang unang nanakot? Akala ko kanina nalunod ka na kaya kahit hindi ako marunong lumangoy binalak kong iligtas ka." Tumayo na rin ako. Tumingin ako sa kaniya.                 "Hindi ka naman pala marunong lumangoy ta's anlakas ng loob mong sagipin ako." Nagsalubong ang kaniyang kilay.                 "Kasi nga lagi mo akong inililigtas. Gusto ko lang naman sana na kahit papaano e, makabawi man lang sana ako sa'yo para mapatunayan ko sanang hindi ako lampa tulad ng sinabi mo.” “Hindi ng aba? Kung hindi kita sinagip kanina baka ikaw pa ang namatay.” “Yabang mo naman. E di sige, ikaw na ang malakas. Umaamin na akong lampa ako ngunit hindi naman ako hambog kagaya mo. Saka dapat inisip mo, babae pa rin ako. siyempre iba pa rin talaga ang lakas ninyong mga lalaki ‘no."                 “Babae e nakasuot ka ngang panlalaki tas nakasumbrero ka pa. Wala namang babaeng ganyan dito sa probinsiya e.”                 “Meron.”                             “Wala! Bakit ba mas marunong ka pa sa akin.”                 “Meron nga.”                 “O e di sige, nasaan?”                 “Ako.” Natawa ako.                 “Hindi ako natawa.”                 “Hindi naman ako nagpapatawa.”             "Sandali nga, bakit ka nga ba nandito? Sinusundan mo ba ako?"                 "Hindi no." umupo ako sa bato.                 "E, kung hindi mo ako sinusundan, anong ginawa mo nga  rito."                 "Nilipad kasi yung saranggola ko, hindi ko alam kung saan bumagsak kaya ko sinundan ko dito sa gubat pero narinig ko itong lagaslas ng tubig kaya ako pumunta rito e' saktong nandito ka rin pala."                 "Kababae mo kasing tao, nagsasaranggola ka pa. Umuwi ka na lang. Baka hinahanap ka na sa inyo."                 "Bakit sa tuwing nagkikita tayo lagi mo akong pinauuwi. Di naman kita tatay o kuya. Di mo pa nga sinasabi ang pangalan mo."                 "E, kasi mga katulad mong tiga-Maynila, parang mga alagain.” “Alagain? Hoy kahit kailan di ako papaalaga sa’yo no!” “E di hindi na. Di ka ba natatakot, pumapasok ka sa gubat na ikaw lang? Buti sana kung lalaki ka. Mamaya may mangyari pa sa’yo.” “Ano namang mangyari sa akin?” “Maraming masasamang loob.” “Dito sa probinsiya? Sa Manila oo, pero di ako naniniwala na meron din dito.” “Bata ka pa kasi kaya hindi mo pa alam ang sinasabi mo.” “Lagi mong sinasabing bata ako e, ikaw bata ka pa rin naman ah.” “Sige na, baka hinahanap na rin ako." Sinuot niya ang kaniyang short.                 "Shein, Shein pala pangalan ko. Ikaw? "Bakit?” "Sungit naman ne’to. Ano nga?"                 "Zayn."                 "Zayn? Parang hindi pang-probinsyang pangalan.” “Bakit may dapat bang pangalan ang tiga probinsiya?” “Kasi dito madalas kong naririnig na pagalan ng mga tao, Caloy, Dodoing, Boy, Dado, mga gano’n.” “Bakit ilang taon na mga ang mga may pangalan ng mga ‘yan?” “Sabagay,” tumawa ako. “Pangalan ng mga tito ko ‘yon. Ilang taon ka na?"                 "14. E ikaw?"                 "Nauna ka lang pala sa aking ng isang taon e.” “Ah 13?” “Hindi, 7 years old ako. Natural 13.” Kumunot ang noo niya. Hindi niya nasakyan ang buma-Vice na joke ko. “Bago ka lang dito? Kasi taun-taon kami nagbabakasyon dito pero ngayon lang kita nakita. Saan ka nakatira?" Kinamot niya ang ulo niya. "Bakit ba andami mong tanong? Umuwi ka na nga." Tumalikod na siya.                 "Sandali." Hinabol ko siya. Nang pigilan ko siya ay hinawakan ko ang braso niya.                 "Ano ba?" inis niyang sagot.                 "Salamat pala sa pagliligtas mo sa akin, Zayn."                 "Wala 'yun, sige na."                 Tumalikod na siya. Naiwan ako doon na hindi ko alam kung saan ako lalabas dahil sa totoo lang ay hindi ko na alam kung saan ang daan ko pauwi sa bahay nina lola. Nahiya na rin akong humingi pa ng tulong kay Zayn. Naisip kong maaring kapit-bahay lang nila sina lola kaya kung sakaling sundan ko siya at makakalabas kami sa gubat ay mas mabilis ko nang matutunton ang bahay nina lola. Bago siya nilamon ng masukal na gubat ay binilisan ko siyang sinundan. Mabilis ang kaniyang mga hakbang kaya ako naman ay parang tumatakbo na rin. Tumigil siya na parang nakikiramdam at bago siya lumingon ay nakatago na rin ako. Nang pinagpatuloy niya ang kaniyang paglalakad ay sinundan ko pa rin siya. Malayo-layo na rin ang aming nilakad nang bigla ko na lang siyang hindi makita. Binilisan ko ang lakad ko at baka lang lumiko siya at nakakubli siya sa malalaking puno ngunit wala na talaga siya. Paano na ‘to. Parang lalo pa akong naligaw ne’to e. Gusto kong sumigaw at tawagin siya pero baka sabihin na naman niyang lampa ako o tatanungin ako kug bakit ba ako sunud ng sunod sa kanya. Ngunit paano ako ngayon makakalabas sa gubat? Tagaktak na ako ng pawis. Ninenerbiyos. Kinakabahan. Natatakot. Nasa'n na ba kasi 'yun. Bakit ambilis niyang nawala?                 Tumigil ako. Tumingin ako sa paligid. Pinunasan ko ang pawis ko sa noo gamit ang aking palad. Maluha-luha na ako dahil sa takot. Paano kung hindi ako makabalik sa bahay nina lolo bago magtakip-silim? Paano kung may kapre? Paano kung totoo yung mga tiyanak sa mga napanood kong Shake, Rattle and Roll noong bata pa ako? White lady o kaya’y mga engkanto. Nai-imagine ko na at lalo akong natakot. Palinga-linga na ako. Naiiyak sa sobrang pagkabahala.                 Napasigaw ko ng malakas nang biglang may pumiring sa aking mga mata. Kahit nagulat ako ay alam kong si Zayn pa rin iyon. Dahil sa ang ulo ko ay nasa balikat na niya, ang kaliwang kamay niya ang ginamit niyang pinantakip sa aking mga mata at ang kanang kamay niya ay nakapulupot sa aking leeg. Nadadampi ang katawan niya sa akin at hindi ko alam kung bakit nagkakaroon na naman sa aking ng kakaibang epekto iyon na hindi ko maintindihan. Para akong kinukuryente. Para sinisilaban ang aking buong pagkatao.                 "Bakit mo ako sinusundan! Naiinis na ako sa'yo!” “Luh? Naiinis agad?” “Tantanan mo nga ako!"                 "Naliligaw kasi ako." Sagot ko. Hindi parin niya tinatanggal ang kaniyang mga kamay na nakapulupot sa aking leeg.                 "Kung ihahatid kita sa labasan malapit sa malaking puno, tatantanan mo na ako?"                 "Depende!" napapangiti ako sa sinagot ko. Ako pa kasi ang may ganang gumawa ng deal.                 "Depende?" tinanggal na niya ang kamay niyang pumiring sa akin. "Kapal naman ng mukha mo. Ikaw pa talaga ang may ganang magsabi ng depende ah."                 "Kung tuturuan mo akong lumangoy, titigilan na kita.” “Ano ka? Sinusuwerte?” “Sige na please? Ilang araw lang ako dito kaya malamang di mo na rin muli ako makikita ng matagal. Kaya turuan mo naman akong lumangoy."                 "Sige na nga. Pero sa isang kundisyon." Siya rin ang humingi ng pabor.                 "Ano 'yun."                 "Akin na lang yung pellet g*n mo at yung suot mong short kahapon."                 "Bakit wala kang pambili?" tanong ko.                 "Mahirap lang kami. Saan naman ako kukuha ng pambili ko ng b***l-barilan kung pati nga pangkain namin ay araw-araw namin pinagtratrabahuan." Bumuntong-hininga siya.                 Nakaramdam ako ng awa. Kaya pala amoy sabong panlaba siya at iyon ang ginagamit niyang sabon kanina at butas-butas ang suot niyang sando at short. Hindi lang kasi ako mahilig mamintas kaya hindi ko binigyang pansin iyon. Ngunit dahil sa sinabi niya ay alam kong naghihikahos siya sa buhay. Pinalaki kami ni Daddy na bawal mamintas at manghusga. Kkailangan naming igalang ang ibang tao anuman ang kanilang katayuan sa buhay dahil siya daw mismo ay galing din sa hirap. Hindi dahil daw mas may kaya kami sa iba ay mas angat na an gaming pagkatao. Lahat daw ng tao, sabi ni Daddy pantay-pantay sa mata ng Diyos.                 "Deal ako diyan. Sige turuan mo akong lumangoy at ibibigay ko ang pellet g*n ko sa’yo kasama ng mga maraming bala. Bibigyan din kita ng mga damit ko.” “Damit mo? Pambabae?” tumawa siya. “Luh? Choosy? Di ako nagdadamit pambabae ‘no?.” “Bakit hindi? E di ba nga babae ka?” “Oo pero, panlalaki nga halos lahat ng damit ko.” “Tomboy ka?” “Hindi.” “Oh bakit panlalaki mga damit mo saka bakit b***l barilan ang mga laruan mo?” “Bakit, e sa gusto kong laruin yun. Andami mo namang sinasabi. Ano, turuan mo akong lumangoy?” “Di ba nga sinabi ko nang oo? May deal na nga tayo e.” “Ayos, magdadala rin ako bukas ng miryenda natin."                 “Wow talaga? Gusto ko ‘yan.” Ngumiti siya. Ngumiti rin ako. Itinaas ko ang palad ko para mag-aapir kami. Nakipag-apiran siya. Nang ina-apir niya ako ay hinawakan ko ang kamay niya sabay sabing..."Cross my heart!” Kumunot ang noo niya. Nagtataka kung anong meron. “Ano sasagot mo?" tanong ko. Nakita kong lalong kumunot ang kanyang noo.                 "E, ano ba dapat ang isasagot ko?"                 "Dapat kapag mag-apir tayo, hawakan natin ang kamay nating ganito ta's yung mga hinlalaki natin ay magtatagpo sa gitna. Kung sasabihin kong cross my heart, ang sasagot mo naman ay hope to die!"                 "Sus! Dami namang kaartehan!"                 "Hindi arte 'yun, dapat may sarili tayong paraan kapag nag-aapir, kasi tropa na nga tayo. Magkaibigan! Ayaw mo ba akong kaibigan?"                 "Ikaw? Gusto mo ba akong kaibigan?" balik tanong niya. Tumango ako. “Bakit ikaw, ayaw mo? "Kasi naalangan ako sa'yo. Bukod kasi sa babae ka, mukhang mayaman ka pa."                 "Gusto kitang kaibigan. Kung nagkataong payag kang tropa tayo, ito na pinakamasayang bakasyon ko dito kasi sa tuwing umuuwi kami dito nina Daddy. Kaya naman ayaw ko rito umuwi kasi wala akong makalaro e. Ano, barkada na tayo?"                 “Hindi ko alam.” “Labo mo naman. Bakit ba ayaw mo?” “Kasi nga babae ka.”                 “Andami kong tropang lalaki sa Manila pero hindi sila ganyan umarte.”                 “E, sa Manila ‘yon. Iba kasi dito sa probinsiya.”                 “So, ano? Ayaw mo nga?” Huminga siya ng malalim. "Sige na nga. Ako pa ba tatanggi?"                 "Ayos!" tinaas ko ang kamay ko at nakipag-apir. Ngayon marunong na siya. Hinawakan niya na rin niya ang apat na daliri ko at nagsalubong na aming hinlalaki.                 "Cross my heart." Sabi ko.                 "Hope to die," nahihiya niyang sagot. "Tara na, ihatid na kita bago lumubog ang araw."                 Habang naglalakad kami ay tahimik lang siyang parang may malalim na iniisip. Nilingon niya ako. Ngumiti. Ngumiti rin ako.                 "Para hindi ka mapagod at mainip, magkuwento ka sa akin ta's mapapansin mo na lang nasa punong malaki na tayo."                 "Anong ikukuwento ko, dude."                 "Dude?" tanong niya. “Anong Dude e, Zayn nga ang pangalan ko.”                 "Ano ka ba. Iyon ang uso na tawagan ng mga magtrotropa sa Manila. Dude. Kaya iyon na rin ang tawagan natin dapat… dude!"                 "O, siya magkuwento ka na kahit na ano, dude!"                 "Yun e! hahaha!" Natawa lang talaga ako. Napailing siya, parang nakokornihan.                 Tama siya, hindi nga ako nakaramdam ng pagod kahit halos kalahating oras na yata ang nilakad namin. Hindi ko akalain na nakalayo na rin pala ako kanina. Nang marating namin ang malaking puno ay palubog na ang araw.   "O pa'no dude. Bukas na lang tayo magkita ng tanghali doon sa may sapa.” “Sige, basta usapang lalaki yan ah?” “Lakas mong makapagsabi ng usapang lalaki e babae ka naman.” “Paulit-ulit ka sa babae e. Sige na nga!” nairita ako. Tumalikod. “Hindi ka na ba mawawala pagpunta mo doon o susunduin pa kita rito?"                 "Huwag na, natandaan ko na kanina nang nadaanan natin pabalik dito." Asar ko pa ring sagot. Tumaas nga ang boses ko e.                 “Ano ‘yan, galit ka ba?”                 “Paulit-ulit ka kasi sa babae e.”                 “Sige na hindi na.”                 “Sige na, umuwi ka na.”                 “Uyy eto naman nagtatampo agad.” Kinalabit ako.                 “Sige na nga, hindi na nga ako magtatampo, basta bukas dude ha?”                 Ngumiti siya. Kinindatan ako. "Dude..." napapailing at ngumingiti. Hindi ko alam kung nang-aasar siya o naninibaguhan lang siya sa tawagan namin.                 Tinaas ko ang kamay ko. Sinalubong niya ang apir ko.                 "Cross my heart, dude"                 "Hope to die!"                 Pero dinagdagan ko na ang simpleng apir lang namin. Hinila ko siya at nagtagpo ang aming mga balikat.                 "May ganun din?"                 "Oo, pandagdag kapag nagpapaalam tayo sa isa't isa, dude."                 Nakangiti siyang kumaway sa akin bago siya tuluyang nilamon ng kagubatan.                 May kung ano sa dibdib ko na hindi ko maintindihan. Tang-ina, umiibig na ba ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD