Kabanata 2

1287 Words
Nang magising si Rise ay agad siyang napabangon dahil sa sama ng pakiramdam. Masakit ang ulo niya. Nang makabalikwas sa hinihigaan ay nagtaka siya. Paano ako nakauwi? Sinong nagsundo sa akin? Teka, 'bat ako nakauwi? s**t? Blangko ang isip niya that time. Kinabahan siya bigla, baka nakauwi na ang papa niya mula sa business trip nito. Baka malaman nito ang mga kabulastugan niya this past few days. Dahan-dahan siyang bumaba mula sa ikalawang palapag at doo'y nabungaran niya sa poolside ang ama nakaupo ito at tahimik lamang na hawak ang dyaryo. Animo'y nagbabasa ng tahimik, pero alam niyang nakikiramdam ito. "How's your sleep hijo?" anang ama niya na hindi man lang siya nililingon. "Good, papa. Kararating mo lang ba?" "No, actually, kagabi pa ako nakauwi." Walang emosyon na sambit nito. Napalunok siya ng sariling laway. "Nag-breakfast na po ba kayo?" "Yes. It's almost noon, kaya palagay ko'y lunch na rin ang kasunod. Ikaw ba?" pilosopong sambit ng ama niya na parang nakikipag-patintero kung magsalita. Hinuhuli siya nito na isiwalat niya ang kalokohan kagabi. "Dad I'm sorry, I've been drunk, last night," ani niya. "Well...wala akong magagawa, uminom ka na eh, at wala ako. Buti na lang at nakita ka ng ninong mo sa bar na iyon at hinatid ka rito sa pamamahay natin." Dagundong ang boses nito bagamat kalmado ay parang kulog iyon sa taenga niya. "Be ready, may pupuntahan tayo ngayon!" ani ng papa niya na hindi talaga humarap sa kaniya. Agad na napa-akyat sa taas si Rise at alinsunod sa isip niya'y wala siyang nagawa. Masusunod ang hari, at iyon ang dapat niyang gawin. Nang nakaligo, makapag-ayos at makahanda, ay agad siyang bumaba. "I'm ready," sabi pa niya rito na rason upang tingnan ang kabuuan niya mula ulo hanggang sa kaniyang paa. "Okey, let's go." Tipid na saad ng ama niya na tumayo gamit ang tungkod nito, naglakad ito papunta sa gawi niya, at nilampasan siya at sandaling tinapik ang kaniyang balikat. Sumunod siya rito at nagpunta na sa garahe, doon niya nakitang magmo-motor lang sila ng kaniyang ama, and he guess, he'll ride to his Ducatti this time. Gan'on din kasi ang ipinaandar ng kaniyang ama. Habang nagsusuot ito ng kaniyang itim na jacket at helmet, naglagay rin ito ng hand gears bago minamaniobra ang kaniyang motor. Alam niyang kahit medyo matanda na ang ama niya'y matikas pa rin ito magdala ng motor. Dahan-dahan niyang isinakay ang sarili at nag-ayos na gaya sa kaniyang ama. He wear his gears and after that ay nagsimula nang painitin nila ang makina ng kanilang motor. Sabay silang nagpaandar at tinahak ang likod ng mansion. They're just convoying to somewhere he even don't know, nakasunod lang siya sa ama na noo'y simple lamang ang pagpapatakbo. Hanggang napadpad sila sa isang sementeryo. Ipinarada ng kaniyang ama ang motor at hinubad ang suot na helmet at gears, kaya naman gan'on din siya na noo'y tumalima at nakisabay na sa paglalakad nito sa kung saan. At doon nga'y nakita niya na lang ang kanilang mga sarili na nakatayo sa puntod ng kaniyang yumaong ina. "Hey hon. How's everything up there?" sambit ng kaniyang ama na tila nakikipag-usap sa kawalan habang nakatayo sa harap ng puntod. Nakinig lang siya sa kaniyang ama habang walang imik sa gilid nito. Nakikiramdam siya. "I just...I'm just here with our son, to visit you, it's been a while na rin na hindi ako nakakadalaw sa'yo.. I hope you don't get upset, hmm. Wala lang, I just want to ask something sana kung paano mo pinapangaralan ang anak natin noon sa katigasan ng ulo niya, gusto ko sanang gawin ko rin sa anak natin ngayon. I can clearly see myself to him." Napalingon siya sa kaniyang ama sa oras na 'yon, na tila gulat na gulat. Wala sa hitsura ng ama niya ngayon na isa itong bolakbol at pasaway noon, kasi, ang nakikita niya sa kaniya ngayon ay ang perpekto na kilos at maawtoridad na boses. Napansin pa niyang napangiti ito sa kaniyang pagsasalita at sinipat siya. "Hey son, wanna greet your mom? Did you know that the last time, I've been like you. Isang matigas at sakit ng ulo sa mama mo noon." Nanatili siyang nakatitig sa kaniyang ama bago nagsalita sa harapan ng libingan. "How are you 'ma? It's me Rise..." sabi pa niya bago tiningnan muli ang mukha ng kaniyang ama. "Is this the lesson, you wanna tell me, hon?" himig ng kaniyang ama na prenteng nakatingin lang sa libingan. Mayamaya ay namayani ang katahimikan. Hindi ito umimik pero tinapik lang ang kaniyang braso. Hindi niya maintindihan kung ano ang rason o nais iparating ng kaniyang ama sa bawat pagtapik nito. Napansin niya kasing sa lahat ng kalokohang ginawa niya, wala siyang naaalalang sinaktan o pinagbuhatan siya ng kamay nito. Puro pangaral lamang ang natanggap niya mula rito. "Dad?" Rise wants to ask a question. "Hmm?" his dad voice. "Are you mad?" Rise raise a question. "Bakit mo natanong?" ani ng ama niya. "Are you upset?" tanong pa ni Rise. Umiling lang ito bago nagsalita. "I'm old enough for the same drama, son. Ayoko nang magalit, ayoko nang magkaroon ng alitan sa'yo pero sana'y pagbigyan mo ako sa huli kong kagustuhan, na sana'y mag-aral ka ng business course, tumatanda na ako anak. Ikaw na ang mamumuno sa kompanya natin at ayokong mapunta sa wala ang pinaghirapan namin ng lolo mo noon. Lalong-lalo na't ayaw ko ring maikasal ka sa isang Marcus, hindi mo alam kung paano nila kami pinahirapan noon, nangako ako sa lolo mo na hindi tayo magkakaugnay sa kanila, at lalong hindi tayo malalahian ng dugo nila." Napaawang ang bibig niya sa sinabing iyon ng kaniyang papa. "..and now, you'll ask me if I'm mad to you?" Umiling-iling pa ito bago inayos ang kaniyang salamin at bumuntung-hininga. "I just want to help you son, I want to help you to find yourself...alam kong nawawala ka pa, and you're still searching for the right thing or whatever you want in life." Marahan itong ngumiti sa kaniyang pananahimik. All he can see now, is his father wearing his sincerity on his smile in front of him. "Rise, iyan ang ipinangalan ko sa'yo, hijo, 'cause I know you have that brilliant mind inside of yours, you have something standing-out inside you, kailangan mo lang 'yong mahanap at mapanindigan. Ikaw ang inaasahan kong magtataas ng pangalan natin sa hinaharap. Inaasahan ko iyan sa'yo, hijo." Pahayag pa ng kaniyang ama na rason upang mapayuko siya sa pagkakatayo. Napaisip siya sa mga sandaling 'yon. Ano nga ba ang plano ko sa buhay? Tanong niya sa sarili. "I'm sorry, dad." Sabi pa niya sa kaniyang ama na noo'y nanatiling nakatahimik. "Hindi ko po sinsadyang..." Hindi iyon nadugtungan dahil nagsalita ang kaniyang ama, na halatang ayaw magalit sa kaniya. "Don't worry, i understand." Mapait na ngumiti ito saka pa nag-sign of the cross sa harap ng puntod ng kaniyang yumaong ina. "Let's go, baka umulan na..." sambit pa ng kaniyang ama na nagsimulang tumalikod at maglakad papalayo. Naghintay muna siya ng ilang segundo sa oras na iyon saka napatingin sa puntod ng kaniyang ina. Kung may gusto man siyang sabihin rito ay binulong na lamang niya sa kahanginan. "Gabayan mo po, ako, mama." Anas pa niya saka tumalikod. Sinundan na niya ang kaniyang ama na noo'y naghihintay sa bandang parking lot. Nakasakay na ito sa kaniyang pamusong motor habang naka-andar na iyon. "Come on, son. Umuwi na tayo," sabi pa nito na noo'y inapakan na ang kambyo saka nagpatuloy na umandar. He hurrily jump to his big bike motor and start its engine. Sinundan niya ang kaniyang ama na noo'y may kung anong dinaramdam na pasanin dahil sa kaniya. For the first time, he felt guilty to his father. ...itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD