LIEZEL:
a few months later.
HABANG NAG-AAYOS ng sarili ko ay natigilan ako na mapasulyap kay Cedric. Nasa wheelchair niya kasi ito at ngayo'y matamang nakatitig pala sa akin. Ngumiti ako pero hindi manlang ito ngumiti pabalik. Sanay naman na ako na ganito siya lagi sa akin dalawang taon na ang nakakalipas magmula nang maaaksidente ito. Pero kahit ganon ay nasasaktan pa rin ako sa nangyayari sa aming mag-asawa.
Matapos kong makagayak ay lumapit ako dito. Walang emosyon ang mga mata nito at tila nakalimutan na rin niyang ngumiti. Bahagya akong lumuhod sa harapan niya para magpantay kaming dalawa. Humawak ako sa kamay nito at marahang pinipisil-pisil iyon.
"Um, papasok na ako. Lumabas ka naman, baby. Hwag mong ikulong ang sarili mo dito sa silid natin, hmm?" paglalambing ko.
Hindi kasi siya humaharap sa lahat. Kahit nga sa mga anak namin ay hindi ito nakikipagkulitan.
"Ced" mahinang sambit ko na naluluhang nakatingala dito.
Napahinga ito ng malalim na binawi ang kamay. Mapait akong napangiti na nagpakurap-kurap para hwag tumulo ang luhang namuo sa mga mata ko.
"Mauna na ako, hmm? Marami akong dadaluhang meeting ngayon sa mga investors natin. Baka gabihin na ako ng uwi. Kumain ka, huh?" pamamaalam ko dito.
Tumayo ako na niyakap ito at pinaghahalikan siya sa kanyang ulo. Hindi naman ito nag-react o kahit gumanti manlang sa yakap ko. Minsanan nga lang siya magsalita eh. At napakatipid pa na tila napipilitan lang. Inuunawa ko na lamang dahil ayoko namang may pagtalunan kami.
"I love you, baby. Magpagaling ka na, ha? Mis na mis ko na ang dating Cedric na minahal ko" aniko na hinaplos siya sa pisngi.
Akmang hahalik ako sa kanyang mga labi nang iniiwas nito ang mukha kaya sa kanyang pisngi dumapo ang mga labi ko. Mapait akong napangiti na inulit na lamang humalik muli sa pisngi nito. Pilit ngumiti at hinaplos ko pa sa ulo. Walang kabuhay-buhay ang mga mata nitong tumingala. Ni wala akong makitang kislap sa mga iyon na dati-rati ay napakakinang nila kapag nakatitig sa akin.
Napahinga ako ng malalim. Mabibigat ang mga yabag na lumabas ng silid namin. Lagi naman eh. Magmula nang maaaksidente ito, nabaldado at walang maalala sa nakaraan ay mas malamig pa siya sa yelo. Na kahit sa akin na asawa nito ay parang hangin lang sa paningin nito. Ayaw din niyang magpasuri o mag-undergo ng therapy para makalakad na siya. Mas gusto niya na nandon lang siya sa kanyang wheelchair. Ni kumuha ng private nurse na titingin dito ay tinanggihan niya at kapag ipinilit mo ang gusto mo? Magwawala siya.
Pilit akong ngumiti na maabutan dito sa sala ang mga anak namin.
"Mommy!"
"Mommy!"
"Mommy!"
"Mommy!"
Panabay na pagtawag sa akin ng quadruplets ko na malingunan ako at nag-unahan na silang lumapit.
"Careful" paalala ko sa muntikan nilang pagkadapa.
Nag-squat ako na lumuhod ng isang tuhod para mapantayan ang mga itong magkakasabay na niyakap ako at pinupog ng halik ang buong mukha maging leeg at mga labi ko. Napahalakhak na lamang ako sa uri ng paglalambing ng mga ito. Dahil sa kanila ay nananatili akong malakas at matatag sa kabila ng mga nangyayari sa pagitan namin ng asawa ko.
"Mommy, are you okay?" malambing tanong ng panganay ko. Si Khiro.
"Of course, sweetie. Mom is fine" nakangiting sagot ko na pinasigla ko ang boses.
Napapanguso pa ang mga ito na nakamata sa akin. Tila binabasa nila ang totoong nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Kahit nasa nasa anim na taon pa lang ang mga ito ay napakatalino nilang mga bata. Na para ka lang naman nakikipag-usap sa mga matatanda kung magsalita ang mga ito lalo na ang panganay namin. Si Khiro.
Pinagyayakap ko na lamang ang mga ito at isa-isang hinalikan sa kanilang mga labi bago tumayo at nilapitan ang bunso naming tahimik na naglalaro sa carpet kasama ang mga yaya nila. Si Collins at Charrie.
"Good morning, my babies" masiglang bati ko na kinarga silang dalawa at pinaghahalikan.
Napapahagikhik naman si Charrie habang nakabusangot ang bunso ko. Si Collins. Napangiti akong paulit-ulit itong pinaghahalikan hanggang sa napangiti din ito.
"Bakit sinusumpong na naman ang Collins ko, Yaya?" aniko na bumaling sa personal yaya nito. Si Manang Elsa.
"Eh, Ma'am. Hindi ko po alam" nahihiyang sagot nito na napapakamot sa ulo.
"It's okay, Manang. Hindi ako nagagalit" aniko.
Muli kong pinaghahalikan si Collins at Charrie bago muling ibinaba ang mga ito sa carpet at nakipaglaro sa mga kapatid nila. Ang quadruplets namin ay dalawang babae at dalawang lalake. Si Khiro ang panganay, sumunod si Khiranz, bago si Catrione at si Cathleen. Nasa apat na limang taon din ang age gap nila kay Collins ko habang si Charrie ay anak ni Annika sa pagka-dalaga. Inampon ko si Charrie kaysa naman ipamigay niya sa iba dahil hindi niya matanggap ang bata. Bunga kasi si Charrie ng panggagahasa sa kanya sa loob ng kulungan kaya naman malayo ang loob niya sa anak. Mabuti na lang at pumayag si Cedric na ampunin namin ang bata at tinanggap din naman niya ito na tunay na anak.
NANGUNOTNOO AKO na mabungaran sa garahe namin ang isang lalake na naka-formal attire katulad sa mga bodyguards ko ang uniporme na suot. Napatuwid ito ng tayo mula sa pagkakasandal sa harapan ng kotse ko at mabilis na ipinagbukas ako ng pinto.
"Good morning po, Ma'am Liezel" magalang bati nito na bahagyang yumuko.
Naipilig ko ang ulo na napatitig dito. Sunod-sunod akong napalunok at bumilis ang kabog ng dibdib ko na mamukhaan ang lalake! Siya 'yon! 'Yong istranghero na pinag-alayan ko ng katawan ko noon sa Mindoro! Nag-init ang mukha ko na magtama ang mga mata namin lalo na't napakaganda ng kanyang ngiti! Nangingislap din ang mga mata na nakatutok sa akin kaya hindi ko mapigilan ang puso kong tila nagtatatalon na sa loob ng ribcage nito!
"Ahem!" napatikhim akong nagtaas ng kilay. Tumuwid naman ito ng pagkakatayo sa harapan ko.
"Who are you? Hindi ko matandaan na isa ka sa mga bodyguards ko" puna ko na pasimpleng pinasadaan ng tingin ang kabuoan nito.
Mapakla akong natawa sa isip-isip ko. Magkasing-tangkad kasi sila ni Cedric. Pareho ang bulto ng pangangatawan, kahit ang kanyang boses ay katulad na katulad ni Cedric.
"Zoro Agustin po, Ma'am. Bagong driver at personal bodyguard niyo. Ako po ang kapalit ng kaibigan kong si Justin Savedra na dating driver at personal bodyguard niyo" magalang pagpapakilala nito habang tuwid na tuwid ang paglakad at parang sundalong nagre-report.
Naipilig ko ang ulo. Sa dami ng mga inaalala ko sa trabaho, sa mga anak ko lalo na sa asawa ko ay hindi ko napansin na ngayon na pala ang dating ng bagong personal bodyguard ko. Nagpaalam na kasi si Justin na ikakasal na ito at gustong lumipat ng trabaho sa probinsya nila lalo na't buntis na ang asawa nito. Hindi ko naman lubos akalaing magkaibigan sila ng Zoro na ito. Kung alam ko lang ay sana tinanggihan ko na lamang ang alok nitong ipapalit niya sa kanyang trabaho ang matalik na kaibigan. Dahil sa pagiging busy ko ay hindi ko na inusisa ang pinasa nito at basta na lamang tinanggap.
"I'm not yet done to you, Mr Agustin. Let's go, I'm in hurry" aniko na sumakay na sa likod ng kotse.
Napapatango naman itong nakangiti pa rin na marahang isinara ang pinto bago pumasok sa driver side.
Napasandal ako ng katawan na mariing napapikit. Hanggang ngayon ay sobrang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko pa nga napapatawad ang sarili ko sa namagitan sa amin nito ilang buwan na ang nakakalipas pero heto at makakasama ko pa siya sa araw-araw!