THIRD PERSON POV:
PANAY ANG mura ni Liezel na nawawala na ito sa binabagtas nitong kalsada. May opening resort itong dadaluhan sa probinsya ng Mindoro pero heto at mukhang nagkamali siya ng kalsadang pinasok. Halos magsisisigaw na ito sa loob ng kotse dahil walang signal sa lugar. Wala ring kabahayan at matataas ang mga talahib sa magkabilaang gilid ng rough road na binabaybay.
"Damn'it! Hindi na dapat ako nagpunta dito eh!" nanggigigil na asik nito.
Napapahampas siya ng palad sa manibela na nilalabas ang pagngingitngit ng loob sa mga nangyayari. Pakiramdam niya ay lagi na siyang minamalas magmula nang maaaksidente ang asawa nito isang taon na ang nakakalipas kung saan isa na ngayong baldado ang asawa at higit sa lahat? Wala manlang itong naaalala. Napakalamig niya na kahit ang halikan ito ay hindi ipinagkaloob! Palagi siyang nasa kanyang wheelchair, nakakulong sa kanilang silid at nakatanaw sa mataas na glass wall. Napakalayo ng tingin na kahit ang kausapin ang mga anak nila ay hindi nito ginagawa.
Sa isang iglap ay nagbago ang masaya at makulay na pamilyang binuo nilang mag-asawa. Hindi niya lubos akalaing dahil sa pagdalo ng asawa nito sa isang party na ginanap sa isang cruise ship ay magkakaroon ng insidente. Sumabog ang barko na sinasakyan ng asawa dahilan para magkaroon ito ng amnesia at nawalang silbi ang mga binti. Kahit anong kumbinsi nito sa asawa na magpasuri sila ay napupunta lang sa pagtatalo ang usapan nila. Ayaw ng asawa nitong magpagamot o kahit magpasuri manlang matapos makalabas noon sa hospital. Wala naman itong ibang magawa kundi ang hayaan na muna ang asawa. Napakailap nito sa lahat na tila takot na takot sa mga nakapaligid. Kahit sa kanya mismo ay napakalayo ng loob ng asawa nito. Bagay na ikinadudurog ng kanyang puso. Dahil naglahong parang bula sa isang kisapmata ang asawa nitong malambing, makulit, maalaga, protective, clingy, masayahin, higit sa lahat? Mapagmahal na asawa at ama.
"Fūck!" malutong mura nito nang pumutok ang kanyang gulong dahilan para mapatigil siya!
Padabog itong bumaba ng kotse para silipin ang gulong. Napatampal siya sa noo na makitang bumigay nga ang gulong nito.
"Urghh!" nanggigigil itong napasabunot sa buhok na nagpalinga-linga sa paligid.
Walang kabahayan sa malapit. Wala ring nadadaang ibang tao na maaari niyang hingan ng tulong. Dinampot niya ang cellphone at napapamura na lamang na makitang walang kasigna-signal ito!
"Ahhh! Shīt! What else, huh!? Ano pa!? Isagad mo na ang pagpaparusa mo sa akin!" frustrated nitong sigaw na nakatingala.
Para namang sinagot ito ng kalangitan at biglang nagdilim ang paligid. Kumulog at kumidlat ng malakas kasabay ng pagbuhos ng ulan. Pagak itong natawa na napailing habang nakatingala.
"Ang daya mo eh! Bakit hindi mo na lang ako kunin, kaysa inuunti-unti mo din naman ako!? Ako na ba ang pinakamasamang nilalang sa paningin mo, kaya ngayon heto ka at sunod-sunod ang kamalasang binabagsak mo sa akin, huh!?" bulyaw nito na dinuduro-duro ang kalangitan.
Tumulo ang luha nito na mapait na napangiti. Hanggang sa napahagulhol na itong nanghihinang napaupo ng lupa. Napasandal siya ng ulo sa pinto ng kotse at parang basang sisiw na umiiyak sa kasarsagan ng malakas na ulan.
Pakiramdam niya ay sinisingil na siya sa mga nagawa niya sa nakaraan. Kung saan isa siyang secret assassin na pumapatay. Oo nga't hindi na mabilang ang mga taong napatay nito. Pero wala naman siyang inagrabyado at higit sa lahat? Mga masasamang nilalang lang naman ang itinutumba nito kasama ang lima pa niyang matatalik na kaibigan.
Pero saglit lang ay may naramdaman siyang pamilyar na prehensya na tumayo sa kanyang likuran. Kasabay ng tila pagtila ng ulan. Dahan-dahan siyang napatingala at unang bumungad ang itim na payong na nasa uluan niya. Napapahid siya ng pisngi na makumpirmang may tao nga. Parang lumukso ang puso niya sa tuwa na nakadama kahit paano ng pag-asa! Pag-asa na may makakatulong na sa kanya.
Dahan-dahan itong napatayo at pumihit paharap sa lalakeng kunot ang noo na nakatitig dito. Hindi niya maintindihan ang sarili pero bumilis ang kabog ng kanyang dibdib at tila nabuhayan siya ng dugo. Isang tao pa lang naman ang nakakagawa nun sa kanya. At 'yon ang asawa niya. Si Cedric Montereal.
"May maitutulong ba ako, Ma'am?" tanong nito sa baritonong boses at napakagalang.
Naipilig niya ang ulo. Ka-boses pa ng lalakeng kaharap niya ang kanyang asawa. Tipid siyang ngumiti na tumango. Matiim lang namang nakatitig sa kanya ang lalake na bakas ang kamanghaan sa kanyang mga mata. Lalong bumilis ang t***k ng puso nito na mapatitig sa mga matang iyon! Mga mata na kabisadong-kabisado niya ang hugis at kulay! Hindi siya maaaring magkamali. Kaparehong-kapareho iyon ng mga mata ng kanyang asawa! Ramdam din niya ang hindi maipaliwanag na bugso ng damdamin habang nakikipagtitigan dito. Wala siyang maramdaman na pagkabahala o pagkailang kahit ito pa lang ang unang beses na nakaharap ang binata.
"Um, ano pong maitutulong ko, Ma'am?" anito na naigala ang paningin sa kanyang katawan.
Hindi nakaligtas sa mga mata nito ang sunod-sunod na paglunok ng kaharap dahilan para mapasunod siya ng tingin at ganon na lamang ang pagkanganga niya na makitang nakabakat na sa kanyang katawan ang manipis at kulay puti nitong bestida! Sleeveless iyon kaya naman litaw na litaw ang malulusog niyang hinaharap. Idagdag pang basang-basa siya kaya naman halos kita na ang kaluluwa sa suot! Nag-init ang mukha nito na makitang nag-apoy ang mga mata ng binatang kaharap na bumaba pa ang paningin hanggang sa kanyang gitnang hita! Tila kinikiliti siya sa nakikitang naglalarong kamanghaan at pagnanasa sa kaharap! Pero imbes na matakot o kabahan ay tila na-excite pa ito, nakikiliti na kinikilig. Bagay na tanging sa asawa niya lang dati nadarama iyon!
"Um, Ma'am--" hindi na nito pinatapos ang anumang sasabihin ng binata at basta na lamang kinabig sa batok nitong sinunggaban ang mga labi nito!
Napakapit pa ang binata sa kanyang baywang na naninigas sa kapangahasan ng dalaga pero unti-unti ding bumigay ang katinuan nito at napaawang ng mga labi. Namigat ang talukap ng mga mata nito at dahan-dahang sinabayan ang ginagawad na halik ng dalaga! Napapaungol pa ito sa galing ng dalagang humalik na halos higupin ang kanyang mga labi ng buong-buo!
SA LOOB NG kanyang kotse ay ipinagkaloob nito ang katawan ng paulit-ulit sa binata na hindi manlang niya alam ang pangalan! Nawala siya sa sariling katinuan at nakalimutan saglit ang asawang lumpo na naghihintay lang sa kanilang mansion. Walang pagsisisi itong nadarama kahit pa napakalaking kasalanan ang nagawa nito sa asawa.
Napailing na lamang si Liezel sa sarili matapos ang ilang oras nilang pagniniig na panay pa ang ungol nito sa pangalan ng asawa. Nang tumila na ang ulan at napalitan ng binata ang gulong nito ay umalis na rin ang binata dahil hinahanap na raw ito sa bahay. Gusto niyang kastiguhan ang sarili dahil wala manlang siyang nakuhang pagkakakilanlan ng binata. Ni hindi niya naitanong dito kung anong pangalan nito.
PAGDATING NIYA sa kanilang mansion ay ang quadruplets nitong mga anak ang sumalubong sa kanya habang nakasunod naman ang yaya ng quadro at ang yaya ng bunso nitong nasa isang taon pa lang.
Matapos isa-isang niyakap at pinaghahalikan ang mga anak ay umakyat na siya ng kanilang silid. Napahinga siya ng malalim na mabungaran ang asawang nasa tapat na naman ng glass wall at nakaupo sa hi-tech nitong wheelchair. Malayo ang tanaw na hindi manlang nilingon ang asawa.
Nangilid ang luha nito na mapatitig sa asawang lumpo. Ngayon niya lang nadama ang guilt sa puso kung gaano kalaki ang nagawa niyang kasalanan sa asawang baldado. Nagtungo ito sa likuran ng asawa at mahigpit na niyakap habang panay ang halik sa ulo nito.
"I'm sorry, Cedric. Hindi na 'yon mauulit. Hinding-hindi na ako, magtataksil sa kasal natin, baby. Patawarin mo ako" piping usal nito na tahimik na umiiyak habang yakap ang asawang napakalamig at tahimik lang.
Nagpahid siya ng pisngi na pilit ngumiti. Nagtungo siya sa harapan ng asawa at lumuhod. Hinaplos niya ito sa pisngi na matamang pinakatitigan ang asawa.
"Kumain ka na ba, baby?" malambing tanong nito. Malamig na tingin lang ang isinukli ng asawa.
Mapait siyang napangiti na hindi sumagot ang asawa niya. Lalo tuloy siyang nakadama ng guilt sa laki ng kasalanan niya dito. Napayuko itong sumubsob sa mga hita ng asawa.
"Im so sorry, Cedric. Hindi na ako magiging marupok. Hindi na. Hindi na iyon mauulit, baby"