LIEZEL:
HABANG NASA KALAGITNAAN ng byahe ay ramdam ko ang panakanakang pagsulyap nito sa akin sa rear view mirror na ikinakakabog ng dibdib ko. Hindi ko rin maintindihan ang sarili dahil hindi naman ako nakakadama ng pagka-ilang kundi parang kinikilig pa ako sa pagsulyap-sulyap nito. Bagay na tanging kay Cedric ko lang naman nadarama. Noon. Pero ngayon? Ibang-iba na. Para na nga siyang ibang tao eh. Pero dahil siya ang asawa ko? Dahil siya ang Cedric Montereal ko? Lahat titiisin ko. Umaasa naman ako na kapag nanumbalik na ang naburang ala-ala nito ay manunumbalik din siya sa dati. Sana. Sana nga.
Pagdating namin sa Montereal's State Corporation ay nauna itong bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. Napapayuko pa ito na inalalayan ako pero hindi ko tinanggap ang kamay nitong nakalahad.
Nakasunod lang naman ito sa likuran ko habang nasa elevator kami. Hindi ko tuloy maiwasang makadama ng init na ramdam ko ang kanyang mga matang nakatutok sa likuran ko.
Pagkabukas ng elevator ay nauna akong lumabas. Kunektado na kasi sa opisina ko ang private elevator na sinakyan namin kung saan tanging ako lang na CEO ang gumagamit. Dati ay si Cedric ang nagpapatakbo ng MRSC na kumpanya nilang pamilya pero dahil sa nangyari dito ay ako na ang pumalit sa pwesto niya.
Napataas ako ng kilay na inalalayan pa ako nitong makaupo sa swivel chair ko at parang sundalong nakatayo ng tuwid sa gilid ko.
"Zoro"
"Yes, Ma'am?" magalang tanong nito.
Napahinga ako ng malalim na tiningala ito. Pilit itong ngumiti na matiim na nakatitig sa akin ang mga inosenteng mata nito. Mga mata na napakasarap titigan dahil ang mga mata ni Cedric ang nakikita ko.
"Prepare my coffee" utos ko.
"Right away, Ma'am" masiglang sagot nitong may matamis na ngiti sa mga labi.
Naipilig ko ang ulo na napasunod ng tingin ditong malalaki ang hakbang na nagtungo sa pantry nitong opisina ko. Naniningkit ang mga matang matiim kong pinapanood ang bawat kilos nito. Tila gamay na gamay na niya ang ginagawa. Na hindi manlang makitaan ito ng pagkabahala o kaba na ito ang unang araw niya sa akin pero parang normal lang sa kanya ang lahat. Na tila hindi manlang ito aware na ako ang amo niya.
Napahilot ako ng sentido kong kumikirot. Ang dami ko pang lalagdaan para sa approval ko at mga dadaluhang meeting sa mga investors pero heto at para akong lumulutang.
"Kape niyo po, Ma'am" anito na ikinabalik ng ulirat ko.
Maingat nitong inilapag sa harapan ko ang ginawang kape. Napatitig ako doon. Hindi ko naman sinabi kung anong klase ng kape ang gusto ko pero, nagawa niya.
"Did, Justin told you what kind of coffee is my favorite?" tanong ko na sumimsim sa tinimpla nito.
"Hindi po, Ma'am. Sinubukan ko lang po. Nagustuhan niyo po ba?" masiglang sagot nito.
Naipilig ko ang ulo na paulit-ulit sumimsim sa gawa nito. Pero kuhang-kuha niya talaga ang lasang hinahanap-hanap ko. Ang timpla ni Cedric.
"Yeah" simpleng sagot ko na lamang na nagpatuloy sa pag-signed ng mga papeles sa harapan ko.
Nakatuwid lang naman ito ng tayo sa gilid kong masyadong ginagalingan ang trabaho bilang personal bodyguard ko.
"Have a sit, Zoro. Baka naman magka-ugat ka na dyan" aniko dahil nasa isang oras na ang nakakalipas ay nananatiling nakatayo pa rin ito sa gilid ko.
"S-salamat po, Ma'am" anito na naupo nga at sa tabi ko pa rin.
Hindi na lamang ako nagkomento pa nang hilain nito ang isang swivel chair sa gilid at ipwinesto sa tabi ko. Hinayaan ko na lamang ito total naman ay hindi ako naiilang o naaasiwa sa prehensya niya na todo kung makabakod.
ILANG ORAS LANG kami sa opisina dahil may mga dadaluhan pa akong meeting sa labas. Habang binabaybay namin ang highway patungo sa restaurant ng ka-meet-up naming client ay panay ang sulyap nito sa rear view mirror. Katabi ko kasi si Chezca. Ang secretary ko dito sa likod. Kita ko naman sa gilid ng mga mata ko na panay din ang sulyap ni Chezca dito na tila kinikilig sa bagong driver at bodyguard ko. Naiiling na lamang ako sa isip-isip na hindi na pinansin ito.
Kung binata naman si Zoro, bakit hindi? Dalaga din naman si Chezca at matagal-tagal ko na itong secretary. Maayos siyang magtrabaho na laging pulido ang mga schedule ko kaya wala akong masabi sa kanya.
Pagdating namin sa Hera's Restaurant ay nauna itong bumaba na kaagad pinagbuksan ako ng pinto.
"Thank you" simpleng saad ko sa pag-alalay pa nito.
Matamis itong ngumiti na halos ikasara ng kanyang mga chinitong mata na ikinabilis muli ng pagtibok ng puso ko! Sunod-sunod akong napalunok na madama ang libo-libong boltahe ng kuryente na nagmumula sa kamay nitong nakahawak sa kamay ko. Nagbawi ako ng kamay nang marahan nitong napisil ang kamay kong ikinaiktad ko.
Dama ko ang paggapang ng init sa mukha ko na ikina-iwas ko dito ng tingin at naglakad na lamang papasok ng restaurant. Kaagad din namang sumunod ang mga ito na inaalalayan pa ako.
Habang magkakaharap kami ng mga investors ko ay nasa kabilang table naman si Chezca at Zoro na magkaharap na nanananghalian. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero may puwang sa puso ko ang tila nagseselos na si Chezca ang kasabayan nito. Pilit akong nag-focus sa mga sinasalaysay na proposal ng mga kaharap ko para sa pakikipag-partnership nila sa kumpanya.
MATAPOS ANG nakakapagod na araw ay bagsak ang katawan kong umuwi ng mansion. Pasado alasnueve na rin ng gabi at tiyak kong nahihimbing na ang mag-aama ko sa mga sandaling ito.
"Ahm, Ma'am?"
"What?" pagod kong saad na marinig si Zoro.
"Nagugutom po ba kayo?" anito na ikinadilat ko ng mga mata.
Napagala ako ng paningin at wala namang makitang malapit na restaurant sa dinaraanan namin. Ramdam ko ngang kumakalam na ang sikmura ko. Nakaligtaan ko tuloy ang hapunan sa dami ng inasikaso. Itinabi naman nito ang kotse na pinatay ang makita. Matapos nitong magtanggal ng seatbelt ay umikot sa gawi ko na pinagbuksan pa ako ng pinto. Napapasunod na lamang ako na inakay nito sa isang stall ng mga street foods na nadaanan namin.
Napangiti ako na maalalang paborito namin dati ni Cedric ang ganto. Ang dalhin niya ako sa mga street foods at magpakabusog sa mga tinda doon.
"Kumakain ka ba niyan, Ma'am?" nag-aalangang tanong nito na dumampot ako ng stick at nagsimulang tumuhog sa mga fishball na kakaluto pa lang.
"Yeah" simpleng sagot ko.
Napapasunod pa ito ng tingin na tila namamanghang pinapanood akong kumakain ng fishball at kikiam.
"What? Hindi ka ba gutom?" aniko na mapansing nangingiti lang itong pinagmamasdan akong kumain.
"Ahem! Sorry, Ma'am. Hindi lang ako makapaniwala" sagot nito na dumampot na rin ng stick at nakigulong sinabayan akong kumain.
"So, tell me more about yourself, Zoro" pagsisimula ko habang may dala kaming cup na puno ng fishball at sweet chili sauce nito.
Dahan-dahan kaming naglakad sa gawi ng bench na malapit dito sa park na hinintuan namin. Ngumiti itong nilingon ako habang kumakain ng kanyang fishball.
"Katulad po ng ano, Ma'am?"
"Uhm....like, may pamilya ka na ba? Mga anak?" paninimula ko.
Nangingiti lang naman itong nakatitig na tila kay tagal-tagal na niya akong kakilala.
"Wala pa po, Ma'am. Pero may ano. Ahm!"
"May?" curious kong tanong dahil napapatikhim pa ito. Tila nag-aalangan kung sasabihin o hindi.
Napatitig ako dito na pilit ngumiti sa akin. Naiilang ang mga mata na ikinasalubong ng mga kilay ko. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko na bigla na lamang bumilis ang kabog ng dibdib ko!
"May fiance na po ako, Ma'am" mahinang sagot nito. Sapat na para marinig ko.
Napatango-tango akong pilit ngumiti dito. Kahit ang totoo ay may bahagi sa puso ko ang nasaktan na malamang may nagmamay-ari na pala dito.
"That's good to hear"
"Hindi po kayo galit?"
"Bakit naman ako magagalit?"
"Kasi 'di ba po, may nangyari sa atin noon sa Mindoro" nasamid akong sunod-sunod na napaubo sa sinaad nito.
Kaagad naman nitong hinagod-hagod ang likuran ko hanggang nakahinga ako ng maluwag.
"I'm sorry po, Ma'am"
"Let's not talk about it"
"Pero, Ma'am--"
"I'm your boss, Zoro" putol ko sa ano pa mang apila nito.
"Opo. Lagi naman eh. Ikaw lagi ang boss sa ating dalawa" natigilan ako sa sinagot nito na ikinalingon ko dito.
"Ulitin mo nga 'yong sinabi mo?"
"Na alin po? Na ikaw lagi ang boss sa ating dalawa, Ma'am?" kunotnoong tanong nito.
Naipilig ko ang ulo. Para kasing iba ang dating non sa pandinig ko. Na tila may iba pang ibig sabihin ang sinagot nito.
"Paano mo nasabing ako lagi ang boss sa ating dalawa?" pag-uusisa ko. Napakibit-balikat lang naman ito na kiming ngumiti.
"Ewan ko, bigla ko na lang ding nasabi eh"
"At bakit ang casual mo naman yatang makipag-usap sa akin, boss mo ako" puna ko pa na ikinangiti lang nito.
"Hindi ko alam.Ikaw din naman ah, ang casual mong makipag-usap sa akin. Pakiramdam ko tuloy, dati na tayong magkakilala"