Pahiwatig

1915 Words
LIEZEL: KINABUKASAN AY maaga pa rin naman akong gumising. Kahit mahapdi pa ang mga maga ko ay pinilit mo ng bumangon. Kailangan ko pang makausap si Zoro at marami pa akong dadaluhang meeting sa buong maghapon. Napangiti ako na malingunan si Cedric na nahihimbing pa rin. Marahan ko itong hinaplos sa ulo at hinagkan sa kanyang noo at mga labi. Halatang puyat na puyat ito na hindi manlang naramdaman ang paulit-ulit kong marahang pagkintil ng halik sa buong mukha lalong-lalo na sa kanyang mga labi. "Good morning, baby" malambing bati ko na nagpangalumbaba sa kanyang dibdib habang hinahaplos ng isang kamay sa kanyang ulo. Mapait akong napangiti na maalala ang nakaraan namin. Noong unang gabi na nakita ko ito sa Palawan kung saan sumayaw sila noon bilang mga macho dancer sa bridal shower ni Lira na kaibigan ko. Nagkatuwaan lang kaming magkakaibigan noon. At dahil biglaan ang pagbabakasyon naming iyon sa Palawan ay sa mismong resort kung saan kami naka-book na lamang nag-request ng mga sasayaw sa bride to be naming kaibigan na si Lira. Mga waiters noon sa resort sina Cedric at mga nakasama nito noon doon. Pero si Cedric ang pinakamaraming trabaho. Nagtatrabaho din kasi ito sa gabi bilang bar tender sa bar ng resort. Habang sa magmahapon ay waiter ito sa restaurant ng resort. Double kayod talaga ang ginagawa nito na halos gawing araw ang gabi sa dami ng trabaho. Hindi pa kasi noon nasasagot ang nakatagong lihim sa kanyang pagkatao. Na isa pala siyang nakatagong heredero ng pamilya Montereal. Ang nag-iisang totoong anak at tagapagmana ni Daddy Frederick Montereal na ngayo'y isa ng Vice President ng bansa. Tumulo ang luha ko na hindi ko namamalayan. Maging ang pagkagising nito ay hindi ko naramdaman. "Ang aga naman yata ng drama mo?" halos namamaos ang inaantok nitong boses. Pilit akong ngumiti na umiling at nagpahid ng luha. "Um, wala ito. Naalala ko lang ang unang beses nating pagkikita noon sa resort sa Palawan, baby" saad ko. Bahagyang nangunotnoo ito na napatitig sa akin. Ngumiti akong nahaplos ito sa ulo. Hindi naman ito umangal na nakadapa ako sa kanyang dibdib habang nakapangalumbaba at matamang tinititigan itong haplos ko sa ulo. "Paano nga ba tayo nagkakilala?" napangiti ako sa naitanong nito. Ayaw kasi nitong kinukwentuhan ko siya ng nakaraan namin. Sumasakit lang daw ang ulo niya kapag iniisip ang mga iyon na hindi mahagilap sa kanyang utak. "Shower party noon ni Lira. Kasama ko silang lima noon na nagpunta sa Palawan. Nagkataon na ang tinuluyan naming hotel and resort doon ay doon ka nagtatrabaho bilang waiter ng restaurant" nakangiting pagkukwento ko. Napanguso lang naman itong matamang na nakikinig sa akin habang nakatitig sa mga mata ko. Marahan ko itong hinahaplos sa kanyang pisngi na hinahayaan lang nito. "Atin ba ang resort na 'yon?" may halong curiosity sa tono nitong tanong. Umiling ako na bahagyang ikinasalubong ng kanyang mga kilay. "Nope, baby. Kasi noong mga panahong iyon, hindi ka pa nahahanap ng totoong ama mo. Tinatago ka pa lang noon nila Mommy Sheela at Tatay Sandro kung saan sa iskwater compound kayo nakatira. Nagpapanggap na mag-asawa sina Mommy at Tatay noon habang lumalaki ka. At si Mommy Sheela ay nagpapanggap ding baliw para hindi magtaka ang mga tao kung bakit hindi siya lumalabas ng bahay niyo" saad kong mas lalong ikinasalubong ng kanyang mga kilay. "Kasi pinapatay kayo noon ni Tita Catherine. Ang bestfriend ni Dadsy Frederick na naging live-in partner niya kalaunan sa pag-aakalang namatay na si Mommy Sheela. Then, pinalabas ni Tita Catherine na si Louis na anak nito ang isinilang ni Mommy Sheela. Kaya naman hindi na kayo hinanap ni Daddy. Akala kasi nila totoong nahulog sa bangin si Mommy Sheela sa hacienda natin. Pero ang totoo? Pinadakip at pinapatay kayo ni Tita Catherine sa mga tauhan niya. Para makuha at ma-solo niya si Daddy Frederick at ang anak nitong si Louis ang naging tagapagmana ng mga Montereal. Habang ikaw na totoong heredero? Nasa iskwater area. Nagbabanat ng buto para matustusan ang mga pangangailangan mo, lalong-lalo na sa pag-aaral mo" saad kong ikinanguso nitong napapatango-tango. "Unang kita ko pa lang sayo noon sa party ay nasabi ko sa sarili ko. Ito, ang lalakeng ito. Siya ang gusto kong makasama sa tanang buhay ko. Bubuo ng pamilya kasama ito at mamumuhay ng masaya kasama ang mga magiging anak namin hanggang sa aming pagtanda" nangilid ang luha kong mahinang ikinatawa ko na nagpahid ng luha. Nalungkot ang mga mata nito na bakas ang awa sa mga iyon. Napapalunok ito na matiim na nakatitig sa mga mata kong panay na naman ang pag-alpasan ng luha. Kahit pinipigilan ko ay hindi ko sila maawat-awat sa pag-alpasan. "I'm sorry, Liezel" "No, don't be, baby. Wala ka namang kasalanan" saad ko na pilit ngumiti dito. Napahinga ito ng malalim. Tila napakalalim na naman ng iniisip. Napahaplos ako sa kanyang pisngi na ikinalingon nito sa akin. "Mahal na mahal kita, Cedric. Noon, magpahanggang ngayon, ay mahal na mahal pa rin kita. If I would have to live my life again and have a chance to choose who am I going to marry in the future? Cedric, I will always choose you. Lahat ng mga napagdaanan nating panganib, pasakit, pighati, lungkot, hirap at sakripisyo ay nakahanda kong ulit-uliting pagdaan ang mga iyon. Hindi man ganon kaperpekto ang relasyon natin? Masasabi kong ang love story natin ang the best sa lahat. Dahil love story natin ito eh. Sarili nating kwento, hinulma at pinagtibay ng panahon" nakangiting saad ko. Mas lalo namang nabalot ng kakaibang lungkot at awa ang mga mata nito. "Gaano mo ba ako kamahal, Liezel?" napalunok ako na natigilan sa tanong nito. "Anong kaya mong gawin para sa akin, hmm?" muling tanong nito. Napangiti akong mas inilapit ang mukha ko dito at pinakatitigan siya sa kanyang mga mata. "Lahat kaya kong gawin, kung para sayo, Cedric. Lahat-lahat" napalunok itong namutla. "A-anong ibig mong sabihing, lahat-lahat?" "Ced, nagawa ko ng saluhin ang bala ng baril na dapat ay sayo. Nakahanda kong ialay ang buhay ko maprotektahan lang kita sa lahat. Nagawa ko na ring pumatay ng mga taong nanakit sayo, at mga magtatangkang saktan at kunin ka sa akin. Nakahanda akong ipaglaban ka sa lahat. Kasi mahal kita. Mahal na mahal kita" sinserong pagtatapat ko. "Mahal na mahal mo ako?" tanong nitong ikinatango at ngiti ko. "Sobra. Labis pa sa labis, baby" mahina naman ako nitong pinitik sa noo na ikinabusangot ko. "Silly. Mahal na mahal pero hindi mo makilala ang iyong asawa" ingos nitong napa-iwas ng tingin. "Huh? Anong sabi mo?" tanong ko dahil tila namali ako ng narinig. Napabuga ito ng hangin. Ibinaling na rin sa ibang direction ang paningin na tila iniiwasan nito ang mga mata ko. "Ced?" "Wala. Ang sabi ko, gumayak ka na. Anong oras na, oh?" pag-iiba nito ng topic na ikinabusangot ko. "Kumusta nga pala....si Z-Zoro?" nangunotnoo ako sa tanong nito na sa gawi pa rin ng glass wall nakamata. "Tatanggalin ko na siya" "Huh? Bakit?" gulat na tanong nitong napalingon sa akin. Napahinga ako ng malalim. Gusto ko mang ipagtapat sa kanya na minsan ng may namagitan sa amin ni Zoro pero, wala akong lakas ng loob. Hindi ko kayang saktan siya ng harap-harapan. "Hindi kasi siya gaanong magaling sa trabaho niya. Minsan ay napaka-casual nga niyang makipag-usap sa akin na parang hindi kami mag-amo" saad ko. "Tss. Dahil lang doon tatanggalin mo na 'yong tao? Napakababaw mo naman yata, Liezel" napabusangot akong napairap sa hangin. Matamang lang naman itong nakatitig. "Ayoko ng ganun. Gusto ko lahat sila may formality na matatawag" alibi ko. Napanguso ito na pinapakibot-kibot. "Hwag ko siyang tanggalin" "Bakit naman?" "Kasi gusto kong nandito siya. At kung sakali at mapalapit ka sa kanya? Magkagusto ka, magkamali ka sa marriage nating dalawa? Hindi ako magagalit kung si Zoro ang lalakeng maiibigan mo, Liezel" "Cedric, naman!" napatili akong nahampas ito sa braso. Nag-init ang mukha ko sa sinaad nito. Hindi ko alam kung nagbibiro ba ito? Seryoso ba ito? O sinusubukan niya akong huliin. "I'm serious, Liezel" "Tama na nga. Kaninang madaling araw gusto mo na akong hiwalayan. Ngayon naman pinamimigay mo na ako sa iba. Hindi mo ba iniisip na nasasaktan mo na ako, huh?" panunumbat ko na tumulo ang luha. Pinahid nito ang luha ko na ikinatigil ko. Sunod-sunod na napapalunok. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong umiyak sa harapan nito magmula nung nagising siya sa pagkaka-coma sa hospital. Pero ni minsan ay hindi niya ako inalo o kahit pinahid ang luha ko. "Sinasabi ko lang naman. Hwag ka ng umiyak" saad nito. Pilit ngumiti na panay ang pahid ng luha ko. "Ang sama mo, alam mo ba iyon?" "Oo, alam ko" natatawang saad nito. "Bwisit ka rin minsan eh" ingos ko na napapasinok. Ngumisi lang naman ito. "Liezel" pagtawag nito. "Ano?" pagsusungit ko. Natawa naman ito na pilit hinuhuli ang paningin ko hanggang sa magtama ang aming mga mata. "Sabi nila, ang utak natin maaaring makalimot sa mga mahal natin sa buhay. Ang mga mata natin ay maaaring malinlang sa mga nakikita natin. Pero ang puso? Makikilala at makikilala nito ang huwad sa totoo. Kaya minsan, hindi masamang puso ang pinapairal. Lalo na kung dama mong may kakaiba sa bugso nito" makahulugang saad nito.. Nangunotnoo ako na nakatitig dito. Pilit isa-isang inaalisa sa isipan ang mga sinabi nito. "What do you mean, baby? Bakit hindi mo na lang ako diretsuhin" sagot ko. Napahinga ito ng malalim na napapalapat ng labi. "Ang sinasabi ko, kapag tumibok sa iba ang puso mo? Hwag mong pigilan. Hwag mong kalabanin. Magsabi ka lang, pakakawalan kita. Para malaya mong makasama kung sino man 'yon. At kung si Zoro ang lalakeng magpapatibok ng puso mo? Magiging masaya ako para sa inyo, Liezel. Hwag mo akong isipin, hwag mo akong alalahanin. Okay lang ako, unahin mo, ang sarili mo" seryosong saad nitong ikinalapat ko ng labi. "May iba ka na ba?" "Ano? Saan naman galing 'yon?" "Bakit mo ako pinapaubaya sa iba, kung ganon?" "Kasi nakikita ko po na napapasaya ka niya. Nahanap ka niya, Liezel. Nahanap niyo ang isa't-isa. Soon, naiintindihan mo rin kung bakit kita pinagtutulakan sa kanya" makahulugang saad nitong muli na lalong ikinagulo ng mga bagay-bagay na tumatakbo sa isipan ko. "Bakit hindi mo na lang ako diretsuhin, huh? May iba ka na, ano?" "Haist. Lumpo na nga at nagkukulong lang ang tao, eh. Mambibintang ka pa" pasaring nito. Napalabi ako. May punto nga naman siya. "Hwag mo siyang tanggalin. Gusto kong siya ang personal driver at bodyguard mo para nababantayan ka niya" muling saad nitong bakas ang kaseryosohan. "Bigyan mo ako ng magandang rason para hindi siya tanggalin" ingos ko. "Hindi pa ba sapat na gusto mo siya?" "Wala akong gusto sa kanya, noh?" "Eh bakit defensive ka, hmm?" "Nambibintang ka kasi" mahinang sagot ko. Napahalakhak naman itong napailing. "Kunwari ka pa. Gusto mo din naman siya" patuloy na pagpupumilit nito. "Hindi nga sabi eh" "Weh? Then why are you blushing, hmm?" panunukso pa nito. "Cedric, hindi na ako natutuwa ah" "Fine. Pero seryoso ako dun, Liezel. Hwag mo siyang tanggalin sa trabaho. Mas kampante akong siya ang kasa-kasama mo sa labas. Okay?" "Tsk" "I'm waiting, Liezel" "Oo na. Hindi na kung hindi" pagsusungit kong nairapan itong ngingisi-ngisi. "Kunwari pa siya. Alam ko din namang masaya siya eh" pasaring pa nito. Naiiling na lamang akong bumangon ng kama at nagtungong banyo para makaligo. Habang nakatapat ng shower ay napapa-isip ako sa mga sinabi nito. "Anong ibig niyang ipahiwatig? Nararamdaman niya kayang....may namagitan na sa amin ni Zoro?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD