LIEZEL:
PANAY ANG PAGHINGA ko ng malalim habang nakaupo sa swivel chair ko at pinapaikot-ikot sa daliri ang hawak kong sign pen. Binabasa ang mga sinubmit ng secretary kong mga kailangan kong aprobahang papeles.
Tahimik lang din naman si Zoro sa tabi ko. Hindi ko alam kung nakikiramdam lang ba ito? O katulad ko ay marami ring iniisip na mga bagay-bagay. Napapakagat ako sa dulo ng pen ko na nakamata sa mga papeles sa harapan ko. Kahit naman hindi ko na sila basahin at basta na lang pirmahan ay wala namang problema. Malaki ang tiwala ko sa mga employee ko kaya naman namamayagpag sa buong bansa maging sa Asia ang Montereal's Real Estate Corporation na pinamumunuan ko dahil hard working at matatalino ang mga employee's ko.
"Um, Liezel?" napaangat ako ng mukha sa pagtawag nito. At talaga namang sa first name ko pa.
"Zoro, haven't I've told you before? Call me Ma'am. Nasa opisina tayo" saad ko na may panenermon ang tono.
Napakamot ito sa batok na kitang nahihiya.
"Sorry po, Ma'am. Nakasanayan lang" saad nitong ikinapilig ng ulo ko.
"Nakasanayan? Pwes ngayon sanayin mo ang sariling tawagin akong Ma'am. Dahil kahit saan man tayo naroon? Hindi mababago nun ang katotohanan na amo mo ako, at bodyguard kita. Kuha mo ba?" saad kong matiim na nakatitig dito.
"Sige. Arte mo. Ma'am" namilog ang mga mata kong ikinahagikhik nitong kaagad nag-iwas ng tingin!
"Ikaw--"
"Tara, labas muna tayo. Nagugutom na ako, Ma'am" saad nitong tila hindi niya ako boss!
Napakurap-kurap ako na sa isang iglap lang ay magkahawak-kamay kaming nakasakay sa elevator pababa ng ground floor! Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko na kusang nagpapaalipin na naman dito! Ni hindi ko mabawi-bawi ang kamay kong naka-intertwined sa kanyang mga daliri na marahang pinipisil-pisil nito!
"Saan mo gusto? Pwedeng kumain muna tayo. Na-mis ko ang Edzel restaurant natin, kumain tayo dun, Ma'am?" masiglang saad nito pagkapasok namin sa kotse.
Natigilan akong napatitig dito! Inaalisa sa utak ko kung tama ba ang narinig kong sinaad nito.
"Edzel restaurant? Natin? Na-mis mo? Anong ibig mong sabihin, Zoro? Hindi pa naman kita dinadala doon. At paano mo nalamang....teka nga!" napatili akong nahampas ito sa braso nang in-start na nito ang engine ng sasakyan.
"Bakit, hmm?" nagtatakang tanong nito. Naipilig ko ang ulo.
"Kasasabi ko lang, 'di ba? Maging formal ka sa akin" pagalit ko na pinaniningkitan ito.
Napalapat ito ng labi na pinamumulaan ng pisngi.
"Formal naman ah, Ma'am" sagot nito na pinagdiinan ang salitang Ma'am.
Napahinga ako ng malalim. Iiling-iling na sa harapan tumutok na lamang kaysa makipag-debate dito.
Hindi ako umiimik sa kahabaan ng byahe namin. Napapasipol naman itong nagmamaneho at ramdam ko ang panakanakang pagsulyap nito. Tila napakaganda ng araw nito na nagagawa pang kumanta na sinasabayan ang music dito sa loob ng kotseng nagsisilbing ingay sa pagitan namin.
Kung tayo ay matanda na,
sana'y, 'di tayo magbago.
Kailanman, nasaan man
ito ang pangarap ko.
Makuha mo pa kayang,
ako'y hagkan at yakapin...hmmm
hanggang sa pagtanda natin.
Nagtatanong lang sayo,
ako pa kaya'y ibigin mo.
Kung maputi na ang, buhok ko.
Napapalapat ako ng labi na matamang pinapakinggan ang pagkanta nito. Kusang napapangiti na naiisip si Cedric dahil kuhang-kuha naman nito ang boses ng asawa ko. Na natural lang na magka-boses silang dalawa kaya para ko na ring naririnig si Cedric.
Pagdating ng araw,
ang 'yong buhok ay puputi na rin.
Sabay tayong, mangangarap
ng nakaraan natin.
Ang nakalipas, ay ibabalik natin. Hmm
Ipapaalala ko sayo,
ang aking pangako na ang pag-ibig
ko'y laging sayo.
Kahit maputi na ang, buhok ko.
"Baby, tingin mo ba? Maaabot natin 'yon ng magkasama. Panoorin at sasamahan ang mga bata na lumaki. Mag-asawa, at magka-apo sa kanilang lahat. Ang saya siguro non, noh? May isang malaki at maingay tayong pamilya" saad nitong ikinatigil ko.
Sunod-sunod akong napalunok na dahan-dahang nilingon ito. Nakaparada na pala ang kotse dito sa tapat ng Edzel restaurant ko na hindi ko namalayan sa pagkakawiling pinapakinggan itong kumakanta.
"A-ano?" kunotnoong tanong ko.
"Ahm! I mean, kayo ni Sir Cedric, Ma'am" pagtatama nitong napapatikhim na hindi makatingin sa aking mga mata.
Naipilig ko ang ulo. Iba kasi ang dating ng pagkakasabi nito kanina. Na parang may ibang ibig sabihin. Napailing akong napahinga ng malalim. Napatitig naman ito.
"Gusto ko 'yon. 'Yon ang pangarap ko eh. Ang magkasama kaming tatanda ni Cedric na panonoorin ang mga anak naming lumaki. Hanggang sa pagtanda ay magkasama kami. Na tipong magkakatawanan sa tuwing inaatake kami ng rayuma dala ng katandaan. Makipagharutan sa mga apo namin. Sa dami ng anak namin ni Cedric ay tiyak na marami rin kaming magiging apo, pagdating ng araw" nakangiting sagot ko.
Napangiti na rin itong nagniningning ang mga matang matiim na nakatitig sa akin. Na tila siya ang pinagsasabihan ko. Napahugot ako ng malalim na paghinga at inayos ang sarili.
"Tara na nga, malulungkot lang ako na maiisip ang katotohanang malabong mangyari 'yon sa amin ni Cedric. Maliban na lang siguro kung makakaalala na siya at mapapapayag kong magpa-under go ng therapy niya para makalakad na siya" saad ko pa na nagpatiuna ng bumaba ng kotse. Sumunod naman itong kaagad umalalay sa akin.
HABANG KUMAKAIN kami ay hindi maiwasang pagtinginan kami ng mga tao, mapa-costumer man o employee ko dito sa restaurant. Hindi ko naman sila masisisi. Kilala ako ng mga tao sa publiko at madalang lang din akong magtungo dito sa Edzel restaurant na ipinatayo ko noong magkasintahan pa lang kami ni Cedric. Sinunod ko pa nga sa combine name namin ang pangalan nitong restaurant dahil sigurado na ako noon sa nararamdaman para dito. Na siya na ang gugustuhin kong makasama sa tanang buhay ko.
"I miss this place" napalingon ako kay Zoro sa sinaad nito.
Tapos na kaming kumain at nagta-tsaa na lamang habang nagpapahinga. Napapalinga-linga ito na nagniningning ang kanyang mga mata. May ngiti sa mga labi na kitang masaya ito sa nakikita.
"Pumupunta ka na ba dito dati pa?" tanong ko na ikinatango nitong sinusuri ng tingin ang bawat sulok nitong restaurant.
"Katulad pa rin siya ng dati" saad nito.
"Yeah. Ayokong may baguhin dito. Alam mo ba? Wala pa kaming label noon ni Cedric nung pinabuksan ko ang restaurant na ito. Ipinangalan ko sa aming dalawa. Ganun ako kakumpyansa noon na kaming dalawa ang nakatadhana. Na para siya sa akin. At ako para sa kanya" saad ko.
Napangiti naman itong napapatango-tango.
"Mukhang ikaw ang nanligaw sa kanya ah" saad nitong nanunudyo ang tingin, ngiti at tono.
Napangiti akong napatango-tango na ikinalapad lalo ng ngiti nito.
"Yeah. I admit that, Zoro. Ako ang nanligaw sa aming dalawa ni Cedric. Torpe kasi siya at mahiyain noon. Kaya ako na ang kumilos para mapasa-akin siya" buong pagmamalaking saad kong mahinang ikinatawa nitong nagniningning ang mga mata.
"At nagtagumpay kang agawin siya sa bestfriend mo" natigilan ako sa sinaad nito.
Mahina lang iyon pero malinaw kong narinig ang sinaad nito. Naipilig ko ang ulo na matamang pinakatitigan itong ngingisi-ngisi at nagtataasbaba ng mga kilay! Katulad na katulad nito si Cedric kapag nagkakatuksuan kami noon.
Paano niya nalamang inagaw ko si Cedric kay Annika na bestfriend ko?
Bumilis ang t***k ng puso ko. Pinagtatagpi-tagpi ang mga bagay-bagay! Ang lahat ng similarities nila ni Cedric. Nagkataon lang ba? O talagang.....si Zoro at Cedric ko---
ay iisa.