Decision

1583 Words
LIEZEL: INABOT KAMI NG hatinggabi sa bar ng mga kaibigan ko bago nagkanya-kanyang umuwi. Hindi na muna ako sa mansion umuwi kundi sa mansion namin sa Rizal. Kung saan ang old mansion ng mga Del Prado. Gulong-gulo ang isipan ko at gusto ko na lamang magpahinga sa mga sandaling ito, malayo sa lahat. Pagewang-gewang akong naglakad papasok ng mansion namin. Kaagad naman akong dinaluhan ng katulong na nakakita sa akin na muntikang sumubsob sa sahig kung hindi lang ako nito nasalo! "Get off me! I can handle myself, alone!" asik ko na winaksi ang kamay nitong natigilan at napapayuko. "I'm sorry, señorita. Alalayan ko na po kayo. Baka madapa pa ho kayo niyan" paumanhin nitong ikinatawa ko ng pagak. "Are you deaf, huh? I said, I can handle myself" asik ko na bahagyang naitulak ito sa balikat. "You are just a maid here! So if you're done cleaning the house? Then go back to your quarters!" pagalit ko pa ditong napapayuko at yumugyog ang balikat. Lalong nag-init ang ulo ko na humikbi ito sa harapan ko. "I'm sorry po, señorita" paumanhin nitong humihikbi. "Tsk! Get the hell out of my sight!" "O-opo" napapayuko itong patakbong nagtungo sa kanilang maid quarters. "Liezel! What's happening to you, huh!?" napapitlag ako sa bulyaw ni Mommy na nagmula sa taas ng hagdanan. Napatingala ako dito na napangisi. Pasuray-suray akong naglakad na bumagsak sa sofa. Bumaba naman ito na lumapit sa gawi ko. "Wake-up you, stubborn lady!" asik nito na pahablot akong iniupo! "Mom!" reklamong ungol ko dahil inaantok na ako. Nanghihina na ang katawan ko at akmang matutumba na naman ako mula sa pagkakaupo pero hiniklat ako nito sa braso. "I said wake-up!" asik pa nito. Napakamot ako sa pisngi na pilit idinilat ang mga inaantok kong mata. "Bakit po ba?" reklamong ungol ko. "Why are you here, huh?! Madaling araw na, Liezel! May mga anak at asawa ka na!" singhal pa nito. Napangisi ako dito na ikinaigting ng panga nitong kulang na lang ay bugahan ako ng apoy. "Relax, Mom. Minsan na nga lang akong magawi dito eh. Hindi niyo ba ako na-mis?" pagtatampo ko. Napahinga lang ito ng malalim na matamang nakatitig sa akin. "Bakit nga ba nandidito ka?" mas kalmadong tanong nitong naupo sa tabi ko. Napailing akong naiyukyok ang ulo. Tumulo ang luha na hinayaan ko lang. Hanggang sa ang tahimik kong pag-iyak ay napunta sa paghagulhol. Niyakap naman ako nito na hinagod-hagod sa likuran. Mas lalo akong napahagulhol na nagsumiksik sa dibdib nito. Ibang-iba ang comfort na hatid ng yakap at haplos nito. Na dama kong nababawasan ang bigat sa dibdib ko sa pinagdadaanan namin ni Cedric. Lalo na ang guilt na dala-dala ko na nagawa kong magtaksil dito. "Mommy" basag ang boses na pagtawag ko dito. "Ang bigat na po. Ang bigat-bigat na po dito" saad ko na humahagulhol at tinuro ang puso ko. "Hush, sweetie. I'm here, we're always here for you. Nandidito kami ng Daddy mong nakahandang maging sandalan mo sa oras ng kahinaan mo. Hindi mo kailangan solo-hin ang bigat, anak. Para saan pa na naging magulang mo kami?" pagpapatahan nito. Mariin akong napapikit na nakasubsob sa kanyang dibdib. Hinayaang umagos ang luha hanggang maubos at kusa akong tumahan sa pag-iyak. Sinisinok akong kumalas sa pagkaka-yakap dito at nagpahid ng uhog at luha. Saka ko lang nakita na umiiyak din pala ito ng tahimik habang kino-comfort ako. "Pagod na po ako. Gusto ko na siyang sukuan, Mom" mapait itong napangiti na hinahaplos ako sa ulo. "Normal lang na mapagod ka, sweetie. But keep this on your mind. If you get tired? Take a rest for a while, but not easily to quit, sweetie. Parang ulan lang ang mga problema, anak. Gaano man kalakas at katagal ito? Titila at titila din" pagpapayo nito. Napapalabi akong tumango-tango na ikinangiti nitong matamang na nakatitig sa akin. Kita ang awa, lungkot, at simpatya sa kanyang mga mata. "Isipin mo na lang ang mga pinagdaanan niyo noon ni Cedric. Ang dami niyong naipanalong laban para sa pag-iibigan niyo. Ngayon ka pa ba susuko? Asawa mo na siya at may anim na batang umaasa sa inyong mga magulang nila. Nasa kahinaan ngayon ang asawa mo, Liezel. Ikaw ang unang-una na dapat maging sandalan at kaagapay nito sa oras ng hirap at pagsubok sa inyo. Hwag mong sukuan ang asawa mo, sweetie. Bagkus ay iahon mo siya sa kinasasadlakan niyang kalungkutan" pagpapayo nito na maalumanay ang boses. Tahimik lang akong nakikinig dito na napapatango-tango. Tama naman kasi siya. Ika nga, mother knows best. Napahinga ako ng malalim na ngumiti dito. Kahit paano ay nahimasmasan na rin ako sa kalasingan ko. "Thank you, Mom. I feel better now" saad kong ikinangiti at tango nito. "Anything for you, sweetie" Napatayo na akong ikinasunod nitong niyakap ako ng mahigpit habang hinahaplos ako sa likod. "Um, mauna na po ako" saad ko. Inakbayan naman ako nitong inihatid sa garahe ng mansion. "Hindi mo ba sisilipin ang Daddy Kenneth mo?" "Ikumusta niyo na lang po ako, Mom. Magliliwanag na mamaya. Marami pa akong dadaluhang meeting sa mga investors" sagot kong tipid nitong ikinangiti at pinagbuksan na ako ng pinto. "Okay, drive safe, sweetie" pagpapaalala nito na ikinatango kong niyakap at hinagkan ito sa pisngi bago sumakay ng kotse. PAGDATING KO ng mansion ay tumuloy na ako sa silid namin ni Cedric. Maingat bawat hakbang ko sa pag-aakalang nahihimbing na ito pero, nagkamali ako. Nasa kanyang wheelchair ito na nakatapat sa glass wall. Mapait akong napangiti na lumapit dito at niyakap siya mula sa kanyang likuran. Alam ko namang alam niyang dumating na ako dahil kita mula dito sa kanyang pwesto ang gate at garahe. "Bakit gising ka pa, hmm?" "Bakit ngayon ka lang?" bagkus ay balik tanong nito. Huminga ako ng malalim na pinaghahalikan siya sa ulo habang yakap ko pa rin ito. "Nagkatuwaan kami ng mga kaibigan natin. Ladies out. Then, dumaan ako kina Mommy para mabisita din sila" pagtatapat ko. Hindi naman na ito sumagot. "Cedric?" "Why?" malamig nitong tugon. Kumalas ako sa pagkaka-yakap dito at nagtungo sa kanyang harapan. Lumuhod ako na kinuha ang kamay nito at mariing hinagkan ang palad nito. "Ayaw mo pa rin bang mag-undergo ng therapy?" paglalambing ko na ngumiti dito. Walang emosyon ang mga mata na tumitig ito sa akin. "Hindi naman ako pabigat sayo, 'di ba?" natigilan ako sa sinagot nito na napalunok. "Ced, ayaw mo bang bumalik sa dati, hmm? Gusto mo bang habang buhay ka na lang nakaupo sa wheelchair na ito at nagkukulong sa silid na 'to, ganun ba?" pangungumbinsi ko na piping nagdarasal na pumayag ito. Malalim itong napabuntong-hininga. Walang kabuhay-buhay ang mga mata na matiim na tumitig sa mga mata ko. "Haven't I've told you before? Ayoko nga sabi eh! Bakit ba ang kulit mo sa bagay na 'yan, huh? Concerned ka nga ba sa akin? O ikinahihiya mo kasi ako, kaya hindi mo matanggap ang desisyon ko?" napaawang ang labi ko sa sinaad nito na napataas ang boses. Nag-igting ang panga nito na marahas na napabuga ng hangin. Napayuko ako na naikuyom ang kamao. Muling nangilid ang luha ko. Napapikit ako na tuluyang ikinatulo ng mga itong hinayaan ko. "Maghiwalay na tayo" "A-ano?" nauutal kong tanong na napaangat ng mukha. Natigilan ito na makitang luhaan ako at lumarawan ang lungkot at awa sa mga mata nito. "Mag-annul na tayo. Para makalaya ka na sa akin. You deserve to be happy, Liezel. At hindi ko iyon maibibigay sayo dahil wala na akong silbi" pagpapatuloy nitong ikinaawang ng bibig kong nakatingala dito. Muling naging emotionless ang mga mata nito na malamig akong tinitigan sa mga mata. "N-no. Ayoko. Hwag mo naman akong hiwalayan, Cedric. Oo na, hindi na kita pipilitin kung ayaw mong magpa-therapy. Hwag lang tayong maghiwalay" kaagad kong sagot na ikinabuga nito ng hangin. Napatitig ito sa malayo na tila hindi na naman ako nage-exist sa paningin nito. Hindi ko maiwasang masaktan sa nakikita dito. At sinaad nitong maghiwalay na kami. Na ipawalang bisa ko na ang kasal namin. Iisipin ko pa lang ang epekto non sa mga anak namin na lalaki silang hiwalay ang magulang ay para na akong dinudurog sa puso ko. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang lumaki silang hindi buo ang pamilyang kakagisnan nila. "Magpahinga na tayo, baby" saad ko na nagpahid ng luha at tumayo na. Hindi naman na ito umimik na hinayaan akong dalhin siya sa gilid ng kama. Tumayo itong mag-isa dahil iwinalin niya ako sa akmang pag-alalay ko dito. Mag-isa itong lumipat ng kama na iika-ika. Hindi na lamang ako nagkomento pa at itinabi ang wheelchair nito bago tumuloy ng banyo at naglinis ng sarili. Pagbalik ko ng kama namin ay nahihimbing na ito. Maingat akong naupo sa gilid ng kama at nakamata dito habang nagpapahid ng moisturizer sa buong katawan kong tanging manipis na short at sando ang suot. Mapait akong napangiti na mapasadaan ang itsura nitong halatang wala pang tulog. "I'm sorry, Cedric. Tama silang lahat. Hindi ko dapat hinahayaan ang tukso na sirain tayo. Dapat ako ang maging sandalan mo sa mga panahong ito" mahinang pagka-usap ko dito at hinagkan siya sa noo bago maingat na nahiga patagilid dito at niyakap ito. Napahinga ako ng malalim na isang mabigat na desisyon ang napagpasyahan kong gawin bukas. Ayoko sanang gawin dahil dama kong masaya ako sa kanya. Pero alam kong masasaktan ko ang lahat lalo na ang mag-aama ko kapag nagpatuloy pa ako sa pakikipaglapit dito. "I'm sorry, Zoro. Kung ikaw ang isasakripisyo kong mawala.....sa landas ko" piping usal ko na nagpatangay na sa antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD