LIEZEL:
BUONG MAGHAPON akong nakalutang sa opisina. Napapaisip sa mga bagay-bagay na imposibleng mangyari na pwede ring posible kung tama lahat ng tumatakbo sa isipan ko. Magdidilim na sa labas. Maaga ko namang pinauwi si Zoro ng mansion dahil may personal akong lakad mamaya. Na tanging ang mga kaibigan ko lang ang maaari kong pagkatiwalaan sa bagay na iyon. Hindi ako pwedeng magpadalos-dalos. Lalo na't, hindi biro ang kahaharapin ko kung tama man ang mga nagpaparamdam sa akin.
Napapikit akong nahilot ang sentido na sumagi ang pagtatalo namin kanina ni Zoro dito sa opisina ko matapos nitong sabihing pakiramdam niya ay sa kanya ako. Isang malakas na mag-asawang sampal lang naman ang inabot nito sa akin. Pero kahit nagalit ako dito ay hindi pa rin tumigil.
*******
"Hindi dahil minsan ng may namagitan sa atin, iisipin mong pag-aari mo ako!" sigaw ko ditong napatagilid ang mukha.
Namula ang pisngi nito. Bumakat ang palad ko doon na ikinahaplos niya doon at dahan-dahang napalingon sa akin. Nanlalaki ang mga mata nitong bakas ang gulat at kita ang pagdaan ng sakit doon.
"Hindi ka naniniwala sa akin?" may halong pait ang tono nito. Napatango-tango ito na hindi ako nakasagot.
"Ako rin naman, Liezel. Hindi makapaniwala sa mga nangyayari sa akin. Tahimik ang buhay ko eh, masaya. Pero bigla kang sumulpot sa buhay ko, namalayan ko na lamang na lagi ka ng nasa isipan ko. At umaabot na sa puntong napapanaginipan kita" saad nitong tumulo ang luha.
"Pagnanasa lang 'yan, Zoro. Hwag mong isiping porket natikman mo ako minsan? Ay kayang-kaya mo na akong agawin sa asawa ko. Hindi mo, mapapalitan si Cedric sa puso ko, sa buhay ko. Kahit ano pang gawin mo" may kadiinang saad ko.
Napailing ito na panay ang pahid ng luha. Luha na kurot ang dulot sa puso ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Pinapakita at pinapadama ko ditong galit ako.pero, iba ang sinisigaw ng puso ko. Gustong-gusto ko na siyang aluin na mahigpit kong tinututulan.
"Wala akong planong agawin ka, o palitan si Sir Cedric sa buhay mo, Ma'am. Walang-wala ako kumpara sa kanya. Alam ko 'yon. Sinasabi ko lang ang nararamdaman ko para sayo. Dahil 'yon naman ang totoo. Naghahanap din ako ng mga kasagutan, Ma'am Liezel. Mga kasagutan sa mga katanungan sa isipan ko at umaasang ikaw ang makakasagot ng mga 'yon" mapait nitong saad na kita ang sensiridad sa kanyang mga mata.
"Tama na. Driver kita, bodyguard, at amo mo ako. Hanggang dun lang tayo. Hwag mong guluhin ang isipan ko, ang tahimik na pamilya ko kung gusto mo pang, may maayos kang trabaho" walang emosyong sagot ko na napahilamos ng palad sa mukha.
Nanatili naman itong nakamata sa akin. Patuloy ang pagtulo ng luha sa mga nangungusap niyang mata. Ayoko na lamang siyang titigan doon dahil ang mga mata ni Cedric na luhaan ang nakikita ko. At lalo akong nagu-guilty sa kasalanan ko sa asawa kong pilit kong ibinabaon sa limot.
"Mauna ka na ng mansion. May personal akong gagawin. Kaya ko na ang sarili ko. Magpahinga ka na muna" utos ko pa dito.
"Kung 'yan ang gusto mo" saad nito na tumayo at walang lingon na nagtungo ng elevator.
Napatitig ako sa pigura nitong paliit nang paliit sa paningin ko. Ang lakad niya, ang kilos niya, ang likuran at tangkad niya. Kuhang-kuha niya si Cedric. Napa-iling akong mapait na napangiti at napahilamos ng palad sa mukha. Mariin akong napapikit na naisandal ang sariling hinihilot ang sentido.
"Why are you doing this to me? Pinaparusahan mo ba ako sa mga kasalanan ko?" hibang kong katanungan sa Maykapal.
Pagak akong natawa na napailing sa sarili. Pero kalauna'y napahagulhol na napayuko sa mesa ko dala ng bigat sa dibdib ko. Halo-halong emosyon na hindi ko na mapangalanan pa. Parang sasabog ang utak ko sa mga tumatakbo sa isipan.
******
KAGAT ANG IBABANG labi na nagtungo sa hangout place naming magkakaibigan sa bar namin. Magmula noong magkaroon na kami ng kanya-kanyang pamilya ay minsanan na lamang kaming magsama-sama ng mga kaibigan ko. Lahat naman kami ay may mga asawa na. At masaya. Masaya nga ba?
Kami ni Janaeya ay hindi. Maliban sa apat na masasabing perpekto ang binuong pamilya. Si Naeya ay nakalugmok sa depression nito dahil sa pagkamatay ng panganay nila ni Dwayne na si baby Ethan. Ilang taon na rin ang ang nakakalipas pero nagkukulong pa rin ito sa silid na patuloy sa pagluluksa sa kanyang anak. Habang ako ay patuloy na nagpapakatatag sa kalagayan namin ni Cedric.
Sa mata ng publiko ay masaya at perpekto ang buhay meron kami. Na iniisip naming sana nga. Sana perpekto ang buhay. Pero hindi. Dahil kahit anong ingat mo dito? Masusubok at masusubok ang tatag ng pamilya niyo. Katulad na lamang ng pinagdadaanan namin ngayon ni Cedric.
Napabuga ako ng hangin na mahigpit na napakapit sa manibela at nakipag-karerahan sa mga kasabayan kong motorista. Panay ang pagsingit ko at pag-overtake sa mga nadaraanan na ikinabubusina ng mga ito sa akin.
TUMULOY AKO ng VIP room kung saan madalas naming tambayang magkakaibigan. Pagdating ko dito ay si Irish pa lamang ang nandidito. As usual? Napaka-daring pa rin nitong manamit. Kahit naman kasi may mga anak at asawa na kami ay hindi kami nagpapabaya sa katawan. Kaya naman napagkakamalhan pa rin kaming mga dalaga.
"What's up, buddy!?" masiglang bati nitong napatayo at sinalubong akong niyakap.
"Kanina ka pa?" aniko na yumakap din dito na naglakad sa kanyang pwesto.
"Um, 20 minutes ago?" anito na nagsalin ng alak sa baso ko.
Napangiti akong inabot ang tagay nito at nakipag-toss ng baso.
"Cheers"
"Cheers" panabay namin na inisang lagok ang shot namin.
"How are you, buddy?" anito na mapait kong ikinangiti at nagsalin muli ng whiskey sa baso kong agad kong inisang lagok.
Napangiwi ako na humagod sa lalamunan ko ang init at pait nito. Matamang lang naman ako nitong pinapanood. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng mga ito ang pagsasama namin ni Cedric na isang taon ng kasinglamig ng yelo ang pagsasama naming mag-asawa.
"What should I do, buddy? I think I'm, I'm falling for someone else"
"What!?" gimbal na bulalas nitong namimilog ang mga mata.
Napatagay akong muli na tumulo ang luha at mapait na napangiti. Napa-iling akong napatitig dito na nakalarawan sa mukha ang pagkabigla. Namumutla na nanigas sa kinauupuan.
"It was just one night mistake. Pilit ko siyang kinakalimutan. Ayoko ng maulit na magkasala ako kay Cedric but, damn. Nasa paligid ko lang ang tukso na 'yon. At kahit kinakastiguhan ko ang sarili ko ay kusa akong bumibigay dito. Dayain ko man ang sarili ko ay alam kong masaya ako--"
"Fūck you!" asik nito na sinampal ako ng malakas!
Umikot ang paligid ko na muntikang sumubsob sa mesa sa sobrang lakas ng sampal nitong ikina-init ng pisngi ko! Namanhid ito na parang hinampas ako ng hallowblock sa pisngi sa bigat ng palad nito!
Napasapo ako sa pisngi ko na dahan-dahang humarap ditong namimilog ang mga mata tulad nito. Nababalot ng galit ang mga mata nito nitong matiim na nakatitig sa akin. Tumulo ang luha kong napailing.
"I'm sorry" bulalas nito ng matauhan at nahaplos ako sa pisngi na sinampal nito.
Rumagasa ang luha nito na lumarawan ang guilt sa kanyang mga mata. Awa, simpatya at lungkot. Umiling ako na pilit ngumiti.
"It's okay, buddy. Dapat nga si Cedric ang gumawa niyan. Sa laki ng atraso ko sa kanya. Sa kasal namin. Kulang pa ang isang sampal para makabawi ako dito" mapait kong saad na dinampot ang bote ng whiskey at direktang tumungga sa bote.
"Liezel... what's happening to you? Paano mo 'yon nagawa sa kanya, huh? Saksi kaming lahat kung gaano niyo kamahal ni Cedric ang isa't-isa. Na kahit si kamatayan ay hindi kayo mapipigilan" saad nito na lumuluha.
Napayuko akong napasapo sa noo habang nakadantay ang siko sa hita. Napailing-iling ako na napahagulhol. Parang pinipiga ang puso ko sa mga sandaling ito.
"Hindi ko alam It just happened. Namalayan ko na lang ang sariling nagpapakasasa na inaangkin ng ibang lalake. At ngayon ang lalakeng iyon ay driver ko na. Habang lumilipas ang araw na kasama ko ito ay para kong nakikita ang dating Cedric ko sa katauhan niya. Ang kilos niya, ang boses niya, ang bulto ng katawan niya, ang tangkad niya, lahat-lahat sa kanya lalo na sa mga katangian ni Cedric ay nasa kanya. Iba lang ang mukha niya. Pero 'yong mga mata niya. Ang mga inosenteng mata niya....si Cedric ang nakikita ko sa mga iyon" pagtatapat ko na humahagulhol. Hinahagod-hagod naman ako nito sa likuran.
"But still, Liezel. Mali pa rin. Dahil ang Cedric na mahal mo ay nasa mansion niyo, naghihintay lagi sa pagdating ng asawa nito. Hindi mo ba naiisip kung bakit siya namlalamig? Marahil nahihiya 'yon sa kalagayan niya ngayon. Wala siyang maalala. Hindi rin makalakad. Masisisi mo ba siya kung siya na ang naglalayo ng sarili niya? Liezel, alam mo kung gaano ka kamahal ng asawa mo. Hwag mo naman siyang sukuan" pagpapayo nitong napapahikbi.
"Paano naman ako? Pagod na pagod na ako, Irish. Gustong-gusto ko siyang tulungan pero hindi naman niya 'yon gusto. Ibang-iba na siya. Hindi ko na maramdaman at makita ang asawa ko sa kanya. Ang Cedric na minahal ko. Paano naman ako? Nasasaktan at napapagod din naman ako"
"At dahil dyan manlalalake ka na, ganun ba, huh?!" napapitlag kami sa dumagundong na boses dito sa silid na nagmula sa pintuan.
Napatayo kami ni Irish na mabungaran doon ang apat naming kaibigan na nanggagalaiti sa galit na nakamata sa akin! Napalunok ako. Natuod sa kinatatayuan na hindi makatingin sa mga ito. Unang lumapit si Diane na hinablot ako sa braso at malakas na sinampal ng magkasunod! Napatili naman si Irish na sinalo ako sa pagkakatumba kong napaikot sa lakas ng sampal nito!
"Fūck you! Hindi ikaw ang kaibigan namin! Oo, maloko tayo pero dati 'yon at napatino na tayo ng mga lalakeng napangasawa natin!" singhal nitong nagpapantig ang panga. Nanlilisik ang mga mata na punong-puno ng galit.
"What's happening to you, Liezel!? Ang Liezel na kaibigan namin ay mas maatim pang pumatay ng aagaw sa Cedric nito! Dahil ba nalumpo na ngayon ang asawa mo kaya ka naghahanap ng kapalit nito, huh!?" bulyaw ni Lira na siyang sumunod na sumampal sa akin!
"Enough! Tama na! Hwag niyo na siyang saktan! Siya pa rin ang kaibigan natin, and she needed us!" sigaw ni Irish na niyakap akong inilalayo sa mga kaibigan namin.
"Exactly, Mrs Castañeda! Mga kaibigan niya tayo! At hindi natin ito-tolerate ang ginagawa niyang pagtataksil kay Cedric! Isipin mo din naman si Cedric dito! Nakalugmok na sa kalungkutan ang asawa mo, Liezel! Dadagdagan mo pa talaga ang pasanin niya!? Anong klase kang asawa, huh!?" bulyaw sa akin ni Kristel na himablot ako mula kay Irish at malakas na sinuntok sa mukha ng paulit-ulit!
"Wake-up, buddy! Hindi panlalalake ang solusyon sa problema niyo ni Cedric. Kumbinsihin mo 'yong asawa mong sumailalim sa therapist at mag-take ng gamot para gumaling na ito, hindi 'yong manlalalake ka!" pagalit din ni Janaeya sa akin na mariing nakapisil sa magkabilaang braso ko.
Nanghihina akong hindi makapanlaban sa mga ito. Alam ko naman kasing kasalanan ko at naiintindihan ko kung bakit sila nagagalit ngayon. Kasalanan ko. Mali ako. Alam ko.
"Hindi ko naman 'yon sinasadya eh. Hindi niyo ako naiintindihan dahil hindi kayo ang nasa situation ko" panunumbat kong napahagulhol niyakap ang sarili.
Napahagulhol na rin ang mga itong isa-isang niyakap ako ng napakahigpit hanggang sa mag-group-hug kaming anim na nag-iiyakan. Panay ang hagod ng mga ito sa akin na pinapakalma ako.
ILANG MINUTO kaming nagka-iyakan bago kumalas sa isa't-isa at naupo sa magkakaharap na solo sofa paikot sa round table sa center. Tahimik kaming uminom na nagpapakiramdaman. Nangangapal na ang mukha ko sa dami ng sampal at suntok na natamo sa mga ito.
"Fired him" ani Diane na siyang bumasag sa nakabininging katahimikan namin.
"What?" kunotnoong tanong ko na napatitig dito.
"Fired your driver, buddy. Umiwas ka sa tukso. Hindi 'yong pinapalapit at inaalagaan mo ito" walang emosyong saad nito.
"Diane's right, buddy. Tanggalin mo sa landas mo ang driver mo bago pa mahuli ang lahat. Hwag mo ng dagdagan ang kasalanan mo sa asawa mo" pagsang-ayon ni Lira.
Napapalunok ako. Parang kinukurot ang puso ko sa kaisipang paaalisin ko si Zoro para makaiwas ako sa tukso. Mapait akong napangiti na napailing. Matamang lang naman ang mga itong nakatitig na kunot ang noo.
"I can't"
"That's bullshít!" napapitlag ako sa panabay nilang mura na naihagis ang mga baso sa wall at muling nanlilisik ang mga matang bumaling sa akin!