ZORO:
NAPAHAGULHOL AKO na hindi ko namalayanan. Hinatak naman ako nito na pinasandal sa kanyang dibdib habang hinahagod sa likuran ko. Nang makalma ko na ang sarili ay napapahid ako ng luha at uhog ko bago tumuwid sa pagkakaupo. Nakamata naman ito na bakas ang mga katanungan sa kanyang mga mata.
"Feel better?" tanong nito na nag-aalala ang tono matapos kong makainom ng iniabot nitong bottle water.
"Yeah. Thanks" saad ko.
Napanguso naman ito na matiim akong tinititigan. Tila binabasa ako sa tiim ng kanyang pagkakatitig. Nahihiya tuloy ako. Baka mamaya ay iniisip nitong nagda-drama ako para magpapansin dito.
"So, can you tell me more.... about, about your dreams?" tanong nito na nag-iwas ng mga mata at bahagyang pinamulaan ng pisngi.
Napalunok ako. Muling nagkarambola ang pagtibok ng puso ko na maalala ang panaginip ko. Sunod-sunod akong napabuga ng hangin. Kakamot-kamot sa batok na lakas loob ibinukas sa kanya ang panaginip ko.
"Um, honesty, Ma'am. Hindi malinaw ang mukha ng babae sa panaginip ko. Malabo po siya. Pero ka-boses mo po at kapangalan. Hindi ko rin alam. Maging ako ay naguguluhan. Kasi kita ko ang sarili ko pero, Cedric po ang tawag niyo sa akin dun, at baby" pagtatapat ko.
Napanguso ito na pinakibot-kibot habang nakatitig na matamang nakikinig. Napatango-tango naman ito.
"What was your dreams with me, hmm?" tanong nitong muli. Tila inuusisa ako nito sa tono ng boses at uri ng tingin.
Napahinga ako ng malalim. Kakamot-kamot sa batok na nahihiya dito.
"Um, we're having.... we're having sēx, Ma'am" nasamid itong sunod-sunod na napaubo kaya awtomatikong dumapo ang palad ko sa likuran nitong humagod-hagod doon!
Kapwa kami natigilan ng magtama ang mga mata namin! Bumilis na naman ang kabog ng dibdib ko sa hindi ko mapangalanang dahilan!
"That was just a dream, Zoro. Malayo sa katotohanan" anito na napatuwid ng upo.
Pilit akong ngumiti na napatango-tango na umayos na rin ng upo sa tabi nito. Muli nitong binalikan ang ginagawa na naglalagda ng mga papeles.
"Alam mo, Ma'am Liezel? Para siyang totoo eh" saad ko pa sa mahaba-haba naming katahimikan.
"Ganun talaga. Hwag mo kasi akong iniisip sa gabi, Zoro. Para hindi ka managinip ng may halong kababalaghan" natatawang sagot nito na sa mga files na pinipirmahan nakatutok ang attention.
Napapahimas ako sa baba ko na marahang iniikot-ikot ang swivel chair ko. Iniisip ang panaginip ko. Pilit inaaaninag ang mukha ng babaeng tinatawag kong Liezel. Kung siya ba ito? O kapangalan lang.
Napasapo ako sa ulo nang sumidhi ang kakaibang kirot na impit kong ikinadaing.
"Urghh!"
"Hey, Zoro? What's going on?" gimbal na bulalas nitong napatayo at dinamayan ako.
"Yong gamot ko, please"
"Anong gamot?" naaalarmang tanong nito.
"Sa bulsa ko" nahihirapang daing kong sapo-sapo ang ulo kong parang nabibiyak na sa sobrang sakit!
Kaagad naman nitong hinugot sa bulsa ko ang gamot ko na naglabas ng isang tableta at kaagad ipina-inom sa akin. Nag-abot din ito ng kanyang bottled water na agad kong sinunod ininom.
"W-wait" bulalas nitong napatitig sa hawak na gamot ko.
"Why are taking this kind of medicine, Zoro?" takang tanong nito.
Nangunotnoo akong napatingala dito. Nagtatanong ang mga mata.
"Ah, gamot ko sa ulo. Madalas kasing kumikirot ang ulo ko, lately" sagot ko. Lalo namang nagsalubong ang kilay nito.
"Bakit? Bakit pang-early dimension ang tini-take mo kung ganon?" naguguluhang tanong nito.
"Dimension?"
"Yeah. Makakalimot ka nito. Maraming mabubura sa memorya mo. Kumbaga, maaga kang makakalimot sa kung sino ka. Bakit ka naman nagti-take ng ganito?" pagalit na tanong nitong ikinalunok ko.
"Hindi. Nagkakamali ka, Ma'am. Gamot sa pananakit ng ulo ko 'yan. Ang fiance ko mismo ang bumibili ng gamot kong 'yan. At matagal na akong nagti-take ng gamot na 'to" saad kong binawi na sa kanya ang gamot na isinilid sa bulsa.
Natulala naman ito na natuod sa kinatatayuan. Waring inuusisa kung tama ba ang narinig nito mula sa akin.
"Bakit ka naman pinapa-inom ng ganyang uri ng gamot? Hindi ba siya aware? Maaari kang makalimot sa lahat-lahat" bulalas pa nito na nakatulala.
Napahinga ako ng malalim na inakay na lamang itong maupo sa kanyang swivel chair. Pero nakatulala pa rin naman ito na kitang kay lalim ng iniisip.
"Kailan ka pa nagti-take ng gamot na 'yan, Zoro?"
"Um, almost...one year?" sagot ko na napa-isip kung tama ba.
Nagsalubong lalo ang kilay nito na matamang nakatitig sa akin. Ngumiti akong napapahilot ng sentido. Mabuti na lang at naibsan na ang pananakit nito.
"One year" mahinang bulalas nitong namumutla.
"B-bakit nga ba sumasakit ang ulo mo? May sakit ka ba?" muling tanong nito. Nahihiya akong napakamot sa pisngi.
"N-naaksidente kasi ako dati, Ma'am"
"Anong aksidente?" pagtatanong pa nito na matamang nakatitig sa akin. Naipilig ko ang ulo na alanganing ngumiti dito.
"Car accident po. Na-hit and run ako dati, Ma'am" napatango-tango ito na nakatitig pa rin.
"Nagising na lang ako sa hospital noon na walang maalala. Mabuti na lang at nandoon ang girlfriend ko na inaalagaan ako. Noong una ay naiilang ako. Marahil dahil hindi ko siya maalala. Pero kalaunan naman ay napaamo din niya ako" pagkukwento kong ikinaawang ng bibig nito.
Naalala ko naman ang araw na iyon. Kung saan takot na takot ako. Mahina ang katawan ko na puno ng aparatus. May benda sa ulo, tubo sa bibig, at oxygen hose sa ilong. Magkabilaang may saksak na suero sa kamay. Namamanhid ang buong katawan ko na hindi ko maigalaw. Tanging mga mata ko lang ang naigagalaw ko.
Wala akong maalala. Wala akong makilala. Na maging ang sarili ko ay hindi ko matandaan. Pakiramdam ko ay mag-isa ako. Nangangapa sa dilim na hindi mahanap ang daan palabas. Takot na takot akong magtiwala sa lahat. Pero hindi sumuko ang babaeng nag-aalaga sa akin. Ang nagpakilalang girlfriend ko. Si Annie.
Mapait akong napangiti na nagbabalik tanaw sa nakalipas. Hindi tumigil si Annie na suyuin ako. Hanggang sa mapaamo niya ako at hinayaan na itong asikasuhin ako. Ilang linggo din akong nanatili pa sa hospital. Hanggang sa makaya ko ng tumayo at maglakad na may isang saklay.
Buwan din ang lumipas bago ako na-full recovered sa aksidenteng natamo ko. Mabuti na lang at napaka-understanding ng girlfriend ko na siyang personal na nag-alaga sa akin sa probinsya namin sa Mindoro. Pero ngayon ay nasa ibang bansa na naman ito. Modeling kasi ang profession nito sa Canada. Kaya naman laging out of the country ito sa uri ng kanyang trabaho.
Hindi ko pa nga nababanggit sa kanya na lumuwas ako ng syudad. 'Yon kasi ang mahigpit nitong pinagbabawal. Na hwag akong aalis ng probinsya namin. Ngayon ay paminsan-minsan ko na muna siya nakaka-usap sa video call. Busy kasi ang schedule nito at naiintindihan ko namang pagod din ito. Ang mahalaga naman ay may tiwala kami sa isa't-isa. At nandoon pa rin, ang pagmamahal at respeto naming dalawa.
'Yon nga lang ay nagkasala na ako dito. Sana lang ay hindi bumalik sa akin ang karma na hiwalayan niya ako. Kahit naman kasi kinakastiguhan ko ang sarili ay hindi ko ito masuway. Habang pinipigilan ko ang sariling hwag magkagusto kay Ma'am Liezel ay lalo namang umuusbong ang damdamin ko para dito.
"Hey?"
Napabalik ang ulirat ko sa pagtapik nito sa balikat ko.
"Huh?"
"Ang layo na ng narating mo. Ang sabi ko, gusto kong makilala ang girlfriend mo" anito na ikinakurap-kurap ko.
"Um," nahihiya kong hinugot sa bulsa ang cellphone ko at binuksan ang gallery ko.
"She's Annie, Ma'am. International model sa Canada" pagpapakilala ko kay Annie na ipinakita ang isang larawan namin sa Mindoro.
Magkayakap kaming nakaharap sa camera at may matamis na ngiti sa mga labi. Nangunotnoo itong kinuha ang cellphone ko na pinakatitigan ang larawan. Ini-zoom pa nito na sa mukha ni Annie nakamata.
"Annie? O Annika?" bulalas nitong tanong.
"Annika?" kunotnoong tanong ko.
Namumutla itong napatitig sa akin at sa cellphone ko. Palipat-lipat ng tingin na namumuo ang luha.
"Z, s-sigurado ka ba? Car accident ang nangyari sayo? H-hindi....hindi sa barko? Hindi sa sumabog na barko noong isang taon? How did this happen? Namamalikmata ba ako? Nagkataon lang ba ang lahat ng ito?" sunod-sunod nitong tanong na garalgal ang boses kasabay ng pagragasa ng luha.
Napapalunok akong pinahid ang luha nito. Matamang lang naman itong pinakatitigan ako. Parang ang dami-dami niyang gustong sabihin pero nanatiling nakatikom ang bibig.
"Anong ibig mong sabihin, Ma'am? Hit and run po ang nangyari sa akin"
"Says who? Sabi mo wala kang naaalala? Paano ka nakakasigurong hit and run nga ang nangyari sayo, huh?" napakurap-kurap ako sa pagtaas bg boses nitong napahampas pa sa mesa.
Galit ang namumuo sa kanyang mga mata na ikinabundol ng takot at kaba sa dibdib ko. Sunod-sunod akong napalunok na hindi makabawi ng paningin dito.
"Yon ang sabi ni Annie. Ang girlfriend ko. Naniniwala ako sa kanya" taas noong sagot kong ikinapantig ng panga nito.
"Annie? Are you sure that is her name? Kilala mo nga ba ang girlfriend mo? Kilala mo ba ang sarili mo? Fūck!" napatampal ito sa noo na nanghihinang napaupo ng kanyang swivel chair.
"Ma'am, bakit po? May problema ba?"
"Ang problema ko ay ikaw! Sino ka ba talaga, Zoro!? Zoro nga ba ang pangalan mo!? Ikaw nga ba si Zoro? O nahihibang na ako at naiisip kong...... ikaw ang C-Cedric ko" napahagulhol itong napayuko sa mesa.
Para akong kinukurot sa puso na rumagasa ang luhang nakamata ditong humahagulhol na parang bata. Kuyom na kuyom ang kamao na nakalapat sa ibabaw ng glass table nito.
"L-Liezel" nauutal kong sambit na ikinaangat nito ng mukha.
"Why are you doing this to me? Hwag mo akong paglaruan, Zoro. Mahal na mahal ko ang asawa ko. Kung plano mong sirain kami? Please, I'm begging you. Lubayan mo na ako" pagsusumamo nitong ikinailing kong pinahid ang luhaang pisngi nito.
"Wala naman akong planong paglaruan ka. Alam ko, alam kong maling magkagusto ako sayo dahil may asawa ka na. Kinakastiguhan ko ang sarili ko, Ma'am. Pero bakit, bakit kahit anong kumbinsi ko sa sarili na mali ay siya namang pagtanggi ng puso ko. My mind say's no but, my heart say's, yes. Alam kong mali, pero bakit 'di ko madama ang guilt? Instead, I feels like, I'm just claiming what's mine" lumuluhang saad ko na ikinatigil nitong napahikbi na nakamata sa akin.
Sumapo ako sa kanyang pisngi na marahang pinahid ang kanyang luha. Dama ko ang bilis ng t***k ng puso ko habang nakatitig kami sa isa't-isa. Ang kuryente na nagmumula sa magkalapat naming balat. Ang mga titig naming tila nagkaka-unawaan ng damdamin sa isa't-isa. Napangiti akong dinala ang kamay nito sa puso ko. Napapalunok ito pero hinayaan lang naman ako.
"L-Liezel, naguguluhan na rin ako.... pakiramdam ko kasi, akin ka. Sa akin ka"