ZORO:
MAAGA PA LANG ay gumayak na ako. Hindi na rin naman ako makatulog. Matapos kong makaligo at bihis ay lumabas na ako ng silid at nagtungo sa kusina kung saan kami sabay-sabay na kumakain ng mga kasamahan kong stay in dito sa mansion.
Nasa tapat na ako ng pintuan nang mahagip ng pandinig ko ang ilang kalalakihan na nag-uusap sa loob. Natuod ako sa kinatatayuan na matamang nakinig sa usapan nila.
"Oo, kitang-kita namin kagabi, Pare. Ibang magtinginan si Zoro at Ma'am Liezel bago sila naghiwalay" saad ng isang lalake.
Napakuyom ako ng kamao. Nakadama ng kirot sa puso na may mga kasamahan pala akong pinag-uusapan si Ma'am Liezel habang nakatalikod ito!
"Masisisi ba natin si Ma'am Liezel, kung isang taon ng walang kamot at dilig mula kay Sir Cedric?" ani ng isa pa sabay tawanan.
Nagpantig ang panga ko. Hindi ko na napigilan ang sarili at pumasok. Nagkagulatan pa ang mga ito na malingunan akong kaagad nagsitikom ng bibig. Tumuloy ako sa gawi ng coffeemaker at gumawa ng kape ko. Natahimik naman ang mga ito.
"Bakit natahimik kayo? Natatakot ba kayong, isumbong ko kayo sa mga amo natin, hmm?" sarkastikong tanong ko na naupo paharap sa mga itong hindi makatingin sa mga mata ko.
Napangisi akong napailing na dumampot ng pandesal at nutella na pinalaman ko. Napataas ako ng kilay na napasulyap sa limang kalalakihan na katulad ko ang uniform na tahimik na nagkakape. Tila nagpapakiramdaman.
"Mga pipi na ba kayo? Kanina lang dinig na dinig ko ang mga chismisan niyo ah" pang-uuyam ko. Lalo namang namutla ang mga itong nag-iiwas ng tingin sa mga mata ko.
Pagak akong natawa at napailing na nagkakape. Napaghahalataang guilty ang mga ito na hindi makasagot sa akin.
"Hindi maganda 'yang katangian niyong 'yan. Kasiraan na ng mga amo natin ang chismisan niyo. Anong basehan niyo na may ibang namamagitan sa amin ni Ma'am Liezel, huh? At tama bang kutsain niyo ang nangyari kay Sir Cedric? Mga amo natin sila!" singhal kong napatayo at napahampas ng palad sa mesa na ikinapitlag pa ng mga ito.
Kuyom ang kamao na pinanlisikan ko ang mga ito ng mata. Maluha-luha naman ang mga ito sa nakikitang galit sa akin.
"Z-Zoro, nakiki-usap kami. Hwag mo kaming isusumbong" pakiusap ng isa na sinang-ayunan ng mga kasama.
Pagak akong natawa na nang-uuyam ang tinging ginawad sa kanilang lima.
"Huling babala ko na ito sa inyo. Maabutan ko pa kayong pinag-chi-chismisan ang mga amo natin? Makakarating kay Ma'am Liezel ang mga pinagsasabi niyo. Tignan ko lang, kung magkakaroon pa kayo ng maayos na trabaho" pagbabanta ko sa mga ito.
"Salamat, Zoro!"
Halos panabay nilang pasasalamat na napapayuko pa sa akin. Napairap ako sa mga ito na lumabas ng kusina.
Nagtungo ako ng garahe sa harapan ng mansion. Napangiti ako na makita ang quadruplets nila Ma'am Liezel na masayang naglalaro dito sa gilid kung saan ang garden. May mga Yaya naman ang mga itong nakagabay sa kanila. Lumapit ako sa gawi ng kotse at napasandal sa bumper. Nagpamulsa ako na matamang nakatitig sa mga magkakapatid.
Napangiti ako na hindi ko namamalayan. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nadarama na masilayan ang mga anak nila Ma'am Liezel. Hindi ko pa nakikita si Sir Cedric na nagkukulong sa silid nila magmula daw noong maaksidente ito at nabaldado. Burado din daw ang memorya sa lahat kaya naman mailap at malamig ang pakikitungo sa lahat.
"Ops, I'm sorry" napabalik ang ulirat ko na tumama sa paa ko ang bola na nilalaro ng isa sa quadruplets na lalake.
Yumuko ako na inabot ang bola nito. Lumapit naman itong nakangiti na ikinangiti ko rin pabalik. Napakagwapo niyang bata. Singkit ang mga mata nitong kulay abo. Makinis at maputi kaya naman namumula na ang pisngi sa pagkakabilad sa araw.
"Is this yours, handsome?" tanong kong ikinangiti at tango nito.
Halos magsarado na nga ang mga mata nitong chinito sa kanyang pagkakangiti. Hindi ko maipaliwanag ang bugso ng damdamin na lumukob sa akin na mapatitig dito.
"We have the same eyes" bulalas nito. Natawa akong napatango-tango.
"And we're both handsome, buddy" pagsang-ayon kong ikina-apir nito sa akin.
"Perfectly said" nagkatawanan kaming nag-apiran muli.
"I'm Khiranz, how about you? What's your name, buddy?" masigla at bibong pagpapakilala nito.
"I'm Zoro. Nice to meet you, Khiranz" pagpapakilala ko. Napatango-tango naman ito.
"Nice. Your name suits you, Zoro. Oh, I'm sorry. Should I call you, Kuya? Uncle? Or--"
"Buddy is enough for me, Khiranz. My little buddy" saad kong ikinangiti nitong napatango.
"A'right. If that's what you want, buddy" saad pa nito.
"Hey, Khiranz! C'mon, breakfast is ready!" sigaw ng kamukha nitong lalake na ikinalingon namin sa gawi nila.
"Coming, Khiro!" sigaw din nito bago bumaling sa akin na nakangiti.
"See you around, buddy" anito.
Tumayo na rin akong ginulo ito sa buhok na napapangiti.
"Yeah. Next time, we'll play together, okay?" saad kong ikinatango-tango kaagad nito bago tumakbo palapit sa mga kapatid na naghihintay sa kanya sa tapat ng main door ng mansion.
Malapad ang ngiting nakasunod ako ng tingin sa mga itong pumasok ng mansion. Para akong hinahaplos sa puso sa mga sandaling ito habang nakamata sa kanilang magkakapatid.
"Ang weird" bulalas kong napakamot sa batok.
Para kasing may nag-uugnay sa akin sa mga bata. Damang-dama ko iyon sa puso ko na sinasang-ayunan ng isipan ko. Napailing-iling ako na iwinaksi ang bagay na iyon na tumatakbo sa isipan ko.
TAHIMIK AKO na pinapakiramdaman si Ma'am Liezel. Kakaiba kasi ang aura nito ngayong araw. Sobrang tahimik niya at bakas sa mga mata ang kakaibang lungkot. Kahit ang tapunan niya ako ng sulyap ay hindi magawa.
Hanggang dumating kami ng Montereal Real Estate Corporation ay napakatahimik nito. Nakasunod lang naman ako at nag-aalangan na magsalita. Kita namang wala ito sa mood kaya mahirap ng kulitin siya.
Pagpasok namin ng opisina nito ay tumuloy siya sa kanyang office table. Nandito na kaagad ang mga files na lalagdaan niya. Napahinga ito ng malalim na naupo sa kanyang swivel chair at isa-isa ng binuklat ang mga folder. Matamang niyang binabasa muna ang mga nakalagay doon bago pipirmahan.
"Coffee" malamig nitong utos.
Ngumiti ako kahit hindi ito nakatingin na bahagyang yumuko bago nagtungo sa pantry at ginawan siya ng kape.
"Here, Ma'am" saad ko na maingat inilapag sa harapan nito ang dala kong kape at sinamahan ng sandwich.
Nangunotnoo ito na malingunan ang sandwich. Kimi akong ngumiti na naupo sa tabi nito kung saan ang pwesto ko.
"Mukhang hindi pa po kayo nag-agahan, Ma'am" sagot ko sa mga mata nitong nagtatanong.
"Paano mo nasabi?" walang emosyong saad nito na siya namang pagkalam ng kanyang sikmura.
"Kanina pa po kumakalam 'yan" sagot ko na inabot ang sandwich at inilagay sa palad nito.
Kapwa kami natigilan na napatitig sa mga kamay namin. Sunod-sunod akong napalunok na parang napapasong napabitaw sa kamay nito. Maging ito ay tila naramdaman din ang kuryenteng gumapang sa kamay ko sa pagkakadikit ng aming balat.
"Ahem! Thanks" anito na kumagat na sa gawa kong sandwich.
Nangingiti akong nakatitig dito na sinasabay ang pagkakape habang pumipirma sa mga nilalagdaan. Napakaganda niya lang talaga na parang anghel na bumaba ng lupa sa amo ng kanyang mukha. Napa-iwas ako ng tingin dito na muling madama ang kakaibang bugso ng damdamin ko para dito. Bigla akong nahiya na sumagi sa isipan ko ang ginawa ko kagabi sa banyo habang sinasambit ang pangalan nito.
Natigilan akong nanigas sa kinauupuan na dahan-dahang napalingon dito habang iniisip ang babae sa panaginip ko na katālik ko sa pampang habang malakas ang ulan at alon! Liezel ang sinasambit kong pangalan habang ito naman....ay Cedric!
"L-Liezel" natigilan ito na nabitawan ang hawak na sign pen.
Dahan-dahan itong nilingon ako na natutulala. Bumilis ang t***k ng puso ko at walang kakurap-kurap na nakatitig dito.
"Why are you calling me by my name, Zoro? I'm your boss, at nandito tayo sa opisina--"
"Cedric" natigilan ito sa pamumutol ko sa iba pang sasabihin nito.
"Huh?" napakunotnoo itong naguguluhan ang mga matang matiim na napatitig sa akin.
Halos mabingi na ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko! Nangilid ang luha ko na pilit inaalala ang mukha ng babae sa panaginip ko habang nakatitig dito.
"Hey, is there something wrong, hmm? Tell me, Zoro" nag-aalalang tanong nito na napahawak sa kamay ko.
Tuluyang tumulo ang luha ko. Hindi ko na mapangalanan kung anong nararamdaman ko!
"Napanaginipan kita, I'm calling you, Liezel. And you're calling me, baby, and........Cedric"
"W-what did you....say?"