LIEZEL: MAPUSOK, MALALIM at puno ng pananabik naming tinugon ang isa't-isa ng asawa ko. Kahit may parte sa puso ko ang nagu-guilty ay mas pinanaig ko ang bugso ng damdamin ko at pananabik ko sa kalinga at pagmamahal nitong isang taon ding lumamig na parang yelo. "Uhhm" napapaungol kaming napapahaplos na sa katawan ng isa't-isa! Napahaplos ako sa dibdib nito pataas na inabot ang butones ng polo nito. Hindi naman ito umangal sa pagkalas ko sa mga iyon isa-isa habang mapusok kaming naghahalikan na tila wala ng bukas kung magmukbangan! Napapa-ungol ako sa tuwing nahuhuli nito ang dila kong nakikipaglingkisan dito na palaban ding nakikipag-espadahan sa dila ko. Kung dati ay wala talaga siyang binatbat sa mapusok na halikan? Ngayon naman ay nasasabayan at nahihigitan na niya ang kapusukan