LIEZEL: TAHIMIK AKONG nakaupo dito sa swing ng garden. Nakayuko na nangingilid ang luha. Matapos kong malamang si Zoro at Cedric ay iisa ay nahiya ako bigla. Hindi ko na alam kung paano pa siya kahaharap. Dapat masaya ako e. Masaya kasi si Cedric pa rin iyon kahit na nagbalatkayo siya at nagpanggap na ibang tao. Alam kong ginawa niya iyon para subukin ako. Para subukan ang tatag ko at pagmamahal ko dito. But I failed. Nahulog ako sa patibong niya. Bumigay ako. Ngayon ay naiintindihan ko kung nagbago ang paningin at tiwala niya sa akin. Hiyang-hiya ako sa kanya. Hindi ko na alam kung paano ko pa siya haharapin. "Baby? Nagugutom ka na ba?" malambing tanong nito na sumulpot dito sa kinaroroonan ko. Kaming dalawa lang ang nandidito dahil pinauwi ko muna ang mag-asawang caretaker ko di
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books