LIEZEL: MAPAIT AKONG napangiti na nakapikit at ninanamnam ang sariwang malamig na hangin at klima dito sa Baguio. Gusto ko sanang magpakalayo-layo muna pero parang may pumipigil sa pag-alis ko. Ang bigat-bigat ng loob ko na parang may bumubulong sa aking boses na sinasabing hindi ako dapat umalis. Kaya naman napagpasyahan kong dito na lang muna sa resthouse ko dito sa Baguio tumuloy. Sa lugar kung saan, unang beses kaming ikinasal ni Cedric. Tumulo ang luha ko na maalala ang araw na 'yon. Kung bakit kami nagpakasal na lihim sa publiko. 'Yon ay para wala ng makakahadlang pa sa pagmamahalan naming dalawa. Dito sa lugar na ito nangako kami sa isa't-isa ng habang-buhay na pagmamahalan at pagsasama. Bubuo ng isang malaki at masayang pamilya. Palalakihin ang mga supling namin ng puno ng pa