LIEZEL:
ILANG MINUTO din kaming nanatili sa park na nagku-kwentuhan ng mga bagay-bagay. Hindi ko maipaliwanag ang sarili ko. Ngayon lang kasi ako nakadama ng ganito. Na napaka-komportable ko sa tauhan ko at nakakakulitan ito. Maging ito din naman ay ramdam kong hindi siya naiilang sa akin at nagagawa pa ngang magbiro ng mga dirty jokes na talaga namang ikinatatawa ko. Kahit paano ay naibsan ang bigat sa loob ko dahil dito.
Napapangiti ako habang pauwi kami nito na magkatabi dito sa harapan ng kotse. Hindi tuloy namin namalayan ang paglipas ng oras. Pasado alasdose na ng hatinggabi nang makarating kami ng mansion. Pagkaparada nito sa kotse ay nauna itong bumaba. Patakbo itong umikot sa gawi ko na pinagbuksan ako ng pinto at inalalayan lumabas.
Napalunok ako na natigilan nang mapahawak ako sa kamay nito na ikinatigil din nito. Tila naramdaman din nito ang nararamdaman kong kuryente na dumadaloy sa ugat namin! Bumilis din ang t***k ng puso ko na napatitig ditong matiim na nakatitig sa akin.
"Ahem! Goodnight Z. See you tomorrow" aniko na binawi ang kamay ko.
Napangiti itong napakamot pa sa batok. Muli akong sunod-sunod na napalunok dahil ugali 'yon ni Cedric dati noong magkasintahan pa lang kami. Kapag kinikilig ito na hindi maitago ay napapakamot sa batok at nagpipigil mapangiti habang pinamumulaan ng pisngi at hindi makatingin sa mga mata ko ng diretso.
"Goodnight din po, Ma'am Liezel" malambing sagot nito.
Napailing na lamang ako na tila may sariling isip ang kamay kong tinapik ito sa balikat bago tinalikuran.
HABANG PAAKYAT ng silid namin ni Cedric ay hindi maalis-alis sa isipan ko ang mga nangyari ngayong araw sa pagitan namin ni Zoro. Kakamot-kamot ako sa batok na nangingiting inaalala ang kakulitan nito kanina habang nasa park kami na magkatabing nagku-kwentuhan.
Unti-unting napalis ang matamis na ngiti sa mga labi ko na mabungaran ang asawa kong nasa tapat pa rin ng glass wall kung saan siya nakatambay lagi. Kung hindi ako nagkakamali ay malinaw nitong nakita ang pagdating namin ni Zoro at ang pagtititigan namin kanina sa garahe kung saan tanaw mula dito sa silid namin.
"Ced, bakit gising ka pa, hmm?" nag-aalalang tanong ko.
Lumapit ako dito na nagtungo sa kanyang harapan at napaluhod para mapantayan ito. Malungkot at malamig ang mga matang tumitig sa akin. Napalunok ako. May kung anong parte sa puso ko ang tila kinukurot na mapatitig sa mga mata nitong walang kabuhay-buhay.
"Ced" mahinang sambit ko.
Hinawakan ko ang kamay nito na mariing napahalik sa likod ng palad nito. Nakatitig lang naman ito na wala manlang reaction. Hindi ko na rin maramdaman ang init ng kanyang palad. Ang lagkit ng kanyang pagtitig at ang sparks na namamagitan sa aming dalawa dati.
Malungkot akong napangiti na nakatingala dito. Namuo ang luha sa mga mata ko na hindi maiwasang makadama ng guilt. Guilt na nagawa kong ipagkaloob sa iba ang katawan ko dati. Kahit paulit-ulit na akong nagso-sorry sa kanya ay hindi pa rin maibsan ang guilt sa puso ko dahil hindi ko naman nasasabi dito kung bakit ako nagso-sorry. At ngayon ay kasa-kasama ko na ang lalakeng iyon. Hindi ko naman lubos akalaing siya ang ipapalit ni Justin sa pwestong nilisan nito. At kahit dayain ko ang sarili ko, kastiguhan ko ang sarili ko. Alam ko sa isip at puso ko, masaya akong muling nakakasalamuha si Zoro.
"Bakit ngayon ka lang?" napalabi ako sa tanong nito.
Hindi man siya nakangiti. Wala mang emosyon ang mga matang nakatitig sa akin ay may puwang sa puso ko ang tila hinaplos nito.
"Sabi ko naman sayo, 'di ba? Mali-late ako ng uwi at marami akong dadaluhang meeting" alibi ko.
Pilit akong ngumiti na inabot itong hinaplos sa kanyang pisngi.
"Sino 'yon? Ngayon ko lang yata siya nakita" muling tanong nito.
"Si Zoro? Bagong driver at bodyguard ko. Kapalit ni Justin, baby. Matalik siyang kaibigan ni Justin at nirekomenda siya nito kaya tinanggap ko na" sagot ko na buong-buo.
Napatango-tango lang naman ito.
"Kumain ka na ba?" malambing tanong ko na hinahaplos siya sa pisngi.
"Yeah" simpleng sagot nito.
"Bakit gising ka pa, hmm? Alam mong makakasama sayo ang magpuyat, hindi ba?" muling tanong ko.
Napahinga ito ng malalim na pinihit na ang wheelchair nito. Napasunod na lamang ako dito na nagtungo na sa kama naming mag-asawa.
"Careful, baby"
"Kaya ko" mahinang sagot nitong nagsarili ngang lumipat ng kama mula sa wheelchair nito kahit iika-ika.
"I'm sorry, baby. Hindi na ako magpapa-gabi sa susunod" aniko na naupo sa gilid ng kama at inayos ang comforter dito.
"It's okay, hindi naman kita hinintay. Hindi lang ako makatulog" malamig nitong sagot.
Mapait akong napangiti na napalapat ng labi habang nakamata ditong pumikit na at ilang saglit lang ay payapa na itong natutulog.
Hinawakan ko ang kamay nito na hinayaang tumulo ang luha habang nakamata dito. Dinala ko iyon sa mga labi ko at mariing napahalik sa kamay nito.
"I'm sorry, Cedric. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Patawarin mo ako, baby. Nagkakasala na ako sayo at sa kasal natin. Patawad kung nagiging mahina na ako. Na tila hinahanap ko na sa iba, ang kalingang dati-rati ay ikaw ang nagpapadama sa akin" mahinang pagkausap ko dito.
Muli na naman akong kinakain ng konsensya ko habang pinagmamasdan ang mukha ng asawa kong napaka-inosente at amo habang nahihimbing. Sa ganitong pagkakataon ko lang kasi ito malayang napagmamasdan. Inabot ko ang pisngi nito at marahang hinaplos.
"I'm sorry" tanging sambit ko na mariing humalik sa kamay nito.
Matapos kong maglinis ng katawan at makapagpalit ng pantulog ay maingat na akong sumampa ng kama. Kahit kinakain ako ng hiya at kunsensya ay niyakap ko pa rin ang asawa ko. Sa gantong paraan manlang ay naiibsan kahit paano ang bigat sa dibdib ko sa mga nangyayari sa aming mag-asawa. Tumulo ang luha ko habang nakaunan sa kanyang malapad na dibdib.
"I'm sorry, baby. I'm really sorry"