Chapter 4
Gemma’s Pov
NAKAHANAP ako ng karinderya kaya dali-dali akong umorder ng pagkain uy! Akala ko ay mura ang mga ulam kaya dalawang ulam ang inorder ko. Adobong baboy at ginataang puso ng saging.
Natuwa talaga ako dahil makakakain ako ng adobong baboy. Nakakakain lang kasi ako kapag t’wing fiesta sa’min. Pero syempre, hindi sa bahay namin dahil wala man kaming pambili ng ipanghahanda.
Ano man gagawin namin eh wala man din kami kaya ang ginagawa namin ni Kakai ay pumupunta kami sa mga kapitbahay namin na may mga handa at do’n nakikikain.
Minsan masama pa nila kami tinitignan dahil siguro hindi kami welcome ni Kakai sa bahay nila. Pero pakialam ba namin uy! Bahala sila magalit basta kami ng kaibigan ko ay busog. Pati birthday nando’n kami ni Kakai. Kung asa ang asay, present kami palagi. Pagkain na yun eh kaya hindi kami pwedeng umabsent.
Pati patay hindi namin pinapalampas. Talagang sugod kami ng sugod basta may pagkain. Yun lang kasiyahan namin talaga. Do’n lang kasi kami nakakain ng masarap.
Pagkatapos kasi no’n kinabukasan ay hindi na kami makakain muli ng masarap. Back to tuyo at kamote na naman. Kapag wala talaga.. aw.. asin.
Kaya sanay kami sa pagkain mahirap. Kaya ngayon na bumili ako ng ulam ay adobong baboy talaga ang pinili ko.
Naalala ko tuloy si Kakai. Sayang, wala siya. Sigurado ako na matutuwa sana siya sa ulam namin. Nakakalungkot talaga ang nangyari.
Kumain nalang ako kahit malungkot ako. Inaalala ko kasi na baka hindi pa kumakain ang kaibigan ko, tapos ako ang sarap ng ulam. Sana talaga mahanap ko si Kakai uy! Uuwi nalang kami ng Ormoc kaysa naman nandito kami sa sa Manila pero para naman kaming mga kaluluwang ligaw.
Hindi ko alam kung anong naghihintay sa’min ni Kakai. Ako nga hindi ko alam kung paano kumita ng pera para may pamasahe kami pabalik ng Ormoc. Ayaw ko na pala dito sa Manila.
Excited pa talaga kami pero ng makarating na kami puro kamalasan nalang ang nangyari. Tanggapin nalang siguro namin na maging mahirap nalang habang buhay.
Kaya talaga gusto kong mag asawa ng afam eh. Yun kasi ang naisip kong paraan para umahon sa kahirapan. Kaya goal namin yun ni Kakai. Walang makakapigil sa’min mag asawa ng afam talaga.
Kumain ako at nilalasap ko talaga ang sarap ng adobong baboy. Hindi ko pa binabayaran ang order ko na ‘to eh. Basta lang ako nagturo ng bibilhin. Mamaya ko na pro-problemahin kung magkano talaga ang inorder ko.
Naubos ko talaga ang pagkain ko at busog na busog ako. May kasama pa talagang coke ang inorder ko. Ang sarap ng kain kapag may kasamang coke. Mapapa sabi ka nalang na ahhh..
Nagpahinga lang ako saglit dahil mamaya ay pro-problemahin ko na naman kung saan ako matutulog. Okay na yun uy! Basta ag importante ay busog ako. Yun lang talaga ang mahalaga.
Naisipan ko ng tawagin ang tindera kay magbayad na ako. Lain pud kaayo kung biyaan ko at tumakbo ako. Hindi naman yata ako makakatakbo lalo na’t may dala-dala akong bag.
Lumapit sa ‘kin ang babae at may dala siyang papel. Inabot niya yun sa ‘kin na tinanggap ko naman. Nang makuha ko yun ay tinignan ko kung magkano ang kinain ko. Halos mapamura ako uy sa laki ba naman ng babayaran ko.
Pero wala man ako magagawa dahil yun man ang tinuro ko. Akala ko man kasi na tag 50 lang yung adobog baboy. Tag 150 pala ang g atay! Grabe naman pud ka mahal sa g atay.
Yung coke na inorder ko 27 pesos. Ka yawa na lamang. Ang mahal pala ng bilihin dito sa Manila. Pati yung gulay na inorder ko umabot ng 60 pesos pero sobrang liit kaayo. Samantalang do’n sa probinsya namin ninanakaw lang namin ang gulay na yun. Punyeta talaga!
Pati yun kanin mahal din. Umabot ng 267 ang binayaran ko. Nagulat talaga ako sa presyo ng kinain ko. Pero inabot ko parin ang bayad dahil wala naman akong magagawa. Binayaran ko na at agad na inabot sa ‘kin ng babae ang sukli ko.
Tumayo na din ako uy kay baka makabili pa ako ng wala sa oras. Balak ko pa naman sana bumili ng dessert nila kasi akala ko talaga mura ang presyo. Tama nga, mapapamura talaga sa presyo. Tangina!
Habang naglalakad ako palabas ay binibilang ko ang sukli ng babae sa 500 ko. Mahirap na baka kulang. Bobo ako sa math pero nagiging matalino ako pagdating sa pera.
Hindi ko napansin na nakalabas na pala ako. Ngunit nagulat ako ng may humablot sa pera kong binibilang. Nanlaki ang mata ko at agad na tumingin sa dalawang batang hamog na tumatakbo palayo sa ‘kin.
“Hoy!” Sigaw ko saka hinabol ang mga batang hamog na tumatakbo at tumatawa. Panay pa ang lingon nila sa ‘kin at halatang nang aasar.
“Akin na yang pera ko! Mga g atay mo!” Sigaw ko at halos sumakit ang lalamunan ko sa ginagawa kong sigaw.
“Habulin mo kami!” Sigaw ng batang may kulay ang buhok na yellow. Akala mo talaga foreigner ang animal.
Tumakbo din ako ng mabilis kahit may dala akong bag. Hindi pwedeng mawala ang pera ko na yun dahil yun lang talaga ang natira kong pera. Naiinis ako dahil balak ko pa naman sana puntahan ang terminal kung saan kami nagkahiwalay ni Kakai. Pero g atay 200 nalang pera ko kapag hindi ko nakuha yun sa mga batang hamog. Kailangan ko talaga mabawi yun dahil hindi ko naman alam kung magkano ang pamasahe ko. Yung pagkain nga nalulala ako sa presyo eh. Yung pamasahe pa kaya.
Alam ko pa naman na malayo ang lugar na yun. Kaya inaasahan ko na talaga na mahal ang pamasahe ko. Hiningal talaga ako kakatakbo. Pakiramdam ko ay natunaw na ang kinain ko. Nasayang lang dahil sa mga batang hamog.
Kung saan-saan na kami lumulusot kaya hindi ko na alam kung nasa’n na ako. Sa sobrang bagal ko tumakbo ay nawala sa paningin ko ang dalawang bata na kumuha ng pera ko.
Hingal na hingal ako habang bagsak ang balikat. “Wala na bang pinakamalas nito, Lord? Ito na ba talaga yun? Agoy g atay ba! Puro kamalasan naman lang ang natanggap ko, Lord uy! Wala bang maganda diyan uy! G kapoy na ako nito.” Saad ko habang hinihingal.
Hindi talaga nakakatuwa ang nangyayari sa buhay ko. Pero wala man ako magagawa uy! Alangan naman umiyak ako dito. Ano ako disney princess? Kailangan maging matapang kahit hindi ko na alam ang dagan sa kinabuhi ko. Laban lang ako ng laban nito para na akong may kaaway. Yawa!
Wala na talaga, hindi ko na nahanap ang mga batang hamog. Umupo nalang talaga ako sa gilid ng kalsada uy para makapagpahinga ako saglit. Problema ko pa ngayon kung saan ako matutulog nito. G kapoy na talaga ako pero bawal man ako panghinaan ng loob.
Habang nakaupo ako sa kalsada ay may nakita akong matanda na nakatitig sa ‘kin. Ayan na naman siya sa titig na nila. Iniisip ko na baka scammer na naman ‘to kaya ako tinititigan. Hindi na talaga ako magpapaloko uy! Pagod na ako maloko. Yawa! Kung saan-saan na talaga ako napapadpad dahil sa pagsama sa kanila.
“Ne, mga batang hamog ba ang hinahabol mo?” Tanong ng matandang babae sa ‘kin.
Lumunok na muna ako ng laway dahil hiningal talaga ako kanina. “Opo, ate. Kinuha po kasi nila ang pera ko.” Pagsasabi ko ng totoo.
“Naku! Wag kang maglalabas ng pera kapag naglalakad ka, ne. Delikado dito. Mukhang probinsyana ka pa naman kaya mag-iingat ka dito.” Sabi ng matandang babae sa ‘kin.
Mukha naman siyang mabait dahil yun ang sinabi niya. Baka pwede akong humingi ng tulong sa kanya.
“Nanay, baka pwede pong humingi ng tulong sayo.” Saad ko ng makatayo ako at naglakad palapit sa kanya.
“Tulong? Anong tulong naman, ne? Teka, taga saan ka ba? May kasama ka ba?” Tanong ng matandang babae sa ‘kin.
“Na scam po kasi ako. Kasama ko po ang kaibigan ko pero nagka hiwalay po kaming dalawa. May tumangay naman po sa ‘kin na babae at dinala po ako sa bar at balak po yata akong gawing pokpok. Pero nakatakas naman po ako pero yun nga po natangay ang pera ko ng mga batang hamog.” Pang sho-shortcut ko sa nangyari sa buhay kong g atay.
Kumunot naman ang noo ng matanda at para bang hindi naniniwala sa sinabi ko. Siguro ay ako na naman ang nasabihan niyang scammer o budol. Sana matulunga niya ako kahit man lang sana mabigyan ako ng 500 para pamasahe ko papunta sa terminal at mabalikan ko si Kakai.
“Ano bang ginagawa mo dito sa Manila, ne? Trabaho ba?” Tanong na naman niya.
“Opo sana, nay. Kaso puro naman kamalasan ang nangyari sa buhay ko.” Malungkot kong sabi at napayuko na lamang.
Narinig kong bumuntong hininga ang matanda kaya nag angat ako ng mukha. Mukhang hindi niya ako matutulugan kaya tatanggapin ko na talaga na may balat ako sa pwet.
“Wala akong ibang maitutulong sa’yo, ne eh. Pero pwede kitang tulungan makapasok ng trabaho. Basta ipangako mo lang na masipag ka para hindi ako mapahiya sa amo ko.” Sabi ni nanay kaya nag ningning ang mga mata ko.
“Talaga po? Tutulungan niyo po akong makapasok ng trabaho?” Gulat na gulat kong tanong dahil hindi ako makapaniwala. Pero parang duda man ako uy! Baka mamaya joke-joke lang pala. Pero kailangan kong alamin kung tunay ba ang sinasabi ng matanda na papasukin niya ako ng trabaho. Bahala na talaga ‘to kaysa naman matulog ako sa kalsada uy! Sa totoo lang ay natatakot ako sa madilim na kalsada na ‘to. Paano pala kung mag uwian na ang mga taong naglalakad at tahimik na ang kalsada. Ako na mangyayari sa ‘kin. Kaya sasama nalang ako sa matanda kaysa naman mag isa ako dito. Kung hindi ko man magustuhan ang pagdadalhan sa ‘kin ng matanda eh di tatakas ako. Magaling naman ako sa takasan eh. Kaya kayang-kaya kong lusutan kung alam kong hindi maganda ang pupuntahan ko. Pero duda ko talaga na mabait si nanay kaya sasama ako sa kanya.