Chapter 5

1703 Words
Chapter 5 Gemma’s Pov DINALA ako ng matanda sa isang malaking bahay. Sumakay lang kami ng jeep dahil mas mura daw ang pamasahe kaysa sa mag taxi. Nalaman ko na galing pala siya sa anak niya. Nandito din pala sa Manila at dito na din nakapag asawa. Binisita daw niya at nakapag day off sa trabaho. Isa palang kasambahay si nanay. Ang sabi niya ay siya lang daw mag-isa na katulong sa bahay ng amo niya. Hindi naman daw mahirap ang trabaho niya dahil isa lang naman daw ang amo niya. Isa daw binata kaya hindi siya nahihirapan. Tagaluto siya, tagalinis, tagalaba, at kung ano-ano pang trabaho. Kaya naman daw niya at sanay na siya. Pitong taon na din kasi siyang katulong sa boss niya. Hindi naman daw naghahanap ng ibang katulong ang amo niya. Pero dahil sa naawa siya sa ‘kin ay tutulungan niya akong makapasok. Sinabi ko kasi ang sinapit ko kaya naawa talaga siya. Sinabi ko din na naligaw ang kasama ko ay hindi ko na nakita. Ang sabi nga ni nanay ay ipagdasal nalang daw namin na nasa mabuting kamay ang kaibigan ko. Baka kapag pumunta daw ako ng terminal ay baka wala daw doon at may mangyari din daw na masama sa ‘kin. Kaya hindi ko nalang talaga muna tinuloy ang pagpunta sa terminal at mas piniling sumama kay nanay. Naglalakad na kami papasok ng gate kaya halos mamangha ako sa laki ng bahay. Gabi na pero maganda parin ang bahay. Paano nalang pala kung umaga. Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang bahay. Yung mga bahay kasi sa’min maliliit. Ano pa nga ba aasahan ko eh mga pobre lang naman kasi kami. Kaya namangha talaga ako sobra sa bahay kung saan nag tra-trabaho si nanay. “Ito po ba yung bahay ng boss mo, nanay?” Tanong ko pa sa kanya habang pinapalibot ang tingin sa kabuuan ng bahay. “Oo, ne. Ang pangalan ng amo ko ay sir Jonas. Sana nga pumayag sa hiling ko na tanggapin ka bilang katulong para may kasama naman ako. Alam mo ba, hindi na ako nakakauwi ng probinsya namin. Matagal na. Kahit sabihin na malaki magpa sahod si sir Jonas ay gusto ko din naman makauwi sa’min. Eh kaso nga lang.. walang papalit sa ‘kin kapag magbabakasyon ako. Walang ta-tao dito sa bahay ni sir kaya hindi talaga ako nakakapag bakasyon.” Mahabang sabi ni nanay. “Naku, oo nga po no! Hindi ka po talaga makakauwi kasi ikaw lang po mag isa. Bakit po kasi ayaw magdagdag ng sir mo po ng katulong. Kahit dalawa man lang sana.” Takang tanong ko kay manang. “Eh wala naman kasing babantayan at trabahuin na marami dito, Gemma. Si sir Jonas lang talaga kaya isa lang talaga ang katulong niya. Ayos lang din naman sa ‘kin yun pero sa tagal-tagal ko ng nandito, hindi din pala ayos kasi hindi ako makauwi sa’min. Kailangan pala talaga ng kasama.” Sagot ni nanay saka naglakad muli. Sumunod naman ako sa kanya at kinakabahan na baka masungit ang sir ni nanay. Kanina ko pa nga pinagdarasal nong nasa jeep kami na sana ay pumayag ang sir ni nanay. Natatakot ako na baka hindi ay palabasin ako sa bahay nila. Kapag nagkataon talaga ay sa kalsada ang bagsak ko. Sana naman maawa na sa ‘kin ang panginoon at payagan na niya akong magkaroon ng matutuluyan. Bahala na kung maging maid. Ito naman talaga ang pinunta namin ni Kakai. Ang maging maid. Mas mabuti pa ‘to kaysa maging pokpok no! Naalaa ko na naman tuloy ang sayaw ko kanina sa harap ng mga lasing. G atay! Pakauwaw lang talaga ako kanina. Kitang-kita pa talaga ng bulbol ko kaya natawa ako ng maalala ko na may sumigaw pa na mag ahit daw ako. Walangya! “Halika, pasok ka! Mamaya ipapakilala kita kay sir Jonas. Wag kang matakot do’n. Mukha lang siyang masungit pero mabait talaga siya. Minsan ay nag j-joke pa kaya malakas ang loob ko na papayag siya na kunin kang katulong.” Saad ni nanay kaya napatango-tango ako. Hindi naman ako kinakabahan ng bonggang-bongga. Ibig sabihin ay good news ang matatanggap ko. Ganito kasi ako eh. Pero kapag kabado ako at pakiramdam ko ay natatae na talaga ako ay kabahan na talaga dahil alam ko ng may masamang mangyayari. Nakapasok na kami sa magandang bahay kaya namangha talaga ako uy! Ang ganda-ganda naman talaga. Kung maganda na ang labas ng bahay, mas lalo pang maganda ang loob. Grabe! Sa panaginip ko lang naman ‘to nakikita uy! Pero sa totoong buhay lalo na siguro sa barrio namin ay masyadong malabo talaga. “Ang ganda naman po talaga ng bahay ng sir mo, nanay. Grabe talaga uy! Malula man ako nito.” Sabi ko a mahinang boses. Baka kasi marinig ako ng sir ni nanay at baka mapagalitan ako. Sasagot na sana si nanay ng bigla kong narinig na may tumikhim sa likuran namin. Basta kaya napatayo talaga ako ng maayos at si manang ay tumingin sa likuran namin. “Good evening po, sir Jonas.” Bati ni nanay at hinawakan ang kamay ko para lumingon ako sa sir na sinasabi niya. Natigilan ako ng makita ko ang isang matangkad na lalaki. Mapapamura yata ako sa kagwapuhan niya dahil ngayon lang ako nakakita sa buong buhay ko na kasing gwapo niya. G atay yung sa probinsya kasi namin puro pakay ang mga itsura. Kung hindi pakay, feeling pogi ang mga animal. Sino ba naman gaganahan tumingin kung ganun ka mga pangit ang mga yawa. Kaya nahigit ko talaga ang paghinga ko ng makita ko ang sir ni nanay. Yung jawline niya talaga ay halos sa tv ko man lang nakita uy. Panga pa lang ulam na talaga. Yawa! Halata din na may lahi siya ba kasi yung kulay ng mata niya. Kulay blue. Pero pwede din pinaglihi siya sa aso na husky. Pwede naman kasi yun. Samin nga maraming may pula ang mata. Pero nagtatago nga lang dahil baka ma-tokhang. Ay, talagang red eyes talaga. Dinaig pa si Edward Cullen ng twilight. Pero mabalik tayo no sa sir ni nanay no, masyado talagang gwapo uy! Maputi pa naman ang balat niya. May tinatago ding abs sa suot niyang damit ba kay bumakat talaga. Nakaka tulala pala talaga kapag nakakakita ng gwapo uy! “Sino siya?” Tanong ng lalaki kay nanay. “Ahm.. si Gemma po, sir Jonas. Nakilala ko po kanina ng pauwi po ako dito.” Sagot naman ni manang sa gwapong lalaki. “Nakilala mo kanina? Bakit mo sinama dito kung kakikilala mo lang pala sa babaeng yan. Baka naman magnanakaw yan at kinukuha lang ang loob mo, manang.” Walang emosyon na sabi ng lalaki. Medyo hindi ko nagustuhan ang sinabi niya pero wala naman akong magagawa kung yun ang nasa isip niya. Tama din naman kasi siya, bago lang ako nakilala ni nanay kaya dapat ay hindi niya ako sinama dito. Kung ako ang nasa posisyon ni nanay ay baka hindi din ako tumulong sa dami ba namang masasamang tao ngayon sa mundo. “Hindi naman po yata, sir Jonas. Mukha naman pong mabait si Gemma. At isa pa po, naawa kasi ako sa kanya dahil kinuha ang pera niya ng mga batang hamog.” Sabi ni nanay na para bang nilalabanan niya ako. Hindi naman ako masamang tao talaga eh. Mukha nga lang akong kalaban dahil ang taray ng mukha ko pero mabait ako sa mabait uy! Maldita ako sa maldita. Ganun lang naman ang tama uy! “So, bakit mo siya dinala dito?” Tanong muli ng lalaki sa seryosong boses. Napasunod pa ang tingin ko sa kanya ng makita ko siyang hinila ang upuan at umupo. Nakatitig lang sa ‘kin ang lalaki kaya hindi ko mapigilan mailang sa uri ng pagtitig niya sa ‘kin. Napayuko na lamang ako at napakagat sa ibaba kong labi. “What’s your name?” Dinig kong tanong ng lalaki kaya dali-dali kong inangat ang mukha ko kaya nagkasalubong ang tingin namin dalawa. “Answer me and don’t stare at me, woman.” Sabi niya sa baritonong boses. Hindi ako masyadong magaling sa english uy! Sa tagalog lang talaga ako pero bahala na ‘to talaga. Tiinatanong lang naman niya ang pangalan ko. “Ahm.. Gemma Parilla po, sir. 18 years old at malapit na po mag 19 sa June 20. Fresh ang tahong at wala pang experience, sir. Pero masasabi ko man na magaling naman ako sa gawaing bahay.” Mahaba kong sabi. Napangiwi ako dahil ang tinanong lang naman niya ay pangalan ko pero ang dami ko ng sinabi. “Bakit mo sinasabi yan? Mag a-apply ka bang maid?” Tanong niya habang nakatitig parin sa ‘kin. Hindi ako komportable sa titig niya uy kay para bang nanunuot yun sa buto ko. “Ahm.. pwede po ba, sir? Sige na, sir.. Alam ko naman na mabait ka tapos gwapo pa! Kaya sana bigyan mo ako ng trabaho.” Pagpapakiusap ko sa kanya. “And why should I accept you as a maid in my house?” Tanong na naman niya na halatang ayaw akong tanggapin bilang katulong niya. “Ahm.. kasi kuan, sir.. Agoy! G atay! Paano ko man ‘to sagutin uy!” Saad ko pa habang nagkakamot sa likod ng ulo ko. “Tanggapin mo na si Gemma, sir Jonas. Para naman po may kasama ako sa bahay mo. Tumatanda na din kasi ako kaya kailangan ko na ng kasama dito sa paglilinis. Mabait po siya na bata at sa katunayan ay nag aalala po ako sa kanya dahil bagong salta lang po siya sa Manila. Kaya may chance po talaga na mapunta siya sa mga masasamang tao dito sa Manila, sir. Kaawaan mo sana.” Sagot na ni nanay. Yumukod pa si nanay sa harap ng sir niya kaya dali-dali din akong yumuko para maawa siya sa ‘kin uy! Panay ang dasal ko na sana ay mapagbigyan ang hiling namin ni nanay. Kapag talaga natanggap ako ay pagbubutihan ko talaga ang trabaho ko. Kailangan kong makapag ipon ng pera para mahanap ko ang kaibigan kong si Kakai. Sana talaga ay hindi pa ako mahuli at magkita pa kaming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD