Chapter 3
Gemma’s Pov
HINILA ako ng bakla palabas ng bar kung saan ako dinala ng dalawang babae kanina. Mabuti nalang at pinagbihis pa nila ako bago nila ako pinalabas. Galit sila dahil sa ginawa kong pagsayaw sa maliit nilang stage.
Yun naman talaga ang tamang step eh. Gusto ko sanang kumanta ng Kung natapos ko lang ang aking pag-aaral. Langya talaga! Sumayaw na nga ako, sila pa galit. Todo bigay pa naman ako sa dance step ko.
“Layas! Malas ka! Kapag talaga mawalan ng customer ang bar na ‘to ay ikaw talaga ang sisishin namin. Malas ka! Malas!!” Galit na sigaw ng bakla. Kasama pa niya ang babaeng lumapit sa ‘kin sa terminal kaya ako napunta sa sitwasyon na ‘to. Dapat talaga hindi ako nagpapaniwala sa mga katulad nila.
Yung kilay pa naman ng babae ay isang guhit lang. Mukhang wala na yata siyang kilay kaya lapis na ang ginamit. Itim pa naman ang ginamit kaya nag mukhang angry birds ang gaga.
“Dapat kasi hindi mo na nilapitan ang gagang yan.” Sabi pa ng bakla sa babaeng lumapit sa ‘kin sa terminal.
Aatras na sana sila at isasara na sana ang pintuan ng hawakan ko ‘to. Kailangan pigilan uy kay hindi pa nila binibigay ang sahod ko ngayong gabi. G atay! Perti ko pag kiay-kiay sa harap ng mga lalaking lasing tapos hindi nila ibibigay ang sahod ko.
“Ano ba! Bitawan mo nga ang pintuan! Lumayas ka!” Galit na namang sigaw ng bakla. Naiinis talaga ako kapag sinisigawan ako lalo na kung wala namang ambag sa buhay ko.
“Ikaw na pisteng yawa kang bayota ka! Asan sahod ko?! Matapos akong sumayaw sa stage, ganito lang ang gagawin niyo sa ‘kin! Akin na! Ibigay niyo na kung ayaw niyong magkagulo tayo dito!!” Matapang kong sigaw. Nanlilisik ang mata ko sa inis sa kanila. Ang kakapal talaga ng mukha.
“Hoy! Wag mo kaming pinagbabantaan at baka magsisisi ka!” Nakapameywang na sabi ng bakla. Akala yata niya matitinag ako sa pagtataray niya.
Kung mataray siya ay mas mataray ako. Hindi ako pinalaki ng nanay ko para api-apihin lang ng kung sino-sino.
Tinaasan ko ng kilay ang bakla habang nakangisi ng nakakaloko. “Sige, kung ayaw niyong ibigay.. ire-report ko kayo sa mga pulis at sasabihin na mga menor de edad ang mga dancer niyo at binebenta niyo sa mga parokyano. Ano? Gusto niyo bang makulong kayong lahat? Lalo ka ng babaeng baboy. Nangunguha ka ng mga babaeng bagong salta lang sa Manila. Ano.. sagot! Madali naman akong kausap mga animal kayo eh.” Inis kong sabi ngunit nakangisi parin ako.
“Ayaw niyo? Madali ko lang kayo irereklamo. Sasabihin ko talaga ang totoo.” Saad ko sabay kuha sa cellphone ko na nasa bag para kunwari na picturan silang dalawa kahit ang totoo ay lowbat naman talaga ang phone ko. Panakot ko lang talaga sa kanila. Mindset ba, mindset.
Kinuhaan ko kunwari sila ng picture habang nakangisi parin. “Ano na!! Magbibigay kayo o isusumbong ko ‘tong bar niyo?!” Galit kong sigaw na naman sa kanila.
“Ohh.. ito na, punyeta ka! Sabi ng sexy dance ang isayaw mo, ginawa mo namany macho dancer.” Saad ng bakla kaya inirapan ko siya sabay abot sa pera na inilahad niya.
“Magbibigay ka din naman palang animal ka eh. Pinahirapan mo pa ako. Sige, salamat dito. Sana mawalan kayo ng customer.” Pangsusumpa ko saka ako tumalikod at magsimulang maglakad palayo sa kanila.
Dala-dala ko parin ang bag ko at kay Kakai. Hindi ko pwedeng iwanan ‘to lalo na’t ito nalang ang alaala ko kay Kakai. G baghak naman kasi ang babaeng yun. Nawala pa.
Iniling ko ang ulo ko dahil sa naiisip kong alaala. G atay! Bakit naman kasi alaala eh hindi pa naman patay ang kaibigan ko. Naliligaw lang naman siya. Dapat pinahirap ko muna pala sa kanya ang bag ni Dora.
Pag nakita ko talaga siya ay hihilain ko talaga ang buhok niya. Nakakainis kasi siya. Tanga na nga ako, pero mas tanga yun si Kakai. Same vibes talaga kami. Walang matalino sa’min dalawa. G atay!
Naglalakad lang ako sa gilid ng kalsada at hindi alam kung saan na ako pupunta.
Hindi naman ako natatakot maglakad mag isa dahil marami naman akong nakakasalunbong na mga tao. May mga ilaw din naman dahil magkakalihira lang ang mga bar dito.
Napahinto pa ako isa bar na ang daming mga babae. Ang iiksi nga mga damit nila habang nagsisigarilyo.
May mga makeup din sila kaya talagang masasabi ko na mga pokpok ang mga babaeng ‘to. Para bang naghihintay sila ng mga customer.
Ganito yata ang mangyayari sa ‘kin lalo na’t wala naman akong tinapos. 18 years old na ako pero hindi parin ako nakakapag aral ulit. Tumigil kasi ako nong tumigil din si Kakai dahil hindi na kaya ng nanay niya na pag-aralin siya.
Mahirap ang buhay namin. Makakain lang kami ng pritong itlog at sardinas ay masaya na talaga kami. Palagi kasing tuyo ang ulam o di kaya ay kamote ang kinakain namin. Kapag napasobra pa ng kain ng kamote ay namamaho pa ang utot. Lintik talaga! Talagang sisinghutin talaga para mawala agad ang amoy ng utot.
Yun ang buhay namin. Magkapitbahay kami ni Kakai. Simula nong mga bata pa kami ay kami na talaga ang magkalaro. Walang nakakapaghiwalay sa’min.
Pareho din kami ng paaralan na pinapasukan. Sabay umuuwi, at kapag may tinapay ay hati kaming dalawa. Ngayon lang talaga kami nagkahiwalay ng kaibigan kaya nag aalala ako sa kanya.
Nakaramdam ako ng lungkot at nagpatuloy ng muli sa paglalakad. Kung pwede lang sa lumipad at ikutin buong Manila ay baka kanina ko pa ginawa. Ngunit naalala ko nga pala na hindi ako manananggal kaya wag nalang pala.
Kung kailan kami nakarating sa Manila ay saka naman kami nagkahiwalay ni Kakai. Binoang talaga ang babaeng yun. Kung alam ko lang na mawawala siya ay sana pala hindi na siya bumili ng tinapay pa. Sana pala tiniis nalang namin ang gutom.
Ang bigat ng loob ko ngayon. Hindi ko na din kasi alam ang mangyayari sa buhay ko. May pag asa pa kaya ‘to? Hay… mapapadasal nalang talaga ako ng wala sa oras nito.
“Saan naman ako nito uy? Sa kalsada nalang tingali ako matulog nito. Samokaa aning kinabuhia!” Inis kong sabi.
Patuloy lang ang paglalakad ko dahil naghahanap ako ng matutulugan. Hahanap ako ng pwesto para do’n na muna ako magpalipas ng gabi.
Hindi naman sigiuro ako sasaktan ng mga batang hamog. Sapakan nalang kapag may lumapit sa ‘kin.
Ang liit lang din kasi ng bigay ng baklang yun. Sabi niya malaki bigayan eh 700 lang binigay sa ‘kin. Yawa!
Pero ayos na din ‘to para may pangkain ako. Balak ko sanang bumalik sa terminal ng bus at baka sakaling bumalik si Kakai do’n.
Ngunit nagdadalawang isip ako dahil hindi ko alam kung magkano ang pamasahe papunta do’n. Hindi ko din alam kung paano papunta do’n kung sasakay ako ng jeep.
Mukhang malayo pa naman ang bus terminal mula dito sa pinagdalhan nila
sa ‘kin. Paano pala kung kulang ang 700 kung pamasahe papunta do’n sa terminal. Baka mabugbog ako ng taxi driver kung sasakay ako no’n. Sa pagkakaalam ko kasi ay taxi ang pinakamabilis na sasakyan para makarating at hindi na magtatawag ibang pasahero. Kung sa tricycle pa sa’min ay special.
Pero itong 700 ay mababawasan pa ‘to ngayon dahil nagugutom pa naman ako. Hindi man lang ako pinakain ng babaeng baboy at ng bakla. Sino ba naman gaganahan gumiling kung wala man lang silang pakain kahit pan borikat man lang. Yawa!
Tapos magagalit pa sila sa sayaw ko eh todo bigay na nga ako do’n eh.
Nagugutom na talag ako. Kailangan ko na talagang kumain. Baka pag hindi ako kumain ay mawalan nalang ako ng malay dito. Hindi pwede yun lalo na’t nasa kalsada pa naman ako. Baka ma rape lang ako dito dahil ang dami pa naman dumadaan na mga lalaki.
Kaya kakain ako uy kaysa sa mawalan ng malay. Kailangan ko pang hanapin si Kakai kaya dapat lang na may energy ako at hindi magluya-luya. Ginusto bitaw namin ‘to na pumunta ng Manila kaya.. magdusa kami nito. Sino ba naman kasi mag aakala na ganito ang mangyayari sa’min padating uy! Hindi man ako manhuhula para malaman na scammer pala ang babaeng nag recruit sa’min ni Kakai. Naimpas gyud ang 2k ko at 2k ng kaibigan ko. Pero may karma din ang babaeng yun talaga. Mahuhuli din yun. Isusumpa ko talaga.