Chapter 2
Gemma's Pov
TAMA nga ang kutob ko dahil huminto ang sinasakyan naming van sa isang bar. Hindi naman ako masyadong tanga para hindi ko malaman kung ano 'to uy! Aysus baya..
Dali-daling binuksan ng matabang babae ang pintuan ng van saka siya lumabas. Nagdadalawang isip akong bumaba dahil ayaw kong sumama sakanila. G atay ani uy! Na scam na nga kami ni Kakai do'n sa recruiter, tapos ngayon naman ay sumama ako sa akala ko na sila ang susundo sa'min ni Kakai. Nag kiat lang jud ako dagway. Sama-sama kasi kahit hindi naman alam kung sino ang sinasamahan.
"Bumaba ka na!" Sabi ng babaeng mataba na nakatayo sa nakabukas na pintuan ng van.
"Teka lang naman po. Bakit dito niyo naman ako dinala sa patay-patay ilaw mga, madam? Ang trabaho na pinangako ng recruiter namin ay katulong man." Saad ko habang tinuturo ang bar kung saan kami huminto.
"Hay.. ang dami mong tanong. Reporter ka ba ha? Ito ha.. para sa kaalaman mo lang, hindi ko kilala ang recruiter na sinasabi mo. Lumapit lang ako sayo dahil alam kong bagong salta ka lang sa Maynila at sigurado ako na madali lang kita mauuto." Sabi ng matabang babae kaya agad na pumitik ang ugat ko sa noo ba.
"Ayy.. boang ka man tingali. What did you.. w-what.. na unsa na ni ron uy! Ayy g atay ka.. hindi na nga lang ako mag english. Pero punyeta kang mataba ka no! Lumapit-lumapit ka sa 'kin tapos sasabihin mo hindi pala ikaw yung recruiter! Bakit sabi mo kapatid mo yun? Agoy! Impyerno talaga bagsak mong tamboka ka!" Galit na galit kong sabi. Nuncang magpapatalo ako sa yawa na 'to.
Pero g atay! Pinalo ng babaeng may kwentas na gold ang ulo ko. Ang sakit ng pagkakahampas niya. Ang bigat ng kamay.
"Ang dami mo pang sinasabi. Bumaba ka na dahil simula ngayon ay dancer ka na sa club. Kasalan mo dahil sumama ka sa'min." Sabi ng isa pang impakta. Ang sarap tuloy hilain ng kwentas niya at isakal sa leeg niya.
"May tanong ako sayo, te." Sabi ko habang hinahaplos ang binatukan kong ulo.
"Ano?" Mataray niyang tanong.
"May leeg ka?" Tanong ko dahil medyo mataba din kasi siya pero mas mataba yung isa.
"Meron. Bakit mo natanong?" Kunot noo niyang tanong sa 'kin.
"Hindi ko makita eh. Diet-diet din pag may time. Baka atakehin ka. Ako talaga una matutuwa." Sabi ko sa pang asar na boses.
"Butchoy! Hilain niyo na nga 'tong babaeng 'to para makasayaw na sa club. Dalhin mo do'n kay Alberta para mabigyan ng damit na susuotin para mamaya." Utos ng babaeng nilait ko.
Umiling ako dahil ayaw kong sumama talaga. Pero sumulpot ang lalaking may pangalan an Butchoy at hinawakan ang palapulsuhan ko.
Sinubukan ko pang manlaban at baka sakaling makatakas ako ba. Pero mas malakas man siya sa 'kin kaya wala na talaga akong nagawa kundi ang mahila palabas ng van.
Sure na ba talaga 'to uy? Mahimo na ba talaga akong dancer sa club? Hindi pa naman ako sumasayaw pero bahala na ni unya. Hindi ko na kasalanan pag nawalan ng gana ang mga customer nila.
Galit na galit ako at panay ang hampas ko sa lalaking hila-hila ako. Ayaw talaga niya akong pakawalan hanggang sa makapasok kami sa loob ng bar.
Sumalubong agad sa paningin ko ang patay-patay ilaw. Para akong nahilo talaga dahil hindi naman ako sanay sa ganito.
"Bitiwan mo na ako, kuya uy! Hindi ako marunong sumayaw ba!" Pagpupumiglas ko sa hawak ng lalaki.
"Matututo ka din niyan sa susunod. Ganyan din naman ang sinasabi ng mga babaeng pumapasok dito. Kesyo hindi daw sila marunong sumayaw, pero natuto parin naman." Sagot ng lalaki na para bang binibigyan pa niya ako ng example.
May pa bigay-bigay pa siya sa 'kin. Masantako ko man talaga 'to.
Sa ginagawang paghila ni kuya sa 'kin no.. kay nakarating kami sa harap ng matabang lalaki. Isang tingin ko pa lang ay alam ko ng kalahi ni Eva.
"Alberta, may bago kang dancer. Fresh na fresh pa." Sabi ng lalaking humila
sa 'kin saka lang niya ako pinakawalan.
Tumingin naman ang bakla sa 'kin. Mulo ulo hanggang paa ang titig niya kaya ang laki ng ngisi niya. "Tamang-tama ang dating nito.. fresh na fresh nga." Sabi ng bakla sa lalaking humila sa 'kin.
Ginawa pa nila akong isda uy! Fresh daw eh yung mukha ko parang kinulang ng formalin. G atay!
Tinulak ako ng bakla at hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Muntik pa akong matumba pero buti nalang ay hindi.
Nakarating kami sa isang room na hindi ko alam kung ano 'to. Basta para siyang mga lagayan ng mga damit.
Tinulak na naman ako ng bakla papasok. "O, ito ha.. makinig ka sa 'kin hoy!!" Tawag niya sa atensyon ko dahil hindi ako nakatingin sa kanya. Pinapalibot ko kasi ang paningin ko sa loob ng kwarto.
"Ano nga pangalan mo?" Tanong sa 'kin ng bakla.
"G-Gemma po.." sagot ko sa nauutal na boses.
"O, ganito, Gemma ha! Ang gagawin mo lang ay sumayaw sa gitna ng stage. Habang may mga lalaking kasing. Nakita mo naman siguro ang babae kanina na sumasayaw diba? Kaya sige na, maligo ka na do'n sa banyo at ito ang isuot mo." Utos niya sa 'kin sabay hagis sa isang kaperasong damit. G atay! Panty at bra lang ang isu-suot ko.
Napangiwi pa ako dahil yung matatakpan lang yata nito ang nakangisi kong bilat at yung linya ng pwet ko.
"Sigurado na talaga 'to na ganito ang suot ko? Kuyawa ba!" Sabi ko pero tinulak lang ako ng bakla.
"Bilisan mo na! Wala kang sasahurin kapag hindi ka sumayaw sa stage." Sabi ng bakla. Ipalamon ko 'to sa kanya eh. Paano kaya ako sasayaw nito eh kunting mali ko lang ay masisilip akong puday. Yawa!
Nanlalagkit ang katawan ko kaya bahala na 'to uy! Sundin ko nalang dahil may naisip akong plano. Tignan ko lang talaga kung pasasayawin pa nila ako sa susunod.
Pumasok ako sa banyo at agad na hinubad ang saplot ko sa katawan. Ang pangit ko na at ang lagkit ng katawan dahil dalawang araw din kasi kaming nasa biyahe ni Kakai.
Habang naliligo ako ay inaalala ko ang kaibigan ko. Naiyak tuloy ako dahil sa pag-aalala sa kanya. Sana nasa maayos siyang lugar. Pinapangako ko talaga na hahanapin ko ang kaibigan ko kahit ano man ang mangyari.
Gusto ko pa sana magtagal sa pagligo pero nagulat ako ng biglang may kumatok sa pinto. "Bilisan mo diyan! Kailangan mo pang ayusan." Sigaw na naman ng bakla.
Nainis na naman ako. G atay siya! Tignan ko lang talaga kung pasayawin pa nila ako ulit. Pakikitaan ko sila ng pang malupitang dance step.
Natapos ako maligo at nakita kong may nakatupo na t'walya. Kinuha ko yun at agad na pinunasan ang buhok at katawan ko. Hindi ako sure kung su-suotin ko ba ang sinasabi ng bakla.
Pero hindi man din ako makakatakas dito uy! Kaya mas mabuti ng sundin ko nalang para sila na mismo ang mag paalis sa 'kin.
Nagbihis na ako. Sinuot ko ang binigay ng bakla. Basta kay napangiwi na talaga ako kasi bilat ko lang talaga ang natatakpan. Tapos yung mga bulbol ko lumabas pa sa panty. Kailangan yatang gupitan.
Ayy bahala na ni. Problema na ng baklang yun kung lumabas ang mga bulbol ko.
May nakita akong bath robe na nakikita ko lang sa tv. Hindi naman kami mayaman para magkaroon ng bath robe. T'walya lang ang meron kami.
Isinuot ko na muna yun uy kay alangan naman lumabas ako ng banyo na naka panty ay bra.
Lumabas na ako ng banyo at nakita kong nasa labas ng banyo. "Umupo ka do'n. Gagawin kitang tao." Sabi niya sabay turo ng upuan na nasa harapan ng salamin.
Umupo na din ako at bahala siya kung anong gusto niyang gawin sa buhok ko.
"May pera ba akong makukuha dito sa pag sayaw ko?" Tanong ko habang pinapanood ang bakla na inaayusan ako.
"Oo naman. Kaya galingan mo ang pag giling kung gusto mong kumita ng pera. Ano ba yan! Taga saan ka ba at para kang taga bukid." Saad niya kaya masama kong tinitigan ang bakla mula sa salamin.
"Taga bukid ako, pero maganda ako." Sagot ko sa kanya at tinaasan ko siya ng isa kong kilay.
"Maganda? Saan banda? Tignan mo nga yang balat mo.. halatang taga bundok." Pang aasar niya sa 'kin.
"Okay lang, basta ang importante may bilat ako na papasukan ng oten." Bored kong sagot kaya hinila ng bakla ang buhok ko.
Napangiwi pa ako pero hinayaan ko na siya na ayusan ako. Ilang saglit pa ay nagulat ako na nag mukha akong tao. Pero hindi ako natuwa dahil pokpok ang datingan ko. Inahitan pa talaga ang kilay ko. Yawa!
"Boset ka! Bakit mo inahitan ang kilay ko?" Galit kong sabi. Isa nalang talaga at itutumba ko ang baklang 'to.
"Dami mong arte! Sige na.. ikaw na ang susunod na sasayaw. Galingan mo dahil nandiyan pa naman si madam. Manonood. Malay mo bigyan ka niya ng matandang mayaman na cliente." Sabi ng bakla at hinila pa talaga niya ako patayo.
Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Suot-suot ko parin ang bath robe.
Nakasunod sa 'kin ang bakla at kapag huminto ako sa paghakbang ay itutulak niya ako. Hindi ko alam ang gagawin ko at kinakabahan din ako sa mga mangyayari.
Pero nilalakasan ko lang talaga ang loob ko. Kaysa naman panghinaan ako. Anong magagawa no'n sa 'kin.
Nakarating kami sa stage at nagulat ako ng ang daming lalaki na halatang mga manyak.
"Gusto pa namin ng isa. Yung fresh!!" Sigaw ng lalaki na nasa harapan. Halatang nga lasing na talaga.
"Sige na, umakyat ka na. Ikaw na ang sasayaw." Sabi ng bakla at talagang hinila pa ang suot kong bath robe.
Napasinghap ako dahil sa ginawa niya. Nang matanggal yun ay panty at bra na lamang ang suot ko. Agad naghiyawan ang mga lalaking mga lasing na ng nasa akin na ang spotlight na kanina ay nasa stage.
Hindi ako gumalaw dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Yung kaba ko kanina ay mas lalo lang lumalala.
"Umakyat ka na! Sabunutan kita eh.." inis na sabi ng bakla at tinulak na naman ako. Hindi niya ako tinigilan sa pagtulak hangga't hindi ako nakaka akyat ng stage.
Nang maka akyat ako ay halos gusto ng maihi. Katulong ang papasukin kong trabaho pero bakit naman ako napunta sa ganitong sitwasyon uy.
"Sumayaw ka na!" Sigaw ng bakla. Eh kung siya kaya ang sumayaw dito.
"Ano ba yan.. hindi man lang nag ahit!" Sigaw ng mga kalalakihan.
Biglang tumugtog ang music na para bang malaswa. Sexy na sexy ang tugtog kaya hindi ko alam ang gagawin ko.
Naalala ko ang binabalak ko kaya hindi ako nagdalawang isip na gawin yun.
Agad kong inisip kung paano sumayaw ang mga macho dancer.
Para akong tanga na sumasayaw. Macho dancer talaga ang datingan. Sinasadya ko pang pasingkitin ang mata ko at asarin ang mga customer na manyak.
Narinig ko agad ang mga kanchaw nila ngunit nagpatuloy lang ako sa pag sayaw."Oh yeah! Gusto niyo pala akong
sumayaw ha! Panoorin niyo kung paano ako sumayaw. Tangina kayo ha!" Saad ko pa habang ginagaya ang sayaw ng macho dancer.
"Hoy! Bumaba ka na diyan! Ang pangit mong sumayaw!" Saad ng lalaki na pilit akong pinapababa ng stage.
Napanisi ako dahil ang ganda talaga ng plano ko. Pinakitaan ko talaga sila ng malupitan kong sayaw. Goodluck talaga sa may-ari nito. Mawawalan ng customer dahil sa sayaw ko. Pati ang bakla ay panay ang sigaw sa 'kin na bumaba na daw ako dahil nakakahiya. Pero pinagpatuloy ko parin ang malupitan kong dance step. Gusto ko sanang mag break dance ngunit naalala ko ang suot kong panty na hiwa lang talaga ang natatakpan kaya bawal akong mag break dance.
Puro sigawan ng booo ang naririnig ko. Panigurado ako na wala talaga akong sahod nito dahil sa ginawa ko. Pero bahala na uy! mas okay ng wala akong sahod at paalisin na lamang kaysa sa manatili ako dito. Hindi naman ako pokpok.