Chapter 6

1821 Words
Chapter 6 Gemma’s Pov TUWANG-TUWA ako dahil tinanggap ako ni sir Jonas bilang katulong sa bahay niya. Tama nga ang hinala ko na mabait siya uy! Dahil kung hindi siya mabait, eh ‘di sana hindi na niya ako tinulungan pa. Grabe! Para akong tanga na tuwang-tuwa na hinahalikan ang sahig ng magiging kwarto ko. Kasama ko si nanay sa kwarto kaya hindi talaga ako malulungkot. Hindi ko talaga inaasahan na magkakaroon ako ng trabaho agad. Mabait parin talaga ang panginoon sa ‘kin. “O, ito na ang magiging silid mo ha! Ito ang kama mo.” Sabi ni nanay sa ‘kin na tinuro ang isang kama. Dalawa ang kama dito na alam ko ay kay nanay yung isa. May malaking aparador din kaya natuwa ako dahil may paglalagyan na ako ng damit ko. Katuwa talaga dahil wala man ganito sa bahay namin sa probinsya. Sa sahig nga lang kami natutulog eh. May sapin na karton saka namin sasapinan ng banig para hindi naman masyadong malamig sa likod. Kahit matigas ang hinihigaan ng pamilya ko ay ayos pa din naman. Ang mahalaga naman ay magkakasama kami at walang sakit sa pamilya namin. Pero kailangan talaga maghanap buhay uy kay wala talaga kaming kakainin ba kung nando’n lang ako. May pangarap din naman ako umasenso uy! Kahit papano ay gusto ko din yumaman. Alangan naman habang buhay nalang kami nasa ibaba. Habang buhay na kamote ang kinakain at tuyo. Kailangan din kumita kahit papano. “Sige po, nanay. Marami po talagang salamat ba kasi pinilit mo talaga si sir Jonas na papasukin ako. Kung hindi po dahil sa’yo ay hindi po talaga ako makakapasok po ng trabaho. Kaya utang na loob ko po talaga ‘to sa’yo, nanay.” Pagpapasalamat ko sa matanda. “Naku.. wala yun. Kailangan ko din kasi ng makakasama. Para naman makapag pahinga din ako. Sana nga payagan ako ni sir Jonas magbakasyon sa probinsya namin kapag naituro ko na sayo mga dapat mong matutunan kung saan nakalagay ang mga gamit na gagamitin. At kung ano ang mga routine ni sir Jonas.” Mahabang sabi ni nanay. Tumango naman ako dahil excited na talaga ako magsimula. Pakitaan ko ng pang malupitan galaw talaga sa pagtratrabaho si sir Jonas para hindi siya magsisi ba na kinuha niya akong maid. “Magpahinga ka na muna, Gemma. Bukas ka na magsimula. Ayan ang banyo natin kaya pwede ka maligo.” Sabi ni nanay kaya tumango ako at nagpasalamat. Iginilid ko nalang muna ang dala kong bag at umupo sa kama. Nanlaki ang mata ko dahil anb lambot pala nito. Maiiyak yata ako sa tuwa ba. Pagkatapos kong mag bounce-bounce sa kama ay naisipan kong pumunta sa banyo para makaligo na ako uy! Ang baho ko na talaga at nanlalagkit na ang katawan ko. Pumasok na ako sa banyo dala ang luma kong damit na dala-dala. Wala naman kasi akong bagong damit kaya ano pa ba ang isu-suot ko. Pero hayaan ko na muna, sigurado naman ako kapag may sahod na ako ay bibili talaga ako damit sa ukay-ukay. Pati si Kakai ay bibilhan ko din para masaya. Dali-dali kong hinubad ang saplot ko sa katawan at agad na kinuba ang tabo. Buhos lang ako ng buhos dahil ang kati na talaga ng katawan ko. Nagugutom pa naman ako pero nahihiya akong sabihin kay nanay kaya itutulog ko na lang ang gutom ko. Kaya ko naman tiisin eh. Langya kasi mga batang hamog. Pinagod nila ako kakahabol sa kanila kaya kinailangan ko talagang tumakbo. Pero naisip ko na okay na din yun dahil kung hindi inagaw ng mga batang hamog ang pera ko ay hindi ko makilala si nanay. Hindi ako gumamit ng sabon o shampoo dahil nahihiya ako kumuha ng walang paalam kay nanay. Mahirap ako pero hindi naman ako pakialamera. Nang matapos akong maligo ay agad akong nagbihis. Bahala na walang sabon-sabon, shampoo-shampoo uy! Wala man din aamoy sa ‘kin. Lumabas na ako ng banyo at nagtaka ako kung bakit wala si nanay sa kwarto. Lumabas yata siya kaya naglakad nalang ako papunta sa kama ko at umupo. Habang nakaupo ako ay pinapatuyo ko ang buhok ko. Matutulog na talaga ako dahil napagod na ako sa buong maghapon ko. Nakakapagod na nga ang dalawang araw na nakaupo kami sa bus tapos pinaghintay pa kami ng scammer. Ang dami kong pinagdaanan talaga pagdating sa Manila uy! Kaya ang saya ko talaga na napunta ako sa mabuting tao. Hindi na ako nagsuot ng bra dahil matutulog na ako. Ang sarap sa pakiramdam ng wala ng suot na bra. Akmang hihiga na sana ko ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto namin ni nanay. Pumasok si nanay kaya tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at humarap kay nanay. “Kain ka muna sa kusina, Gemma. Tara!” Aya sa ‘kin ni nanay. Narinig yata niya na kumulo ang tiyan ko kaya niya ako inaya kumain. “Sige po, nanay. Hindi ko po tatanggihan yan uy! Kay g gutom na po talaga ako.” Saad ko at nagmamadaling maglakad papunta sa kanya. Lumabas kami ni nanay ng kwarto at tahimik na naglakad papunta sa kusina. Ang kwarto kasi namin ni nanay ay nasa first floor lang. Kaya madali lang kami makakapunta ng kusina. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na ang napasukan kong bahay ang ganda-ganda talaga. Nakakatuwa na napunta ako sa ganito at mukhang mabait pa si sir Jonas. Hindi naman yata ako magsisisi na pumasok akong maid dito. Nakarating kami sa kusina at talagang masasabi ko na ang yaman ni sir Jonas. Wala man kaming mga gamit na ganito tulad ng kay sir Jonas uy! Wala kaming rice cooker at talagang sa kahoy lang kami nagsasaing. Basta kay pag nagsindi ako sa kahoy ay halos mamula na ang mukha ko kakaihip para lang umapoy at maluto ang sinaing. Pastilan! Kapag nahilaw pa ang kanin namin aw.. lagyan ng asin sa takip ng kaldero. Hindi ko alam para saan yun pero sabi ni nanay para daw maluto pa ang kanin. Ayy, bahala na si nanay uy! Basta kay mao na ‘to. Lagyan ng asin kapag nahilaw ang kanin. Akala ko nga dati ay ulam ang asin eh at iniinit lang sa takip ng kaldero. Pero itong bahay ni sir Jonas, grabe.. may mga oven pa talaga. May mga bagong gamit ba ngayon ko pa lang nakita kaya hindi ko na susubukan humawak pa at baka nangangain ng tanga ang mga gamit. Saka na ako magpabida-bida kapag tinuruan na ako ni nanay. “Dito tayo sa dirty kitchen kumain, Gemma.” Sabi ni nanay kaya tumango ako ay sumunod sa kanya. Nakarating kami sa sinasabi niyang dirty kitchen. Akala ko talaga maduming kusina ang ibig sabihin ni nanay. Nasa isip ko tuloy na baka marumi ang paligid. “Dito tayo kumakain, Gemma. Kapag si sir Jonas ay kumakain at nahanda natin lahat ng kailangan niya ay pwede na din tayong kumain. Hindi naman kasi kailangan bantayan si sir Jonas habang kumakain.” Pagkukwento ni nanay na hinila ang upuan ng makarating kami sa mesa. May naka handa na din na pagkain at plato sa mesa kaya kakain nalang talaga. Ang sarap pa ng ulam dahil adobong baboy at may isa pang ulam na hindi ko alam kung paano niluto uy! Basta kay manok yun. Umupo na din ako at agad na kumulo talaga ang tiyan ko. Nakakagutom naman talaga. “Kaya dito tayo kakain, magkakape, mag me-merienda, Gemma.” Dagdag na sabi ni nanay habang kumukuha ng kanin. “Sige po, nanay. Tatandaan ko po yun.” Magalang kong sagot. “Kapag umaga naman.. magwawalis lang tayo sa buong bahay. Pwera nalang sa kwarto ni sir Jonas dahil may schedule ang paglilinis ng bahay niya. Ayaw na ayaw ni sir Jonas na marumi at malansa ang mga baso, kutsara at plato kaya dapat ayusin ang paghuhugas.” Sabi ni nanay kaya tango lang ako ng tango. Kumuha na din kasi ako ng pagkain para naman magsimula na akong kumain uy! Nagutom na ako kaya dapat kumain na ako. “Ang breakfast ni sir Jonas ay 7AM kaya dapat nakahanda na sa mesa ang pagkain. Hindi naman siya dito kumakain ng pananghalian kaya ang lulutuin lang natin na pagkain ay para sa’tin. Sa gabi naman ay kumakain siya dito sa bahay kaya dapat 7PM pa lang ay nakaluto na tayo. May araw din ang paglalaba, Gemma. Martes at Linggo kaya lagi mong tatandaan yun.” Sabi na naman ni nanay sabay subo ng pagkain. “Opo, nanay. Tatandaan ko po.” Sagot ko saka sumubo din ng pagkain. “Wala namang problema sa pagkain natin, Gemma. Kumain ka lang kapag nagutom. Ayaw na ayaw kasi ni sir Jonas na hindi tayo kumain dahil para sa kanya ay mahalang kumain para may energy. Kapag tapos naman ang trabaho ay pwede naman tayo matulog sa tanghali kaya makakapag pahinga talaga tayo.” Nakangiting sabi ni nanay kaya napangiti na din ako. Nakakatuwa kasi dahil wala namang mahirap na gagawin dito sa bahay ni sir Jonas. Kering-keri talaga ng kili kili power ko. Nagpatuloy lang kami sa pagkain hanggang sa matapos na kami ni nanay. “Nga pala, t’wing gabi ay lagi mong siguraduhin na nakasirado talaga lahat ng pinto, Gemma.” Dagdag pa niyang sabi kaya tumango ako. Tumayo si nanay kaya tumayo na din ako. “Ako nalang po ang magliligpit ng pinagkainan natin, nay.” Sabi ko sa kanya dahil kayang-kaya ko naman ‘tong hugasan. “O, siya.. ikaw na maghugas. Maglilibot lang ako sa mga pinto ng bahay at gate para isigurado na nakalock. Magkita nalang tayo sa kwarto mamaya.” Saad mi manang na kumuha pa ng isang basong tubig saka ininom ‘to. Tumango naman ako at agad na sinimulan ang pagliligpit ng mga plato. Dinala ko ‘to sa lababo at nagsimula na akong maghugas. Nakaalis na din si nanay kaya ako nalang mag isa. Ang tahimik talaga ng bahay. Wala man lang nag iingay. Dapat may music dito uy para naman hindi ako matakot sa mga multo. Habang ginagawa ko ang paghuhugas ay agad kong inayos yun sa lagayan ng plato. Siniguro ko din na malinis ang mesa saka ako naglakad patungo sa pinto ng dirty kitchen para lumabas sana. Ngunit napahinto ako sa pintuan dahil bumukas ‘to at nagulat ako ng mahawakan ang isa kong dibdib. Nanlaki talaga mata ko lalo na ng makita ko si sir Jonas na halatang nagulat din sa pagkakahawak sa dibdib ko. Napakurap-kurap talaga ako dahil sa gulat ko at hindi ko alam kung susuntukin ko ba siya o hindi. Pero naalaa ko na amo ko siya kaya pwede na siguro ang sampal kaya sinampal ko ang sir ko kahit bukas pa ang first duty ko bilang maid niya. G atay naman kasi siya uy! Hinawakan man niya ang cocomelon ko. Way puangod! Bahala na kung magalit siya sa 'kin basta ginawa ko lang ang nararapat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD