Chronicles ng Babaeng Torpe
Text Log #1
3rd Meeting, History Petition Class
6:45pm
Chyanne: Hala, ang tangkad talaga ng blockmate ko ??
6:58pm
Chyanne: Joke. Campa pala apelyido niya. Yoko na pala.
Ela: HAHAHAHAHAHA sa lahat ng pwedeng apelyido katulad pa sa ng loko sayo
Chyanne: Kaya nga ayoko na eh! haha char
Ela: Paano mo alam? Ano name bilis
Chyanne: SA CLASS LIST TE! NAGING NINJA ANG KAIBIGAN MO KANINA
Ela: Ano na nga name ts
Chyanne: Ivo Campa
Chyanne: Tangina ang corny pala ng pangalan niya shet
Ela: Wala namang lumalabas sa sss putek
Chyanne: Di nga? Hahahahaha baka nagtatago din to
Ela: Matangkad talaga? Anong itsura? Okay naman ba
Chyanne: Yup! Ang tangkad niya talaga dude. Hindi pa ko nakakapag-height check pero alam ko matangkad talaga siya.
Chyanne: Oo naman gago!! Ako pa ba titingin sa hindi gwapo ha?!
Ela: Magkaiba kasi tayo ng definition ng gwapo ts.
Chyanne: Type mo kasi mga pangit
Ela: ANG SAMA GRABE
Chyanne: Totoo naman kasi
Chyanne: Pero legit feeling ko magkakasundo tayo dito
Ela: Gusto kong makita kainis naman
Ela: Picturan mo na lang
Chyanne: Bullshit! Picturan daw may hiya naman ako sa katawan ko pwede ba?
Ela: Gusto kong makitaaaa bilisan mo
Chyanne: Yoko next time na lang hahaha. I-snap ko siya promise