Chapter 1

628 Words
Chronicles ng Babaeng Torpe Chapter 1 Hindi kasi pwedeng maging kami, pwede ba? Ayoko na ngang ipilit eh. Gugustuhin ko na nga lang sana 'tong itago pero bakit hindi ko magawa. Tangina kasi ng feelings. Ang sakit sa puso. Ramdam na ramdam ko. I know this is not love. Alam ko talaga na hindi ito pagmamahal. Gusto ko lang siya. Gustong-gusto. Bakit ba kasi ngayon ko lang na-realize na crush ko talaga siya? Ha? Bakit ba kasi? Samantalang block mate ko naman na siya last sem. Oo, magkakilala kami (ata). Alam ko pangalan niya pero hindi ko alam kung alam niya 'yung akin (sadnu, hay. The harsh realities of life. Bakit ba kasi hindi na lang pwede maging kayo ng crush mo?). One look alam ko na eh. Alam ko na na magiging crush ko siya. Napaka-walwal ko kasi na tao sa petition class* na 'yun dahil alam kong wala namang gwapo. Kaya ayun, walang pabebe mode. * Petition class - 'yung klase sa college na isiningit lang sa schedule ng building na mayroong prof na sapilitang inilagay doon dahil madaming estudyanteng kailangang kumuha ng kurso—puro irregular students** **Irregular students – (a) mga batang bumagsak sa ibang subject, (b) mga batang shifter o nagpalit ng programang kinukuha sa pamantasan, or (c) mga batang transferee. Sa madaling salita, hindi kasali sa regular schedule ng mga block (section sa college). Gumagawa ng sarili nilang sched. Mga travelers at blockmate ng bayan sa dami ng section. Hindi ko na matandaan kung paano nangyari, pero kung tama man 'tong shitty memory ko, ganito 'yun: Second week na ng pasukan, Tuesday 6pm-9pm ang schedule ng petition class ko sa History 101. Kinaibigan ko na ang mga katabi kong kapwa ko shifter last week noong first meeting. Nag-iintay na lang kami ng prof at nagkukwentuhan. Nasa may pintuan ako nakaupo, second row right side. As I've said. Wala nga akong pakialam sa mga lalaki kong block mates kasi wala naman akong gustong i-impress sa kanila. Hanggang sa dumating siya. Napatigil ako sa pagdaldal at pagpapatawa kasi bumukas 'yung pintuan. Okay, medyo speechless ako. Ang daming nangyari sa loob ng ilang segundo. Nagkatinginan kami syempre dahil pagbukas niya ng pintuan ako talaga una niyang makikita tapos... may sparks na agad. Sad to say pero sa'kin lang may sparks. Nagtanong siya doon sa isang malapit na pintuan. "Hist class?" Tumango naman 'yung lalaki. Paglakad niya sa unahan, tsaka ko lang napansin na ang tangkad niya pala. Six footer yata. Dreamy. Mapapa-heart eyes ka ng medyo. Tas parang ang seryoso niya lang gano'n? Syempre, ate niyo girl, nagmaganda kahit hindi naman maganda. Sa kabilang side siya umupo. Isang row sa likudan ko. Iniwasan kong huwag masyadong lumingon kasi mahahalata ako (duh). Ako naman 'tong diretso text sa best friend kong nasa kabilang unibersidad lang. Isang beses, paglingon ko, nakita kong busy lang siya sa cellphone niya habang ang katabi niya nakikipag-usap sa isa pa nitong katabi. Loner? Sayang namannnn! Nakatunganga lang ako sa prof ko habang nagle-lesson siya sa harap. Hindi ako makapag-cellphone dahil kun'di huli agad ako. Nag-notes na lang ako para may magawa. 8:30pm pinalabas na kami. Ayaw daw ni prof na ma-late kami ng uwi. Psh, gusto niya lang din umuwi alam ko. Hahaha! Maglolokohan pa ba kami? 9pm natatapos ang mga huling klase sa buong unibersidad. Kaya naman paglabas mo ng room, madilim na sa mga hallway. May daan palabas sa kanan ng classroom. Maliwanag do'n pero dahil daredevil ako at ang mga kasama ko, doon kami dumaan sa madilim. Dumiretso kami samantalang si Kuyang Matangkad sa kanan siya dumaan. Sayang, hindi ko manlang nalaman pangalan. Anyway, isang buong sem ko naman siyang makakasama. Malalaman ko din pangalan niyan sooner or later. And I did found out his name the following meeting.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD