Hanggang sa Huli

1298 Words
Totoo ang sabi nila, na kahit sa isang kanta lang, dami mo ng maaalala. Maiisip mo ulit ang mga masasayang nangyari sa inyo noon, kung gaano kayo kaclose at ka kumportable sa isa't isa. Yung di mo inasahang makikilala mo siya, hanggang sa mahalin mo siya. Pero hindi lang naman puro masasaya ang naaalala mo tuwing makakarinig ka ng kanta. Kahit yung mga masasakit bumabalik, kaya masasaktan ka ulit. ♪♪ Sa t'wing puso'y nag-iisa Mayro'ng himig na kumakatok sa pinto ng aking alaala 'Di na dapat tumitig pa sa 'yong mga mata Ngayon, ikaw na lang ang nakikita ♪♪ Unang stanza palang ng kanta ang naririnig ko, damang dama na ito ng puso ko, mas nilakasan ko pang volume ng hawak kong cellphone. ♪♪ Ang alaala mo'y tila bago Sa panaginip ko ay naro'n ka ♪♪ At kahit pa ang mundo ay mag-iba, ako'y laging nandirito 'Di man ako para sa 'yo, puso'y 'di magbabago Walang iba, walang iba, wala nang hahanapin pa Pag-ibig ko'y sa 'yo, sa 'yo hanggang sa huli ♪♪ Siguro nga'y nararapat lang ika'y limutin na Pag-ibig ko'y isang hangin na 'di mo madarama ('di mo madarama) 'Di na dapat tumitig pa sa 'yong mga mata 'Pagka't ikaw pa rin ang nakikita ♪♪ Tanging pag-asa ko'y biglang naglaho Ngunit pag-ibig ko'y 'di nawala ♪♪ At kahit pa ang mundo ay mag-iba, ako'y laging nandirito 'Di man ako para sa 'yo, puso'y 'di magbabago Walang iba, walang iba, wala nang hahanapin pa Pag-ibig ko'y sa 'yo, sa 'yo hanggang sa huli ♪♪ Kung pinagtagpo, tayong dal'wa'y para sa isa't isa At kung nasabi ko ang lahat noon ay may magbabago ba? Sa aking bawat paghinga, dalangi'y makapiling ka At kung ito na ang huli, nais kong malaman mo na, ooh-ooh ♪♪ Mahal kita Mahal kita Mahal kita ♪♪ Walang iba, walang iba, wala nang hahanapin pa Pag-ibig ko'y sa 'yo, sa 'yo hanggang sa huli♪♪ ♪♪ "Keganda namang kanta 'to! Teka, sinong singer?" Ng sa pag scroll up and down ko sa YouTube, bumungad ang grupo ng limang naggagwapuhang kalalakihan. 'SB 19! Hmm... sila pala ang kumanta nitong 'hanggang sa huli'... Ganda ng mga boses ha! Lahat ang gaggwapo, walang tapon sa mga ito!' Napapalatak kong pinagmasdan sila isa isa, hanggang napatutok ang aking mga mata sa myembro nilang si Ken. "Geeezzz... Kahawig sya ni Weng,, ayayaayy ang gwapo!! Mula ngayon idol na kita, Ken Suson!" Nagbasa pa ako saglit ng bio nya, ng makontento sa mga nalaman ko about sa kanya nag exit na'ko sa YouTube at binuksan ko naman ang photo gallery ko't pinagmasdan ang picture namin ni Weng. Kinakausap kong larawan nya kapag ganitong wala akong ginagawa, pampalipas oras lang kumbaga, para di mabagot at maaliw naman aking sarili. "Gusto kita, gustong-gusto kita at naiirita na ako. Naiirita na ako sa aking sarili dahil alam kong kailanman ay hindi mo ako magugustuhan. Gusto kita kahit na hindi mo nadarama. Gusto kita kahit na ilang beses kong sabihin na wala ngang pag-asa. Gusto kita, sobrang gusto kita, gusto kong angkinin ang mga sandaling nakakasama mo ang iba. Gusto kong sabihin sa'yo na wag na sila, ako na lang sana. Gusto kong sabihin na, nandito ako, naghihintay na magustuhan mo." Hinaplos kong mukha nya sa screen ng cellphone na para bang nahaplos ko na rin ang kanyang pisngi. "Pero--pero, wala kasing pag-asa at nakakainis ang pakiramdam na ito dahil ayoko ng ganito, kasi lagi na lamang akong matatalo sa ganito. Dahil sino nga ba ako sa'yo, isa lamang akong hamak na kaibigan mo na may nadarama para sayo." Ini off kong cellphone, saka tiningnan ang daan pababa kila Weng. Hapon na di'ko pa rin sya nakikita. Siguro nasa tropa na naman nya sya. Ganun yun eh napakagala na tao kung saan saan napapadpad. Ng may marinig akong ugong ng tricycle na paparating. "Hoy Pango!!" Napabaling ang tingin ko sa kalsada ng marinig kong boses ni Weng. Tricycle pala nila ang biglang huminto kala ko isa lang sa mga pumapasadang tricycle dito. "Tawagin mo si Laon, Kain tayong batchoy sa plaza!" "La'kong pera!" "Basta! Akong bahala libre ko kayo!" Saka ito ngumiti sa'kin. Feeling ko kegaan gaan tuloy ng pakiramdam ko. Halatang kasiyahan sa kanyang mukha, nahawa na din tuloy ako sa pa good vibes nyang aura. "Sige na nga!" Tumayo na'ko sa'king pagkakaupo sa tindahan ni Inday bungal ang tambayan ng lahat dito sa lugar namin. "Wait lang, susunduin ko si Jingjing sa kanila." Halos takbuhin ko ng pagitan ng tindahan at bahay nila Jingjing makabalik lang ako kaagad. Masaya kasi kapag ganitong magkakasama sama na naman kami sa galaan at kainan. "Jingggg..." Tawag ko habang papasok ng bahay nila. "Jingg!!" "Huy!! Ang ingay mo!" "Dika kasi nasagot! Nubang ginagawa mo't hindi ka pumunta dun sa tambayan natin? Kanina pa kita hinihintay dun ah!" "Sorry! Nakatulog ako eh!." Halata ngang bagong gising lang sya, kakahilamos lang ng mukha, basa pang mukha eh! Siguro napalabas lang ng banyo pagkarinig sa tawag ko. "Tara! Punta tayong plaza." "Eehh! Ayoko, tinatamad ako!" "Kakain tayo ng batchoy, ayaw mo?" "Wala akong pera." Kakamot kamot pa ng kanyang ulo na sabi nya sakin. "Libre! ayaw mo?" "Ay hindi! Bakit naman mag iinarte pa'ko? Libre na yan eh! Oh tara na bilisan mo!" Sabay hila nya sakin palabas ng bahay nila. "Hindi kana ba magsusuklay muna? Parang kinaykay ng manok yang buhok mo oh!" "Dina! Konting ganito lang... " sinuklay nito ng kanyang darili ang g**o gulong buhok. "Kitam! oh anu looking fresh naba ako?" "Hahaha... Pwede na! Konting kagat labi pa, para di maputla." At sinunod naman nyang sinabi ko sa kanya. Kaya mas lalo pa akong napatawa. "Hoy! Bilisan nyu naman! Ang tagal nyung dalawa!!" Napabilis ang paglakad namin ni Jingjing pagkarinig sa sigaw ni Weng. "Uyyy! May service pala tayo! dimu naman sinabi kaagad!" Halos kaladkarin na'ko ni Jingjing papuntang tricycle ni Weng. "Daldal mo eh! Dami mo pang ritwal! yan tuloy nainip ng manlilibre sa'tin!" "Ay wow! talagang ako pang sinisi! Sige na nga! Sorry na!" Sabay sakay nito sa tricycle. "Salamat sa libre Weng,.." "Bawi ko lang, sa panlilibre nyu sakin palagi." Nagkatinginan na lang kami ni Jingjing at sabay pang napangiti. Hindi ito ang unang panlilibre samin ni Weng, basta't kapag may pera ito, hindi lang batchoy, aroscaldo o tinapay at softdrinks, mahilig din ito sa mga street foods, lalo ng inihaw, mapa baboy o manok man yan gustong gusto nya. Madalas din naman kaming gumala, may dala man syang tricycle o wala. Kung saan saan kami nakakarating, minsan nga ginagabi pa kami ng uwi. Ang saya lang isipin na nakakabuo kami ng magagandang memories na magkakasama. Mga memories na tini treasure ko talaga sa buhay. Binabalik balikan kapag nag iisa ako't nalulumbay. Kay sarap sa feeling kapag mayrun kang mga kaibigang tunay. 'Thank you Lord! sa pagkakaloob mo sakin ng mga kaibigang tapat at maaasahan... Mga kaibigang masasandalan... Mga kaibigang hindi nang iiwan... At higit sa lahat mga kaibigang mahal na mahal ko magpakailanman.' ✞✞✞ Imposible na puro positibo lang ang mangyayari sa buhay ng tao. Lahat talaga tayo dadaan sa mga negatibo, sa mga nakakalugmok, nakaka stress na mga bagay at walang masama dito. Dapat i-expect mo rin ang mga bagay na to sa buhay mo, kasi dahil dito nagiging mas malakas tayo. Dapat welcome sayo ang lahat ng emosyon. Kapag ganito ang mindset mo, mas madali mong ma i-handle ang mga bagay na yan. Minsan kase ang iniisip natin "Dapat positive lang, walang pwedeng sumira sa positivity ko" pero ang resulta, naddown pa rin. Alam mo, okay lang naman maging malungkot minsan, okay lang umiyak minsan, okay lang na ma down ka o mapagod ka minsan, normal lang yan. Kaya kahit anumang mapagdaanan mo, tanggapin mo, yakapin mo at iwasan mong mag reklamo. Lilipas din lahat ng yan. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD