Memories

1313 Words
Ang sarap gumising na may mga ngiti sa iyong mga labi. Na wari mo’y kinikilig ka at may halong saya. Diba, sa simpleng bagay na sinasabi niya mula sa text parang nasa langit ang feeling? Pakiramdam mo ang swerte mo sa taong yon. Minsan pa nga ito yung dahilan kung bakit ang sarap ng gising natin sa umaga. Kung bakit ang saya-saya ng gising natin. Simple lang ang dahilan, dahil alam mo sa sarili mo na pinapahalagahan ka nung taong yon. Pinaparamdam niya sa'yo yung mga bagay na gusto mong maramdaman. Iba talaga yung feeling na makakatanggap ka ng text sa umaga. Nakakakilig na masaya.. 'Good morning Pango, gising kana ba?' 'Hindi! Tulog pa ako..' Nangingiti kong reply sa text message ni Weng. 'Na reply ako diba? Ibig sabihin nun, gising na'ko!' 'Sungit naman neto, para nagtanong lang naman ako eh!' 'Bakit, anubang ganap ngayon at ang aga mo yatang nagising?' 'Mag beach tayo!' Napaismid akong bigla. 'Tong lalaking 'to, kung mag aya akala mo marunong lumangoy, eh di naman! 'Dika na nag reply, ayaw mo ba?' 'Aysus! Beach ba kamu? Sinong taya? Ala akong budget..' Pagdadahilan ko, bakasakaling magbagong isip at tantanan na'ko sa pangungulet. 'Sa Villa beach lang naman tayo, malapit lang... Sige na, pumayag kana!' 'Kulet neto!' Ng biglang maisip ko si Jingjing, naku! gustong gusto nun mag swimming. 'Sinong kasama natin? Wag mong sabihin na tayo lang dalawa? pagpi pyestahan na naman tayo ng mga marites nyan!' 'Di ah! basta kung sinong sasama, isama natin.. Kaya mag ayos kana dyan, ako ng bahala dito sa mga katropa natin sa sapa!' 'Sige! titext ko na lang si Jingjing at Charity.' So, buo na naman kaming magkakatropa na sumugod sa Villa beach.. Ang saya saya lang kapag nagkakasama sama na kaming lahat. Kahit konti lang ang baon naming pagkain... spaghetti at bihon na niluto ni Charity, tinapay at chichiria ambag namin ni Jingjing. Mga inumin naman ang dala dala nila Weng, Aldrin, Barbie, Ronel at iba pang mga bugoy na sapa boys.. Parang boracay ng narating namin dahil sa mga amazing experience namin. Ang saya mabuhay! Sana palaging ganito nuh?! 'Yun bang kaligayahang nadarama mo ay walang makakapantay na kahit na anumang bagay.. Yun bang wala kang ibang iisipin kundi ang mga kaibigan mong nagsasaya ng todo bigay.. Yun bang sa pagsulyap mo kay crush kaylapad ng pagkakangiti nya sa'yo sabay kindat.. kaya tuloy si puso tuluyan ng nahimlay. "Hmp!" Kunwaring pang snob ko sa kanya pero sa totoo lang, sa mga simpleng ginagawa nya, sa mga kilos na di man nya sinasadya.. mga nasasabi nyang para sa kanyay walang malisya... Ang impact naman nun sa'kin ay big time na talaga. 'Hay Weng, di man ako sweet, lagi man kitang binubully, masaya man ako na lagi kitang naaasar pero ipaparamdam ko sa'yo kung gano ka ka-special sa'kin. Di ko man madiretsong aminin sa'yo yung tunay na nararamdaman ko pero binibigyan na kita nang assurance na sa'yo ako base sa actions ko. Matagal na kitang gusto at habang tumatagal mas napapamahal ka na talaga sa'kin. At wala akong paki kung sabihin man nang iba na talo ako sa huli kasi yung fact palang na hinahayaan mo kong iexpress yung sarili ko sa'yo, panalo na ko dun. I could not ask for more, basta andyan ka, okay na'ko.' Ng may pumutol sa pag iimagine ko.. "Hoy! Tama ng titig, baka malusaw!" "Oh nga naman Bhe! Ikain mo na lang yan, gutom lang 'yan!" "Eh bakit ba kasi,? para humahanga lang naman ako sa kanya, masama ba 'yun?" Kaagad na depensa ko sa panggigisa nila Charity at Jingjing sa'kin. "Ang paghanga hindi! Pero san ba mauuwi yang paghanga mo ha?" Sabay subo ng tinapay at lagok ng coke na bumaling ng tingin sa'kin si Jingjing. "Tigilan mo na yan Bhe! Mahu hurt ka lang.." "May point si Jingjing.. Isipin mo'to ha! May gerpren na sya at tingin ko mahal na mahal nya.. Oh eh san ka naman sisingit dun sa dalawa? Alangan namang sa gitna ka? abah nahihibang kana talaga kung magpapatuloy kapa!" Heto na naman po ang mga kontrabida sa'king storya. Hindi ko tuloy malaman kung kakampi ko ba sila o kalaban eh! Mga bff ko pa naman sila, pero sala sa init sala sa lamig ang bawat pag eksena nila. "Hay naku! Loaded na naman 'tong tenga ko sa inyo!" "Para bang nakikinig ka samin eh hindi naman!" "Oo nga! Bulag pipi at bingi ka kaya pagdating samin ni Charity." Inabot kong sprite saka sunod sunod itong nilagok, nauhaw akong bigla sa tinatakbo ng usapan naming tatlo. "Uy!! Tama ng chismisan nyu dyan! Makisali naman kayo sa kasiyahan namin dito!!" Muntik pa'kong masamid ng marinig kong boses ni Weng. Sabay sabay pa kaming napabaling ng tingin dito. Para akong nabunutan ng tinik sa leeg ng masilayan kong masaya nyang ngiti, nagniningning ang mga mata nito sa labis na kasiyahan. Yan ang aura nyang gustong gusto kong nakikita sa kanya. Napapabuntong hininga na lang akong ibinaling sa paligid ang aking tingin. Kegaan gaan lang sa pakiramdam kapag ganitong masaya ang paligid. Maaliwalas na kapaligiran, mapayapang karagatan at magugulong mga kaibigan ang nakakalat kung saan saan. Hay... Sana palaging ganito hmm..! Ito ang mga memories na aking babalik balikan, kahit na ilang dekada man ang dumaan.. Mga alaalang hindi lang nasa aking isipan kundi higit na nakatatak na saking puso magpakailanman. ✞✞✞ May mga oras sa buhay natin na maghihintay tayo sa text na hindi naman natin alam kung dadating o hindi. Minsan tingin tayo ng tingin sa cellphone natin kahit wala namang nagtetext. Minsan umaasa tayong pag may nagtext, siya agad. Anu-ano bang pumapasok sa isip natin kapag hindi tayo nirereplyan? May katext siyang iba... May katext na iba na mas mahalaga kesa sa’yo. Iisipin natin agad, wala ba kong kwenta katext? Bakit hindi niya ko nirereplyan. Pero minsan, busy lang talaga siya sa pag-aaral o sa iba pang bagay na mahalaga. Ayaw ka niyang kausap... Minsan maiisip natin na ayaw ka niyang kausap. Di dahil may nagawa kang mali, pero ayaw niya lang talagang kausapin ka. Iniiwasan ka niya, at bigla ka nalang iiwan sa ere... Kadalasan kasi sa panahon ngayon, nabubuhay ang relasyon sa chat at text. At maninibago ka kapag hindi ka nireplyan. Bigla ka nalang mapapaisip, ano bang nagawa ko? Iiwan niya na ba ko? Pero minsan rin naman, ikaw lang rin yung iniintay niya magtext. Naghihintayan kayo sa text ng isa’t-isa. Kung ako sa’yo, wag mo taasan ang pride mo. Ikaw na ang gumawa ng paraan para magkausap kayo. Dahil kung maghihintayan lang kayo, walang mangyayari, wala. Ang text sa panahon ngayon ay parang nagiging isang requirement na. Ito na kasi ang ginagamit bilang communication, at kung anu-ano pa. Meron ding mga taong mas naeexpress ang nararamdaman sa text. Wag kang palaging maghintay, KILOS KILOS DIN PAG MAY TIME. ✞✞✞ Insert natin ang kanta ni Sheryl Cruz na... Memories♪♪ --- Ala lang... parang bagay kay Christine ang song na memories kaya nilapat ko.. ? ♪♪ Eskwela, barkada, sa lakad sama-sama Lambingan, tawanan, tuksuhan at kurutan Kapag naro’n ka, lalong masaya Hinding-hindi ko na malilimot pa ♪♪ Ambagan, librehan, sa disco o meryenda Bulungan, ngitian, may halo pang tampuhan May ligaw-tingin, bating malambing Malinaw pa sa aking alaala ♪♪ Memories puno ng saya, kasama kita Makulay at kay ganda Memories nating dalawa ay mahalaga Yaman kita sa aking memories ♪♪ Kwentuhan, tsismisan, maghapong telebabad May theme song sa radyo, ganda’y walang katulad Magbuhat noon hanggang sa ngayon Parang nagbabalik ang kahapon ♪♪ Memories puno ng saya, kasama kita Makulay at kay ganda Memories nating dalawa ay mahalaga Yaman kita sa aking memories ♪♪ Magbuhat noon hanggang sa ngayon Parang nagbabalik ang kahapon ♪♪ Memories puno ng saya, kasama kita Makulay at kay ganda Memories nating dalawa ay mahalaga Yaman kita sa aking memories ♪♪ Memories nating dalawa ay mahalaga Yaman kita sa aking memories.♪♪ ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD