CHIKA MINUTE

1654 Words
"The words I cannot say." Mabilis kong tinakpan ang sulat na katatapos ko lang basahin ng marinig ang boses ni Jingjing na nasa aking likuran, kasama nito si Charity, isapa naming friend. "Oy! girl may secret admirer ka?" "Talaga! kilala mo ba Jing?" Sabik na tanong ni Charity. Nagchichismisan na naman sila na para bang hindi nila ako kasama. "Hindi!" "Eh ba't mo nasabing may secret admirer sya? Bakit kilala mo na ba?" "Hindi! Kaya nga secret diba? Kasi, diko pa sya kilala?" Saka ito sumiksik sa'kin at pilit tinatanggal ang kamay kong nakatakip sa papel. "These are the words I cannot say, But they come from the heart. Despite all the arguments, I've liked you from the start." Napapikit na lang ako ng mabasa na nito ang unang stanza ng sinusulat kong liham para sa crush ko. "Bah! swabeng swabe ang banat ah! At english pa!" Napapalatak naman si Charity. "I like the way your mind works, The way you're so unique. And when I am at my darkest hour, I long to hear you speak." Sabay pa talaga silang nagbasa ng tuluyang maalis ang kamay kong nakatakip sa papel. "Gusto ko ang paraan ng paglalakad mo, The way you slightly smile. At kapag lumalapit ka sa akin, You cause my heart to go wild. Gusto ko ang mga paraan na naiiba ka, I like those mysterious eyes. Actually gusto ko lahat, Even what's inside." Nakisiksik na rin si Crarity, at ako na napagitnaan nung dalawa ay hirap ng huminga. "Anuba!! Iusod nyu nga yang mga dibdib nyu, ang sikip eh! Wala na nga akong ganyan, pinangangalandakan nyo pa talaga sakin!" Sabay tulak ko sa dalawa. Na kaagad ko namang pinagsisihan ng makita kong hawak na nila ang papel na magdudulot ng sobrang kahihiyan sa'kin. Iwinagayway pa ng mga bruhilda sa'king harapan ang sulat. "I long for you to hold me, To feel your lips on mine. I know it isn't work yet, We need a little more time. Ngunit ito ang lahat ng mga bagay, I guess hindi ko pa masasabi. Like how I somehow manage, Para isipin ka buong araw. Oo natatakot akong masaktan mo ako, Just break me and leave. Ayokong mag-alala, I don't want to be deceived." Kaylapad ng mga ngiti nila habang nagbabasa, kabaliktaran naman ng saya nila ang aking nararamdaman ng mga oras na yun. "How all this can work, I'll guess we'll never know. But don't turn your back on me yet, I'm not quite ready for you to go. I'm sorry for writing this, Pero ito lang ang kaya kong gawin. Ito ang tanging paraan para sa akin. To say I love you. Sapagkat ito ang mga salita, Hindi ko lang masabi. But things will be different, One day..." Sabay pa silang napatingin sa'kin matapos nilang basahin ang sulat. "Alam ko na kung kanino yang sulat, pero hindi na'ko magtatanong pa! Kasi, naiintindihan kita! Friends tayo eh! Through thick and thin we stick together, diba Charity?" Sabi ni Jingjing, bago inabot ang sulat pabalik sa'kin. "Oo naman! Tayo paba? Sanggang dikit nga tayong tatlo eh!" Mula sa'kin bumaling ang tingin ni Charity kay Jingjing. "At dahil close tayo! May tanong ako sa'yo. Hmm.. nag date ka kahapon nuh?" "Hindi ah!" "Nakita ka namin sa plaza, kasama mo si Ronald." Naging balisa bigla si Jingjing. "Ah! yun ba? Nagkasalubong lang kami, inaya nya kong mag meryenda, yun lang naman, hindi kami nag date." "Date yun! ang harot harot mo!" Natatawa na lang ako ng kurut kurutin ni Charity ang naiinis ng si Jingjing. Pati tuloy ako nakitukso na rin. "Ohooy... nag kiss kayo nuh? Halatang guilty ka eh!" "Hindi nga! Tumigil ka dyan! Para kang kiti kiti!" "Oh! Sa harot mong yan, hindi pa? "Sshh..." Nagpalinga linga muna sa paligid si Jingjing bago sumagot samin. "Smack smack lang!" "Hahhaha.. ambilis umamin!" "Kulit nyu eh! Teka, Chika minute muna tayo!" Inilapit nitong cellphone sa'kin na ipinagtaka ko. "Tingnan mo to!" "Ilayo mo, far sighted ako!" Tinulak kong palayo sa mukha ko ang hawak nyang cellphone. "Sino 'yan?" Tanong ni Charity kay Jingjing ng makita ang babaeng kaakbay ni Weng sa picture. "Girlfriend ni Weng." Ako ng sumagot dito. "Ha! Talaga? Ay wow! in fairness may hitsura ha! Ba't alam mo na jowa nya yan?" "Limot mo? kabarkada nyang kapatid ko? Narinig ko pa nga silang pinag uusapan yang si Shine eh!" "Oo nga pala! Nawala sa isip ko. Sensya kana!" Bumaling ng tingin sa'kin si Charity. "Anu! okay ka lang?" "Oo naman! Bakit hindi ako magiging okay?" "Wag ng mag pretend!! Friends mo kami kaya kilalang kilala kana namin." Naiiling na tinapik tapik naman ako ni Jingjing sa balikat. "Ayos lang yan.. marami pang iba dyan!" "A picture paints a thousand words." Pinatay ni Charity ang cellphone saka ibinalik kay Jingjing. "Tara uwi na tayo!" "Stay in your zone... " "Friend zone." Sagot ko kay Jingjing na nagmamadaling humabol kay Charity. At ngayong nag iisa na naman ako dito sa tindahan ni Ma'am,. Nagtatalo na naman ang aking puso at isipan. ISIP: s**t. hindi ko na sya dapat mahal. magpapakabusy ako. gagawin ko lahat ng pwede basta wag lang matengga para di magkaron ng chance na maisip ko pa sya. mag-liliwaliw ako, aalis ako kasama friends ko, gagawin ko lahat ng magpapasaya sakin. mag-aaral ako mabuti. hindi ko na sya itetext, hindi ko na sya kakausapin. hindi na ko makikipagkita sa kanya. hindi na. hindi ko na sya mahal, hindi na. PUSO: Mahal na mahal ko sya. kahit magpakabusy ako, sya parin yung nasa gilid ng utak ko, kapag kumukurap ako, parang nakikita ko yung moments na masaya kaming dalawa, yung panahon na masaya sya sakin. ginagawa ko naman lahat ng kaya ko para di ko sya maisip, nagliwaliw ako, umalis ako ksama friends ko, . gusto ko mang gawin yung mga bagay na magpapasaya sakin pero mas okay ata kung kasama ko sya, mas magiging masaya ako dun. pinipilit kong wag syang itext pero s**t, natetext ko parin sya, kunyare GM pero sa kanya lang talaga. hindi ko na sya kakausapin pero tangna gumagawa ako ng alibi na kunyare may itatanong para lang maring ko ulit yung boses nya. pinilit kong hindi makipagkita sa kanya, pero once na napupuntahan ko yung mga lugar na pinuntahan namin, parang buhay na buhay parin lahat ng ala-ala. Mahal ko talaga sya! Sa pagtatalo ng kanyang puso't isipan, lalo pang bumibigat ang kanyang nararamdaman. Inabot ang cellphone kong nananahimik sa isang tabi, binuksan ang sss at 'Boom!' Nakabalandra sa wall ko ang picture nila Weng at Shine. Talagang isinama pa nya ako sa tag ng mga taong binabalitaan nya. May kirot akong naramdaman sa'king dibdib habang pinagmamasdan ko ang larawan nung dalawa. Particular na si Weng na kay aliwalas ng hitsura. Halatang kasiyahan at kaligayahan sa kanyang mukha. Nag go glow ang kanyang aura. Akala ko masaya ako Akala ko masarap magmahal. Akala ko kaibigan kita. Akala ko di mo ko ipagpapalit Akala ko di mo ko iiwan Akala ko mahal mo din ako. Akala ko... Akala ko lang pala lahat ng iyon... Nag umpisang mamasa ang aking mga mata, maya maya dumaloy na sa'king pisngi ang mga luhang pilit ko mang pigilan ay umalpas pa rin. Shet! Ang sakit! ang sakit sakit. Lahat naman ginawa ko diba? Di ko naman sinasadya eh. Naging mabuti akong kaibigan sayo. Diko sinadyang mahalin ka. Siguro dahil ikaw lang ang lagi nandyan para sakin. Pero bakit sa tuwing nakikita kong masaya ka sa piling ng iba, nasasaktan ako. Oo, Nasasaktan ako. Nasasaktan ako kasi mahal kita. Shet!. Mahal kita, Mahal kita na kaibigan ko. Pero bakit ikaw pa? Oh di ba , ang laki kong TANGA. Bakit ba ako umaasa, na mamahalin mo din ako. eh kaibigan lang ang tingin mo sakin. Pero ang hirap, ang hirap tanggapin na hanggang dun lang. Na hindi mo ako kayang mahalin. Sa simpleng sorry at ngiti mo lang, napapatawad na kita. Pero bakit ganun? Sana ako na lang. Ako na lang sana ang mahalin mo. Sana ako na lang ang mahal mo. para di na ako nasasaktan ng ganito. Para di na ako umaasang mamahalin mo din ako. Kasi lahat pala ng yon. Lahat ng ginagawa mo sakin, bilang kaibigan mo lang. Akala ko dahil mahal mo na din ako. Yun pala... AKALA KO LANG. 'Balang araw maiintindihan ko rin kung bakit minahal kita ng sobra at sa huli mararamdaman ko ang sakit ng katotohanan na minahal kita, pero hindi tayong dalawa at hanggang ngayon ikaw pa rin. Ikaw pa rin talaga.' ✞✞✞ "We fall in love with people we can't have" Madalas tayo nahuhulog sa bawal na tao para satin. Sabi nga nila "mas masaya pag bawal" pero diba? Mas nahuhulog tayo sa mga may gusto ng iba, may laman ng iba yung puso, may limitasyon, may kasunduan na, mahirap pang mahalin kasi mahal pa yung dati, At kung ano ano pa. kaso kung tutuusin walang bawal makuha kung bibigyang pansin at atensyon mo ito. Kayang kaya mo sila makuha lalo na kung gumanap ka ng isang kinakailangan nila sa mga panahong iyon. Ang talaga naman dapat sabihin eh "madalas tayo nagkakagusto sa isang tao sa maling panahon" sadyang sa mga oras na yun hindi lang kayo pwede. Sadyang sa mga oras na yung may nagbibigay saya na sa kanyang iba na hindi niya na kailangan ng isa pa. sadyang sa mga oras na yun kaibigan ka lang talaga. Sadyang sa mga oras na yun may minamahal na siya't masasaktan lang siya kung pinansin ka pa niya. Sadyang sa mga oras na yun hindi talaga siya para sayo. Baka nga pwede kayo pero hindi ngayon. Pwede din namang talagang hindi lang kayo para sa isa't isa. Walang masama sa pagsubok ng pagmamahal. Kaso gawin mong seryoso yung pagsubok na yun. Magiisip ka dapat pero maging mabait at magaling kang manunubok. At lalong lalo na marunong ka dapat tumanggap at umunawa. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD