Buhay buhay Natin

1535 Words
ED LUIE'S POV: Mula public school nalipat akong private school, labag man sa loob kong lumipat ng skwelahan wala akong nagawa ng mag pasya ang buo kong pamilya na sa Santa Isabel na ako magpatuloy ng highschool. Sabagay ilang beses na ba akong bumagsak at pabalik balik ng senior high dahil napapabayaan ko ng pag aaral dahil sa barkada. Uys! hindi ko naman sinasabing bad influence sila sa'kin ha! Talaga lang mas madalas akong lumiliban sa klase dahil sa mga lakad namin. Hindi naman kami gumagawa ng masama, mas masarap lang kasing gumala at tumambay kung saan saan, kwentuhan, asaran at yabangan lang naman ang ginagawa namin. Mas masaya kesa sa makinig kay teacher sa loob ng classroom, kakaantok lang kasi, ganun! Kaya mas nawiwili ako kapag nasa labas, Mangtitrip sa mga dumadaang chikababes, magpupustahan at mag aasaran kaming magkakaibigan. Ganyan lang umiikot ang buhay ko araw araw pag nasa labas na'ko ng aming tahanan. Isang tricycle driver ang aking mapagbigay na Tatay Onyok, mahal na mahal ko'to kasi kahit anong hilingin ko binibigay nya, yun nga lang may kasamang sermon muna bago nya ako mapapasaya hahah... Isang ofw naman sa Hongkong ang aking mapagmahal na Nanay Didi, kahit na milya milya ang layo nya sa'min hindi ko man lang naramdaman ang pangungulila sa kanya, dahil sa internet palagi namin syang nakakausap at nakikita, parang kasama ko na rin sya sa dalas ng aming pag uusap sa messenger. Tatlo kaming magkakapatid na lalaki at ako ang bunso, isang manager sa Dizzy Vibe bar ang panganay kong Kuya Edmon at isang Supervisor sa District 21 hotel naman ang Kuya Edzel. Ako na lang ang nag aaral at heto nga di maka graduate ng high school dahil sa dami ng bagsak kong subjects. Kaya di na lang ako kumontra at nagreklamo ng ilipat nila ako ng ibang school at private pa. Mahal ang tuition kaya dapat na akong magtino sa'king pag aaral. Dahil sa bagong skwelahan, bagong classmates at bagong kapaligiran, malaking pag aadjust ang aking ginawa makasabay lang sa lahat ng aking nakakasalamuha. Naging abala na'ko at dumalang ng pagkikita namin ng kasintahan kong si Shine. Dina rin nakaka bonding ang aking mga kabarkada sa dati kong pinapasukang skwelahan. Nakakabawas lang ng pressure na aking nararamdaman ang mga kaibigan kong sapa boys. Sila naman ang mga katropa kong kapitbahay. "Pre, sama kaba bukas sa'min?" "Saan?" Curious kong tanong kila Bimbo pagkababa kong tricycle ni Tatay. "Guimaras tayo bukas Weng, ano sasama kaba samin?" Nilingon ko muna si Tatay na abalang kinukuha ang pinamili nito sa loob ng tricycle bago bumaling kay Aldrin at nakangising sumagot ng... "Sige, sige, sama ako! Anong oras ba tayo aalis?" "Sabado naman bukas, ala kang pasok kaya maaga tayo lalarga." "Gisingin mo na lang ako Ronel ha!" "Yot! Ako pang gigising sa'yo? Si Lawlaw na lang, di kaya si Aldrin mas malapit bahay nila sa inyo eh!" "Magpa alarm kana lang Weng.." Ani RR. "Naku! Di tatalab ang alarm clock dyan kay Luie! Hahaha." "Tumpak ka dyan sa sinabi mo Aldrin, hirap kayang gisingin nyan. Mamamaos ka lang kakatawag di magigising yan!" "Eh di kalampagin nyung bintana nya, tutal maaga naman naalis Tatay nyan kaya walang problema." Suhestyon naman ni Bimbo. "Panu kapag nasa bahay nila ang Kuya Edmon nya? Eh di nasinghalan pa'ko ng maagang maaga, Ayoko!" Sabi naman ni Lawlaw. Natatawa na lang ako sa usapan nila, tila ba ke laki laki ng mga problema nila pagdating sa'kin. Nagtuturuan pa talaga silang anim. Hanggang may isang bumigay at sumuko na lang.. "Tama na ngang pagtatalo nyu dyan! Ingay ingay nyu, ako na lang ang manggigising kay Luie!" "Ayun! Si Barbie na daw! Oh ayos ng usapan ha! Kita kits na lang tayo bukas. Uwi nako't magpapakain pa'ko ng mga alaga kong hayop." "Hoy Ronel! Mag ihaw ka ng manok para may pulutan tayo!" Pahabol kong sigaw kay Ronel na napapailing na lang. Kawawa naman mababawasan ang mga alaga nitong manok bukas, sigurado yan haha. Sa dinami dami ng mga kaibigan ko, itong mga taga SAPA boys ang pinaka gusto ko, hindi dahil sa magkakapit bahay lang kami kundi subok na subok ng aming samahan, mapahirap man o ginhawa, lungkot at saya, mga kalokohan at katarantaduhan kakutsaba ko sila, hindi lang yun, tagapagtakip at tagapagtanggol ko pa sila kapag nasesermunan at nahuhuli ako ng Tatay sa mga kamalian at kagaguhan kong mga ginagawa. Pachamba chamba lang talaga kapag nakalusot eh di tuloy ang hapi happy naming magkaka barkada, pero kapag nadale kay Tatay o di kaya kay Kuya Edmon, tapos ang maliligayang araw ko. "Sige, uwi na rin ako gagawa pa'kong assignment eh!" "Bah! Good boy kana ngayon Weng ah! Nasa tamang landas kana ba? Wala na bang palikong daan?" "Ano tingin mo sa'kin Bimbo, walang ambisyon?" "Wala! Hahaha.." Mabilis nyang sagot sa'kin na may pang aasar. "Gago! Pangarap kong mag bombero, di gaya mong kuntento ng maging alalay ng Tatay mong karpentero." Natameme bigla si Bimbo, kala nya ha! di ako magka counter attack sa patutsada nya sa'kin? Paminsan minsan kelangan ding pumalag kapag below the belt ng ibinabato sa'yo. Para dika kayan kayanin ng ibang tao, lalong lalo na kung itinuturing mong kaibigan ang nangda down sa'yo. "Yun oh! Buti pa si Weng mataas ang pangarap di gaya ng iba dyan, hanggang taas ng bubong na lang ang kayang akyatin hahaha.." "Hoy! RR, tigil tigilan mo ako ha baka tamaan ka sa'kin!" "Uyy... wag kang pikon, nag bibiruan lang tayo dito" Awat ko kay Bimbo, sabay tapik sa balikat ni RR. Kapag ganitong may pumapalag, alam na ng bawat isa ang dapat na gawin. "Sya, bukas na tayo magkita kita uwi na ako." Nauna pang umalis sa'kin si RR, napasunod na lang ang tingin ko sa humaharorot nyang motor. "Una na rin ako sa inyo, sunduin ko pa si Yamyam eh! Kita kits na lang bukas." Ng makaalis si Barbie, tumayo na rin mula sa pagkakaupo sila Lawlaw at Aldrin. Nakita kong pasimpleng nag senyasan ang dalawa ng malingat ng tingin si Christine na syang pinagkakatiwalaan ni Ma'am na magbantay sa tindahan nito. Eh, ang kaso, malakas yatang pakiramdam ni Pango at talagang kabisado na nitong mga da moves namin. Kaya ayun huling huli sa akto ang dalawa. "Hoy! Bayad nyu?" "La'kong dalang pera eh!" Kakamot kamot pa ng ulo nya si Aldrin na ikinangiti ko. "Aysus! Magpapalusot kana naman dyan!" Bumaling ito kay Lawlaw. "Ikaw ng magbayad sa kinain nyu, tutal may trabaho ka naman kaya sure akong me pera ka dyan!" "Nakow!" Sabay kamot nito sa tenga at buga ng hangin. "Lapang sahod ko Bhe, sa akense pa! Lista mo na lang muna ha!" "Di pwede! Hindi nagpapautang si Ma'am!" Tulis ang ngusong sagot ni Pango, lam kong inis na ito sa dalawa. "Magkano bang kinuha nila?" Di'ko natiis na itanong sa kanya. "Bakit babayaran mo ba?" Taas kilay nyang asik sa'kin. "Hindi! Nagtatanong lang!" Pigil ang tawang sagot ko. "Hay naku! Magsilayas na nga kayo dito!" At ayun tuluyan ng na embyernang Pango samin hahhaha... "Alis!!! Chupii!!" "Oh alis na daw tayo mga Pre, si Christine ng magbabayad ng mga kinuha nyu." Sabay akbay ko sa dalawang kaylapad ng pagkakangiti. "Hoy! Anong akong magbabayad? Anukayo siniswerte? Ililista ko yun at babayaran nyu sa'kin!!" Nakasimangot pa nitong sabi. "Sige Bhe, wait mo na lang ang bayad namin." "Kelan?" Tila na excite si Pango pagkarinig sa sinabi ni Aldrin, na makahulugang tumingin samin ni Lawlaw. "Next year pag nagka trabaho na'ko! Hahaha.." "Pesti!!" Sabay sabay kaming nagtakbuhan palayo ng tindahan pagkakitang pagdampot ni Christine sa isang garapon na puno ng candy. "Mga lokoloko!! magsibalik kayo ditooo...!!" Lalong binilisan pa naming pagtakbo ng marinig ang pahabol na sigaw nito samin. "Haahh... haahh... Bad trip na naman si Bhebe sa'tin mga Pre, hahaha.." Hinihingal na sabi ni Lawlaw pagkahinto namin sa tapat ng bahay nila. "Saya nga eh!! Saka ngayon lang yan,, maya okay na ulit yun." Sagot ko sabay punas ng pawis sa'king nuo at leeg. "Bah!! Alam na alam mo Weng ah! Close kayo?" Pinagpag ni Aldrin ang suot nitong t-shirt na basa ng pawis. "Oo naman! Mag Bespren kaming dalawa.." Nakangisi kong sagot. "Uy!! Lume level up ang friendship." "Ganun talaga! Dapat umaasenso ang buhay buhay natin." Nauwi sa ngiti ang pagkaka ngisi ko. "Sabagay may punto ka naman dyan." Sabay tapik ni Aldrin samin ni Lawlaw. "Uwi na'ko mga Pre, kita na lang tayo bukas." "Sige!" Magkasabay naming sagot dito. Bago napatango sa isa' t isa, saka naghiwalay na. Masaya akong umuwi ng bahay namin. 'Ahh... Ang sarap maging malaya, nagiging magaan ang buhay kapag ganitong may mga taong nagpapasaya sa'yo ng tunay.' At bago ko tuluyang buksan ang pintuan ng bahay namin, isang lingon pa sa mga kaibigan kong nagsi uwian na rin. 'Alam kong every HAPPINESS may kapalit na PAIN pero hindi ako natatakot, hindi naman mawawala yon e. Nakaready na sarili ko.' ✞✞✞ Its okay if you mess up a few times. Its okay if it takes you a little while to get something right. Its okay if you don’t understand immediately. Things take time, and how long varies from person to person. You’re not a failure just because you’re learning, trying to figure stuff out; everyone starts somewhere. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD