Aldos

1680 Words
"Hey" Bati ni Christine sa'kin. "Oh, anong meron?" Ngumisi sabay pagpag sa suot kong damit. "Nakuha mo ba yung pinadala ko sa'yo kahapon?" Tanong niya na may pag-aalala. "Oo." Sumagot ako. "So? Nagustuhan ba nya?" Medyo na distract ako saglit ng mapasulyap sa nakangiti nyang mukha. "Ha! Teka, ano nga ulit?" Ngumiti ako saka tumawa. Bumuntong hininga siya saka umupo sa isang bench. "Mahal kita." Bulong nito. Medyo malabong nasagap ng aking tenga. Kasi umupo ako sa kabilang side ng bench na inuupuan nya. "Ano? Hindi ko narinig." Tanong ko habang nakatingin sa kanya. "I said I like you" She pouted tapos tumayo at tumalikod sa'kin na parang hiyang hiya sa pabiglang nasabi nito. 'Parang tanga' Umiwas ako ng tingin. "Malalampasan mo rin yan." Sagot ko sabay indayog ng mga paa. "Hindi. Higit pa riyan." Ipinagpatuloy niya. "Crush lang yan." Tumingin ako sa kanya saka ngumiti. "Sana ganoon lang kadali." Sagot nito saka bumalik sa pagkakaupo sa bench. Isinandal nitong ulo sa bench saka dahan-dahang pumikit. Tumingin ako sa kanya saka bumaba sa pagkakaupo. Lumapit at tiningnan ko ang mga mata nitong nakapikit, tinusok ang kanyang ilong, ng makita kong dumilat ang kanyang mga mata, kinurot kong kanyang pisngi pagkatapos ay ngumiti. 'Mahal din kita, ang tanga mo.' Bulong ko saking sarili. Umupo ako sa kanyang tabi ng umayos sya sa kanyang pagkakaupo sa bench. Naka-spacing out lang siya habang nakatitig sa papalubog na araw.. Halos magkadikit ang mga daliri namin sa bench sa ibaba ng aming mga balikat. Ito ang una. Ito ang unang pagkakataon pagkatapos ng maraming araw na naging ganito kami kalapit. Karaniwang hindi kami nagkakasundo. Nagtatalo kami sa mga maliliit na bagay at sumisigaw sa isa't isa na parang mortal na magkaaway. Pero ngayon iba na. Siya ay kalmado at tahimik. Naririnig ko pa nga ang paghinga niya and as odd as it sounds, it calms me too. Napatingin ako sa malayo kung saan siya nakatingin. "Hoy!" Bumulong ako. "Oh?" sumagot siya. "Hindi ba ito maganda?" Nagpatuloy ako. "Ang view?" tanong niya. "Hindi! ikaw." 'BOOM!! AWKWARD!!' Napabuntong-hininga ako habang nagpapakawala ng isang magaan na ngiti. At doon ko napagtanto na hindi ko namamalayan, binigkas ko ang mga salitang ayaw paniwalaan ng isip ko. Una nyang binasag ang pagka awkward na nakapagitan sa'ming dalawa. "Wag ka ngang pa cute dyan at hindi ka cute!" Pasupladang sabi nya sa'kin. "Talagang hindi ako cute, kasi pogi ako at matcho pa!" "Aysus! Ayan na naman ang kahanginan at kahambogan ng iba dyan!! lumulabas na naman." Paismid nyang sabi. "Bakit ka apektado?" "Hoy, hindi ah!" "Hindi daw, palusot kapa eh! Alam kona naman ang lihim mong pagtingin sa'kin." Nangingiti kong sabi sa namumula ng mukha ni Christine. "Hay naku! Ewan ko sa'yo! Dyan kana nga!" "Hahahha... Ang pikon ay laging talo." "Cheehh!! Kainis ka!!" Yun oh! Nag walk out na naman si Pango. Iniwan na naman akong mag isa dito. Ng biglang may maalala ako... "Naku! Si Aldos nga pala!" Kumaripas ako ng takbo pauwi samin ng maisip kong dipa nakakakain ang pet kong Pusa. "Pinakain ko na si Aldos, ngawa ng ngawa eh kawawa naman gutom na gutom.. San kaba galing?" Bungad na tanong ni Tatay pagkapasok ko pa lang ng bahay namin. "Dyan lang sa labasan." Umuklo ako't binuhat ang alaga kong pusa. "Meow.." "Busog kana ba Aldos? Hmm..." Hinaplos kong malago nitong balahibo. "Meow.." Napangiti na lang ako ng dila dilaan nitong aking kamay. "Gusto mo pasyal tayo? Punta tayo kay Pango, magpasalamat tayo sa binigay nyang treats para sayo kahapon." "Meow..meow.." Kumawag kawag ang buntot ni Aldos, isa lang ang ibig sabihin nun, gusto nitong lumabas ng bahay. Paminsan minsan ko lang syang pinapasyal marami kasing aso ang mga kapitbahay namin kaya in danger ang buhay nito kapag nakalabas ng bahay na mag isa. "Uyy... Excited ka ng lumabas ha! Sige na nga, ipapasyal na muna kita." Akma ko ng bubuksan ang pinto ng marinig kong boses ni Tatay na pababa ng hagdan galing second floor ng bahay namin. "Oh san ang punta mo? Dika pa nga naghahapunan gagala kana naman." "Kila Christine lang po Tay, ipapasyal ko lang si Aldos, uwi din kami kaagad.." May pagdududang tinitigan ako ni Tatay na ikinailang ko naman, minsan lang kasi nya ginagawa ito. Yun ay kung may nais itong malaman mula sa'yo. "Tapatin mo nga ako Luie, nanliligaw kaba sa Christine na yan ha?" Ikinagulat ko talaga ang tanong na yun ni Tatay. "Hindi ho!" Bigla kong sagot sa kanya. "Magkaibigan lang po kami." "Magkaibigan lang kayo? Eh sa obserbasyon ko dyan kay Bhebe malaki ang pagkakagusto nya sa'yo ah! Dimu ba nahahalata?" "Hindi!" Patay malisya kong sagot. Syempre alam na alam ko naman yun, hindi ako manhid para hindi makaramdaman, saka kanina lang eh narinig ko mismo mula sa kanyang bibig ng pabulong nyang sinabi na mahal nya ako, pero syempre deny to death ako kay Tatay kasi paniguradong hindi ako nito tatantanan kakatukso, at lalalala pa kapag nalaman ng buo kong pamilya, mapupunong tenga ko sa kanila sigurado yan. "Ayun! Nagbu bulag bulagan ka kasi, palaging sa malayo ka nakatingin, eh samantalang nasa harapan mo lang naman ang babaeng nakatadhana sa'yo." "Grabe naman yun, naka tadhana talaga Tay?" "Aba'y oo! Mabait na bata yang si Christine, kaya kung sya ang makakatuluyan mo ayos na ayos lang sa'kin. Aprub na aprub!" "Di halatang botong boto kayo sa kanya Tay ah!" "Halata ba anak? Hahaha... Alam mo kasi, itong si pareng Duol ang nagsabi sa'kin tungkol nga dyan kay Christine. At ang sabi pa nya, hindi lang naman daw isa ang nagkakagusto sa'yo marami pang iba, hindi daw kataka taka 'yun kasi, mabait, matulungin at palakaibigan ka, kaya hinahangaan ka daw nila." Tinapik muna nitong dibdib saka malapad na ngumiti sa'kin. "Eh syempre, ako bilang Tatay mo, eh proud sa'yo, Anak." "Proud kayo! saan naman Tay?" "Na napalaki kitang ganyan.." Napakamot ng kanyang ulo saka pasimpleng nagpunas ng kanyang mga mata si Tatay na ipinagtaka ko. Parang alam ko ng kasunod na eksena nito. "Tay...?" "Ganito kasi yun Anak.. alam mo bang sa tuwing nakakarinig ako ng papuri patungkol sa'yo ay nagagalak itong puso ko? Kasi sa mga simpleng sinasabi ng mga nakakakilalal sa'yo malaking impact nito sa'kin. Parang sinasabi nilang napalaki kita ng maayos at mabuting tao kahit na mag isa lang ako, dahil nasa malayong lugar nga ang Nanay mo, kinaya ko at nagampanan ang aking mga tungkulin bilang Tatay mo. Oh diba parang nagka reward na rin ako dahil sa mga mabubuting sinasabi ng ibang tao tungkol sa'yo?" Inakbayan na nya ako't iginiya patungong pintuan namin. Pero bago nya ito buksan may pahabol pa syang sinabi sa'kin. "Basta Luie, palagi mong tatandaan na bago ka gumawa ng kamalian mag isip ka muna ng libong beses para bandang huli ito'y hindi mo pagsisisihan.." "Uy si Tatay, nagse senti na naman.. miss mo si Nanay nuh? Ba't dimu tawagan para hindi ka nagkakaganyan." "Anong nagkakaganyan?" Kunut nuo nyang tanong sa'kin na ikinangisi ko. "Oh Tay! Wag mong ikunot ang 'yung nuo.. napapaghalatang tumatanda na kayong lalo, saka bawas bawasan ang pag iisip dahil yang kulay ng buhok nyo paputi na ng paputi oh!" Saka ko binuksan ang pinto at lumabas. "Babye Tay, alis na po kami ni Aldos." "Ha! Nalentekan na! katitina lang nitong buhok ko nung isang araw ah! Pumuti na kaagad? ang bilis naman..." Dinig ko pang sabi ni Tatay kahit nasa labas na'ko ng bahay namin. "Ang galing natin Aldos nuh! Nakalusot tayo kay Tatay." "Meow..." "Humhumm.. Nakakatuwa ka talagang pusa ka! Nagkaka intindihan tayong dalawa haha." "Meow... Meow..." "Oo na, Kaya lab na lab din kita! Hmm..." Namilog ang mga mata ko ng mamataan ang Kuya Edmon ko. "Uhoyy... Mukhang sinuswerte tayo ngayon Aldos ah! Kita mo ba 'yung bumaba ng taxi ha? Teka nga't makadelehensya." "Meow..." Dali dali kong sinalubong ang Kuya Edmon ko. "Pangga, saan ang punta?" Ang sweet ng Kuya ko nuh? Sadyang Pangga ang tawag nya sa'kin kapag in good mood sya, pero kwidaw! kasi kapag in bad mood sya, LUIE..!! pasigaw pang tono ng boses nyan na parang galit na galit sa'kin at gusto na'kong lamunin sa inis at init ng ulo nito. "Nong, pahinging pera!!" Sabay lahad ng kamay ko sa harapan nya. "Uwing maaga ha! wag umaga!" Kaylapad ng pagkakangiti ko ng inabot nyang isandaan sa'kin. "LUIE..!" Bago pa sya ma high blood, sumagot na kaagad ako. "Oo, bili lang kami ni Aldos ng pang midnight snack namin." "Sige na! mag ingat kayong dalawa." Hinimas pa nitong ulo ni Aldos bago naglakad pauwi ng bahay namin. "Punta na tayo kila Christine para magpasalamat. pero bago yun bili pala muna tayo ng yosi." Pagkabili ng isang stick na sigarilyo, umupo muna ako saglit sa tindahan ni Inday bungal. At habang mabagal na humihithit ng sigarilyo napapaisip na naman ako about Christine. May mga tanong na naglalaro sa'king isipan, kagaya na lang ng..... 'Gusto rin kita? Mutual ang feeling? Mahal din kita?' Hindi ko alam kung paano ito sasagutin. Hindi naman sa hindi ko alam ang sagot. Hindi ko lang alam kung paano O sa anong paraan O kung ano ang mangyayari pagkatapos nito. Hindi ko alam kung paano ko ipapakita ang tunay kong nararamdaman para sa kanya, Kasi... HINDI PWEDE! Dahil magpahanggang ngayon, ramdam ko pang sakit na idinulot ni Shine sa'kin.. Basta't ang natitiyak ko,, ayoko pang ma attached sa kahit na kanino, dahil ayokong makasakit ng damdamin ng ibang tao. Napabuntong hininga na lang ako't tumayo na. Akap ko si Aldos na tinugpa namin ang daan papunta sa bahay nila Christine. "Hay naku! Buhay, it's complicated talaga!' diba Aldos?" At sumagot naman sya. "Meow" ✞✞✞ Siguro kaya sinasabi nila na hindi ka talaga totoong nagmahal kung hindi mo naranasang masaktan kasi kung naranasan mo ng masaktan, ibig sabihin naranasan mo na ring magsakripisyo, magparaya, magbaba ng pride at gawin ang lahat para sa taong mahal mo. Ang pagmamahal ay hindi lang puro kaligayahan, kasi ang pagmamahal mas lalo mo siyang napapatunayan sa oras ng hirap at sakit. Kasi diyan mo mapapatunayan kung sino yung mga taong hindi ka iiwan at susukuan. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD