Pangako

1142 Words
Napangiti ako ng masulyapan ang tindang prutas na aming nadaanan ni Christine, niyaya ko syang sumaglit sa prutasan at baka me mura, magkasya ang isandaan kong pera sa'king bulsa. "Sa susunod kong buhay gusto kong maging isang prutas." Wala sa sariling nasambit ko. "Anong prutas?" Tanong nya sa'kin sabay tingin sa paligid. "Isang peras? haha" "Hindi! Bakit peras?" Kunut nuo ko syang sinulyapan. "Dahil mukha kang peras!! hahaha..: kaya mapapa-pear-ed ka pa rin sa akin syempre." "Fair enough! pero hindi, gusto kong maging orange." "Orange?" Taka nyang tanong sa'kin. "Oo, para ma-orange ko ang kasal natin sa lalong madaling panahon." "H- Ha!!" Kitang kita ko ang pamumula ng pisngi ni Pango, nagba blushed talaga sya dahil lang sa sinabi kong yun. Teka nga't mabawi. "Joke lang! Hahaha." Sabi ko sabay pitik sa kanyang nuo. "Aray!! " Himas ang nasaktan nyang nuo, mas lalo pang namula ang pisngi nito, nakakaaliw pa sana syang pagmasdan kung hindi lang sumingit si manong vendor. "Ilang peras at orange ang bibilhin nyo?" "Tig isa lang po, Manong." Hinugot kong isangdaang pera sa'king bulsa at iniabot kay Manong vendor. "Keep the change na lang po Manong. Salamat" Matapos magpasalamat dito, binigay ko kay Christine ang isang piraso ng Peras. "Uy! Tara na! Upo muna tayo sa plaza, maaga pa naman maya na tayo uwi." "Cge!" Tipid nyang sagot at tila nahihiyang tumingin sa'kin. Habang magkatabi kaming nakaupo, pamasid masid sa paligid at nilalantakan ang biniling prutas may bigla akong naisip na sabihin sa kanya. "Kapag dumating ang araw na mawala ako..." Bigla syang napabaling ng tingin sakin. "Huh!! Anubang sinasabi mo dyan?" "Pangako mo sa akin na hindi ka iiyak" Sagot ko ng di tumitingin sa kanya, "Ayoko nga! Tigilan mo na yan!" Di'ko na binigyang pansin ang gumagaralgal nyang boses. "Mangako ka, Christine!!" Bahagya ko syang nilingon at seryosong tinitigan. "Ayoko nga! Kulet nito!" Napapalabi pa nyang sagot sakin. "Haayy.." Walang imik na tumayo ako sa pagkakaupo sa kanyang tabi at napabuntong hininga na tumingala sa langit. "Hoy Weng! Anuba yung sinasabi mo?" Kinalabit nyang aking braso. "Wala! Kalimutan mo na lang 'yun,, tara uwi na lang tayo!" Nauna na'kong naglakad sa kanya. "Eto naman, tampo kaagad... wag ka namang ganyan! Ayokong nagagalet ka sa'kin eh!" Nahimigan kong lungkot sa kanyang boses. Napahinto ako saglit sa paghakbang ng mapansin kong wala sya saking tabi, saka ako lumingon sa'king likuran, nakita kong nakatayo lang sya dun at blanko ang mukhang nakatingin sa'kin, kunut nuo ko syang pinagmasdan, at nabaghan ako sa'king nakita. basa na ng kanyang mga luha ang magkabilang pisngi nito. "Tsk.. tsk.. napakaiyakin talaga ng Pango na ito." Napabalik tuloy ako sa kanya at tinapik tapik ang basa nyang pisngi. "Hoy! Pango! Gising!!!!" "Hah!!" Napakurap kurap ang kanyang mga mata. "Bakit umiiyak kana naman?" Pinahid kong bakas ng mga luha sa kanyang pisngi. "Ha! Anong...?" Pinalis nyang aking kamay, kunutnuo nyang sinalat ang basang pisngi. "Anu na naman bang iniisip mo't nagtutubig na naman yang mga mata mo, ha?" "Wala! May naalala lang ako." Saka ito nagmamadaling naglakad at basta na lang akong iniwan. Kita mo 'tong babaeng ito, napakahirap espelengin... napakabugnutin pa.. Teka nga muna!!. "Hoy, Pango!! san ka pupunta?" Dali dali akong napasunod sa kanya. "Eh di, uuwi na!" "Maglalakad ka?" Tanong ko ng maabutan ko sya. "Sasakay tayo ng tricycle." "Ikaw na lang... maglalakad na lang ako." Mas binilisan pa nitong paglalakad kaya napilitan akong higitin ang braso nito para mapahinto sya't mapaharap sa'kin. "Anubang nangyayari sa'yo?" May problema ba tayo?" Umiling iling lang sya't umiwas ng tingin sa'kin, magkaganun man di nakaligtas sa mapanuri kong tingin ang namumula nyang mga mata. "Anong...?" Dahan dahan kong iniharap ang kanyang mukha sa'kin. "Bakit ka umiiyak?" May pag aalala kong tanong sa kanya. "Kasi... " Humikbi sabay hingang malalim nya. "Naiisip kong mga sinabi mo kanina..." Naaawang niyakap ko sya't inalo. "Sshh... tahan na! Wag mo ng pakaisipin yun! Hmm.." "Bakit mo ba kasi nasabi yun?" Napangiti na lang ako ng maramdaman ang bahagyang pagyakap nya sa'kin. "Wala lang.. basta nasabi ko lang, kasi malay natin, baka mauna akong mawala sa..." 'PAK' "Aray!!" Diko na natapos ang aking sasabihin. Napabitaw akong bigla kay Pango. "Ambigat talaga ng kamay mo, hooohh.. hapdi ng likod ko." Pilit kong inabot ang parte ng likod kong nilapatan ng kamay nito. "Paulit ulit ka kasi ng sinasabi, wag mo ng banggitin yun ah! Ayoko ng marinig pa yun!" "Bakit ka nananakit? Pwede mo namang sabihin ng maayos di 'yung basta basta kana lang nanghahampas dyan!" Nagulat na lang ako ng haplusin ni Christine ang aking pisngi. "Masakit ba?" Alanganin nyang tanong sa'kin. "Oo, Ay! Hindi! Ahmm.. ang ibig kong sabihin ay ayos lang. Hehe." "Anong klaseng sagot naman yun? Ang g**o g**o mo talagang kausap." Sabay tumalikod ito sa'kin. "Hmp dyan kana nga! Bahala ka sa buhay mo, uwi na'ko!" At yun na nga nag marcha na itong palayo sa'kin. "Hoy Pango! Hintayin mo'ko!!" Nangingiting hinabol ko sya't ng aking maabutan ay kinurot kong kanyang pisngi na ikina simangot naman nya. "Anuba!!" Tulis ang ngusong tinabig nyang aking kamay na pakurot kurot pa rin sa matambok nyang pisngi. "Oh! wag itulis ang bibig at mataas pa sa ilong mo, lalo kang pumapanget Pango, hahaha." "Heh! Mas panget ka sa'kin!" "Sus, panget pala ha! patay na patay ka nga sa'kin eh!" Pigil ang sariling wag mapahalakhak sa nakikita kong expression ng mukha ni Christine. "At sino namang hudas ang nagsabi nyan sa'yo, aber? Anong pangalan nya't babalatan ko sya ng buhay, peste sya!!" "Ahh... Babalatan mo pala ako ng buhay ha!! Ang tanong magagawa mo ba yun sa'kin, hmm?" Ang kani kaninang namumula nyang pisngi ay unti unting nawalan ng kulay, tikom ang kanyang bibig, pumihit patalikod sa'kin si Christine at walang imik na naglakad palayo. "Hoy!! Pango, joke lang yun! Wag kang pikon!!" Deretso lang ang lakad nito, walang lingon, lalong walang sagot sa'kin kaya hinabol ko na naman sya. "Sorry na!! Bilis namang magtampo eh!" Banat ko kaagad pagkasabay ko sa kanyang paglalakad. "Hmp! Di tayo bati!! Bahala kana sa buhay mo! Leche ka!!" "Uyy... may paleche leche na syang nalalamang sabihin ngayon.. Nupa kayang kasunod nun? Una peste, sunod letche, Ahh.. baka takte! Hahaha.." "Bulate! Isa kang malaking bulate!! Nakakainis ka naa..." Nanggigigil nitong sabi sabay takbo. "Hahahha... Bulate na love na love mooo...!!" Pahabol kong sigaw sa kanya.. Napalakas pang lalo ang pagtawa ko ng makitang tinakpan nitong magkabilang tenga habang tumatakbo. 'Haayyy... Christine, nakakatuwa ka talagang asarin. Lalo mong pinapasaya ang buhay ko...' ✞✞✞ Sa panahon ngayon, mabilis na talaga magpalit ng isip ang mga tao. Kaya kung may tao mang nagpapasaya sayo ngayon, maging masaya ka nalang at maging thankful na may nag-eeffort para pangitiin ka. Pero huwag kang maa-attach, huwag kang maging dependent sa presensya nya kasi baka hindi mo na alam kung papaano maging masaya kapag nawala siya. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD