Paalam

1633 Words
CHRISTINE POV: Humahangos akong napalabas ng silid ni Nonoy ng makita kong wala sya sa loob. Malakas ang kabog ng aking dibdib at nadagdagan pa ng makita ko si Mama na nagpa panicked. "Ma, wala dito si Nonoy, baka lumabas at magkasama sila nila Luie." "Dyaskeng bata yan, hating gabi na lumabas pa! Malelentekan talaga sa'kin ang batang 'yan." 'TOOT.. TOOT' Kaagad kong binuksan ang cellphone kong hawak ng tumunog ang message alert tone nito. 'Bhe, nasaksak si Luie.. nandito kami ngayon sa hospi...' 'BLAG' Nabitawan kong bigla ang cellphone ng diko pa natatapos basahin ang message ni Nonoy. "Haahh.. Haahh.." Biglang nanikip ang aking dibdib, Sunod sunod ang paghinga ko ng malalim, pero hirap akong sumagap ng hangin. "Hahh... Maaa..., H- Hindi a-akoo.. m-maka-hingaaa..." Nanginginig ang kamay kong naghagilap ng makakapitan. "Christine!! Anong nangyayari sa'yo?" Kaagad akong dinaluhan ni Mama. Hinimas himas nyang aking likod. "Topher!!!" "O.?.. Jasmine naman... gabing gabi na sumisigaw kapa dyan! Bakit na naman ba?" Napalabas ng kanilang silid si Papa. "Dalhan mo kami dito ng isang basong tubig, dalian mooo..!!" "Ha! Bakit anong nangyari kay Bhebe?" Mabilis ma tinulak ni Mama si Papa ng tangkain nitong hawakan ako. "Kumuha kana muna ng tubiiigg... Bilisan mo naa.." Dali dali namang pumunta ng kusina si Papa, kalampagan ang mga gamit na kanyang nadadaanan dahil sa pagkataranta nito. "H-Haahh... Haahh.. M- Maaa... si L- Luie.. Maaa.." Tumulong mga luha sa'king mga mata ng mag sink in sa utak ko ang nabasa kong text ni Nonoy sa'kin. Samu't saring senaryo ang pumapasok sa isipan ko na nagpadagdag sa takot at pangambang nararamdaman ko sa mga oras na yun. "Wag kana munang magsalita, mamaya mo na sabihin kung anuman yang nais mong ikwento sa'kin, kumalma ka muna Anak!!" Lumingon saglit si Mama sa kusina. "M-Maaa..." "Shh...." Tinakpan nito ng daliri ang aking bibig saka pinahid ng kanyang mga daliri ang aking pisngi na basa ng luha. "Lentek! Nasaan na bang Tatay mo? antagal naman nya sa kusina, anubang ginagawa nito dun? para tubig lang ang kukunin napakatagal bumalik." "M-Maaa..." Isinandal ako ni Mama sa dingding, halatang pag aalala sa mukha nito, pero mas lamang ang pagkainis. "Teka lang Anak ha! Puntahan ko lang ang Tatay mo!" Nakita kong papasok na si Mama sa kusina ng masalubong nito si Papa na pawis na pawis. "Abay Topher!! katagal mo naman! San kapa ba kumuha ng tubig, sa kapitbahay paba natin at hindi ka kaagad nakabalik? Putlang putla ng Anak mo dun, nukaba! Anupabang ginawa mo ha?" "Jasmine..!" Imbis na isang baso ng tubig nakita kong yung cellphone ni Papa ang iniaabot nito kay Mama "Lentek ka! Nagawa mo pang mag cellphone kesa unahin ang Anak mo dun?" Yumuko si Papa. "Basahin mong text ni Nonoy." "Kuuu..!! Kayo talagang mag a Ama mga pasaway!!" Hinablot nitong cellphone ni Papa. "Anuba kasing tenext nya't nagkakaganyan kayo ni Christine?" "Hesusmaryosep!" Napatutop sa kanyang bibig si Mama dahil sa kabiglaanan dumulas sa kamay nitong cellphone na hawak. "Ang cellphone ko!!" Mabuti na lang at nasalo ni Papa, kung hindi matutulad ang cellphone nito sa cellphone kong basag ang screen. "Maaa...." "Ay Naku! Nakalimutan ko!" Dali daling pumasok ng kusina si Mama at ng lumabas may dala na itong isang baso ng tubig. Kaagad nitong pinainom sa'kin. "Okey kana ba Anak?" Bahagya akong tumango. "Ma, si Luie.." "Nasa hospital na naman sya eh! Ginagamot na, kaya makakaligtas yun! Ipagdasal na lang natin, hmm..!" "Puntahan natin sya Ma, sige na Ma!!" Pigil ang mga luhang wag pumatak, sunod sunod ang paglunok ko. "Abay kaya mo na ba?" Kumapit ako sa kamay ni Mama. "Opo, okay na'ko Ma!" Nakita kong saglit na tinginan nila Mama't Papa, may hindi sila sinasabi sa'kin ramdam ko yun sa paraan ng pagtitinginan nila sa isa't isa. Bubuksan na ni Papa ang pinto ng bumungad si Nonoy na kararating lang galing hospital. Nagkagulatan pa sila ni Papa na bahagyang napaatras para makapasok ito. "San punta nyo?" Kaagad na tanong nito samin. "Sa hospital!" Sagot ko. Napayuko sya't napailing iling, maya maya nagpunas ng kanyang mga mata. Sa ikinikilos nito kinabahan na naman ako bigla. Kinutuban na hindi maganda ang ibabalita nito samin. Huminga muna ito ng malalim bago pabulong ang boses ng magsalita. "Wala na si Luie, Bhe..." Humihikbi nyang sabi. ".. wala ng kaibigan natin." Hindi naman ako bingi, pero pakiramdam ko biglang tumahimik ang paligid, nakikita kong pag iyak nila Mama at Papa, ang pag hagolgol ng iyak ni Nonoy, pero wala akong naririnig na ingay.. Hindi ko sila marinig. "Wenggg... huhuhu..." Nanginig ang aking mga tuhod, tila nawalan ng lakas na nanlalambot akong dahan dahang napaupo sa sahig. Hindi ko maipaliwanag ang samo't saring pakiramdam na rumagasa sa'king buong katawan, particular na sa'king dibdib. Ang bigat na parang hindi ko na kayang huminga, nagbabara ang hangin at dugong dumadaloy patungo sa aking puso na nagdadalamhati sa sakit na iniinda ko ngayon. Anuba kasing nangyari? anubang ginawa ni Weng at humantong sa malagim na pagwawakas ang kanyang buhay? Napakabuti naman nyang tao, wala nga akong nabalitaan na may nakaaway ito. Hindi kasi sya ang tipo ng taong pala away at mapagtanim ng galit. Masayahin syang tao, maloko man sya't mapagbiro pero hindi sya nananakit ng kapwa nito, kaya nga marami syang kaibigan dahil magaling at mahusay syang makisama. Maraming humahanga sa pag uugali nya, at Marami ring nagkakagusto sa kanya... at isa na'ko dun, hindi ko itatanggi na lihim akong umiibig sa bestfriend ko! Hindi ko kelangan ikahiya ang tunay kong nararamdaman sa kanya, dahil kasi kay Luie, naging makulay at higit sa lahat naging masaya ang aking buhay. ♪ ♪Would you know my name? If I saw you in heaven Would it be the same? If I saw you in heaven ♪ ♪ 'Lentek! sino bang nagpapatugtog ng kantang yan? Mabigat na ngang aking pakiramdam dinadagdagan pa ng malungkot na kantang yan.' Naramdaman kong pagdaloy ng aking mga luha. Napasinghot ako ng pati sipon ko'y sumabay na rin sa pagtulo. ♪ ♪ I must be strong And carry on 'Cause I know I don't belong Here in heaven ♪ ♪ 'Wenngg... huhuhu... Luiiiee....' Kasabay ng tahimik kong pag iyak sa isang tabi ang patuloy na pagtugtog ng kantang Tears in Heaven na hindi ko alam kung san nanggagaling at kung sino ang nagpapatugtog nito. ♪ ♪ Would you hold my hand? If I saw you in heaven Would you help me stand? If I saw you in heaven ♪ ♪ I'll find my way Through night and day 'Cause I know I just can't stay Here in heaven ♪ ♪ 'Kaninang hapon kasama pa kitang pinapanuod ang paglubog ng araw, masayang nag aasaran at walang humpay na sagutan at bangayan. ' May pait ang aking pagkakangiti ng maalala ang lahat ng pangyayari kani kanina lang. ♪ ♪ Time can bring you down Time can bend your knees Time can break your heart Have you begging please Begging please ♪ ♪ Beyond the door There's peace, I'm sure And I know there'll be no more Tears in heaven. ♪ ♪ 'Hindi ko inakala na bigla mo na lang akong iiwan ng ganun ganun lang... ang daya daya mo naman eh! Matapos kong sabihin sa'yo na mahal kita! Iiwan mo na lang ako basta..!.' Pinahid kong basang pisngi, kinusot ang mga matang puno ng aking mga luha at sunod sunod na suminga sa laylayan ng suot kong t-shirt ng aking maalala ang sinabi ni Luie sa'kin nung makalawa. 'Kapag dumating ang araw na mawala ako.. Pangako mo sa akin na hindi ka iiyak, Mangako ka, Christine!!' Tikom ang bibig na pinilit kong tumayo ng dahan dahan mula sa pagkakasalampak ko sa sahig, deretso akong pumasok sa'king silid. Hinanap kong binigay na damit ni Luie sa'kin at ng makita ko yun sa loob ng aking aparador, kinuha ko't payakap na tinungo ang aking kama. Maingat akong humiga yakap yakap ang naiwang alaala ni Luie sa'kin. "Hindi ako mangangako na hindi ako iiyak Luie... dahil hindi ko kayang pigilan ang aking mga mata kung nais nitong lumuha, kagaya rin ng hindi ko mauutusan ang puso ko na wag masaktan sa tuwing maalala kita! Hindi ko rin makontrol ang aking isip at damdamin na huwag kang alalahanin ng di nya indahin ang labis na pasakit at kalungkutang nadarama sa tuluyan mong paglisan at pagkawala.." Ipinikit kong mahapdi ko ng mga mata. Nais ko na lang matulog, umaasang tangayin ako ng aking diwa na maglalakbay sa daku pa roon at dalhin ako ng aking kamalayan kung saan ka man naroroon... Nais kong kahit saglit lang ay muli kang masilayan bago mo ako tuluyang bitawan.... 'Paalam, Ed Luie... Paalam sa pinaka cute, pinaka gwapo at pinaka macho na kaibigan ko.... ' Napangiti ako ng maalala ang hitsura nito kapag nagyayabang na sa'kin. 'Yan ang palaging sinasabi mo, at may pruweba naman, kaya hindi na'ko kokontra pa!! .. Hanggang sa muli nating pagkikita!!' Bago ako tuluyang mahulog sa madilim na karimlan may boses akong narinig na nagpasikdo sa pintig ng sugatan at nagluluksa kong puso... "Hoy Pango!!" "Luie...." Huling nasambit ng aking bibig bago ako tuluyang iginupo ng pinaghalong pagod at lungkot sa mahimbing na pagkakatulog. ✞✞✞ Sa buhay, hindi natin maitatanggi na may mga bagay na pinapahiram lamang. Akala mo yun na, pero hindi pa pala. Masaya kana sana pero nawala pa. Napapatanong ka sa sarili mo kung bakit may mga ganung nangyayari. Simple lang ang sagot dyan, may mga bagay na dumadaan sa buhay na nagdadala ng aral na pwede nating gamitin sa mga susunod na dadaan o mangyayari sa buhay natin. Nasasaktan tayo para maging mas matapang tayo, nahihirapan tayo para sa susunod makakatiis na tayo at alam na natin kung ano ang tama o dapat na gawin. Konti na lang ang mangyaring pag-iyak, mas maraming pagbangon at patuloy na paglaban. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD