Habang papalapit sa kinauupuan ko si Shine, maraming katanungan ang pumapasok sa'king isipan. At isa na dun ang tanong kung bakit ko ba naging kasintahan ang babaeng pumutol sa isa sa mga kasiyahan at kaligayahan ko sa buhay?
Ang babaeng inakala kong syang makakaintindi sa'kin, dadamay at makakatuwang ko sa buhay. Ang babaeng naging takbuhan kapag namomroblema ako, ang hingahan ko ng sama ng loob ko, ang nagbibigay ng lakas at tapang kapag lugmok na ako, at ang tanging babaeng ipinakilala at ipinagmalaki sa aking pamilya... ay sya rin palang maglalaglag at magpapahamak sa'kin.
"Kanina kapa? Pasensya kana ha! Naglinis pa kasi kami ng buong classroom kaya natagalan ako.. Kumusta? Na miss kita!"
Walang imik akong umiwas ng akma nya akong yakapin. Hindi ko alam kung galit ba itong nararamdaman ko para sa kanya o nagtatampo lang dahil sa ginawa nya sa'kin.
"Hoy! Luie, may problema ba?"
Ramdam kong pagkailang at tensyon sa boses ni Shine dahil sa ikinilos ko.
"Bakit Shine?" Seryoso ang mukhang bumaling ako ng tingin sa kanya. "Bakit mo ginawa sa'kin 'yun?"
"A- Ang alin ba?" Kumunot ang kanyang nuo, may kalituhan akong nakikita sa kanyang mga mata. "Anubang nais mong tukuyin? Klaruhin mo nga para ma gets ko!"
Napabuga ako ng hangin, saka napahinga ng malalim bago ko sinagot ang kanyang mga tanong sakin.
"Kaya pala, nalalaman ng buo kong pamilya ang mga nangyayari sa'kin..." Kumuyom ang aking kamao ng hindi ko namamalayan. ".. nakakarating ang balita kay Nanay sa Hongkong dahil sa'yo! Ikaw pala ang nagsasabi sa kanila ng mga ginagawa ko!! Bakit mo nagawa yun sa'kin?"
"Sandali lang Luie... magpapaliwanag ako!!"
Kaagad na namasa ng luha ang kanyang mga mata, at ako na labis ang pagmamahal sa kanya ay kaagad naalarma. Pero, hindi ko mapigil ang aking sarili na sya'y sumbatan dahil sa labis nya akong nasaktan.
"Akala ko ba magkakampi tayo? Na sabi mo kung saan ako masaya susuportahan mo ako? Eh! Anu yang ginagawa mo? Bakit mo ako pinapahamak sa pamilya ko?"
"Nais ko lang naman na mapabuti ang buhay mo Luie!! Ang makatapos ka ng pag aaral mo... masama ba yung pag mamalasakit ko sa'yo? siguro naman may karapan ako bilang girlfriend mo? Yun ay kung kinikilala mo nga akong kasintahan mo."
"Kinukwesyon mo bang klase ng pagmamahal ko sa'yo, Shine?"
"Hindi naman kasi ganun yung ibig kong sabihin eh! Hindi mo lang naiintindihan..." Napapalabi pa nyang sabi.
"Alin ang hindi ko naiintindihan? Kahit kelan hindi kita pinagbawalan sa mga nais mo, kahit kelan hindi ako nakialam sa mga gusto mo, kahit kelan wala kang narinig na reklamo galing sakin.. malaya ka... at bilang boyfriend mo, nasa likuran mo lang ako, nakaalalay, gumagabay at sumusuporta sa'yo!! Kulang paba ang aking mga ginagawa, para ako'y ilaglag mo sa pamilya ko?"
Pilit ko mang pigilan ang aking sarili para hindi ko sya masaktan pero dala ng emosyon nailabas ko rin ang aking mga hinaing sa kanya. Napaiwas ako ng tingin ng makita kong pagpatak ng kanyang mga luha na kaagad naman nyang pinalis ng kanyang mga daliri.
"S- Sorry...!" Humihikbing pabulong na sabi nya.
"Alam na alam mong sumasaya lang ako kapag kasama kong aking mga kaibigan, napupunan ng mga ito ang pangungulila ko sa aking Ina na malayo saming piling. Nalilimutan kong mabigat na responsibilidad na nakaatang sa'kin, gumagaan ang pakiramdam ko nawawala ang mga alalahanin."
"S- Sorry na!!"
"Alam mo bang... sa bago kong pinapasukang skwelahan ay wala akong naging kaibigan? Mahirap makisama't makibagay sa mga taong singtaas ng tower ang katayuan at pamantayan sa buhay. Kung inakala mong nakatulong ka sa'kin, pwes hindi!!"
"Sorry, Luie!! Di'ko alam.."
"Ganyan ka naman palagi, walang alam ang bukambibig kapag kinokompronta kita."
Napakagat labi sabay punas ng basa nyang pisngi si Shine. Sa totoo lang gusto ko syang yakapin,, aluin at pakalmahin. Pero, pinigilan kong aking sarili. Kasi palaging ganito na lang ang nangyayari sa tuwing may pinagtatalunan kami, kasalanan ko man o kasalanan nya. Nakakasawa na. Walang imik ko syang tinalikuran at mabagal na naglakad palayo.
"Luie..."
Tawag nya sakin, hindi ako huminto nagpatuloy lang ako sa mabagal kong paglalakad.
"Luie, sorry na!!!"
May halong pagmamakaawa na ang tono ng kanyang boses.
"Luie, anuba!!!" Pasigaw na. "Naririnig mo ba'ko? Sabi ko SORRYYYY...!!"
Dun na'ko napahinto sa paglalakad at bahagya syang nilingon.
"Hindi sapat ang sorry mo, sa sakit na nararamdaman ng puso at damdamin ko."
"So, ano? Magbe break naba tayo?"
Hindi ako umimik nanatili lang akong nakatitig sa nangungusap nyang mga mata na basang basa ng kanyang mga luha.
"Para 'yun lang iiwanan mo na ako? Napakababaw mo naman."
Tikom ang bibig na muli ko syang tinalikuran, namulsa sa suot kong maong shorts at nagpatuloy sa mabagal na paglalakad.
"Luiiieee...!!"
Pahabol nyang sigaw sa'kin, napapikit akong saglit ng mamasa ang aking mga mata.
'Paalam,, Shine... '
Pumatak ang pinipigilan kong mga luha kani kanina pang makita ko syang umiiyak sa'king harapan. Masakit, napakasakit para sa'kin ang makita syang nagkakaganyan, pero mas masakit ang ginawa nya sa'kin. Hindi lang kaligayahan at kasiyahan ko ang pinutol nya, mas higit na sinira nyang pagtitiwala ko sa kanya.
"Sorryyyy.... Luie, Sorryyyy...!!!"
Malalaki ang bawat paghakbang ko, nais ko ng makaalis agad sa lugar na'to, ang lugar kung saan naging saksi sa masaya at malungkot naming pagsasamang dalawa.
Gulong g**o ang aking isipan, maging ang aking nararamdaman, labis labis akong nasasaktan, anubang nararapat kong gawin para sakit at kalungkutan ay basta basta na lang mawala ng tuluyan?
Sa nangyaring ito sa'min, na realize kong...
Lahat pala ng sobra, mali. Dapat pala tama lang.
Pero, ang alam ko kasi, pag nagmamahal ka di mo naman masasabi na makokontrol mo yung amount ng love na naibibigay mo sa isang tao. Alam mong sumosobra ka pero, okay lang sayo basta napapasya mo yung taong mahal mo. Hindi mo iniisip na "teka lang, parang sumosobra na ata.'
Basta mahal mo go ka lang ng go.
Kahit minsan nasasaktan ka na, it doesn't matter. Kasi ang importante sayo ay makita syang masaya. Hindi katangahan ang tawag dun. Kundi Pagmamahal.
✞✞✞
"Minsan may mga sirang bagay na maiging panatilihing sira kaysa masaktan ka lang sa pagsusumikap na ayusin ito
Lalo't alam mong wala nang pag-asang bumalik sa dati.
Masakit man tanggapin, mahirap man gawin
Pero, Mas makabubuti
Ganyan talaga ang buhay..
Hindi lahat ng naisin natin ay makakamit natin
Kahit gaano pa natin gustuhin"
?MahikaNiAyana