Final Chapter

2861 Words
"Pango!!" Bakit parang naririnig kong boses nya? Bakit parang nasa tabi ko lang sya? "Luie..." Sambit kong nakapikit pa rin ang aking mga mata. Naisin ko mang dumilat para tiyakin kong sya ngang tumatawag sa'king pangalan, pero hindi ko magawa, tila may glue ang talukap ng aking mga mata at hindi ako makadilat. "Hoy! Pango, Gisiiinggg!!!!!" Ilang pagtapik sa'king pisngi pa ang aking naramdaman bago bumalik ang aking diwa sa kasalukuyan. "Anuba naman 'tong babaeng ito, kahirap gisingin, tsk tsk!!" "Meow.." "Sige nga, Aldos kalmutin mong ilong nyang si Pango, dali!!!" "Meow.." Naramdaman kong matatalim na kuku ni Aldos na dumampi sa'king pisngi.. "Aray!" Napadilat akong bigla, malabo ang nakikita ng aking mga mata kaya napapikit ako saglit at kinusot kusot ang aking mga mata. "Weng!!!" Napamulagat aking mga mata ng sya'y aking makita. "Buhay ka!!" Napatayo akong bigla at wala sa sariling napayakap sa kanya. "Hoy Pango! Chansing kana ha! Distansya at naiipit si Aldos!!" "Meow.. Meow.." Marahil dala sa bugso ng aking damdamin, mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap ko kay Luie. Sa ligayang nararamdaman wala sa'king sariling nasambit ko ang katagang... "Mahal na mahal kita...." "Hoy! Pango! Hindi tayo talo, friends lang tayo baka nakakalimutan mo!?" Sabay distansya konti saka pinitik nya ako sa nuo. "Oo naman nuh! Alam na alam ko 'yun!" Napapahiyang bahagya akong bumitaw saka dumistansya sa kanya. "Ang ibig kong sabihin... mahal na mahal kita kasi kaibigan kita.. Ganun lang yun!" "Mabuti na yung malinaw." "Ba't kaba nandito? Gabing gabi na pakalat kalat pa kayo." "Nandito lang naman kami ni Aldos para magpasalamat sa binigay mo." Tinitigan ko sya mula ulo hanggang paa ng may pagkagalak. Napapailing na lang ako ng maalala ang masama kong panaginip. "Buhay ka nga! Buhay na buhay..." Mahinang nasambit ko sabay sa'king pagbuntong hininga, diko inakalang maririnig pa nya. "Alangan!! Bakit anuba sa akala mo?" "Kasi...." Alanganin akong sumagot sa kanya, kakamot kamot pa ng aking leeg ng muling magsalita. "Napanaginipan kasi kita.." "Nak ng tinapa! Sabi ko na nga ba't patay na patay ka sa'kin eh!... O anuna, pinagsamantalahan mo bang kahinaan ko ha at paulit ulit mong sinasambit ang pangalan ko habang tulog ka?" "Hoy hindi ah! Iba yung napanaginipan ko, masamang panaginip, ay hindi yun panaginip lang kundi isang bangungot.." "Bangungot? Sigurado ka?" Tumango naman ako. "Anubang napanaginipan mo?" "Wag na!! Wala lang yun... kalimutan mo na!!" "Kita mong pag uugali nito! Pag iisipin pa'ko." Naiinis na ginulo nitong nakatirintas na buhok. Ewan ko ba sa lalakeng 'to, kung hindi naka tirintas ang medyo may kahabaang buhok, nagpapakulot naman. "Sasabihin mo ba o hindi?" Nanatili lang akong nakatitig sa kanya, nakakatuwa kasing pagmasdan ang mukha nitong mabilis mag palit ng expression. "Uwi na nga lang tayo Aldos, tulala na naman ang Pango, nangangarap na naman ng gising, Haayy." Saka ako nito tinalikuran. Nakailang hakbang na ito ng mapag desisyunan kong sabihin na sa kanya ang tungkol sa'king panaginip. "Sandali!!" Huminto naman sya't bahagyang lumingon sa'kin. "Anuna?" "Sa panaginip ko, namatay ka." Napapahiyang umiwas ako ng tingin sa kanya ng makita kong pagbusangot ng kanyang mukha. "Langya naman! Anong klaseng panaginip naman yun? Buhay na buhay pa nga ako pero pinapatay mo na pala sa panaginip mo?" "Eh sa 'yun ang napanagininipan ko eh!" "Tigil tigilan mo na kasi yang pangangarap mo ng gising!! kaya kung saan saan ka dinadala ng mga imahinasyon mo eh! Ang hilig mong mag ilusyon.. dun ka sa reyalidad hindi sa kathang isip lang.." Salubong ang mga kilay na sermon nya sa'kin, kahit na anupang sabihin nya hindi ako apektado, di kagaya dati na sa tuwing nagagalit sya ay may katapat na sagot galing sa'kin na nauuwi sa bangayan naming dalawa. "Saka, bakit kaba kasi natutulog dito sa labas ng bahay nyu at hindi sa loob? Kababae mong tao hilig hilig mong tumambay dito sa labas!!" Unti unting sumilay ang ngiti sa'king labi na kalaunan ay nauwi na sa pagtawa. "Hahaha... "Kitam!.nabaliw kana nga kaka pangarap mo ng gising! Kanina lang umiiyak ka ngayon naman tumatawa, Aba! Pango, iba na yan! palapit kana ng mental, hala ka!" "Heh! Mental ka dyan! Diba pwedeng masaya lang ako ngayon dahil nakita kita?" Biglang nalukot ang gwapo nyang mukha na ikinasaya lalo ng puso ko. Nakakatuwa talagang tingnan ang pabago bagong reaksyon ng kanyang mukha. "Tigilan mo na yang kakatitig mo sa'kin at naiilang ako.." Umiwas sya ng tingin sa'kin. "Bakit ka naman naiilang? Uyy... siguro lab mo na rin ako ano?" Panunukso ko pa ng makita kong hindi na sya mapakali sa kanyang pagkakatayo. Bahagya pa nga syang dumistansya sa'kin. "Kung pwede lang sana... Kaso, hindi!" "Bakit naman hindi?" Naku curious kong tanong kay Luie. "Dahil mas nanaisin ko pang manatili tayong magkaibigan kesa maging magkasintahan." "Arayko! Bunganga mo naman... Napaka brutal mo talaga magsalita, nakakasakit ka ng damdamin at nakakasama pa ng loob." Napailing iling muna sya, saka mabagal na naglakad patungo sa bahay at umupo sa pangatlong baytang ng hagdanan namin, inilapag sa kanyang kandungan ang alaga nyang pusa saka seryong tumingin sa'kin. "Halika dito, tabihan mo kami ni Aldos" Agad naman akong tumalima, umupo ako sa tabi nya. Huminga muna sya ng malalim bago ko narinig ang kanyang boses. "Hindi tayo pwede kasi, ayokong ipagpalit ang maayos at maganda nating samahan sa isang relasyon na hindi magtatagal at magwawakas sa sakit at kalungkutan." "Ganun! Dipa nga nagsisimula.. wakas na kaagad? Grabe naman, napaka advance mo mag isip." "Hindi mo ba naintindihan ang punto ko?" Seryoso syang lumingon sa'kin. "Hindi!! Mabagal mag process ang utak ko sa mga ganyang usapin, baka gusto mong himayin para mas maintindihan ko!!" Sa totoo lang, matagal ko na namang alam at ramdam na wala talagang pag asa na maging kami ni Luie, kasi ang nararamdaman nyang pagmamahal sa'kin ay platonic love lang, di kagaya ko na kapag nagmahal ay malalim. "Mahal kita Christine, mahal kita bilang isang kapatid at bestfriend ko! Ayokong lumagpas pa dun at hinding hindi ko tatangkain na sirain ang nabuo nating pagkakaibigan.. Hindi naman siguro lingid sa'yo na marami akong kasintahan, gusto o mahal ko man hindi maiwasang nauuwi sa hiwalayan.. Ayoko mang makasakit ng damdamin pero nangyayari pa rin, ayokong matulad ka sa kanila dahil naiiba ka!" "Naiiba?!' Malungkot akong napangiti. "Paanong naiiba?" "Dahil special ka..." Naramdaman kong braso nya sa'king balikat, magaan lang ang pagkaka akbay nya sa'kin. "Ikaw din naman ah... Special ka rin sa'kin." Mahina kong sagot. "Wag ka ng malungkot... I love you Pango" Sabay pisil pa nya sa'king ilong. "Nuba! Wag ang ilong ko!" "Hahaha.. pinapatangos ko nga eh! Ayaw mo ba?" "Ayoko!" "Oh, wag sisimangot!!" "Nakakainis ka kasi..!!" Gigil ko syang hinampas sa braso. Natigilan ako ng marinig ang isang kantang medyo pamilyar na sa'king pandinig. ♪ ♪ Would you know my name? If I saw you in heaven Would it be the same? If I saw you in heaven ♪ ♪ 'Ayan na naman ang kanta.. San galing 'yun?' Napalinga linga ako sa paligid. ♪ ♪ I must be strong And carry on 'Cause I know I don't belong Here in heaven ♪ ♪ Would you hold my hand? If I saw you in heaven Would you help me stand? If I saw you in heaven ♪ ♪ Mas lalo pang lumakas ang tugtog na nagpatindig ng aking balahibo. 'Nubayan.. bakit tila lumamig ang paligid?' Napayakap ako sa'king sarili. ♪ ♪ I'll find my way Through night and day 'Cause I know I just can't stay Here in heaven ♪ ♪ Time can bring you down Time can bend your knees Time can break your heart Have you begging please Begging please ♪ ♪ Napapiksi ako bigla ng isang kalabit sa'king tagiliran ang pumukaw sa nalilito kong kamalayan. Ang nagtatakang mukha ni Luie ang agad kong nasilayan pagkalingon ko sa'king kanan. "Hoy Pango, anong nangyayari sa'yo?" "W-Weng... may naririnig ka bang kanta?" Halos nanginginig ng aking labi pagkasabi ko nito sa kanya. "Anong kanta?" Kunut nuo nya namang tanong sa akin. "Ahmm.." Hindi kaagad ako nakasagot sa kanya. Nakiramdam muna ako sa paligid, pinakinggan kung patuloy pa bang music na naririnig ko kani kanina pa. ♪ ♪ Beyond the door There's peace, I'm sure And I know there'll be no more Tears in heaven ♪ ♪ Would you know my name? If I saw you in heaven Would you be the same? If I saw you in heaven ♪ ♪ Mas lalong lumakas pa ang kanta. 'Nyayy!!' ♪ ♪ I must be strong And carry on 'Cause I know I don't belong Here in heaven ♪ ♪ "Hoy Pango! Anong kanta?" Naiinip nyang tanong sa'kin. "Tears in Heaven" "Ahh... 'yun ba?" Kinalong nyang natutulog na si Aldos, saka tumayo at naglakad ng mabagal palayo sa'kin. "Luha sa Langit" "Anong... Luha sa langit..?" Napasunod ang tingin ko sa kanya. "Tears in Heaven..!! Luha sa Langit." Di lumilingong sagot nya sa'kin. "Hoy Luie, uuwi kana ba?" Pahabol ko pang tanong ng sa wakas ay humarap sya sa'kin. "Malalaman mo ba ang pangalan ko? Kung makita kita sa langit Magiging pareho ba ito? Kung makita kita sa langit." "Anubang pinagsasabi mo dyan?" Hindi ko alam kung ako ba'y binibiro o pinaglalaruan lang ng aking imahinasyon, basta't habang nakatingin ako kay Luie, patindi ng patindi ang kaba na aking nararamdaman. "Hahawakan mo ba ang kamay ko? Kung makita kita sa langit Tutulungan mo ba akong tumayo? Kung makita kita sa langit" "Hoy Luie!! Wag ka namang ganyan sa'kin! Pinapakaba mo akong lalo eh!" Namasang aking mga mata, hindi ko na maipaliwanag ang takot at pangamba na aking nararamdaman. "Babye! Pango, uuwi na ako." Nakangiti syang kumakaway sa akin. "Wag kang umiyak, kasi sa tuwing ginagawa mo yan lumuluha din ako dun sa...." Saglit syang natahimik, tila may na realize sa biinitawan nitong salita. "Luie.." Tawag ko sa kanya. "Christine! Gabing gabi na ah! Bakit nasa labas kapa?" Napalingon ako sa pintuan namin ng marinig ang boses ni Papa. "Sino bang kausap mo dyan, Anak?" Tanong ni Mama na papalapit sa'kin. "Si Luie, Ma! Nandito sila ni Aldos." Tuwang tuwa kong sagot dito. "Ha! Si Luie!!" Tila nagulat sa'king sinabi na napasulyap pa si Mama kay Papa, bago ako nito hinila papasok ng bahay. "Opo! Uuwi na daw po sya, Ma." Pero bago ako tuluyang pumasok ng bahay, isapang lingon ang ginawa ko. Napangiti ako't kumaway pabalik ng makita kong nandun pa rin si Luie nakatayo at kumakaway sa'kin. "Anak, wala na si Luie.. mag iisang taon na syang lumisan.." May pag aalalang sabi ni Mama sa'kin. Napakagat labi ako sa sinabi ni Mama, isa itong sampal ng katotohanan para sa'kin, na gumising na sa mundong gawa gawa ko lang para may mabalik balikan kasama ang taong pinaka mamahal ko. Ang mundong puno ng masasayang alaala naming dalawa. "Alam ko Ma.." Huminga ako ng malalim. "Sinisikap ko naman po na tanggapin, pero ako'y nahihirapan pa rin.. Sorry po Ma, kung nakakadagdag pa po ako sa inyong alalahanin!!" Gumaralgal ng aking boses. Basta't pagdating kay Luie, nagiging sensitive na talaga ako. "Ayos lang yan Anak, naiintindihan ka naman namin, kaya lang hindi namin maiwasan ng Mama mo na mag alala sa kalagayan mo. Tingnan mo nangangayayat kana! Sa tingin mo ba, matutuwa si Luie na makitang nagkakaganyan ka?" Suminghot muna ako, pinahid ang pumatak na luha sa'king mga mata. Sinikap ngumiti sa harap nila Mama at Papa. ♪ ♪ I'll find my way Through night and day 'Cause I know I just can't stay Here in heaven ♪ ♪ Sabay sabay pa kaming napabaling ng tingin sa kwarto ni Nonoy ng bumukas ito at lumabas syang bitbit ang kanyang cellphone na ang tugtog ay ang kantang Tears in Heaven. Oo, sya pala ang nagpapatugtog ng kantang 'yun wala ng ibapa. "Matutulog na po ako, goodnight Ma, goodnight Pa." "Sige, Anak, pahinga kana! Goodnight." Hinatid pa ako ni Mama hanggang pintuan ng aking silid. Suot ang damit ni Luie na kahit luma na at kupas favorite ko pa ring isuot pantulog, binuksan kong cellphone, hinanap sa Spotify ang kantang Love Goes ng Sb19.. ♪ ♪ We don't ever want to say goodbye Love goes, love goes, love goes There's no answer to the question "Why?" Love goes, love goes, love goes I've been to many places And everywhere I go, I could see all the traces The happiness written in both of our faces Forced to embrace the fact that reality made this Erases and I hate this, oh god, I hate this Every time I close my eyes, all I see is your face And I miss your kiss, the warmth, I'm in bliss I feel the pain and it's insane, help me, won't you take this Ever since my love has gone away, away Every single thing has turned to gray Still, I don't wanna say goodbye 'Cause I could still feel you You took my heart with you No, I can't live without you All I need is your love So won't you take me with you 'Cause I don't know what to do You're the one I love The only one, I'll never say goodbye ♪ ♪ Pumatak na naman ang mga luha ko, tagos na tagos sa'king puso ang bawat lyrics ng kantang ito. ♪ ♪ I don't even have to wait till the sun hides 'Cause the brightest stars are the ones that live in your eyes But love dies, with hope, I look up to the sky And both my knees on the ground, I keep on asking why Why did she have to leave, the only one that I love? I hope right now He's listening, The Man up above 'Cause I'll never get better, I will love her forever No one's gonna be eno-o-o-ugh Oh, how could you leave me here? No way, no way I'll take the pain, but I'll never say I'll never ever say goodbye 'Cause I could still feel you You took my heart with you No, I can't live without you All I need is your love So won't you take me with you 'Cause I don't know what to do You're the one I love The only one, I'll never say goodbye ♪ ♪ Punas ng luha, pahid ng sipon at kapag nahirapan ng huminga tatapikin ang dibdib.. Paulit ulit akong ganun lang ang ginagawa habang nakikinig ng kanta, binabalikan kong mga alaala naming dalawa na magkasama. ♪ ♪ No, this can't be true Why did I lose you? I keep loving you I don't want to say goodbye, never say goodbye 'Cause I could still feel you You took my heart with you No, I can't live without you All I need is your love So won't you take me with you 'Cause I don't know what to do You're the one I love The only one, I'll never say goodbye. ♪ ♪  Matapos pakinggan ang madamdaming kanta, lipat naman ako ng gallery, saglit pinanood ang mga t****k videos namin ni Luie. Ganun ang routine ko kapag naaalala't namimiss ko sya. 'Sunday pala bukas, dadalawin kita sa Golden Haven pagkatapos ko magsimba.' Pinindot kong paused button sa part ng video na tumatawa si Luie. "Yan ganyan dapat, lagi lang masaya para gumaan ang buhay... good night Luie,.." Nakangiting unti unting pumikit ang aking mga mata.. 'Salamat sa pagdating at pag stay mo sa buhay ko, Ed Luei... Salamat sa pagkakaibigan nating tapat at totoo... Salamat sa mga alaalang iniwan mo... Hinding hindi kita makakalimutan kahit mag iba iba man ang takbo ng ating mundo... Mananatili kang buhay sa isip at puso ko.' ✞✞✞ Mahirap mag move on lalo na kung nasa stage kapa ng anxiety and depression.. It takes time bago maghilom ang mga sugat at sakit ng nakaraan.. Hindi naman kelangan minamadali ang lahat... Hayaan mo lang na kusa itong gumaling.. Hindi malilimot ang bakas ng kahapon dahil ito ay parte na ng buhay natin... Balang araw kusang babalik ang mga ngiti sa'yong labi, titibok ulit ang pusong matagal nahimlay at nanahimik.. Sisibol ang bagong araw at pag asa sa'yong buhay.. Kaya kapit lang... Kaya mo yan!! ❤❤❤ Ed Luie and Christine Story ❤❤❤ -THE END- ✞✞✞ May isang tao sa buhay natin na magpapalimot ng lahat ng bagay na masakit para satin. Isang tao na magiging dahilan ng pag ngiti natin ulit, isang tao na magbabalik ng kasiyahan sa buhay natin. Magbubuo ng pagkatao mo. Lahat naman tayo may pinagdadaanan,Pero alam mo yon, kahit na alam mong marami kang pinagdaanan before at sobrang sakit pa nun, meron dyang isang tao na, pag kasama mo nawawala lahat ng sakit at luha. Yong sa lahat ng luha na papatak galling sa mga mata mo alam mo siya ang magpupunas nun. Sa lahat ng pag ngiti mo sa bawat pagbagsak mo siya ang dahilan nun. At sa bawat pagbangon mo siya ang dahilan nun. Ang sarap lang kasi sa feeling na, yong isang taong yon na hindi naman natin talaga nakasama ng matagal tulad ng mga magulang natin o kapatid, pero alam mo higit yong pinapakita niyang pagmamahal at concern at pag aalaga sayo. At pag nakita mo na yong taong yun o kasama mo na siya ngayon, please lang. Wag mo na pakawalan . ?MahikaNiAyana

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD