Chapter 15-Panganib sa Reyalidad

1128 Words
Frustrated na naihilamos ni Aila ang mga palad sa mukha. Parang walang lakas na napaupo siya sa kalagitnaan ng malawak na damuhan. Naramdaman niya ang pag-upo din ni Yamilla sa tabi niya. “I don’t know either.” Pabuntong-hininga na sabi nito. “Ang una nating dapat na gawin, alamin kung paano makakauwi. Paano ba kasi tayo napunta rito?” “Sabi ni Ryeuki, walang ibang paraan kundi ang tapusin ang misyon at makuha 'yong three wishes sa ibong Adarna.” Kung hindi siya nababalot ng matinding pag-aalala para sa kanyang pamilya, baka natawa na siya sa mga pinagsasabi. Para kasing naghalong fairytale stories ng Ibong Adarna at Genie in a bottle ang sitwasyon nila ngayon. “Naniniwala ka sa baliw na 'yon? Baka modus lang nila ito para marami silang panahon para pasunudin tayo sa mga gusto nila.” Isang buntong-hininga na naman ang pinakawalan niya. “Do we even had a choice? Wala tayong ibang kilala sa lugar na ito. At palagay ko din, walang balak tumulong. The only lifeline we have is Ryeuki and his absurdity. Gaano man nakakabaliw ang mga sinabi niya, wala naman tayong choice kundi ang maniwala, hindi ba?” Wala siyang narinig na sagot kay Yamilla. Matapos nitong magbuntong-hininga ay nanahimik na ito na para bang pinag-iisipan din ang sitwasyon nila. Nanahimik nalang din siya. Sobra siyang nag-aalala para sa ama at kapatid. Baka kung ano nang nangyayari sa mga iyon habang wala siyang. Mas nakakabaliw itong wala siyang alam sa mga nangyayari. Ni wala siyang paraan para makamusta ang mga ito. Kailangan na nilang makauwi kaagad!     “MALALIM na ang gabi. Ano pang ginagawa mo rito sa labas?” untag ni  Cairo  sa tahimik na dalagang nagmamasid lang sa paligid. Wala naman sana siyang planong lumabas. Pero mula sa silid na ipinagamit sa kanya ng kamahalan, nakita niya si Aila na  nasa labas maski pa malalim na ang gabi. Bigla ay ginusto niyang lumabas at samahan ang dalaga sa pagmumuni-muni nito. “Ikaw pala, Akhi.” Nakangiting baling ni Aila sa kanya. Anong mayroon sa ngiti nito at parang gusto na naman niyang mapatunganga rito, tulad kaninang unang beses siya nitong ngitian. “Bakit gising ka pa?” “Nauna akong magtanong, mauna kang sumagot.” aniya. Nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Para bang biglang naging malungkot ang mga mata ng dalaga. Dahil doon, may kung anong damdamin ang kumukudlit sa kanyang dibdib. Ginusto niya tuloy itong abutin at aluin patungkol sa kung anuman ang gumugulo sa isip at damdamin nito. Pero bakit naman niya gagawin iyon? Ano naman ang pakialam niya? Samantalang, sarili nga niyang mga suliranin ay hindi niya magawang solusyunan. “Naalala ko lang ang Papa ko.” Mahinang sabi nito. “Papa mo?” nagtatakang tanong niya. Heto na naman ang babaeng ito sa pagbanggit ng mga salitang hindi naman niya naiintindihan. “Maaari ba? Sa tuwing magsasalita ka ay ipaliwanag mo sa mas malinaw na paraan ang mga tinutukoy mo?” Inirapan siya nito, pero para sa kanya ay wala iyong epekto. Parang normal nalang naman nitong gawain ang ganoon. Sa totoo lang, naaaliw siya kapag ginagawa nito iyon. “Papa. Iyon ang tawag ko sa aking ama.” napipilitang paliwanag ng babae. Hindi din naman niya ito masisisi. Nayayamot na itong parati nalang nagpapaliwanag. Pero, kung hindi din naman nito iyon gagawin, paano sila magkakaunawaan? At bakit ba kailangan pa nilang unawain ang isa’t-isa? Matapos ang tungkulin nila sa bayan, magkakanya-kanyang landas na sila. Babalik na sila sa kanya-kanya nilang mga buhay. Kanina, habang nasa mahabang hapag kainan sila ay ipinaliwanag ni pinunong Ryeuki sa kanila ang gagawin nilang paglalakbay para hanapin ang tatlo pang tagapagtanggol at tagasunod ng itinakdang binibini.  Bumuntong-hininga siya. “Huwag kang mag-alala, madali nating matatapos ang misyon. Makakauwi din kayo sa mundo ninyo.” pagpapalubag-loob niya rito. Lihim na nagbuntong-hininga si Cairo. Gusto niyang tanungin ang sarili kung bakit ba niya kailangang gawin iyon? Ano namang pakialam niya kung nalulungkot itong hindi pa ito makakauwi? Anong pakialam niya? Dapat ay wala, hindi ba? Hindi maintindihan ni Cairo kung bakit matapos mapansin na matamlay si Aila ay para bang nawalan na din siya ng sigla. Nahahawa na yata siya sa awra ng babae. “Nakausap ko na si Yamilla kanina. May nagtatangka sa buhay ng pamilya ko. At hindi ako maaaring magtagal rito, kailangan kong makabalik agad sa mundo namin. Kailangan din nila ako roon.” Sa hindi na naman maunawaang dahilan ay inabot niya ito sa magkabilang-balikat. “Narinig ko kayong magkausap kanina matapos ang hapunan. Hindi ko nauunawaan ang ibang lenggwahe na inyong ginagamit bagaman kahit papaano ay may naunawaan naman ako sa inyong pinag-uusapan.” Saglit siyang huminto sa pagsasalita at muling napabuntong-hininga. “Sa palagay mo ba, sa sandaling makabalik ka sa mundo ninyo ay mapoprotektahan mo sila? Sa narinig ko, natitiyak kong wala kang kakayahan na harapin ang kung sinuman na nagtatangka sa buhay ng pamilya mo. Alalahanin mong dito lang gumagana ang taglay mong kakayahan.”   NAPABUNTONG-HININGA nalang si Aila. Tama naman si  Cairo . Wala naman nga siyang laban sa sandamakmak na mga taong inupahan ng kalaban ng business empire ng kanyang ama─ang Villegas Line. And funny this situation was. Nandito siya sa mundong di niya alam kung anong klase at ginawa pang tagapagligtas ng bayan, pero sarili niyang pamilya ay hindi naman niya kayang tulungan. “O, heto.” Napatingala siya kay  Cairo  ng abutin nito ang kamay niya at ilagay roon ang kwintas, cellphone at ballpen niya. “Akhi?” “Gusto ko ang bago kong pangalan.” Nakangiting komento nito. Bakit ganoon? Parang nagliwanag ang gwapong mukha nito habang nakangiti sa kanya? At ano ba itong nangyayari sa kanya? Parang… parang nagwawala ang puso niya sa loob ng kanyang ribcage dahil sa matinding pagririgudon noon. What the heck is going on her? “Akhi,” tawag niya ulit sa pangalan nito. “Bakit?” “Bakit mo ibinalik ang mga ito?” Humalukipkip ito. “Hindi ko na kailangan ang mga iyan. Ibibigay naman ng palasyo ang lahat ng kailanganin ko. Damit, pagkain, tirahan…” “Kung ganoon, kaya ka lang nagpapabayad sa ibinibigay mong serbisyo ay para may maipambayad ka din sa mga pangangailangan mo sa buhay?” Nang tumango ito ay napabuntong-hininga siya. Napakamiserable naman pala ng buhay nito. At maging ng pamumuhay ng mga ordinaryong tao na naroroon sa mundong ginagalawan nito. Hindi na niya masisisi ang mga ito kung maging gahaman dahil sa kamiserablehan ng buhay. Pero sa ginawa nito ngayon, napag-isip-isip din niyang hindi naman pala talaga ito sakim. Dahil matapos nitong mapag-alaman na hindi na nito kakailanganin ang mga bagay na galing sa kanya ay muli nito iyong ibinalik. Mali ang first impression niya sa lalaking ito  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD