Nauna nang maglakad ang kanilang pinuno, sumunod naman sina Cairo rito. Kababalik palang nila sa silid ng paglilitis at pag-aaral nang magsalita muli si pinunong Ryeuki.
“Bahagyang naguluhan lang ako sa presensiya ni Yamilla dito sa mundo namin. Ayon sa kasaysayan, isa lang binibining taga kabilang mundo ang tatawid dito. Pero, bakit nandito din si Yamilla gayong ikaw naman ang itinakda?”
“Dahil magkasama kami nung pumasok kami sa pinto… I mean sa lagusan papunta rito─”
Bumukas ang pintuan ng silid at iniluwa ang babaeng may kakaibang purong itim na kasuotan. Siguro ay kasing edad ito ni Aila. Agad nitong dinaluhong si Aila.
“Kailangan na nating makaalis rito.” sabi nito na kay Aila nakatingin.
“Isang kalapastanganan ang ginawa mong basta nalang na pagpasok sa silid na ito, Yamilla.” sita rito ng pinuno.
Parang wala lang sa babae na ang kamahalan ang kaharap nito kung sagut-sagutin nito si pinunong Ryeuki. Nagpatuloy sa pagtatalo ang dalawa, napalingon naman sa kanya si Aila na mukhang nabibingi na sa pagsasagutan ng mga iyon. Hinila niya ito palabas ng silid na iyon para makaiwas na din sila sa pag-aaway ng dalawa.
“Finally, natapos din ang pakikipag-away mo sa pinuno ng lugar na ito.”
Sinalubong ko si Yamilla habang papalabas sa napakalawak na garden ng kastilyo ni Ryeuki matapos ang hapunan. Si Cairo naman, isinama ng isa sa mga palace servants sa magiging silid daw ng lalaki.
Okay na din. Atleast, makakapag-usap na kami ng maayos ni Yamilla.
“This is crazy!” biglang bulalas ni Yamilla.
And I understand her. Maski ako, gusto na ding mabaliw sa sitwasyon namin. Sa nangyayari. I mean, hindi kasi kapani-paniwala ang lahat ng ito.
“This world is crazy! At maski ang mga tao dito, mga may tililing. Ano bang mga pinagsasasabi nila? Kung nag-time travel tayo, bakit ganito ang lugar na napuntahan natin? Wala ito sa history.” Yamilla tossed her head. “This is ridiculous. I don’t even believe in time traveling.”
“Maybe we are in a parallel world. Ewan ko. Maski ako, hindi ko maintindihan ang mga nangyayari.” Sabi ko naman. “But anyway. Let’s talk the most important thing. Why were you there in the middle of the night? Bakit mo ako tinulungan? At bakit parang alam na alam mo na may ganoong mangyayari sa akin?”
Yamilla sighed frustratedly. Sandali siyang nanatiling tahimik at nakatitig lang sa akin. Pagkuway isang malalim na buntong-hininga na naman.
“Fine. Since hindi ko alam kung nasaan tayo at hindi ko alam kung paano ka poprotektahan, I might tell you everything. Dapat confidential ito since I signed a contract of confidentiality, but things went out of control, I should tell you though.”
“Spill the tea.” Naiinip na sabi ko.
Isang malalim na buntong-hininga na naman ang pinakawalan ni Yamilla.
“Your father hired me to guard and protect you.” Mahinang sabi niya. “I am from a security escort agency and—”
“Wait!” pigil ko sa mga sinasabi niya.
“Anong security escort agency? Anong guard and protect? As if I am the first daughter of the country? Hindi ko kailangan ng bodyguard.”
“Iyon ang akala mo. Pero as soon as nakatanggap ng death threats ang Papa mo patungkol sa inyong pamilya, prank man 'yon o seryoso, sinigurado na niya ang kaligtasan mo. Hindi niyo kilala kung sino ang kalaban.”
“Walang kaaway ang Papa ko o ang pamilya namin.” Depensa naman niya.
Her father might be strict pero nasa lugar ang pagiging istrikto. And besides, never siyang nag-demand ng respeto sa kahit kanino dahil kusa na iyong ibinibigay ng mga tao sa kanya. Kaya paanong may nagtatangka sa buhay nito o nila?
“May hinala ang Papa mo na patungkol sa negosyo ang ugat ng lahat. Sandamakmak ang threats na natatangap niya at siguradong sandamakmak din ang mga inupahang kaaway. Kumukuha lang sila ng magandang tiyempo para madukot ka o alinman sa inyong mag-aama. Minabuti niyang ikuha ka ng secret bodyguard, just to make sure you are safe, always.”
Bigla ang buhos ng kaba at pag-aalala ni Aila. Kamusta na kaya ang Papa at kapatid niya? Ano nang nangyari sa mga iyon? Isang araw palang ang lumilipas pero pakiramdam niya, napakatagal na niyang nawala sa mundo niya. Lalo pang lumalala ang pag-aalala niya kung ganito na wala siyang alam na paraan kung paano mako-kontak ang ama at kapatid.
Sa pag-uusap nila ni Yamilla, napag-alaman niyang nagsimula ang mga banta sa buhay ng ama niya at ng pamilya nila magmula ang sunod-sunod na pagkakakuha ng kompanya nila sa mga malalaking proyekto sa ibang bansa. Sa lahat ng iyon, palagi nilang kaagaw ang Villegas Line. Inaakala daw ng mga iyon na sinasabotahe nila ang proposal ng mga Villegas kung kaya’t palaging sila ang nakakakuha ng mga business deal. Doon na nagsimula na makatanggap ng death threat ang kanyang ama. Kaya naman pala ilang beses na pakiramdam niya ay humahanap lang ng dahilan ang kanyang ama para maalis siya sa kompanya, dahil ayon kay Yamilla, nag-aalala lang ang kanyang ama na matunugan ng mga kaaway na isa siya sa mga utak ng kompanya kung kaya’t madaling nakukuha ang mga proyekto. Baka daw mapagbintangan din siyang gumagawa ng pagsabotahe─which was not true. Walang sabotaheng nagaganap. Kasalanan ba nila na palaging mas maganda ang laman ng mga proposals nila kesa sa mga proposals ng Villegas Line?
‘Gusto ka lang protektahan ng Papa mo kaya ipinasabotahe ang huling presentation mo para sa mga European investors. Isinakripisyo niya ang hundred million project para maialis ka na sa kompanya ng di mo paghihinalaan. Ayaw niyang ipaalam ang tungkol sa death threats dahil ayaw niyang matakot at mag-alala ka, kayo ng Kuya Grey mo. Pero dahil inaasahan na din naman niyang magiging masinsinan ang pagkilos ng mga Villegas kung kaya’t kumuha na din siya ng magagaling na security personnel. At isa ako sa mga iyon. Kaya lang ay na-trap naman tayo sa mundong ito. Malamang na nag-aalala na ang Papa mo sayo ngayon.” Ang mahabang salaysay ni Yamilla.
Mas lalo lang siyang natakot at nag-alala para sa mga minamahal sa buhay.. Inakala talaga niya na walang pakialam sa kanya ang ama dahil wala na itong ginawa kundi pagalitan siya noong mga panahong nasa kompanya pa siya. Pero ang lahat ng hinanakit niya sa ama ay naglaho ng bigla. Napalitan na iyon ng matinding pag-aalala para sa kaligtasan nito at ng Kuya niya.
“Anong gagawin ko?”