“Magkwento ka naman, Akhi.” aniya na naglakad patungo sa magandang uri ng kahoy na upuan na naroroon sa napakalawak na lawn area ng kastilyo.
Sa di kalayuan ay may lawa. Napakagandang pagmasdan ng tubig roon, kumikislap ang malilit na alon sa tama ng liwanag ng buwan at mga bituin. Napangiti siya habang minamasdan iyon. Pangarap niyang manirahan sa ganoon kapayak na lugar─minus that palace out there, owned by that great Ryeuki.
Pangarap niya ang simpleng buhay na pinili din ng kanyang ina matapos magkahiwalay ng mga magulang niya. Kailanman ay hindi niya hinangad ang kayamanan na mayroon sila ngayon. Ang ama lang naman niya ang nag-ambisyon ng lahat ng iyon. At dahil hindi na nagkakasundo ang kanyang mga magulang ay nag-decide nalang ang mga itong maghiwalay. At dahil may kapangyarihan ng pera ang kanyang ama ay hindi sila hinayaan na malapitan ng ina.
Hindi naman niya masisi ang ina kung bakit nagdesisyong iwan ang kanyang Papa. Malamang na dahil nakulangan na ito ng oras at atensyon mula sa asawa.. At tulad din niya, nakukulangan din siya sa panahon ng ama. Ganoon pa man, alam na niyang mahal siya nito. Mahal siya ng ama sa paraang alam nito─that was what only matters to her.
“Ano namang ikukuwento ko sayo?”
Napalingon siya sa nagsalitang si Cairo . Nakalapit na pala ito sa kanya ng di niya namamalayan. She’s pretty much preoccupied with her family’s memories.
“Hmm. Tungkol sa buhay mo? Ano bang trabaho mo bago kita nakilala o kung ano bang mayroon si… Kroen at parang sobra ang pagmamahal mo sa kanya?”
Napakagat-labi siya. Para kasing masakit sa kanyang dibdib na banggitin ang pangalan ni Kroen. Hindi tulad kanina. Pero hindi nga ba’t naiinis na siya kaninang malaman niyang tinalikuran ito ng fiancée nito pero mahal pa rin ng luko-luko?
“Wala namang sobrang interesante sa buhay ko. Ulila na ako at nagseserbisyo lang sa mga tao rito kapalit ng kahit na anong bagay upang maipangalakal ng mga kailangan ko sa buhay. Ah, may kapatid nga pala ako na napalayo sa akin. Isa sa mga prayoridad ko ang paghahanap sa kanya at kay Kroen.” Tumingala ito sa langit.
Para siyang sinaksak sa dibdib pagkarinig sa pangalan ni Kroen. Bakit ba niya nararamdaman iyon? At para mailayo ang sarili sa kung anu-anong ka-wirduhang nadarama niya ay nakitingala na din siya sa kalangitan.
“Kapag nananabik ako sa isang tao na napalayo sa akin, tumitingin lang ako sa buwan. Pakiramdam ko, kapag ginawa ko iyon, para na din akong nakikipagtitigan sa taong pinananabikan ko. Dahil iisa naman ang buwan sa ating mundo, alam kong iisang buwan lang ang tinitingnan namin.”
Napalingon na naman siya kay Cairo . He’s smiling while his handsome face was bathed by the moon light. Napakagwapo nitong talaga. No wonder, she can’t stop herself from getting attracted to this man.
What?!
Did she admit it? Did she really admit that she was getting attracted to this ordinary guy beside him?
Dahil lang ba sa nalaman niyang hindi naman pala ito gahaman? Dahil lang ba sa nalaman niyang mabuti naman itong tao? Dahil lang ba sa mga iyon?
No, definitely not. Hindi nga ba’t sa una palang pagkakataon na nasayaran ng kanyang mga paningin ang kagwapuhan ng lalaking ito ay agad na nakuha nito ang kanyang atensyon? Sa buong maghapon na nagkasama sila nito, naramdaman niya ang pagnanais na makasama pa ito ng mas matagal, at hindi naging hadlang ang pagiging arogante o kung ano mang hindi magagandang ugali na nakita niya kanina. Samakatuwid… curious lang siya dahil sa kagwapuhan nito. O pwede ring dahil ito ang unang tao na nagpakita ng mabuti sa kanya sa lugar na iyon.
Pero bakit nakakaramdam siya ng pinong kirot sa dibdib kapag nababanggit nito si Kroen?
Ah! Naiinis lang siya sa katangahan nito. Kasi naman, iniwan na nga ito ng babaeng mahal nito, umaasa pa din ito.
‘Ang tanga talaga! Gwapo ka naman. Ba’t di ka nalang bumaling sa iba?’
‘At kanino naman siya babaling?’
“ANG ganda ng lawa.” pilit pinasisiglang sabi ni Aila.
Bumaling siya sa lawa. Para kasing ayaw na niyang makita ang pagngiti ni Cairo . Dahil may palagay siyang ang dahilan ng pagngiti nito ay si Kroen. Nagpapantasya malamang ito na nakikipagtitigan kay Kroen habang nakatingala sa buwan.
Wala siyang narinig na sagot mula rito kaya’t kinapa nalang niya sa front pocket ng suot na shorts ang headset ng kanyang cellphone. Isinet na rin niya ang music ng cellphone at sinimulang mag-sound trip. Dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay napatunayan niyang nakakabingi palang talaga ang katahimikan.
“Anong ginagawa mo?” tanong ni Cairo na nakatingin na pala sa kanyang ginagawa.
“Ah, ito?” Iniangat niya ang isa sa mga earphone na hindip niya suot, sa mismong harapan nito. “Sound trip tawag dito. Try mo.”
Walang paalam na isinalpak niya sa tenga nito ang isang earphone. Ang isa pa ay nakakabit sa kanyang sarili. Kamuntik na siyang mapatawa ng maramdaman na kamuntik ng mapatalon mula sa kinauupuan nila si Cairo nang hablutin nito ang headset sa tainga nito.
“Anong maingay na halimaw ang nasa loob nito?” gulat na gulat na tanong ng lalaki habang iniinspeksyon ang earphone. Kamuntik pa nitong dukdukin iyon kung hindi lang niya ito napigilan.
Napatawa na siyang talaga sa kakaibang reaksyon ng lalaki. Napaka-ignorante talaga nito. Hindi bagay sa kagwapuhang taglay. Nagmumukha tuloy itong tangang-gwapo. Sa reyalidad niya, ang mga nilalang na nagtataglay ng ganitong anyo ang siyang sinasamba ng mga kababaihan. Bakit kaya hindi nalang ito nabuhay sa mundo niya?
At bakit nga ba nag-iisip siya ng ganon? Kung mabuhay man ito sa mundo niya, sa palagay ba niya’y tatapunan siya nito ng pansin? Isa pa, sa palagay ba naman niya’y makakasingit siya sa dami ng babaeng malamang ay aaligid rito? Aware siya sa charm na taglay nito dahil maski ang mga taga-silbing babae sa loob ng palasyo kanina ay pansin niyang nanlalagkit ang tingin rito. Siguro at hindu uso ang liberasyon sa mundongl ito kung kaya’t hindi magawang makapang-harass ang mga babae. At ipinagpapasalamat na din niya iyon dahil hindi na niya kailangan pang bakudan ito sa mga babaeng naglipana sa paligid.
‘Huuuw-what?’
Ano na naman ba itong nagiging laman ng utak niya? O utak pa ba talaga ang laman ng bungo niya? Dahil wala namang matinong utak ang makakapag-isip ng ganoon ka-weird na bagay. Bakit niya kailangang bakuran si Cairo sa mga babaeng nagpapantasya rito? Ano ba siya nito? Wala naman ah. Ni hindi nga sila magkaibigan.