CHERRY’S POV Hindi ko maiwasang hindi ngumiti sa boyfriend ko. Ang cute ng Chiefy ko, ewan ko ba pero bigla ko na lang naisip na ‘yon ang itawag sa kanya. Sabi ko susubukan ko lang maging malambing pero ang korny ko yata masyado. Bahala siya ang mahalaga malambing ako hahaha! Natatawa na lang ako dahil naubos ang paninda naming halo-halo. Effective talaga ang kagwapuhan niya sa pagtitinda. Naging Mr. Q&A pa ang nangyari. Hindi ko rin masisi ang mga kapitbahay ko dahil bihira lang may madayo ditong adonis sa lugar namin. Nakaharap ako ngayon sa salamin. Muntik na naman kaming mawala sa sarili kanina. Napahawak na lang ako sa labi ko. Grabe naman siya kung humalik parang malalapirot ang maliit kong labi. Alam ko na nahihirapan na siya. Sabi nila masakit daw ‘yon sa puson. Pero anong magag