WARNING MATURED CONTENT!! READ AT YOUR OWN RISK! RICO’S POV “Chief, umalis na yata ang kasama mo.” sabi sa akin ni Santos. “Fvck! I need to go now, Santos. Sa presinto na lang natin pag-usapan ito.” “Okay Chief,” sagot niya sa akin. Hinanap ko siya dahil bigla na lang itong umalis sa tabi ko. Nakakainis dahil hindi man lang siya nagpaalam sa akin. Nang makita ko siya ay nasa counter na siya. Binayaran ko ang mga pinamili namin pero hindi niya ako pinapansin. Hanggang sa nakarating kami sa bahay ay hindi niya ako kinikibo. Badtrip ako kaya mabilis akong lumabas sa kwarto namin. Maghapon siyang nagkulong sa silid niya at lumabas na lang siya nang may tumawag sa kanya. Uminit ang ulo ko dahil si Ivan ang tumawag. Alam ko na may gusto ang lalaki na ‘yon sa kanya. I hate myself