CHERRY'S POV Hindi na talaga siya pumasok ulit dito sa silid namin. Bahala siya kung ayaw niya. Sobrang manhid niya, kailangan ko pa bang sabihin sa kanya na nagseselos ako. Gabi na pala, wala naman akong balak na lumabas pero biglang tumawag sa akin si Ivan sa akin. Mahina kasi ang signal sa loob kaya kailangan ko pang lumabas. “Hello Ivan, kumusta kana?” Masayang kausap ko sa kaibigan ko. “Cherry, wala ka pala dito sa Manila?” Tanong niya kaagad sa akin. “Nandito ako sa amin, umuwi muna ako dito para magbakasyon,” sagot ko sa kanya. “Babalik ka naman dito diba?” “Oo naman babalik pa ako, dadalhan kita ng pasalubong pagbalik ko.” Masayang sabi ko sa kanya. “Kahit ‘wag na basta bumalik ka lang dito ng safe. Miss na kita,” sabi niya sa akin. “Thank you Ivan, namiss na rin kit–”