Warning!! Matured content! Read at your own risk!! (R18+) RICO’S POV Nagulat ako sa ginawa niya. Hindi ko inaasahan na ipoposas niya ako. Maang akong nakatingin sa kanya pagkatapos niya akong halikan. “Mister ko, uwi na tayo.” Malambing pa na sabi niya sa akin. “Love, paano tayo uuwi? Pakikuha ng susi dito sa pocket ko.” Utos ko sa kanya. “No! Hindi puwede, nakauwi nga tayo dati na may posas diba? Sa susunod kasi magtago ka na lang sa loob ng kotse mo. May pa post ka pa na para kang model. Sarap tusukin ng mga mata ng mga babae dito.” Sabi niya pa sa akin na halatang nagseselos na naman. Hindi ko malaman kung matutuwa ba ako o magkakamot ako ng kilay sa ginagawa niya. Pero mapapangiti na lang ako dahil ang cute niyang magselos. Dati pinapangarap ko na makita siyang nagseselos pero n