CHERRY’S POV Naiinis ako sa kanya kasi huling-huli ko siyang nakatingin sa babaeng palabas dito sa restaurant. Mukhang kilala niya ang babae na ‘yon. Hindi na lang ako nagsasalita at hindi rin nagtanong sa kanya. Pinipilit kong ikalma ang sarili ko kahit na gusto ko na siyang bulyawan at kumprontahin. “Love, kanina ka pa tahimik?” Tanong niya sa akin. “Pagkatapos natin dito ay umuwi na tayo kaagad.” Sagot ko sa kanya. “Nagtatampo ka ba sa akin?” Malungkot na tanong niya sa akin. “Sino ‘yun?" Tanong ko sa kanya. “Akala ko kakilala ko.” Sagot niya sa akin. “Ex mo ba?” Direktang tanong ko sa kanya dahil naiinis na talaga ako. “Hindi ako sigurado kung siya nga ba. Pero wala na akong pakialam sa kanya, love.” Sagot niya sa akin kaya lalo akong nainis. “Walang pakialam, pero sinundan m