CHERRY'S POV "Oh my God...! Bakit wala akong damit? Nasaan ako?" Nagulat ako dahil tanging panloob lang ang mayro'n ako. Nasa hindi ako pamilyar na silid. Kaagad na binudol nang kaba ang dibdib ko. Unti-unting bumalik ang lahat sa akin. Ang ginawa ko kagabi? "Shet! Nakipaghalikan ako kagabi sa stranger." Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Maliban sa ulo ko ay wala na akong ibang maramdaman. Sa tingin ko ay safe pa naman ang bataan. Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking kilalang-kilala ko. Napalunok ako dahil topless ito at litaw na litaw ang hubog ng katawan niya. Shet ang yummy niya. Tama nga si Chem, yummy hotdog my tummy siya. Abs palang busog kana kaagad. Cherry, tumigil ka! Saway ko sa sarili ko. "B-Bakit ako nandito? Kaninong bahay 'to?" Tanong ko kay mamang pulis. "