CHERRY'S POV "Kuya, natatakot ako." Kunwaring tawag ko kay mamang pulis. Natuwa naman ako dahil biglang umasim ang mukha ng mga kasamahan niya. Marahil ay nagulat sila sa pagtawag ko kay Rico na kuya. "Chief, kuya ang tawag sa 'yo." Sabi nang isa sa mga kasamahan niya. "Tsk! Tumahimik ka d'yan." Narinig kong saway niya sa mga tauhan niya. "Sige, tudasin mo na 'yan. Hindi ko na pala 'yan mamahalin." Utos nang hinayupak na lalaki kay kuya. "Sige kuya, patayin niyo na lang ako." Utos ko sa kriminal. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ng mga naroon. Marahil ay hindi sila makapaniwala na inuutusan ko pa ang nanghohostage sa akin. "Mas gugustuhin ko pang matigok na kaysa iligtas nang tanders na 'yan." Sabi ko pa ulit sa lalaki. "Tsk! Manahimik ka d'yan. Aanakan pa nga kita eh!" Sigaw p