2 - The Stranger

1518 Words
NAPASIGAW si Faith sabay takip ng kaniyang mga braso sa mga mata nang biglang tumama ang liwanag ng flashlight sa kaniyang mga mata. Umiiyak at nanginginig na sinikap niyang tumakbo patungo sa ibang direksiyon upang piliting makalayo. “Hey!” narinig niyang sigaw ng lalaking ito na siyang may hawak ng flashlight na pinagmulan ng liwanag na iyon. Hindi siya nagpatinag bagkus ay nagpatuloy sa pagtakbo sa tulong ng liwanag na nagmumula sa flashlight na hawak nito. Pero mabilis ito at nagulat siya nang bigla siya nitong daklutin sa baywang at takpan ng palad sa bibig. Nawalan siya ng balanse kaya magkasama silang bumagsak doon sa gitna ng talahiban. Magkapatong sila at napaibabaw sa kaniya ang lalaking ito. “Sshhh…” anas nito sabay turned off sa ilaw ng flashlight. “I’m here to help you, okay?” Hindi siya nakapagsalita. Langhap na langhap niya ang amoy ng pabango nito at tumatama sa kaniyang mukha ang mainit at amoy sanggol nitong hininga. Hindi niya maintindihan kung kaninong t***k ng puso ang kaniyang naririnig. Kung t***k ba ng puso nito o t***k ng puso niya. Napakalakas niyon, napakabilis. Bahagyang nagliwanag sa direksiyong pinagmulan niya kanina dahil sa flashlight na dala ng mga humahabol sa kaniya. “Hanapin n’yong mabuti, kapag nakatakas ang babaeng iyon problema nating lahat!” narinig nilang sabi ng isa sa mga iyon. Napigil niya ang paghinga at tiyak na ganoon din ang lalaking ito sa ibabaw niya lalo na nang maramdaman nila ang mga yabag palapit sa kanilang kinaroroonan. Kapwa sila napapikit habang ipinagdarasal ang mga buhay nila. Iyon na yata ang kanilang katapusan. Huminto ang mga yabag pero iginala ang liwanag ng flashlight sa paligid. Laking pasalamat nila dahil doon sila sa matataas na talahib nagawi kaya naikubli sila niyon. Kasabay ng pagluwag ng kaniyang dibdib ang pagbuntong-hininga ng lalaking ito sa ibabaw niya nang maramdaman nila ang paglihis ng mga ito sa kanilang direksiyon. “Now, listen,” sabi nito nang maramdamang palayo na nga ang mga humahabol sa kaniya. “Kailangan nating makalayo rito before your pursuers can get close to us. Ayos ba iyon sa iyo?” paanas na tanong nito. Sira ulo ba ito? Natural, iyon ang main goal kung bakit niya sinuong ang madilim na kagubatan at mangapa sa kadiliman para lang makalayo sa mga ito. Tapos ngayon tatanungin siya nito ng ganoon? Umalis ito sa ibabaw niya at inalalayan siya nitong tumayo. Hindi man sigurado ay nagpatianud siya rito. ••• SA tulong ng flashlight nito ay tumakbo sila at tinungo ang direksiyong pinili mismo nitong tahakin nila. She doesn’t know this man at all pero hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nakadama siya ng kaligtasan ngayong hawak siya nito sa kaniyang kamay at magkasamang tumatakas palayo buhat sa kaniyang mga kidnappers. Pagkaraan ng ilang sandaling pagtakbo ay sinapit nila ang kalsada. Natigilan siya nang makita ang sasakyang nakaparada roon. Noon lang niya naisip. Ano'ng ginagawa ng lalaking ito sa lugar na ito sa dis oras ng gabi? Ini-unlock nito ang kotse at binuksan ang pintuan ng sasakyan. Napalunok siya. “Hop in,” utos nito sa kaniya. Ngunit imbes na sumunod ay tumakbo siya palayo rito. Hinabol siya nito at nakakailang hakbang pa lang siya ay kaagad na siya nitong inabutan. Napatili pa siya nang daklutin nito sa maliit niyang baywang at parang walang anumang binitbit pabalik sa sasakyan. Halos patulak siya nitong ipinasok sa loob ng kotse. Matapos ilapat ang car door ay nagmamadali itong lumigid patungo sa driver seat at sumakay. Kaagad nitong ipinihit at pinasibad ang sasakyan. Lakas loob niyang tiningnan ang lalaking ito sa kabila ng panginginig dahil sa takot na bumabalot sa buo niyang pagkatao. Sinuri niya ito ng tingin. Bakit ito naka-slacks pants at long sleeve polo sa ganoong lugar? Mukha itong nag-u-opisina. May opisina ba sa gubat? Napadako ang mga mata niya sa baywang nito at napaawang ang kaniyang bibig. Bakit may baril ito? Kasabwat ba ito ng mga dumukot sa kaniya? Parang gusto na niyang masiraan ng bait. Nakita niyang kumilos ito at kinuha sa glove compartment ang cellphone, sinulyapan nito iyon habang patuloy sa pagmamaneho. “Damn!” mahina ngunit mariing sabi nito bago ibinalik ang cellphone sa kinalalagyan niyon kanina. Napalunok siya ng laway. Kanina lang ay nabawasan ang takot niya habang hawak siya nito sa kamay pero ngayon ay parang gusto na talaga niyang himatayin. Nilalamon siya ng takot at pagdududa sa lalaking ito. Isiniksik niya ang sarili sa pintuan ng kotse at nanginginig ang kamay na kinapa ang door handle at ang door lock pero hindi niya iyon mabuksan. Naalarma siya nang ihinto nito ang sasakyan. “Please!” nanginginig na kaagad niyang sinabi nang dumukwang ito sa kaniya. Natigil ito sa pagkilos at napatitig sa kaniya. At dahil nakatingin din siya rito ay nagkatitigan sila. Sigurado ba siya sa hinala niya? Masyado itong guwapo para paghinalaan niya ng hindi maganda. Napapiksi siya at napaiyak nang umangat ang kamay nito sa pag-aakalang hahawakan siya. “Relax. . .” mahinahong sabi nito. Tumama na naman sa mukha niya ang mainit at amoy sanggol nitong hininga. Naiiwas niya rito ang kaniyang mukha. Ikakabit lang pala nito seatbelt sa kaniya. Dahil diyan ay bahagya siyang nakalma. Muli nitong pinausad ang sasakyan. “Who are you?” kapagkuwa’y tanong nito sa kaniya. Hindi siya sumagot. “Bakit ka nandito?” Hindi pa rin siya sumagot. Sinulyapan siya nito sa rearview mirror. “Sino ba ang mga humahabol sa ’yo?” narinig pa niyang tanong nito. “Ikaw,” sabi niya na nagpakunot sa noo nito. “Ang ibig kong sabihin, ikaw, sino ka? Bakit narito ka? Tinutulungan mo ba ako o kasabwat ka nila?” dire-diretsong tanong niya sa lalaking ito. Sinisikap niyang patatagin ang kaniyang boses sa kabila ng luhaan niyang mga mata at takot na nadarama. “I’m the one asking here,” wika nito sa pantay na tono. “Paano kita matutulungan kung hindi mo sasagutin ang mga tanong ko?” Natamimi siya at pilit na hinamig ang sarili. Paano nga kung ito na nga ang taong idinarasal niya kanina? Ang taong idinarasal niya na sana ay tutulong sa kaniya upang makatakas sa sitwasiyong ito. “I’m… I’m Brianne Faith Constantine.” Napapalunok-lawag na pagpapakilala niya. “What?” kunot ang noong tanong nito sa kaniya. “What’s your name again?” “Brianne Faith Constantine.” Sinulyapan siya nito sa rearview mirror. “I’ve been kidnapped on the very day of my wedding,” pagpapatuloy niya nang hindi ito magsalita. “Mayaman ka ba?” “No,” mabilis niyang tugon na napailing pa. “I’m just an ordinary office lady.” “Bakit kikidnapin ka nila? Ano’ng atraso mo sa kanila?” “Hindi ko alam!” sagot niya sa medyo napataas na tono at napalakas ang pag-iyak habang umiiling. “Hindi ko alam!” ulit pa niya na binigyang-diin sa pagkakataong iyon. Nai-stress siya sa pagtatanong nito. Lalo na at sa bawat pagtatanong nito ay sumisilid sa isip niya si Ethan. Sapagkat hindi niya maintindihan kung ano’ng atraso nito sa mga dumukot sa kaniya at kung bakit pinipilit ng mga itong lumitaw ito kapalit ng buhay niya. “Tinatanong kita dahil gusto kitang tulungan. If you don’t—” Naputol ito sa sasabihin nang makita ang babae’t lalaki sa kanilang daraanan habang nakaparada sa gitna ng kalsada ang sasakyan. Sa tulong ng liwanag sa headlights ng mga sasakyan ay nakikita nila sa kamay ng mga ito ang baril na nakaumang sa kanila. Nakikilala niya ang mga ito lalo na ang babaeng ito na naka-kikay skirt. Nakita niya ito kanina sa villa sa gitna ng kabundukan na iyon. Kabilang ito sa mga dumukot sa kaniya, at napasukan nito ang nakasusukang kalagayan niya kanina sa kamay ng big boss ng mga ito. Muli ay tumahip ng matindi ang kaba sa kaniyang dibdib at lalong napaiyak. “Sshhh…” saway ng lalaki sa kaniyang tabi. Dahan-dahan nitong inihimpil ang sasakyan. Sabay silang napatingin sa isa’t-isa. Nagkatitigan silang dalawa. Nangungusap ang mga mata nito at para bang sinasabi niyon sa kaniya na trust me. Napakurap siya nang maramdaman ang mainit nitong palad sa likod ng kaniyang kamay. Napababa ang tingin niya. Noon lang niya napansin na nakahawak pala siya sa braso ng lalaking ito, at mahigpit ang pagkakahawak na iyon. Napalunok siya. Inalis niya ang kamay roon kaya naalis din ang kamay nito sa likod ng kaniyang kamay. “Pumunta ka sa backseat at sikapin na maitatago mo ang iyong sarili sa mga gamit ko," mahinahong utos nito sa kaniya habang inaalis ang kaniyang seatbelt. Napatitig siya sa mukha nito. Napaka-gentleman ng lalaking ito. “Move, quick,” mariing anas nito sa kaniya. Kaagad siyang kumilos at sinunod ito. “Huwag kang lalabas kahit ano ang mangyari,” bilin pa nito sabay abot ng baril sa kaniya. “Gamitin mo ito kung kinakailangan.” Nanginginig ang kamay na kinuha niya iyon dito. Bakit ngayon ay natatakot siya hindi na lamang para sa sarili niya? Kun’di para na rin sa estrangherong ito na wala siyang kaidi-ideya kung sino o ano ba'ng klase ng pagkatao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD